03

Puro reklamo ang narinig ni Samantha mula sa mga best friends niya, they were too drunk last night kaya ang sakit ng mga ulo ng mga ito.

But then, since may pasok pa, as a good student, pasok pa din sila.

"bakit kasi kayo uminom ng madami, alam namang weekdays." sermon niya sa dalawa.

Nasa cafeteria sila ngayon, maaga pa din naman bago ang first class kaya tumambay muna sila dito. Usual hangout place na din nila pag ganitong oras ang cafeteria.

Bigla namang bumukas ang cafeteria door, malapit lang sila dito kaya mapapansin din nila ito agad.

Samantha smiled when she saw Alyssa.

"hello!" bati nito sa grupo nila.

"hi." sagot niya dito.

"waiiit a minuteee!!!" sabi ni Alexa na biglang nawala sakit ng ulo.

"okay na kayo???" sunod na tanong ni Anji.

Sam looked at Alyssa as the latter patted her head while lightly laughing.

Come to think of it. This gesture, it's actually the second time na hinawakan siya ni Alyssa with the handshake being the first. Napangiti siya dahil dito.

Alyssa being vocal about her feeling for her never really tried to make her uncomfortable by touching her or what.

"hala! ba't may pa ganyan na?!" reaksyon ni Alexa.

"we settled things last night. Sam and I are now friends." sabi ni Alyssa, the latter's hand still on top of her head.

"friends?!!!!" Anji reacted that made Sam almost roll her eyes.

"yes, friends." sabi niya.

"but the feelings????" Alexa asked.

Sam sighed as she slowly took Alyssa's hand away from the top of her head.

She held it sabay hila kay Alyssa na umupo sa tabi niya.

Napangiti siya kasi ito din pala ang second time na hinawakan niya si Alyssa with again, the handshake being the first.

"what's wrong with us being friends?" she asked Alyssa.

"wala. I want us to be friends and you agreed. besides, there's nothing wrong being friends with the person you have feelings with, right?" the girl asks her back.

She starts to think. Masama ba yun? If the person in love with someone wanted to be friends then anong masama?

Hindi niya din naman iniisip na magte-take advantage si Alyssa sa kanya. By now she knows the girl is harmless and has a pure intention.

"yep, there's nothing wrong with it." she answered, agreeing.

Ngumiti naman si Alyssa sa kanya and she smiled back.

"fine, okay. malaki na kayo." parang mama na sabi naman ni Alexa.

"may pain reliever ka ba jan Ly?" tanong naman ni Anji.

"syempre. kaya nga din ako dumeretso dito kasi alam kong sasakit mga ulo niyo. you were both so wasted kagabi." sabi nito.

"hay nako! hindi na talaga ako iinom ng ganun. pano nga ulit kami nakauwi?" tanong ni Alexa.

"Sam and I did our best to carry you both papunta sa car. buti nalang konti lang ininom ko." Alyssa said and she nodded.

"ohhh, sorry sa abala ha." Anji said.

"luh! parang d ko kayo best friends! tss. where's the med. na Ly?" tanong niya sa katabi niya na naka ngiti habang nakatingin sa kanya.

"first time mo akong tawagin ng Ly ha." sabi nito.

"may first time naman lahat eh. but hindi ito yung last, so don't worry. now Ly, yung gamot nila please?" sabi niya na tinanguan ni Alyssa.

"opo, ito na po." binawi naman nito ang kamay from her hold.

Tsaka niya lang napansin na the whole time pala, hawak niya pa din ang kamay ni Alyssa.

"luh, d ko napansin..sorry." sabi niya and Alyssa just nodded.

"okay lang ano ka ba." sabi nito sabay hanap ng kung ano sa bag na dala niya.

She smiled at how kind the girl is. Ininom na ng dalawa yung gamot at nagpasalamat na din kay Alyssa.

"oh siya, kailangan ako dun sa court.. I'll see you all when I see you." sabi nito sabay tayo at paalam sa kanila.

"I'll go ahead na Sam." nakangiting sabi nito sa kanya.

