CHAPTER 4

Napag-alaman ko din na ito na ang last activity namin ngayong grade 7. Last day na din namin sa July 1, kung kailan gaganapin ang nutrition month.

I sighed as we practise again. Ako lang din gumawa, hindi naman lahat actually. Bawal daw ang maghanap sa google at kopyahin pero hindi naman sinabi na bawal kumuha ng inspiration, kaya ang ginawa ko nakakita ako sa goggle pinaltan ko lang ng lyrics pero same pa rin ng tono.

Bahala na, no choice eh. First time naming lahat to, wala pang alam. Sinabi ko naman sa kanila yon at pumayag sila so hindi ko kasalanan, hindi ko naman sila pinilit.

Paulit-ulit kami hanggang sa mamemorize namin at makanta ng hindi natatawa. May formation na din kami at kaunting props, kahit hindi ganon kagandahan, presentable naman kaya okay na.

Pero itong teacher namin, at the same day ng pagpe-present namin saka lang nagsabi na medjo boring daw ang performance namin kasi nakasteady lang kami at kumakanta. Nakakainis lang, kasi ngayon pa na ilang oras na lang kami na. Palibhasa kasi palagi wala, ang nagbabantay lang sa amin student teacher na talagang binantayan lang kami at pinapatahimik pag masyado nang maingay.

Kaya ayan, hirap kami. Naglagay lang ng kaunting steps si Dione, siya kasi mahilig magsayaw sa aming lahat. Nag-isip pa siya ng mga steps kaya dalawa or tatlong practise lang ang nagawa namin. Hindi pa masyado memorize ng iba.

"Kaya yan guys! Ganto na lang, medjo uuna ako para magaya niyo ako." pampalubag loob ni Dione sa amin.

"Bahala na si batman! matapos lang to!" Ani naman ni Jamel.

"Unang kahihiyan sa Quezon High!" natatawa kong sabi na sinang-ayunan ng lahat at natawa.

Pumunta bigla sa unahan ang isang kaklase namin na alam naming lahat na bakla siya di pa lang maamin. Bigla siyang parang rumampa at nagpaikot-ikot pa.

Lahat kami nagulat pero chineer siya. "Gawin mo yan Khent pagtapos ng kanta natin!" sabi nina Jr.

"Oo nga, kung talo tayo atleast napatawa sila diba!"

"Gaga, joke lang yon syempre nahihiya ako!" Sagot naman ni Khent.

"Ikaw pa nahiya? Wala ka naman hiya!" Sabi ni Princess na agad na hinampas siya ni Khent.

Dumating na si ma'am kaya kabado na kami lahat kasi lalabas na kami papuntang gabaldon. "Basta Khent gawin mo yon ah?"

"Oo na nga!"

Pagkatapos ng isang oras at nakapagperform kami, agad kami bumalik sa room.

"Waaaah! Nakakahiya!!!"

"Gago, never ko na uulitin yon!"

"Literal na unang kahihiyan sa quezon high!"

"Thank G, tapos na!"

Isa-isa nilang sabi ng matapos kami at diretso sa room. Grabe! kahit ako hiyang-hiya eh. Pinaulit ba naman kami kasi kung anong ikinalakas ng boses namin dito sa room, siyang ikinahina sa gabaldon.

Ang akward pa namin kasi hindi kami sabay-sabay sa steps na ginawa kanina lang. Talagang kahihiyan yon, pero tinawanan na lang namin dahil alam naming hindi namin iyon makakalimutan.

Pero, infairness ha! Bago kami mag-uwian binigyan kami ni ma'am ng certificate. 3rd place daw kami, effective ang ginawa ni Khent at talagang naka3rd place pa kami.

Hindi na sana namin aalamin eh, kasi alam naming talo. Hindi pala, pero okay na rin.

Isa-isa kaming nagpaalam sa isa't - isa dahil last day na din namin.

"Sana magkakaklase pa rin tayo sa grade 8."

