Chapter 58

A DREAM ABOUT YOU

CHAPTER 58 :

LIM POV :

Now lang nagka pov si author kasi eh HAHA. Nasa office kami ngayon nakaupo. Hinihintay namin ang ibang board member na sasali sa meeting.

Magkatabi kami ni jennie kinakabahan ako nasali na naman ako sa mga meeting nila good luck nalang sakin.

Jennie : are you okay lim? Don't be nervous lim.

Haysss pano ako hindi kakabahan neto. Pagdating kasi namin sa airport ay diritso kami dito sa office akalain mo yun wala pa kaming pahinga.

Lim : oo jen.

Tas may biglang lumapit kay jennie secretary ata siya dito.

: ms.kim yang katabi niyo po ayan po ba ang employee niyo?

Jennie : yes why?

: he needs to sit sa other chair po ms.kim.

Hala nako lagot. Pano nato edi mas lalo akong kakabahan neto.

Jennie : No. Its okay. Dito siya sa tabi ko.

Napangiti naman ako ng kunti sa sinabi ni jennie.

: okay ms.kim.

Nagsimula na ang meeting nila at naintindihan ko ang lahat ang galing lang ni jennie makipag usap at makipag deal sa mga clients nila.

Marunong siyang kumilala ng tao.

FF

Natapos na ang meeting nila at palabas na kami ng board room. Grabe kapagod din pala kahit naka upo lang sa meeting.

Lim : jen?

Jennie : yes?

Lim : wala ata si taehyung?

Jennie : oh yeah he's on other business meeting lim kaya tayo ang nandito.

Lim : ahh ganun ba.

Jennie : yeah why?

Lim : wala lang jen.

After namin makalabas sa office nila na subrang laki at ang taas oo ay sumakay na kami sa kotse.

Pumasok na si jen sa loob ng kotse nasa backseat siya tas ako sa frontseat nalang ako uupo.

Pagpasok ko ay..

Jennie : Why are you sitting there lim?

Lim : huh? Ah eh.

Jennie : dito ka sa tabi ko.

Aish! Nahalata niya sigurong umiiwas ako at totoo nga umiiwas ako kasi naman empleyado niya lang ako ayaw kong may masabi ang ibang tao kay jennie pag lagi akong naka dikit sa kaniya.

Pero wala kong magawa kaya lumipat na ako sa backseat.

Lim : saan tayo pupunta jen?

Jennie : sa bahay lim.

Bahay? Sa bahay talaga nila?

Lim : p-pero jen.

Jennie : don't worry wala sila mom at dad dun tayo lang tas si kuya taeh nasa ibang bansa din umaattnend ng meeting.

Hala. Lagot. Kaming dalawa lang?

Lim : so t-tayong dalawa lang dun jen?

Jennie : hindi syempre may mga katulong sa bahay.

Lim : ah okay mabuti naman.

Jennie : pinagpapawisan ka ata lim kinakabahan kaba?

Lim : h-hindi no. Bat naman.

Jennie : It's so obvious lim HAHA.

Aish. Pinagtripan na naman ako oo. Good luck nalang sakin.

Ang ganda pala dito ngayon lang ako nakapunta sa ibang bansa tas sa france pa drean place kopa.

Siguro alam ni jennie na dream ko ang place nato kaya ako yung naisama niya. Thankful akong nakarating ako dito.

Medyo mahaba ang biyahe namin at sa wakas ay nakarating na kami sa bahay nila grabe parang palace sa subrang laki at ang ganda pa.

Princess nga talaga si jennie sa pamilyang to tas sinaktan kolang haysss. Kapal naman ng mukha kong pumunta dito.

Nakababa na kami ng sasakyan at kinuha ng mga katulong ang dala naming gamit.

Jennie : pakidala nalang yan sa kwarto.

: okay po ma'am.

Pagpasok kosa loob ay grabe ang ganda talaga ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kagandang bahay bago sa akin lahat para akong ignorante eh kasi naman namangha talaga ako sa subrang ganda.

