PROLOGUE

I always wondered why God chose me to have this kind of... illness or mental health issues? I don't know.

I don't know if it's a curse or a gift. Maybe a gift. Because it gave me a reason to never die of boredom, or maybe... It's a curse because I lose myself in extremely vivid and detailed daydreams, and it forbids me from paying attention to others.

There's so many what-ifs and whys going around in my head. Why has it happened to me? Why me? What if I stay like this forever? What if I become crazy? I don't want that! I don't want to be called crazy!

There's even this time that the clock hits 10 o'clock, and there's one what-if that suddenly pops into my mind. What if I'm not really from this world? That God put me in the wrong world. I wasn't meant for reality.

But one thing is for sure: if God really put me in this world, he did this to me to test me, to see if I was ready for reality, or maybe... because he wanted to make everyone unique and special.

- this is inspired by one of the chapters of @StaphanoTheOtaku.

•••

I was 11 years old when this started. I don't even know that it's called maladaptive daydreaming. I just knew that it makes me happy. That's why I'm doing it. They say that many people who experience maladaptive daydreaming have a history of abuse or trauma, especially during childhood.

But I don't have one...

Wala akong trauma or any abuse na nangyari noon. Masaya naman ang childhood ko, kaya hindi ko alam paano ako na punta sa ganito.

It triggered even more when the pandemic started. A virus that came to one country then suddenly spreads to every part of the world. Many people got sick, died, lost loved ones, jobs, and many more. No one is allowed to go out, so as a human being who has a feeling of being scared and paranoid, people do panic buying to the point that some can't buy their needs anymore because it's out of stock.

No one is allowed to go out...

Parang preso na nakakulong sa bahay. No communication to our friends and family na malayo sa atin. Nakakabaliw. So, my way of escaping out from the world for the mean time is... daydreaming.

They became my friends, my family, my sandalan, my takbuhan when life gets heavy again. Sa sobrang napamahal na ako sa kanila minsan napapaisip na lang ako, pwede ba silang maging totoo? but I know... it will never be.

Bwisit kasi na teleserye na yan! Doon nagsimula! Sana pala hindi na lang ako nanood non! Pano kasi ang ganda nung teleserye na yon, yung tipong bitin siya tapos sa sobrang bitin mo ikaw na mag-iisip ng susunod na plot. Ayan tuloy! Ang ending, boom! Maladaptive daydreaming!

Gosh! Yung tipong iiyak ka sa mga scenario na naiisip mo kasi nasasaktan ka. Na iaakto mo habang naglalakad pabalik-balik sa kwarto yung mga naiisip mo because that's the only way kung paano mo nailalabas yon. Tapos patago pa kasi hindi nila alam kung ano pinaggagawa mo sa kwarto kaya ang ending, memorize mo yung mga yapak ng paa nila! Kung kay mommy ba yon, sa kapatid ko, or sa mga tita at tito ko.

I was 13 years old when narealized ko na bakit hindi nila ginagawa yung katulad ng akin. They daydream too pero hindi gaya ng akin na sobra. Since may TikTok, sinearch ko and that's when I knew na it's maladaptive daydreaming. Natakot ako kasi it's a rare mental health issue, hindi napag-uusapan so, I don't know what to do.

Gusto ko sabihin sa kanila, but I'm scared. Sabihin nila kakacelphone ko lang ito, kaya hindi ko sinasabi. Ayoko ding matawag na baliw ng sarili kong pamilya noh.

May mga times nga na muntikan nila ako makita na ginagawa yon. Dun sa butas ng exhaust fan makikita mo don. They saw me walking back and forth. Wala akong masabing excuse don, sabi ng pinsan ko nagmomodel daw ako kaya sinabayan ko na lang. Nakita na din ako, kaysa naman mapaamin ako ng wala sa oras.

Nang dahil don, palagi na akong paranoid na lahat ng footsteps nila memorize ko na. Tipong mapapatigil ako kapag may narinig na akong yapak ng paa. Buti na lang talaga malakas pandinig ko. Na sobrang oa ko even if impossible na may nagtatago or may cctv at camera, naghahanap pa din ako mamaya meron eh. Mabuti nang nakakasigurado.

I told my self na pagbibigyan ko sarili ko, I can daydream as long as I want basta kapag pasukan na titigil ko na.

Mahirap pala...

Grade 7 started, nakita ko ulit mga classmates ko na kaibigan ko rin, two times a week kami nagkikita-kita dahil kahit papaano may virus pa rin noh. Tahimik lang ako because I don't know how to interact with them. Nakalimutan ko na. Gayun din naman sila but days passed naging close pa rin naman kasi matagal na naman kami magkakakilala eh.