"Sana nga. Manifesting!"

"Magkakaklase tayo nyan, sabi ni ma'am eh."

"Mamimiss ko kayo everyone!" Malakas na sabi ni Abi.

"Kami hindi!" Baradong sabi naman ni Jr at nakatanggao ito ng hampas galing kay Abi.

"Ako Abi, mamimiss ko yung nakakadala mong tawa." Sabi ko.

"Lahat naman eh. Pano tang-inang tawa yan, lahat damay eh!" Sabi ni Princess na sinang-ayunan at tinawanan naming lahat.

Pagkatapos ng mahabang araw, finally makakapagpahinga na din. Tahimik akong umakyat sa kama ko dahil ako na lang ang gising ngayon. Nanood pa kasi ako ng movie sa baba.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. For some reason, bigla na lang tumahimik ang utak ko at walang pumapasok sa isip ko kundi ang kadiliman ng kwarto.

I like darkness. Gusto ko kapag natutulog ako madilim. Hindi ako makakatulog hanggat may ilaw pa, I want it to be completely dark before I go to sleep. I don't know why, maybe because it gives me comfort.

Na ang madilim na kapaligiran ang nakakapagpatahimik sa magulo kong utak. Na ang madilim na kapaligiran ang nakapag-aalis ng maskot kong mukhang ayos lang lahat na palagi kong suot-suot.

Na sa kadiliman, ayos lang magpakatotoo. Na sa kabila ng mga pagngiti at tawa ko... sa kadiliman ayos lang ang magpakitang malungkot ka, na hindi ka maayos.

Minsan, naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga ngiti at tawang ipinapakita ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Kasi alam ko, na kapag mag-isa na lang ako at inisip ang mga nangyayari sa akin, nalulungkot ako.

Gusto kong umiyak, sumigaw, ilabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Hindi ko na nga alam kung kailan ako huling umiyak ng hindi palihim eh.

Hayss, umayos ako ng higa at tumingin sa kisame. Did I fail myself? I broke my promise. Sabi ko, titigilan ko na... pero hindi ko nagawa.

I need discipline. I need to discipline my self in order to do this. Pero pano?

How I wish I had someone that I could tell how I feel.

Lakas kong manghiling eh hindi ko nga alam pano mag-explain ng sarili, nararamdaman ko pa kaya. Kailan ko kaya yun matutunan? Ang magsabi ng nararamdaman ng hindi nahihirapan at nahihiya sa isiping nakaka-abala ka ng tao.

But for now, ang kailangn ko isipin paano ko ito maaalis. Alam ko na hindi man ngayon pero kalaunan, this maladaptive daydreaming will interferes with how I function as a person. At kailangan kong pigilan iyon bago pa lumala.

Siguro... kaya hindi ngayon dahil baka hindi ko pa talaga kaya, kailangan ko pa ng oras para tanggapin ang lahat. Siguro nga. Pagbibigyan ko muna sarili ko ngayon, hayaan niyo muna ako maging masaya kasama sila.

Pero... kung hindi ngayon, kailan?

Iyon ang laman ng utak ko hanggang sa nagising na lamang ako at panibagong araw na naman.

Ngayon pa lang nakikita ko na, na ang buong bakasyon na ito puro pagbabasa lang ang gagawin ko.

Parang isang buwan lang ang bakasyon namin, ngayong natitirang araw ng July then hanggang last week ng August lang ang bakasyon. Sa August 25 na agad pasukan namin, face to face. Ang bilis lang kasi naghahabol para sa susunod na mga taon back to normal na daw talaga.

Wala ako ginawa kundi magcellphone, magbasa, lumamon, matulog. And the cycle repeats for days or even weeks.

Bumili na din kami nina mommy ng school supplies dahil malapit na din ang pasukan. Hindi ko yon namalayan dahil napakabilis ng panahon.

