Chapter 15

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2) - Chapter 15


Pagka-labas ko ng kwarto ko kina-umagahan, may inaasahan akong mag-hihintay sa akin sa labas katulad ng naka-sanayan. Pero na-dismaya lang ako.


Ito ang problema, e... hinahanap-hanap ko siya. Sabi ko na nga ba.


Ilang beses akong nagpa-balik balik sa kwarto ko dahil baka pagka-bukas ko ulit ng pintuan andoon na siya sa labas, pero wala talaga.


Tuluyan na lang akong lumabas ng kwarto na may pagka-dismaya sa mga labi.


"After the wedding ceremony tomorrow, you'll stay in Austin's bed room together permanently."


Napangiwi na lang ako. Seryoso ba iyan?


'Yun ang sabi ng Royal Grand Mother pagkagising na pagkagising ko pa lang. Naka-salubong ko kasi siya sa may sofa. Marami rin akong naka-salubong na royal maids dahil busy sila mag-ayos ng decorations sa ballroom area, doon ata ang reception.


"Ha..." Hindi na maipinta ang mukha ko ngayon. "I'm fine with staying at the guest room, Your Highness."


"But we're not," tumawa siya. "You're a married couple after the wedding ceremony, it's just right that you'll stay in one room."


"Ah, okay po..." Kahit ano talagang sabihin ko, sumusuko na lang ako dahil alam kong sila pa rin ang masusunod. 


Totoo naman, tama naman sila, mag-asawa kaya dapat sa iisang kwarto na. Pero ang tanong, mahal ba namin ang isa't-isa? 'Di ba, hindi.


Nag-paalam na rin ako agad kay Royal Grand Mother dahil may aasikasuhin pa'ko


Wala naman talaga akong aasikasuhin pero gusto ko lang talaga takasan siya. Magiliw naman siya sa'kin at mabait, pero baka kasi may masabi ulit siya na 'di ko gusto katulad nga ng pag-iisang kwarto namin ni Austin.


"Uy, si bride." Kumaway sa'kin si Aurian. "Anong feeling ikasal sa prinsipe?" Dinako niya ang imaginary microphone niya sa'kin.


"Walang feelings," double meaning na sabi ko.


"Ay, pain." Umastang nasasaktan si Aurian. "Kung ako ang ikakasal, s'yempre excited." Siya naman ang sumagot.


"Minor moments," kusa na lang lumabas sa bibig ko dahil naalala kong high school pa lang siya.


"Mag-lelegal age na ako, ate!" Depensa pa niya. Tinawanan ko na lang.


"Where's kuya Austin nga pala? Wedding ceremony na mamaya, ah. Bakit wala ang groom?" Natahimik ako nang tanungin ni Aurian iyon.  


Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kagabi. Naalala ko ang sinabi niya. Naalala ko ang masasakit na pinarating ni Austin sa akin.


Mabuting tao naman si Austin, iba nga lang ang pag-trato niya sa'kin siguro dahil imbis na magkaroon siya ng kalayaan mahalin ang totoong mahal niya, pinilit pa siya ng pamilya niya na ipagkasundo ng kasal sa'kin. Maybe he had hatred for me. Maybe... maybe deep inside he was blaming me for everything.


"Ate?" pag-tawag sa'kin ni Aurian kaya nabalik ako sa katinuan.


"Ha?"


"Wala." Tumawa siya. "Nandiyan na si prince charming. Kakauwi lang. Mukha pang badtrip."


Parang kinabahan ako malaman na andiyan na pala si Austin. Akala ko hindi na siya uuwi para takasan ang kasal, pero umuwi pa rin pala. Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakabahan kung gayong siya nga itong tinaasan ako ng boses at sinabihan ako ng masasakit na salita kagabi.


"Kuya Austin!" Tawag ni Aurian sa kapatid niya kaya hinila ko ang braso ni Aurian paalis at sinamaan siya ng tingin. Pero si mokong hindi yata naintindihan, lalo pa akong hinatak kay Austin!


"Halika nga dito, damuho ka!" hinila ko ang tenga ni Aurian kaya napa-ungol siya. Naka-layo na kami kay Austin pero huli na ang lahat, si Austin na mismo ang lumapit.


"You two seem very close," Austin commented. Napabitaw tuloy ako sa tenga ni Aurian at napa-tayo nang maayos.


"Hindi, ah!" agad na sabi ko.


"Med'yo. Mas close pa yata kami kaysa sa'yo na asawa," sagot naman ni Aurian kaya kinurot ko ang tagiliran niya. Wala talagang preno ang bibig nito!


"As if," umiling-iling si Austin at umalis na rin kaagad. 


