Matatag na pagibig

Matatag na pagibig


Ang buhay ay hindi matatawag na "buhay" kung walang pagdurusa
Paano mo haharapin ang problema?
Kung ang pinag-uusapan ay ang pagibig mo sa kanya?
Gaano katatag ang pagiibigan nyong dalawa?


Ang pusong alam ang tunay na pagibig
Marunong magpatawad ng paulit ulit
Gaano man kalaki ang iyong galit
Itoy mawawaglit sa isang taong umiibig


Handa niyong tanggapin ang mga pangyayari
Tulad ng mga pagsubok na sari sari
Matapang na hinaharap at hindi sinusukuan
Sapagkat matatag ang inyong pagiibigan


Hindi kau natatakot tumayo kpag nadapa
Handang magsimula sa umpisa
Ganoon katatag ang pagmamahal handang tanggapin ang ngaun
Bukas na walang bakas ng sakit ng kahapon


Gawin ang matuwid at mabuti sa mata ng Dyos
Huwag magpadalusdalos sa mga desisyon
Upang maging matatag at maayos
Ang inyong naipundar na relasyon


Masusukat ito sa puso na patuloy na naniniwala
Gaya ng kapangyarihang pagibig o hiwaga
Khit gaano man kasama ang mundo
Bastat ikay naniniwala,walang imposible sa mga ito


Kapag alam nyo ang tunay na kahulugan nito
Laging isaisip ang pagibig,pagasa at pananampalataya
Mawala man ang mga bagay sa mundo
Ngunit mananatili ang pagibig sa puso mo


Huwag kang susuko
May paraan pra masulosyunan ang pasakit mo
Pagkat ang nagtitiis ay ipinagpapala
Ang Dyos ay mabuti at nagtitiwala








Comment