Chapter 48

A DREAM ABOUT YOU

Chapter 48

LIM POV :

Naninigas katawan ko hindi ako makapagsalita hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay liam.

Naguguluhan ako ng husto. Naaalala kolang ang nangyari sa amin noon.

FLASHBACK :

Nagtatalo ang mama at papa ko sa sala rinig naming dalawa ni rose ang pagtatalo nila.

Nasa likod lang nila kami na umiiyak habang pinapakinggan ang pagtatalo nila.

Papa : Ano ba pwede bang tama na! Napapagod na akong buhayin kayo!

Mama : pagod? Grabe ka hindi mo man lang ba kami inaalala ng mga anak mo? Lagi kang umuuwi ng lasing tas wala kapang binibigay na pera para sa pang gastos dito sa bahay at para sa mga bata anong klaseng ama ka ha?!!!!

Papa : Cgee ikaw na mag trabaho. Nakakapagod na kayo ayaw ko ng ganitong buhay lintek!

Puro masasakit na salita ang naririnig namin mula sa kanilang pagtatalo. Lagi kasing umuuwi si papa ng lasing lahat ng sahod niya ay ginogood time niya lang hindi man lang niya kami inisip.

Galit na galit ako sa papa ko dahil sa mga ginagawa niya kay mama.

Mama : Nagmamakaawa ako sayo hindi ko kayang buhayin ang mga anak natin ng mag isa.

Papa : Bakit? May sakit kaba para sabihin mo yan? Anong gamit ng kamay at paa mo ha!? Ano!!!

Nag iyakan na kami ni rose ng husto.

Papa : ano ba!! Pweding tumigil na kayo sa pag iyak niyo mga wala naman kayong silbi!

Mama : wag mong pagsabihan ng ganyan ang mga anak natin oo ama ka nila pero hindi ako papayag na ganyanin mo ang mga anak natin.

Papa : ayan diyan ka magaling ang pagkokonsinte mo sa mga anak natin kaya ganyan na eh.

Mama : ang babata pa nila wala pa silang alam. Magpaka ama ka naman sa mga anak mo hindi puro good time lang.

Nagulat kami ni rose matapos sabihin ni mama yun ay sinampal siya ni papa ng napaka lakas.

Pak!!!

Namumula na ngayon ang mukha ni mama. Humagulgul na kami sa pag iyak wala kaming magawa dahil mga bata pa kami.

Mama : Alam mo wala akong pinagsisisihan mula noong isinilang ko ang mga anak natin pero alam mo kung anong pinagsisihan ko ang maging tatay ka ng mga anak ko!!! Kaya ko silang buhayin... Nanghihingi lang naman ako ng tulong mula sayo kasi asawa kita ama ka ng mga anak natin ayaw kong maghirap ang mga anak natin mahal gusto ko silang makapag tapos sa pag aaral pero natatakot ako baka hindi ko yun magagawa.

Umiiyak na sabi ng mama namin. Hindi namin alam kong ano ang ibig sabihin ni mama sa sinabi niya.

Mama : May sakit ako at may taning na ang buhay ko gustong gusto ko nang sumuko para makapag pahinga na ako pero pano naman ang mga anak natin mahal pano sila rose at lim kung ganyan ang trato mo sa amin?

Matapos sabihin ni mama yun ay bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa panahong yun subrang pighati ang nararamdaman ko ang sakit at ang bigat sa pakiramdam.

Rose : mama!!!!!

Lim : Ma!!!!!!

Tumakbo kami agad kay mama kasi natumba siya at nawalan ng malay. Umiiyak kami ni rose.

Rose : papa si mama papa!!!

Sabi ni rose kay papa na parang naninigas ang katawan at hindi makagalaw tulalang tulala si papa sa nangyari kay mama.

Lim : papa!!! Ano ba si mama!!!!

Sigaw kong sabi kay papa pero wala tulala parin siya.

Lim : papa!!! Ahhhhhhhh!!!