Si Aurian lang ang pinansin niya, ako hindi. Kahit nga tignan ako, hindi niya ginawa. Akala yata niya, hangin lang ako.


Matapos mag-breakfast kasabay si Ares, Aurian, at Ally, inayusan na ako ulit sa kwarto ko ng make-up artist at hair dresser na nag-ayos sa'kin no'ng engagement party. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit 'di sumabay sa amin si Austin. Alam ko 'yung hari at reyna ay may inaasikaso dahil ngayong araw ang kasal pero... si Austin kaya? Galit kaya siya sa'kin?


"Your Highness?" tawag sa'kin ng hair stylist. "What do you want me to do with your hair?"


"Kahit putulin niyo na buhok ko. Kahit kalbuhin niyo na ako. Broken ako, e." Naka-tulala ako nang sumagot.


"Huh?" takang tanong ng hair stylist. Para tuloy gusto kong magpa-lamon sa lupa ng wala sa oras.


Nasapo ko na lang ang noo ko nang mapagtantong nasabi ko pala 'yun ng malakas, akala ko sa isip-isip ko lang! 


"I mean, a bun hairstyle would do." Ngumiti ako. Naka-talikod ako mula sa hair stylist pero makikita naman niya ang pag-ngiti ko sa mirror ng vanity table ko.


"Okay, Your Highness," magalang na sagot ng hair stylist at sinimulan na agad ang buhok ko. Natapos na kasi ang make-up ko kaya itong buhok ko naman ngayon ang pinagkaka-abalahan nilang ayusan.


Kulay Gold Ball Gown Bling Bling na may V-neck long sleeve ang pinasuot sa'kin pagkatapos akong ayusan ng buhok. Mas elegante iyon sa sinuot ko noong engagement party.


Tulala lang ako sa kwarto ko nang iwanan na ako ng hair stylist at fashion designer. Kahit ang royal maids na tumulong sa'kin para maisuot ko ang gown ay umalis na rin matapos mag-assist ng halos tatlong oras. Punong-puno ako ng takot, kaba, at pag-dududa. Naisipan ko tuloy tawagan si Venice.


"Nag-tatampo ako sa'yo, hmph!" Nasamid na lang ako sa pag-arte ni Venice. 'Yun ang bungad niya sa'kin pagkatapos sagutin ang tawag ko. Nag-drugs yata ito no'ng nawala ako. Ang lakas ng tama, e.


"Sorry na," sabi ko na lang. "Alam mo naman na hindi ako komportable rito sa palasyo. Nakaka-hiya na naka-tunganga lang kaya nag-aaral na lang ako. Hindi na tuloy ako nakapag-chat o call sa in'yo."


"Hindi ka naman mabiro! Naiintindihan ko naman. Alam ko na nahihirapan ka," nag-bago ang tono ng boses ni Venice. Nag-transition na siya from maloko to a caring friend. "Basta ang importante, okay ka."


"Okay naman ako, ah?" depensa ko.


"Sinungaling," pag-dududa niya. "Pareho kayo ni Chandra, mas malala nga lang 'yun."


"Sigurado ka na ba riyan? May chance ka pa namang tumakbo at takasan ang kasal," advice sa'kin ni Venice na hindi naman naka-tulong.


"Para namang kaya kong gawin iyon. Para sa pamilya ko rin naman ito..." 


"Edi mahalin mo si Austin. Gustuhin mo siya para kinasal kayo na hindi labag sa kalooban mo," suhestiyon niya ulit. Ngayon, may sense naman ang suggestion niya. Pero... hindi niya alam na gusto ko na nga talaga. Kaya nga nasasaktan ako at natatakot mapangunahan ng damdamin.


"Kailangan na yata ako doon sa simbahan," palusot ko kay Venice. "Mag-papaalam na ako sa'yo. Thank you, ah. Miss na kita."


"Mas miss kita," sinserong sagot ni Venice. "Sana masaya ka."


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya binaba ko na lang ang tawag. 


I let out a heavy sigh, staring at blank space. So, this is the day... the day of the wedding. Parang hindi tuluyang mag-sink in sa'kin ang thought na prinsipe ang papakasalan ko.


"Your Highness, it's time to head to the church. The royal family's already there," tawag sa'kin ni Manang Melinda. "May I come in?" tanong niya.


Tumango naman ako at tumayo na mula sa kama ko. Pumasok si Manang Melinda sa'kin dahil aalalayan niya ako mag-lakad dahil sa suot ko. Nakarating kami sa labas ng palasyo at nakita ko agad ang sasakyan na gagamitin ko. Kulay puti na limousine na may isang malaking bulaklak sa harapan at dalawang maliit na bandila ng Arelle.