She then remembered something.

"kumain ka na ba?" tanong niya.

"nah, sabay ko nalang mamaya sa lunch. I gotta go." sagot nito at umalis na.

She just watched as Alyssa go.

"ang bilis naman ninyong naging friends." Alexa said.

"oo nga, may pa kumain ka na ba? pang nalalaman." sunod na sabi ni Anji.

"as if naman I don't ask you both the same question. duh" sabi niya sabay kuha ng bag.

"luh, walk out ulit?" tanong ni Alexa.

Hindi na niya pinansin ang mga ito at dumeretso sa cashier. She decided na as a way of making up to her new friend sa mga pagsusungit niya before ay bibilhin niya ito ng breakfast.

Nang makabalik siya sa table nila ay nakangisi na ang dalawa.

"para ba yan kay Ly?" nang-aasar na tanong ni Anji.

"a.k.a your new friend?" makahulugang sabi naman ni Alexa.

Inirapan niya ang mga ito at umalis na.

"at walk out na nga siya..let's go Anj." rinig niyang sabi ni Alexa.

+++++

"next month, may laban na naman tayo..we have to give our best again, pero syempre, ayuko din na ma pressure tayo ng sobra. kaya ganun pa din, do our best but wag natin kalimutan na mag enjoy din." rinig niyang sabi ni Alyssa sa mga ka team nito.

Nang pumasok kasi siya sa gym ay nakita niya agad ang grupo nila Alyssa. Lumapit siya dito since mukhang nagme-meeting lang naman sila.

She can wait naman na matapos yun kaso d niya lang alam kung kailan. Eh may klase pa siyang kailangan pasukan.

Nang nasa likod na siya ng mga ito ay saktong tapos na ang mga ito sa meeting at cheer nila.

"si Sam." rinig niyang sabi ni Shanaia.

Napalingon naman agad si Alyssa sa pwesto niya at halatang gulat ito.

"oh, Sam." bati nito sa kanya.

"hi." she did not know what else to say after that.

"may kailangan ka? okay lang ba sila Alexa?" the girl asks her.

"alis na kami, see you sa class mamaya." sabi ng isang teammate ni Alyssa na hindi niya kilala.

"sige Den, see you." nakangiting sagot ni Alyssa sabay apir dun sa babae.

Lumingon ulit si Alyssa sa kanya, hinihintay ang sagot sa tanong nito kanina.

"wala naman, I just wanted to give you this." sabi niya sabay abut ng pagkain, it's just a sandwhich pero usually, yun naman yung go to breakfast ng mga students dito.

"para san tu?" Alyssa asked her confused, pero tinanggap niya pa din ang sandwhich.

"d ka pa kumakain diba? figured na bilhan kita niyan. consider it as pagbawi sa mga pagsusungit ko sayo before and now na friends na tayo, babawi ako sayo." sabi niya and Alyssa smiled at that.

"thanks Sam." sabi nito.

"though d ako sure kung kumakain ka niyan ha? yan lang binili ko kasi go to breakfast yan ng halos lahat ng student dito." dagdag niya pa and Alyssa chuckled.

"you're right. and yes, kumakain ako nito." pag assure nito sa kanya.

They then both started walking towards the exit ng gym.

"hatid na kita sa class mo?" sabi ni Alyssa sa kanya habang binubuksan yung nakabalot na sandwhich.

"d ba out of way yun sa class mo?" tanong niya.

Umiling si Alyssa kasi puno pa ang bibig nito. She smiled at the sight.

Mukhang gutom talaga eh.

"madadaanan ko lang naman room mo, so pwede kitang ihatid." sabi ni Alyssa ng naka smile pagkatapos malunok nito yung kinakain niya.

"then okay, sige." sabi niya sabay smile din. Nakakahawa ngiti ni Alyssa eh.

+++++

NOTE: UPDATE ULIT KASI SAVE SI SAMBER! MAGDIWANG! 😁

NOW, SAMLY FOR TOP 2 ANG GOAL!

BBS SAMANTHA
BBS ALYSSA

God bless po :)

Comment