Chapter 1

University Royalties #2: Elation From Sudden Royalty - Chapter 1


"Hihingi ako ng tulong sa Arelle," sabi ni papa habang nakain kami ng almusal.


"Bakit naman nila tayo tutulungan?" asik ni mama. "Dahil ano? Dahil may koneksyon ka sa royal family ng Arelle? Totoo ba 'yan, Isidro? Sa tingin mo'y pag-aaksayahan nila tayo ng panahon?"


"Mas ayos na 'to. Mababayaran natin ang mga utang natin," sagot ni papa. May gusto pang sabihin si mama pero mukhang 'di na niya itutuloy, she just remained silent. 


"Ate, sa tingin mo ba totoong may koneksyon tayo sa Arelle? Ka-ano ano kaya natin si Prince Austin?" tanong ni Nathan habang nag-huhugas ako ng plato. Nasa kwarto na si papa, at si mama naman ay lumabas upang mag-tinda kaya kami ang naiwan rito.


"Hindi ko alam. Hindi na 'yon importante, Nathan," sagot ko pa. "Mag-handa ka na para sa klase mo, aalis na tayo pagkatapos ko mag-hugas." dagdag ko. Hahatid ko muna siya sa elementary school na pinapasukan niya malapit lang sa'min, at dederetso na ako papunta sa University ko na may kaunting kalayuan sa'min.


My father has always bragged about having connections to a royal family. Hindi naman ako naniniwala. Kung may koneksyon siya sa ganoong klaseng pamilya, bakit kami nag-hihirap ngayon? Kung matutulungan nila kami, edi sana'y noon pa 'man tinulungan na nila kami. Parang suntok naman sa buwan ang sinasabi ni Papa. Ayaw ko rin dumepende sa iba para lang maisalba ang pamilya namin. Kaya ko. Kaya namin 'to.


"Hi, ikaw ba 'yong transferee?" Tanong ng University registrar. Nandito ako para kunin ang mga libro kong sobrang mamahal pala! Akala mo ginto. Isang taon lang rin naman ang gagamitin.


Nakakahiya kina mama. Pero kailangan.


Pag-kakuha ko ng libro, napatingin ako sa kapal ng mga 'yon. Mas makapal pa yata ito sa mukha ko.


Nakuha ko naman na ang uniform ko at suot ko na ngayon, kaya wala na ako gaanong sakit sa ulo. Problema ko na lang, ay kung saan ang faculty building namin. May map akong nakita ng University, pero punit 'yon! Sino namang mokong ang sisira ng papel na wala namang ginagawang masama sa kan'ya? Wala pa naman si Venice ngayon, ang kaibigan ko. Hindi ko siya mahagilap. Kainis.


"Watch where you're going!" Nabagsak ko ang hawak kong libro dahil sa isang lalaking nag-mamadali. Napapadyak na lang ako sa inis nang nasa semento na ang mga iyon. Bagong bili pa lang, nadungisan na. May kung anong nalungkot sa akin.


"Kapal mo, ha! Ikaw na nga 'tong nakabangga, ikaw pa ang mataas ang boses." Hindi ko naiwasang mapairap. Matapobre kasi! Akala mo kung sino!


"Tsk. I'm a prince, have manners." Saad niya bago umalis, 'di ko na nakita ang mukha niya. Pero maganda ang tindig, likod pa lang. Halatang g'wapo. Pero ang yabang, sayang naman.


"Tinuturing rin akong prinsesa ng pamilya ko! Yabang mo!" Sigaw ko bago tumalikod. I didn't even bother look if he heard what I said. Hay nako. Too much for my first day, ha.


Lakas talaga ng tama ng mayayaman.


Mag-lalakad na sana ako papunta sa room na sinabi ng University registrar nang may mabangga na naman ako. 


Mga nag-mamadali ba mga tao rito?


Babae naman ngayon ang nakabangga sa'kin dahil mukhang nag-mamadali siya at mukhang mabait kaya 'di ako nainis. 'Di katulad no'ng lalaki kaninang mayabang.


"Oh my god! Sorry!" Nanlaki ang mga mata niya. Napatingin ako sa kan'ya, at nakita ko agad na ang ganda ng wangis ng mukha niya. Simple lang ang ayos ng buhok niya, pero bagay sa kan'ya.


"Are you a transferee?" tanong niya. Tumango na lang ako. "I'm Chandra!" Ngiti niya bago inabot ang kamay niya.


"Uhm," I tried to clear my throat before speaking. "Isabella. Isabella Alvarez."


"Oh! Venice's friend? Ikaw ba 'yun?" Malumanay niyang tanong na parang kilalang-kilala niya ako. I didn't know that Venice is famous here? "You must be confused. Timing na timing. Pinapahanap ka niya sa'kin kaya ako nag-mamadali. I'm her friend. Wala siya kaya sabi niya, ako na ang bahala sa'yo. Nice to meet you." she continued which hit me into a realization.


"Ah. Talaga. Nice to meet you, Chandra." I smiled. "Sorry, wala kasing sinabi sa'kin sa Venice kaya wala akong alam. 'Di ko rin alam kung may text siya kasi wala akong load," I added to explain myself.