Tas diko namalayang naiwan ako ni jennie hayss saan na ako neto. Nagtanong lang ako sa isang katulong dito sa bahay hindi ko kasi alam ang mga kwarto dito bago palang kasi ako eh nag enjoy kasi akong tignan ang bahay kaya eto naiwan tuloy.

Katampo naman tong si jennie iniwan ba naman ako dito.

Lim : hello manang asan po si jennie?

: sino ka? Ah ikaw yung kasama ni ma'am jennie?

Lim : yes po ako po yun, asan po siya?

: nasa taas sa master bedroom?

Lim : lim po manang.

: ah nasa taas lim puntahan mo nalang.

Lim : eh kaso manang hindi ko alam kung saan ang master bedroom dun.

: may nakalagay po sa labas ng kwarto na master bedroom lim.

Lim : ah okay salamat manang.

Agad naman akong umakyat ang laki kasi ng bahay nila tas iilan lang sila dito magkikita pa kaya sila sa laki ng bahay nato?

Aish! De bale na nga. Nakarating na ako sa master's bedroom at kumatok na ako agad.

Lim : jen?.

Jennie : just a minute.

At maghihintay ako oo ano kayang ginagawa niya ang tagal niyang mag bukas.

Jennie : yes?

Paglabas niya ay nagulat ako sheeeshh. Naka towel lang siya at halatang kakatapos niya lang maligo huhu agad akong tumalikod.

Lim : s-sorry jen.

Jennie : come inside lim.

Naninigas katawan ko hindi ako makagalaw hellppp! Hindi ako comfortable dito. Gusto konang umuwi.

Jennie : lim? I said come inside.

Lim : magbihis ka muna jen please.

Jennie : hindi pa ako magbibihis magpapatuyo pa ako ng hair ko kaya pasok na before I close the door.

Aish! Babaeng to talaga.

Pumasok na ako sa loob at hindi ako tumitingin sa kaniya.

Jennie : ginagawa mo lim HAHA.

Lim : aish. Jen san ba ako matutulog? Gusto ko sanang magpahinga muna at makaligo narin.

Jennie : dito.

What?????? Dito? So magkasama kami???

Lim : what?

Gulat kong sagot.

Jennie : oh bat nagulat ka? Alangan namang sa ibang kwarto ka matulog?

Lim : sa guest room nalang ako jen please.

Jennie : kita mo yung mga tao kanina na nagdadala ng pang ayos?

Lim : oo bakit?

Jennie : inaayos pa ang sa guest room kaya dito kana.

Lim : pero jen.

Jennie : bakit lim? Ayaw mo or umiiwas kalang?

Lim : hindi naman sa ganun.

Jennie : don't worry. I won't rape you HAHA.

Lim : jennie naman nakuha pang mag biro.

Aish babaeng to oo.

Jennie : HAHA ang seryoso mo kasi relax wala akong gagawin sayo gusto kolang ng may makasama sa pag tulog.

Lim : so kung si eunwoo ang sumama patatabihin morin siya sa pag tulog?

Jennie : hindi.

Lim : huh? Bakit eh sabi mo gusto mo nang makakatabi sa pagtulog tas pag si eunwoo hindi eh asawa mo naman yun.

Jennie : HAHA pinagsasabi moba maligo kana nga dun.

Lim : oo nga pala cgee.

Pumunta na ako ng bathroom para maligo alangan namang maglaba diba bathroom nga .

Hay sa wakas nakaligo narin ako. After kong maligo ay lalabas na sana ako kaso wala akong pantakip huhu.

Baka makita ni jennie ang buong pagkatao ko.

Lim : uhmm jen?

Jennie : yes?

Lim : may extra na towel ba diyan pweding pahiram?

Jennie : sure wait lang.

Lim : okay thanks.

Jennie : here ouh.

Lim : tapon mo papasok dito.

Jennie : gsgo kaba lim buksan mo at kunin moto.

Lim : hayss jennie kim.

Jennie : HAHAHA buksan mo nga hindi naman ako titingin eh.