Sigaw ko habang kinagat ko ang braso ng papa ko dahil sa parang wala na siya sa sarili niya hindi namin kayang buhatin si mama kaya nagawa ko ang bagay na yun kay papa.

Papa : mahal!!!

Kinarga agad ni papa si mama palabas ng bahay at saktong may taxi na dumaan kaya agad kaming nagtungo sa may pinaka malapit na hospital dito sa amin.

Pagdating namin sa hospital ay agad na dinala si mama sa emergency room.

Umiiyak na kami ni rose nagdadasal kami na sana maging okay si mama sana maging ligtas siya sana talaga.

Hindi namin alam kong ano ang gagawin namin pag may nangyaring masama kay mama kaya please please bigyan niyo pa ng pagkakataong mabuhay ang mama ko dasal ko habang umiiyak.

Matapos ng ilang minuto ay lumabas na ang mga doctor at nurse.

Agad akong nagtungo sa doctor at nagtanung.

Lim : Doc ang mama po namin? Okay naba siya? Doc??

Yumuko lang ang doctor samin at nag sabing.

Doctor : I'm sorry ginawa na namin ang lahat para mailigtas ang mama niyo pero hindi na namin naagapan masyadong malala na ang sakit niya kung nadala niyo lang siya ng mas maaga sana nagawan namin ng paraan para mailigtas ang mama niyo. Tsaka parang matagal niya ng alam na may sakit siya wala ba siyang sinasabi sa inyo?

Mahabang sabi ng doctor sa amin. Mama!!! Ayaw kong maniwala ayaw ko mama!!! Panaginip lang ito diba hindi to totoo hindii!!!!!

Mama!!!!!!!!!!!!!!! Sigaw ko sa loob ng hospital kasi ayaw kong tanggapin at ayaw kong maniwala na wala na sa amin si mama ang sakit...

Subrang sakit kahit bata pa ako subrang sakit ng nararamdaman ko.

Lumapit kay papa ang doctor at may ibinigay na isang naka fold na papel.

Doctor : I'm sorry to say pero wala na ang asawa niyo. Matapos namin siyang subukang e survive sa ER ay may nakita akong papel sa bulsa niya kaya agad ko iyong kinuha at binigay sa inyo. Excuse me.

Umalis na ang doctor at binuksan agad ni papa kung ano man ang laman ng papel na iyon.

Binasa ni papa at matapos niya basahin ay umiyak siya ng hustooo humagulgul siya sa pag iyak habang nakaluhod.

Papa : mahal patawarin mo ako mahal sorry!

Sabi ni papa habang nakaluhod. Umiyak din kami lalo ni rose. Nabitawan ni papa ang sulat kaya agad ko itong dinampot at binisa at ito ang naka sulat.

Mama : Mahal alam kong darating ang oras na ito ang oras na subrang kinatatakotan kong mangyari sa buhay ko. Magbago kana sana mahal alagaan mo ang sarili mo at ang dalawang anak natin wag mo silang pabayaan. Alam kong nahihirapan ka sa trabaho mo. Sorry mahal kong hindi ko sinabi na may nararamdaman na akong sakit ayaw kolang na mag alala ka at ang mga anak natin, ayaw kong dumagdag pa sa alalahanin mo mahal. Wag kang mag alala mahal kung darating man ang araw na mawala ako ay pinapatawad na kita sa mga nagawa mo sakin at naiintindihan ko lahat kaya mahal sana wag mong pabayaan ang mga anak natin mahal na mahal ko kayo ng subraaa wag kayong mag alala dahil kahit wala na ako ay lagi ko parin kayong babantayan hindi niyo nga lang ako makikita. Mahal na mahal ko kayo mahal, rose at lim.

Paalam.
- MAMA.

Humagulgul ako sa pag iyak matapos kong basahin ang isinulat ni mama. Bakit nangyayari sa amin ang ganito bakit!!

Mama!!!!!!!!

Agad akong tumakbo sa loob ng ER para tignan ang bangkay ni mama.