It was a  long day, at least for me. I attended my classes, and introduced myself. Chandra directed me to my faculty's building. It was nice to have someone I know around. We even had a chance to get to know each other noong tinuro niya sa akin ang daan. I also tried finding a job near the University. Tagaktak ang pawis ko, pero wala pa'kong nahahanap. Pagkauwi ko, nagulat na lang ako nang naka-upo na sa sahig sina mama't papa habang yakap-yakap si Nathan at may mga lalaking bumubugbog kay papa.


"Ano? Hindi pa rin kayo mag-babayad?" saad no'ng lalaki na barumbado na may hawak na pang-hampas na nag-pa-alerto sa'kin. "Tanginang. Ilang taon na kayong 'di nag-babayad. Alam niyong kaya ko kayong paalisin dito sa bahay na 'to ngayon at ngayon din."


"Stop that." May awtoridad na sabi ng lalaking nakasuot ng guard uniform na maroon. Naguluhan ako nang nasa may limang guard ang nasa harapan na namin ngayon.


Hindi ko alam kung kakampi ba namin sila o kasamahan ng mga bumubugbog kay papa ngayon.


Lalong umuwang ang bibig ko nang may pumasok sa pintuan naming naka-prince na outfit. Kulay dark blue 'yon, at kita ko ang awtoridad sa mukha niya. Pamilyar.


"Hala! Prince Austin!" Napatingin ako kay Nathan nang mag-react siya no'ng makita niya ang lalaki.


"The crown prince of Arelle, Prince Austin," sabi no'ng isa sa guards. Nag-bow pa sila nang nag-lakad palapit sa'min ang lalaki.


"I'll pay," saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Siya 'yong matapobreng lalaki na naka-bangga sa'kin! 


"Drop the amount. I'll pay all of their debts, lagyan mo pa ng interest. Just say the price, I'll pay. Now," dagdag pa no'ng sinabi nilang Austin raw. Ang yabang.


Teka nga, ba't ba 'to pumapasok sa bahay ng may bahay?!


"Why are you here? Sino nagpa-tawag sa'yo dito? At tsaka, ba't ikaw ang mag-babayad? Sa tingin mo may nilalang pang gagawa niyan para sa ibang 'di naman niya kilala. Bigla-bigla kayong napasok sa bahay namin! Uutuin niyo pa kami!" 'Di ko napigilang mag-salita, habang salubong ang mga kilay ko.


"Show respect." Yumuko ang isang guard para ibulong 'yon sa'kin. Lalo akong napa-simangot. Parang kanina lang umiiyak ako para magmakaawa, pero ngayon naguguluhan na'ko sa mga nangyayari.


"Ano bang kalokohan 'to? Prinsipe? Ikaw ba 'yong nasa balita kanina? Nakita ko 'yun, eh! 'Yong prinsipe. Kamukha mo," sabi no'ng kalbong maangas na may hawak sa kwelyo ko ngayon.


"Of course I look like that prince, I'm that prince. My time is being wasted. P'wede ba? Let's finish this business. Magkano ba? And, can you let go of them? It's pathetic to see men taking advantage of their strength to hurt other people."


"Get the fuck out. Nasa in'yo na ang pera. Faster, before I change my mind." Binitawan niya ang kwelyo no'ng parang leader nilang pandak naman na nag-tatakbo palabas ng bahay dala ang pera na bigay ni Austin. May binulong pa siya na lalong nag-patakbo sa mga gangster na nag-himasok sa bahay namin.


Napatayo ako at inalalayan sina papa at mama. Pumunta muna si mama sa sofa kasama si papa para gamutin ang sugat ni papa.


"Bakit narito ang prinsipe?" bulong ni mama. "Siya ang prinsipe ng Arelle. Nakita ko na 'yan sa balita. Nakakahiya namang makita niyang gan'to tayo."


"Sabi ko naman sa in'yong may koneksyon tayo sa Arelle, e! Hindi kayo naniniwala sa akin," hirap na pag-sasalita ni papa.


Nang ayos na ang lahat, napasulyap ako kay Austin. He was about to leave us, palabas na sana siya ng gate pero hinablot ko siya.


"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kan'ya. Aba, imposibleng ginawa niya 'yon para tulungan ang pamilya namin. Napaka-imposible. Bakit ba may prinsipe rito sa bahay namin?! Ano 'yun? Naligaw lang ng daan, at nang marinig niya ang sigaw namin, pinasok niya ang bahay namin para tulungan kami?


Ano siya, si Superman?


"At isa pa, paano mo natukoy ang bahay namin?" I interrogated the man. "Anong kapalit ng pagbabayad mo ng mga pagkakautang namin? Imposibleng wala. Wala nang libre ngayon sa mundo—"


"Marry me, Isabella." saad niya na nagpa-awang ng labi ko. Nang-gagago ba siya?


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Next chapter will probably be after I finish Pearl of The Universe (University Royalties #1). Thank you for reading, and most especially, thank you for waiting.

Comment