Nalaman ko din na hahatiin ang pagpasok, may set A at set B. And of course, ako na ewan ko ba kung bakit ako minamalas pagdating palagi sa ganito... ayun hiwalay na naman sa kanila. Palagi naman, hindi na ako nalungkot. Hindi ko man inecpect pero siguro sanay na din na palaging napag-iiwanan or nahihiwalay kaya nasanay na lang din siguro ako.

Pero kahit papaano love ako ni Lord kasi kasama ko naman si Abi, set B din siya. Tuwing Tuesday at Thursday pasok namin, then Friday modular. Hindi ko alam kung paanong naging set B siya eh nagstart sa C last name niya. Pero okay na din, hindi man ganon kaclose katulad nina Princess na naging kaklase kong hanggang kinder, okay na din.

Pagkatapos kong gumawa ng mga gawaing bahay, umakyat na ako sa taas para don na mahiga.

Nagbasa na lang din ako. Ilang minuto din akong nagbabasa ng tumigil ako. Okay I need to re-enact that, ayoko ng ending ng chapter na yon masyadong mabait ang babaeng main lead. Tumayo ako at nagsimula na namang maglakad- lakad.

I kept quiet kahit na rinig rinig ko ang mga accusations na binabato nila sa akin, hindi naman totoo.

Okay calm down, self. Hingang malalim.

While I was calming myself, dumating na din ang mga kaibigan ko. Finally.

Pumunta kami sa canteen at doon kumain ng lunch. "Are you okay?" tanong sakin ni Sam, my friend.

"Yes, of course I'm fine. Wag niyo akong isipin." sabi ko sa kanila dahil kahit tahimik sila ramdam ko ang pag-aalala nila sa akin.

Ngumiti pa ako para talagang makumbinsi sila at nangyari naman. Tahimik kaming kumakain ng may marinig kami.

"Gosh, di ba nahihiya yang babaeng yan. Talagang may gana pang kumain dito sa canteen!"

"I know right, ang kapal ng mukha pagkatapos lokohin si Arthur."

I held Sam's arm. Alam kong isa pang imik nila, lalapitan na niya ito. Tiningnan ko siya at inilingan lang.

I'm fine as long as ako lang ang pinagpyepyestahan nila, ayos lang tatanggapin ko.

Pero may hangganan pala. Kahit anong haba ng pasensya mo, kung may kakalabit dito... talagang mapipigtas.

And this is mine, ang madamay ang pamilya ko lalo na ang mommy ko na walang kinalaman dito.

"Siguro nasa dugo na nila yan, manang-mana sa nanay niyang malandi!"

Kaya kong palampasin ang lahat ng sinasabi nila sa akin pero ang marinig iyon, hindi.

Lumapit ako sa kanila at ibinuhos ang dala-dala kong juice. Agad na nagsitayuan sila at nagtilian.

Ang aarte, juice lang naman.

"What's happening here?!" dagundong na sigaw ng lalaki. Si Arthur.

"Babe, si Zein bigla na lang akong binuhusan." biglang amo at naiiyak na sumbong ng babaeng ito.

Agad na nagsilapitan sa akin ang mga kaibigan ko, just in case na bigla akong awayin nila Vanesa.

Napatigil ako ng nakita ang galit na mga mata ni Arthur sa akin. Wow, sakin pa galit. Ako dapat magalit eh dahil wala pang isang linggo may kapalit na agad ako.

Bago pa siya magsalita, tinaasan ko na siya ng kilay at inunahan. "Oh Arthur finally you're here, the knight in shining armor of Vanesa. Binuhusan ko siya ng juice oh," sabay turo ko sa uniform ni Vanesa na basang- basa.

"Pakipalitan na please, baka kasi magkasakit at ako pa sisihin mo." sabi ko sa pinaka maamo at malambing kong boses para inisin siya at pagkatapos pinagsiksikan ko ang sarili ko sa kanilang dalawa para doon umexit.

That's how you do it. Sabi ko at tumigil na sa paglalakad at pagiinarte na may mukha pang nang-aasar ng masatisfied.

Comment