MAMA!!!!! Niyakap ko ng mahigpit ang malamig na bangkay ng mama namin.

Rose : mama bakit mo kami iniwan.

Lim : mama pano na kami ngayon mama gumising ka mama mama!!!

Umiiyak kaming yakap ang bangkay ng aming mahal na mama. Grabe ang sakit oo bakit sa lahat ng tao ang mama pa namin bakit!!!

FF

Nailibing na namin ang bangkay ng mama namin. Naka uwi na kami galing sa cemetery agad kaming pumasok sa bahay.

Galit ako sa papa ko subrang galit ako. Sinisisi ko siya sa pagka wala ng mama namin.

Lim : kasalanan mo to papa kasalanan mo kung bakit nawala si mama. Hindi mo siya pinapakinggan, lagi ka nalang lasing pinag aalala mo ng husto si mama tas sinasaktan mo pa siya kasalanan mo lahat papa!!!!

Sabi ko kay papa habang sinusuntok ko ang tiyan niya hindi niya ininda ang mga suntok ko kasi bata pa naman ako sa panahong yun.

Mula noong mawala ang mama namin ay nagbago na ang takbo ng buhay namin namimiss kona si mama subraaaa. May nagbago narin sa samahan namin ng papa ko sinisisi ko parin siya sa ngyari kay mama.

Hanggang sa isang araw na nabalitaan naming nasa hospital si papa nung time na paalis din sila jennie patungo sa france.

Mas inuna ko ang papa ko agad kaming tumungo sa hospital ni rose matapos kaming tawagan ng nurse na nag aasikaso sa papa namin habang pumapasok sa isip ko na sana mahintay ako ni jennie.

Pagdating namin sa hospital ay nadatnan naming gising na si papa kaya agad na lumabas ang nurse para bigyan kami ng oras na makapag usap.

Lim/Rose : papa!

Agad naming niyakap ang papa namin.

Rose : papa magpagaling ka ahh please kailangan ka namin.

Lim : papa wag mo kaming iiwan ahh mahal ka namin papa.

Papa : patawarin niyo si papa mga anak ah sa lahat lahat sana mapatawad niyo ako at pangako ko sa inyo na magbabago na ako at gagawin ko lahat para sa inyo mga anak.

Niyakap namin ang isat isa. Lahat ng galit at sama ng loob ko kay papa ay nawala ayaw koring mangyari kay papa ang nangyari sa mama namin kaya pinatawad ko siya dahil kung iisipin na kahit anong mangyari papa parin namin siya.

Hindi korin kayang tanggapin na mawala rin sa amin si papa kaya nagpatawaran kami sa isat isat.

END OF FLASHBACK.

Kaya ayaw koring maranasan kay liam ang naranasan ko noon.

Hindi ko mapigilang tumulo ang luha sa aking mga mata naalala ko si mama. Namimiss kona siya subraaaa. Ang lungkot ng buhay ng walang ina, kahit sa edad kong ito ay naiinggit ako sa tuwing makakakita ako ng mga anak na kasama ang mama nila miss na kita mama.

Liam : papa! Mahal mo ba si mama oh hindi?

Nagdadalawang isip akong sumagot ng oo kay liam kasi ayaw kong paniwalain ang sarili ko na mahal ko si nancy ayaw kong lokohin ang sarili ko pero paano si liam.

Lim : liam anak sorry kung inaway ko ang mama mo ha tahan na liam tahan na.

Niyakap ko si liam para tumahan na siya hindi kona sinagot ang tinanong niya sakin.

Hindi bale liam gagawin kong makakaya ko para maging mabuting ama sa iyo kahit ayaw kong makasama sa bahay ang mama mo dahil hindi ko mahal si nancy pero titiisin ko nalang para kay liam.

Yumakap din sa amin si nancy na kala koy umiiyak pa haysss hindi ako comfortable na kayakap siya. Pero titiisin ko nalang lahat para kay liam.