Lim : talikod ka.

Binuksan ko ang pinto at mabilis na kinuha ang towel.

Jennie : HAHA para kang siraulo lim.

Nagsout na ako ng towel at lumabas na ako ng bathroom. Paglabas ko ay nakatitig sa akin si jennie.

Lim : mata mo jen kung saan saan nakatingin.

Jennie : huh? Hindi no.

Agad naman siyang umiwas ng tingin HAHAH ang cute lang. Nagbihis na ako ng damit kasi nakahanda na ang damit na susuoutin ko.

Lim : thank you jen.

Jennie : you're welcome.

Lim : so anong gagawin natin?

Jennie : porket nakaligo kana may gagawin na tayo lim HAHAHA

Lim : baliw.

Jennie : HAHAHA. Kain muna tayo lim.

At may kumatok sa pinto agad ko namang binuksan at katulong pala nagdala ng pagkain na inilagay sa tray ang dami at mukhang masasarap nagugutom na tuloy ako.

Lim : thank you.

Sinara kona ang pinto at inilagay nasa mesa ang mga pagkain.

Lim : jen halika kana kain na tayo gutom na talaga ako.

Jennie : sige.

At nagkainan na kami HAHAHAHAH char lang.

Matapos naming kumain ay kinuha na yung mga pinagkainan namin ang sosyal naman maypa hatid hatid pa.

Humiga muna ako dito sa sofa may sofa kasi dito sa kwarto siguro dito nalang ako matutulog.

Lim : jen tulog muna ako ah.

Jennie : hindi ka kasiya dyan lim dito kana sa kama.

Lim : okay nato jen.

Jen : wag kanang umangal.

Aish! Apaka bossy talaga sabagay boss ko naman siya. Humiga na ako at natulog subrang pagod kasi ako sa biyahe.

At di kalaunan ay nakatulog nga ako.

FF

Nagising ako at nauuhaw kasi ako.

Pansin kong tulog rin si jennie kaya dahan dahan akong bumangon. At pumunta na sa kusina para maka inom ng tubig.

Lim : excuse me po saan po pwedi maka inom ng tubig.

: tubig dito, sana nagpadala ka nalang.

Lim : ayos lang po.

: sa kwarto ka natulog? Magkatabi kayo ni ma'am jennie.

Lim : oo po kasi inaayos padaw ang guest room eh.

Nagtaka naman ako kung bakit tumawa si manang.

: HAHA walang sira dito sa bahay bakante ang lahat ng guest room.

Nabudol ako ni jennie oo aish. Lagot sakin yun.

Lim : talaga po? Pero sabi ni. 

: HAHA gusto lang siguro ni ma'am jennie na may katabi sa pag tulog pero ang swerte mo ikaw ang unang lalaking pinatulog niya sa kwarto.

What????? I can't believe it... Totoo???!

Lim : talaga po? Pano naman po ang asawa niya?

: huh? Anong asawa?

Lim : si eunwoo po.

: ah si sir eunwoo sa guestroom lang yun hindi payon nakakatahak sa kwarto ni ma'am jennie.

Lim : ganun po ba.

Nakapagtataka lang oo parang d sila mag asawa  hayss ano ba tong iniisip ko.

Tapos kong uminom ng tubig ay nagpasalamat ako at agad na bumalik ulit sa kwarto.

Ako pa pala ang unang lalaking nakapasok sa kwarto ni jennie ang swerte ko naman.

Agad akong pumasok sa loob pagkadating ko at nakita kong tulog parin si jennie.

Lumapit ako sa kaniya sabay sabing. Ikaw na babae ka hindi pala sira ang mga guest room ah lagot ka sakin pag gising mo pero ako palang talaga ang unang lalaking nakapasok dito?

Tanong ko sa isip ko bakit pakiramdam ko special parin ako sa buhay ni jennie sa kabila ng mga nagawa ko sa kaniya.

Mahal niya pa kaya ako? Hindi bat naman eh may asawa na siya diba? Pero nakakapagtaka lang kasi.

