Chapter 3:New School

                       New School


(Lazrainne Point of view)


        Maaga akong nagising dahil magluluto pa ako at papasok ako sa aking school. Dahil wala si Avron ngayon at walang mag aalaga sa akin kailangan kong matuto ng mga gawaing bahay at asikasuhin ang sarili.  Haayysssttt!!!! New school, new life.


Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto ko. At dahil nga ang dorm ko ay parang bahay kumpleto sa gamit pumunta ako sa kusina.


Tiningnan ko muna ang mini ref ko at nagsimulang magluto ng kanin at ulam.


Pagkatapos ng 30 minuto. Makakakain na rin sa wakas whooo!!! Nagsimula na akong kumain,pagkatapos nagbihis na ako at nag ayos ng sarili kong gamit.


Fast forward


      Naglalakad na ako dito sa hallway ng school nakuha ko na rin ang schedule ko pero d ko alam kung saan ko hahanapin ang section ko.


Nakita ko yung lalaki na sinamahan ako papuntang dorm at sya yung sa registrar lumapit ako dito at tinawag sya.


"Kuyaaaa kuyaaaaa" tawag ko sa kanya gamit ang maliit pero matinis kong boses.


Napakunot naman ang kanyang noo at napalingon sa akin. "Ako ba ang tinatawag mo?"tanong nya. Napatango na lang ako habang nakatingala sa kanya.


Lumuhod sya sa harap ko at tumingin sa akin "Anong kailangan mo?" Tanong nya. "Can you help me? Di ko alam yung section ko ehh" nakasimangot kong saad. Napatawa na lang sya. "Patingin nga ng schedule mo?" Sabi niya


Ibinigay ko sa kanya ang schedule ko at bahagya pa yata syang nagulat sa nakita. "Why kuya? May mali po ba?"inosente kong tanong sa kanya.


Napatingin naman sya sa akin na nakakunot ang noo "ahhh w-wala! Don't mind it" napatango naman ako sa utal utal nyang sabi sakin.


Hinatid nya ako sa kulay gold na may white na building at pumasok kami sa isang malaking classroom.


"Here this is your room!" Sabay turo ng double door sa harapan namin. "Sige na pasok ka na!" Sabi nya,aalis sana sya ng tinawag ko ulit sya


"Why?" Tanong nya sakin "What is your name?" I asked "Clevidson!" Simple nyang sagot habang nakakunot ang noo


"My name is lazrainne" nakangiti kong pakilala sa kanya,napangiti rin sya siguro nahawa sakin "And kuya Clevidson, Thank you!"sincere kong sabi sabay takbo sa loob ng room ko. Baka malate ako lagot!


(Clevidson Point of view)


Napatawa na lang ako sa sinabi nya shit! She so cute, kahit pala ngayon may magandang nangyari ngayong araw Pshhh!


Flashback


Mainit ang ulong umalis ako sa dorm ko dahil kahapon tinawagan ako ni daddy na ako ang humawak muna ng kompanya dahil pupuntahan nya ang letche nyang kabit sa ibang bansa at pamilya nya.


Pero tumanggi ako sa kanya dahil wala pa akong tulog galing sa pagiging School president ko shit! "Napakawalang kwenta mong anak!sana hindi ka na lang pinanganak hayop ka!" Yan lang naman ang sinabi nya bago ako babaan kanina ng tawag


Tangna!akala mo perpekto ang lintik!
Dumiretso ako sa hallway ng school habang nagdadabog papasok na sana ako sa building namin ng may maliit na boses ang tumawag sakin akala ko iba pero ako pala talaga ang sadya nya


End of flashback


Nagulat pa nga ako at sa Elite section pa sya napunta. Napaka special ang section na ito dahil mga dugong bughaw ang mga nakakapasok sa ganong section. Na kung tawagin namin ay 'Gold Royalties'


Pumapangalawa lang naman ang 'Silver Tattoo' kung saan ako section kabilang at hindi rin kami basta bastang section dahil may kakaiba kaming ability o tattoo sa may dibdib mas malakas nga lang ang taga Gold Royalties.


Sumunod ang 'Black Lord' kung saan purong lalaki ang nasa loob ng section na ito mga badass sila at mga adik pero may respeto sila sa ibang section.


Sumunod ang 'Grey dagger' mga lalaki at babaeng mayayabang feeling malakas nakikipagkumpitensya rin sila sa Gold Royalties.


At ang pinakahuli ay ang 'Red Katana' sila ay binubuo ng mga assasin. Kung saan napaka talas ng isip at napakalaks ng mga pwersa,kahit nasa dulo sila wala pa rin silang pinagkaiba sa aming nasa unahan. Karesperespeto ika nga!


Umalis na ako at nag simulang pumasok sa sarili kong classroom


'lazrainne! What a cute name'


(Lazrainne Point of view)


    Pagkapasok ko sa room napamangha talaga ako dahil ang ganda nung loob.
Naghanap ako ng upuan. Umupo ako sa may gitna at dahil mas malaki pa sakin yung upuan kinailangan ko pang umakyat para maabot ko ito.


Nagsimula na rin dumami ang estudyanteng pumapasok at takang takang nakatingin sa akin na parang ngayon lang nakakita ng magandang si ako.


Nagulat na lang ako ng pumasok yung mga lalaki siguro 5 sila at parang haring naglakad papunta sa likod ko kasabay nun ang pag tili ng mga estudyante. Sumulyap pa sila sa kin at diretsong tumingin sa harap. Inosente ko lang silang tiningnana habang kumakain ng mga gummy bear.


May umupo sa tabi kong magandang babae at ngumiti sa akin. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay nanghihingi ba sya ng gummy ko?


Inabot ko sa kanya yung garapon ng gummy bear baka kasi gusto nya ehh pero tinawanan lang nya ako at umiling iling tiningnan ko naman sya ng nagtataka. Ang weird nya!


Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin. "Oww we have a new cute student please proceed to front and introduce your self"diretso nyang sabi. Bumaba pa ako habang hawak hawak yung garapon na pumunta sa harapan.


"Hi po my name is 'Lazrainne Glavichty Leviste' I'm 3 yrs old, I hope we can be friends" jolly kong pakilala sa akin at ang mga classmate ko naman ay napapangiti sa akin hmmpp! Di ko sila gets!


"Okay baby! Ako naman si ma'am victoria your adviser" pagkatapos nyang ipakilala sarili nya ay umupo na ako sa upuan ko.


Fast forward


Matapos ang maghapong klase at 30 minutes na break natapos din ang klase ko. Dumiretso na ako sa dorm ko. Nagluto,nagbihis ng pantulog,kumain, at nagtoothbrush pagkatapos non sandali muna akong nag ipad at nagfb and instagram saka natulog


Feel ko ubos energy ko! Nu ba yan!!!







-------------------


A/N: Sorry sa update natagalan lang!


Vote this story
Thanks for reading!

Comment