Buti nga sila pa rin classmates ko! Kasi pag highschool random na yan eh, kung sino- sino na pwede mo maging kaklase kaya thankful pa rin ako kahit papaano.

I don't know if I'm the only one, oo kapag nagdaydream na ako hindi ko na mapigilan. Aabot talaga ng ilang minuto o oras hanggang sa hindi ko na namamalayan oras. But! Kapag finocuss ko na sarili ko, straight lang sa goal. Mga dapat gagawin, nakalista na sa utak ko. Magagawa ko without daydreaming or napag-iisipan na mag daydream.

Masasabi kong I'm a normal girl. Makakausap mo ko, makikipagtawan ako, makakasama mo ako na parang walang maladaptive daydreaming ako. But, once na mag-isa na ako boom! All the scenarios na gusto kong magawa kanina while kasama kita doon bubuhos. Mga dapat ginawa ko sana, mga sana naimik ko maiaact ko kapag mag-isa na ako.

I'm a bubbly and jolly girl pero siguro... dahil na rin tumatanda tayo, nahihiya na. I was competitive before, ayaw kong nagpapatalo pero ngayon even if alam ko sagot, nahihiya ako. I don't want people to stare at me nang matagal. Feeling ko jinajudge nila ako, lalo pa na I'm insecure lalo na sa ilong ko.

I have glasses kasi malabo na mata ko. Since nakapagsuot ako nito, ayaw ko ng tanggalin in public. Sabi nila maganda ako, what if tanggalin ko ito?

Am I still beautiful?...

Kasi pango ako. Hindi matangos ilong ko, and that is my biggest insecure. Mana ako kay mommy, hindi matangos ilong nya pero maganda siya. Hindi sa pagmamayabang okayy pero noon naman wala pa ako salamin nasasabihan ako ng maganda ewan ko na lang ngayon.

Palagi kasing nababanggit ng pinsan ko na akala ko dati tita ko na ang pangit ko daw kasi hindi matangos ilong ko, ganun din naman siya.

Kaya ayon, ngayon ayaw na ayaw ko na tatanggalin glasses ko sa public kasi baka sabihin "Ah maganda pala kasi nakasalamin. Pag wala na, hindi na. Pango kasi."

Iiyak talaga ako pag ganun. Kaya sa lahat ng daydream ko, maganda ako, matangos ilong, tamang tangkad lang. Hindi maliit o di kaya naman hindi ganon katangkad, sakto lang.

I don't know how to open my feelings. Hindi ko alam kung paano magsabi ng nararamdaman, kasi sanay ako na tatahimik na lang. Kaya siguro ganun na din kung bakit wala ako masyado kaclose... kasi hindi ko alam paano magpakatotoo sa kanila. Naguguluhan ako.

Hindi ko alam kung yung real personality ko ba ay yung mga nadadaydream ko na kalog, masiyahin ganon or yung tahimik, minsan lang magsalita kapag nakakausap. Maingay ako kapag kaclose ko yung tao, like mga pinsan ko ganon. Pero kapag kaibigan ko, ewan ko. Kahit close naman kami, nakakasama ko sila, nahihiya pa din ako.

I have friend pala! Yung nakikita totoong ako. My pillow! My favorite pillow in the whole world! Hindi ako makakatulog if hindi ko yun yakap. My pillow has a name. He is Wabi. Wabi is my friend, boyfriend, kakilala, kaaway, lahat. Pero madalas boyfriend talaga hihi. Kasi sya yung kasama ko magdaydream kapag gabi na. Sya yung nakakausap ko, sya yung nagiging sandalan ko, sya yung nakakarinig lahat ng rants ko sa buhay, sya yung feeling ko... kapag naging totoong tao sya, sya yung pinaka nakakakilala sa akin. Komportable kasi ako kapag kasama sya, masaya... kontento. Yung alam mo yung feeling na if malungkot ka gusto mo na lang yakapin sya. If masaya ka gusto mo din mayakap siya kasi masaya ka. Like kapag nayayakap ko siya, I feel like I'm home, na I'm safe kasi yakap ko siya.

I hope na someday, makahanap ako ng taong mamahalin ako hindi sa kung anong mayroon ako o kung anong nakikita nila sa akin. Mamahalin ako at pipiliin ako dahil.. ako ito. Walang pagtatago o pagpaplastik.

Can I found someone like my wabi?...

Comment