Ang hirap talaga ng buhay oo.Magtatangka na sana akong kumalas sa pagyakap kasi hindi ako comfortable nang biglang dumating si rose.

Rose : wow! Ang sweet niyo naman. Kuya may sasabihin ako sayo.

Liam : hi tita rose

Rose : hello baby liam

Lim : nancy dun muna kayo sa labas mag uusap lang kami ni rose.

Nancy : Okay cge mahal take your time lang.

Nakaalis na sina liam at nancy. Pumasok na ng tuluyan si rose at sinara na ang pinto

Rose : kuya hindi ko sinasadya na makita yun naka bukas lang kasi ang pinto ng kwarto niyo, tsaka kuya anong meron nagbago naba ang ihip ng hangin?

Lim : hayss, alam mo naman ang totoo rose diba. Hindi ako comfortable kay nancy pero inaalala ko kasi ang mararamdaman ni liam.

Rose : So ano yun kuya magtitiis ka para lang kay liam ehh...

Tinakpan ko ang bibig ni rose kasi baka marinig nila liam at nancy.

Lim : shhhh. Wag kang mag banggit ng tungkol dyan rose.

Rose : bakit kuya?

Lim : hayss gawin mo nalang para kay liam rose.

Rose : cgee kuya.

Lim : teka nga, ano ba sadya mo sakin ano gusto mong pag usapan?

Rose : papasok ka naba ulit sa work bukas kuya?

Lim : bakit rose hinahanap naba ako?

Rose : oo kuya hinahanap kana niya.

Lim :  si jennie ba?

Rose : Sila jisoo kuya tsaka ibang kasamahan natin dun bat si jennie lagi kuya?

Lim : Ahhh ehe kala ko kasi.

Rose : asus kuya ahh si jennie parin talaga. Pano yan kuya anong balak mo?

Lim : bukas rose papasok ako ulit sa trabaho.

Rose : goods, handa kana ba bukas kuya?

Lim : handa saan?

Rose : sa mga mangyayari tsaka pag nagkita kayo ni jennie at ng asawa niyang si eunwoo.

Lim : yun lang ang problema rose sa tuwing nakikita ko silang magkasama parang sinasaksak at dinudurog ang puso ko rose ewan koba ang sakit kasi sa mata at sa puso oo.

Rose : haysss, kuya kaya mo yan malalagpasan morin yan tsaka andito lang ako palagi kuya para sayo.

Lim : salamat rose ahh. Kayo kamusta na kayo ni jisoo ?

Rose : Ayos lang kami kuya sa wakas.

Lim : sana all rose noh eh kami ni jennie kaya kailan kami magkakaayos.

Rose : kuya may nancy kana HHAHA.

Lim : rose ha. Maiinis talaga ako sayo.

Rose : asus kuya. Plano mo bang bumalik kay jennie kuya pero may asawa na siya ano gagawin mo?

Lim : sa ngayon ayaw ko munang manggulo rose hahanap muna ako ng tiyempo tsaka aalamin kopa ang totoo kung mag asawa ba talaga sila. Nagdududa kasi ako na hindi rose eh.

Rose : sa bagay kuya tama ka dyan si eunwoo lang ang sweet sa kanila pero si jennie parang as a friend lang talaga turing niya.

(oh nagmamarites na silang dalawa HAHAHA😅)

Lim : oo rose kaya aalamin ko muna ang totoo.

Rose : okay kuya.

Matapos ng usapan namin ni rose ay nagtungo na kami sa kusina para maka kain na.

Haysss ready naba ako para sa pagpasok ko bukas, kakayanin ko kaya hay nako ewan bahala na nga.

So dito na muna guys ahh sana naman maintindihan niyo. Salamat sa mga nagbibigay ng feed back sa story ko at sa mga puro next lang ang alam jusmee sa susunod magbigay kayo ng feedback okay nakakatamad mag update pag puro next lang ang comment kasi. Anyways.

KEEP SUPPORTING ME GUYS☺

THANK YOU!!!☺❤

Comment