Pagka-pasok ko ng limousine, binalandra ko na ang katawan ko. Kailangan kong i-enjoy ang last moments ng pagiging single!


Nag-hintay ako na umalis ang limousine pero parang ang tagal bago umalis. Nanlaki ang mga mata ko nang mag-bukas ang pintuan ng limousine at nandoon si Ares na agad-agad pumasok tapos tumabi sa akin.


"Bakit ka nandito?!" tanong ko kaagad.


"Kailangan mo kasi ng bodyguard," swabeng sagot niya. "The crowd might rush to you when they see you. May harang naman sa red carpet, pero pinasama ako ni Austin sa'yo. Just in case."


Tinaasan ko siya ng kilay dahil 'di ako naniniwala na si Austin ang nag-utos sa kaniya. Wala namang pakialam 'yun.


Buong byahe, hindi naman nag-salita si Ares, hindi nga rin siya nangulit. Hindi naman maingay na tao si Ares kumpara kay Aurian, pero si Ares kasi, trip talaga na kulitin ako sa tuwing nakikita niya ako. Ramdam na ramdam ko ang babaero vibes niya noon pa lang. Naka-tutok lang siya sa phone niya ngayon. Nakaramdam siguro siya na wala ako sa mood.


Pagkarating sa simbahan, namangha ako sa ganda ng simbahan, napaka-laki at ganda ng disenyo, kahit sa labas may mga bulaklak. Nakita ko rin na ang dami ng tao sa labas ng simbahan. Meron ring mga camera man at mga reporter na nag-hihintay, naka-focus ang mga lenses nila sa'kin ngayon. Nila-live footage ata nila ang kasal. Na-pressure tuloy ako.


"Sabi ko na sa'yo, e... Dapat lang na sumama ako," Ares retorted. Tama naman siya, grateful na tuloy ako na sumama siya sa'kin dito sa sasakyan.


Naunang lumabas si Ares ng sasakyan at inalalayan ako maka-labas. Nag-sigawan naman ang mga tao na nasa labas ng simbahan. Naka-tutok ang mga cameras nila at may flash pa kaya habang nag-lalakad sa red carpet ay nasisilaw ako.


"Sino ang mga nasa loob?" tanong ko kay Ares. I was referring to the guests.


"Millionaires, high-profile elites, and royal families from all over the world," simpleng sagot niya. Dinaga tuloy ako lalo. Alam kong mas mataas na mga tao ang nandito sa kasal kaysa sa mga guests noong engagement party.


"Goodluck," bulong sa'kin ni Ares bago maunang pumasok sa loob. Kinabahan ako nang tumabi sa akin si Haring Alexander. Siya ang mag-aalalay sa'kin papunta sa altar. Wala kasi ang pamilya ko rito sa Arelle, manonood na lang daw sila ng live sa Pilipinas. Mahihirapan kasi ang pamilya ko rito kung pupunta pa sila dahil wala silang passport 'di tulad ko na p'wedeng pumunta rito kahit walang passport dahil magiging parte na ako ng royal family.


Umalis si Ares kaya naiwan ako sa labas kasama ang hari, nag-hihintay na pag-buksan ng malaking pintuan ng simbahan.


There was a loud rhythmical sound of trumpets once again when the large door of the church opened before me. Nag-simulang tumugtog ang entourage song kaya kumapit na ako sa braso ng hari at sabay kaming nag-lakad sa red carpet. Ngumiti ako at nag-focus ng tingin sa altar. Nahihiya kasi akong tignan sa mga mata ang mga guests. 


Napansin ko ang mga dekorasyon sa loon ng simbahan. Napaka-ganda. Ang interior rin ng simbahan ay napaka-elegante. Halatadong elitista ang kinakasal dahil sa sobrang pag-kaganda ng mga istilo, venue, at decorations na pinagka-gastusan ng sobra ng royal family. Kahit nga ang reception ay may international singer na guest mamaya!


Habang nililibot ko ang paningin ko, nahagip ng mga mata ko ang magkakapatid na Arellano. Si Allyson na bunsong kapatid ni Austin ang naging flower girl na naka-bun rin ang hair at naka-suot ng cute na white dress at maliit na tiara sa ulo niya. Si Aurian ang ring bearer na naka-black tuxedo. Si Ares na naka-black tuxedo rin naman ang naka-tayo sa tabi ni Austin sa may tapat ng altar. Si Austin, black luxurious groom prince suit ang suot tapos may gold linings pa ang suot.