Tinitigan ko ang mukha niya ang ganda mo talaga jennie kim hindi nakakaumay ang kagandahan mo at napunta ang titig ko sa mapupula niyang mga labi.

Hindi hindi pwedi tong iniisip ko ayaw kong mag take advantage porket andito ako sa kwarto niya.

Agad akong tumayo at umupo sa sofa. Habang yung mga mata ko ay nakatitig parin sa kaniya..

Mapapasaakin kapa kaya ulit jen?
Magiging tayo pa kaya?
Kaya kobang maibalik ang dating tiwala at pagmamahal mo sakin?

Ang dami kong tanong sa isip ko kasi naman mahal na mahal ko si jennie at gagawin ko lahat para makuha siya pero ang sama kona man atang tao may asawa na siya tas makikigulo pa ako.

Duda lang kasi ako eh aalamin ko muna ang totoo at pag napatunayan kong hindi kayo mag asawa ay sisikapin kong makuha kita ulit jen.

Gustong gusto ko siyang yakapin habang natutulog pero mali naman kasi may asawa yung tao hindi dapat ako gagawa ng mali.

Hanggat hindi kopa alam ang totoo iiwas ako para walang gulo kahit masakit man sa akin na iwasan siya wala akong magagawa kasi may asawa na siya.

I respect jennie kim so much. Hindi na ako tulad ng dati na gsgo tas tsanga. Malaki na ipinagbago ko. Gusto ko kasi ng tahimik na buhay yung walang lokohan puro totoo lang ang dami kong pangarap na si jennie ang kasama ko.

Kaso parang malabo nakakalungkot lang pero sana sana payagan ng makapangyarihan na malaman ko ang totoong ugnayan ni eunwoo at jennie.

Para naman hindi na ako iiwas at maging comfortable na ako. Sana talaga sana .

Nagising bigla si jennie.

Jennie : Lim?

Lim : andito ako.

Jennie : bat nasa sofa ka?

Lim : bumaba kasi ako kanina para uminom ng tubig.

Jennie : ganun ba haaaayyy. (yawn)

Lim : oo at may nalaman ako.

Jennie : huh? Ano namang nalaman mo?

Lim : sinabi sa akin ni manang na wala naman daw sira sa guest room bakante lahat.

Jennie : oo bakit?

Lim : pero sabi mo sakin...

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana.

Jennie : gusto kitang makatabi sa pagtulog lim sorry sa pagsisinungaling ko selfish naba ako neto lim?

Hayssss.

Lim : okay lang jen no need ang sorry naintindihan ko.

Jennie : thank you.

Tumayo siya at nagtungo sa closet niya pilit na may inaabot pero di abot kasi naman ang height jusmee.

Lim : umupo ka jen para mas abot mo.

Jennie : are you kidding me? Why don't you help me lim total stick ka naman.

Lim : oo na cge na.

Inabot kona ang kununin niya nasa likod niya ako at nasa harap ko siya.

Lim : oh heto na.

Humarap siya sakin at nagkatitigan kami. Napatingin naman ako sa labi niyang mapang akit hindi pwedi to.

Jennie : thank you.

Sabi niya habang nakatitig parin sakin. Parang hindi na namin mapigilan ang nararamdaman namin kaya medyo nilapit ko ang mukha ko sa mukha ni jennie balak ko siyang halikan alam kong bawal pero hindi ko mapigilan nadadala ako.

Magpapadala ba ako sa nararamdaman ko ngayon o hindi?

MAGPAPADALA BA SIYA GUYS? HAHAHA. Dito na muna. Love lots mga readers♡♡♡.

Wag mag comment ng next guys nakakatamad eh cooperate naman kayo mag thank you nalang if ayaw niyo magbigay ng feedback.

Gusto kolang kasi malaman ang mga masasabi niyo about sa every chapter ng story ko sana nman makiisa kayo. SANA MAINTINDIHAN NIYO PO.

KEEP SUPPORTING ME GUYS☺

THANK YOU!❤

Comment