Ang ni-request kong wedding song habang nag-lalakad ako sa aisle ay 'Ikaw at Ako', dati dream wedding song ko iyon dahil couple goals ang dalawang mag-asawa na kumanta no'n... pero ngayon, 'yun ang ni-request kong kanta dahil may mensaheng nakapaloob na kahit gaano ka-sweet tignan ang isang couple, may nakatagong sakit sa istoryang kinagigiliwan ng iba. Ang dalawang kumanta kasi ng 'Ikaw at Ako' ay mag-asawa na nag-hiwalay rin after 3 years.


Katulad namin ni Austin, marami ang naiiinggit sa'kin dahil parang favorite raw ako ni Lord na papakasalan ang isa sa crush ng bayan sa Pilipinas, pero hindi naman nila alam ang sakit na napag-dadaanan ko.


Bago ilipat ng hari ang kamay ko kay Austin, lumapit muna sa'min ang reyna Tamara na may dala-dalang pula at gold na unan kung saan may naka-patong na maliit na tiara. Magka-halong gold at silver ang tiara na iyon. Maraming diyamante kaya alam kong mas mahal pa ito kaysa sa buhay ko.


Nilagay ng hari ang tiara sa ulo ko. "All hail, the Crown Princess of Arelle!" malakas niyang sigaw sa simbahan kaya sabay-sabay na nag-bow at pumalakpak ang mga tao roon. Hindi ko akalain na makaka-ranas ako ng ganito sa buong buhay ko.


Binigay na ng hari ang kamay ko kay Austin, iniwasan ko ang tingin ni Austin at nag-lakad na kami dalawa sa harapan ng altar.


Pagkatapos ng wedding homily, kasunod naman no'n ang exchange of personal vows namin. Nauna si Austin mag-salita sa mikropono.


"Honestly... when I first met you, I never thought that I'd love you like this," plastik na paninimula niya. In fairness, kahit 'di totoo ang sinasabi niya, ang convincing ng boses at mga mata niya. "The first sentence you said to me when we first crossed paths was that I am rude. You said that I was full of myself and that you are also treated like a princess by your family that's why I should not boast. I learned a lot from you. I learned that being full of yourself only makes you look like a mediocre. Today I will say, 'I do' but to me that means, 'I will.' I will take your hand and stand by your side in the good and the bad. I dedicate myself to your happiness, success, and smile. I will love you forever. To me, you're the best. To me, you don't lack anything. To me, you're a selfless woman who chose to love me even if you were busy caring for your family. And I promise, not only by words but with actions, that I will never waste the trust and love you will pour unto me. Mahal kita, walang pag-dududa."


Parang totoo ang mga sinabi niya... pero alam kong sinadya niyang mag-kunwari na totoong mahal namin ang isa't-isa. Hindi naman kasi alam ng mga tao na nagpakasal lang kami dahil sa isang agreement.


Matapos ang personal vow ni Austin, parang gusto ko talunin ang sinabi niya. Nahiya naman kasi ang personal vow ko na nakuha ko lang sa Google.


"You are my elation in sudden royalty," sinimulan ko ang personal vow ko. "I've always felt that I don't belong in a palace, and that I only belong in a simple lifestyle. I was never a damsel in distress, I never wanted a prince to save me, because I knew that I could save myself. But in the midst of the uncertainties, you became my only certainty. You love me and complete me in ways I never knew possible. From this day forth, I promise to listen to you and learn from you, to support you and accept your support. I will celebrate your successes and mourn your losses as though they were my own. I will love you, my husband, my only Prince Charming, and rejoice in your love for me for all of the years of our lives. I love you, always in all ways."


Natapos ang exchange ng personal vows kaya nalapit kami sa huling parte ng seremonya.


"Prince Trevor Austin Arellano, do you take Isabella Alessia Alvarez for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?" tanong ng pari.


Napa-titig ako kay Austin dahil sa tagal niya sumagot. Naka-tulala siya sa kawalan. Natakot ako na baka tumakbo siya para tumakas sa gitna ng kasal. Naisip ko lahat ng 'what if'.


"I do," sagot ni Austin kaya napatingin ako sa kaniya.


Dumako naman ang tingin sa'kin ng pari. "Isabella Alessia Alvarez, do you take the Crown Prince of Arelle, Trevor Austin Arellano for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?" tanong rin niya sa akin.


Parang sa sandaling iyon, napuno rin ako ng pag-dududa. Ganito pala ang feeling.


I can't believe I'm giving up my life for this. I'm giving up finding a one true requited love dahil natali ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon na hindi ako mahal.


"I..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "I do."


Marriage is a gift from the creator wherein you'll make a public vow and promise in front of the Lord, but... Austin committed a sin, lying that he loves me. This day, I married the man whom I'm slowly having feelings to, and the man... who loves someone else.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment