Tagalog

Maraming mga tao ngayon ang umaasa na babalik na ang Panginoong Jesucristo dito sa mundo mula sa langit upang iligtas na ang mga tao at isama na ng Panginoong Jesucristo sa langit ang lahat ng mga tao na sasalubong sa Kaniya sa mga alapaap.

I Mga Taga-Tesalonica 4:16-17

[16] Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;

[17] Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Maraming hindi pangkaraniwang pangyayari na nagaganap ngayon sa buong mundo. Sunod-sunod na malalakas na paglindol sa iba't-ibang panig ng mundo, malalakas na bagyo at malalakas na pag-ulan. Sa ibang panig naman ng mundo ay may mga tagtuyot na nararanasan ang mga tao. Maging sa mga dagat ay marami ring mga kasakunaan na nagaganap. Ang salot na COVID-19 sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala. May mga digmaan ding nagaganap sa ilang mga bansa. Patuloy sa paghirap ang kabuhayan ng maraming mga tao sa buong mundo. Ilan lamang ang pangyayaring ito na nagaganap ngayon sa buong mundo na pinanghahawakan ng mga tao upang sabihin na malapit ng bumalik dito sa mundo ang Panginoong Jesucristo.

Mateo 24:3,6-8,33

[3] At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?

[6] At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.

[7] Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.

[8] Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.

[33] Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Hindi natin tinututulan ang ipinangangaral ng iba't-ibang relihiyon na babalik ang Panginoong Jesucristo dito sa mundo. Subalit, mali ang naituro nila sa mga tao na batayan o palatandaan kung kailan ang pagbabalik ng Panginoong Jesucristo sapagkat ang Panginoong Jesucristo mismo ang nagsasalita sa aklat ni Mateo sa Kabanata 24, talata 33.

[33] Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

....ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Hindi sinabi ng Panginoong Jesucristo na

....ay talastasin ninyo na ako'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Ibig lamang ipakita sa atin na ang mga kakaibang pangyayari na nagaganap ngayon sa buong mundo ay hindi palatandaan na babalik na ang Panginoong Jesucristo.

Ang tamang palatandaan sa pagbabalik ng Panginoong Jesucristo ay kapag nakalaya na ang diablo sa kanyang pagkakabilanggo ng isang libong taon, kapag nandadaya na muli siya sa mga bansa at kapag kukubkubin na nila ang kampamento ng mga banal. Ito ang panahon na babalik na ang Panginoong Jesucristo dito sa mundo kasabay ng apoy na gugunaw sa mundo.

Apocalipsis 20:7-10

[7] At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan,

[8] At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.

[9] At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.

[10] At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Narito din ang patotoo ni Apostol Juan na ang diablo ay mabibilanggo ng isang libong taon:

Apocalipsis 20:1-3

[1] At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.

[2] At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,

[3] At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.

Malinaw na hindi pa babalik ang Panginoong Jesucristo dito sa mundo mula sa langit dahil hindi pa naman na bibilanggo ang diablo ng isang libong taon.

At hindi pa babalik ang Panginoong Jesucristo dahil wala pa ring kampamento ng mga banal na naitatayo dito sa mundo upang kukubkubin ng diablo.

Dahil sa panahon ngayon ay nagaganap na ang mga palatandaan na sinasabi ng Panginoong Jesucristo, kaya ang sabi Niya

....ay talastasin ninyo na [ siya'y ] malapit na, nasa mga pintuan nga.

Mateo 24:33

[33] Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Ang tinutukoy ng Panginoong Jesucristo na darating na ay ang Anak ng tao. Siya ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo na malapit na, nasa mga pintuan na nga.

Mateo 24:36-37

[36] Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.

[37] At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

Ang Anak ng tao ay isusugo ng Panginoong Diyos katulad ng panahon ni Noe. Dumating Siya ngayon na hindi namalayan ng mga tao dahil abala ang mga tao sa mga kaniya-kaniyang mga gawain.

Mateo 24:38-39

[38] Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,

[39] At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

Inihalintulad sa panahon ni Noe ang pagdating ng Anak ng tao dahil sa panahon ni Noe ay walong tao lamang ang naiwang buhay dito sa mundo at lahat na ay nangamatay sa bahang gunaw.

Genesis 8:18-22

[18] At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya:

[19] Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan.

[20] At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.

[21] At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.

[22] Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.

Sa panahon naman ng pagsusugo sa Anak ng tao, ang mundo na ating kinalalagyan ngayon ay lubos na mawawalan ng laman, mauubos muli ang mga tao.

Isaias 24:1-6

[1] Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.

[2] At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.

[3] Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.

[4] Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.

[5] Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.

[6] Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.

Ang unti-unting pagkaubos ng mga tao ngayon dito sa mundo ay katuparan ng sinalita ni Propeta Isaias na ang tao sa mundo ay nangagilan dahil sa panahon ng pagsusugo sa Anak ng tao ay may pitong salot na magaganap dito sa mundo. Ito ang siyang magiging dahilan ng pagkaunti ng tao sa mundo.

Apocalipsis 15:1

[1] At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.

Sa panahon ng pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020 ay naganap ang pagsusugo sa Anak ng tao na siyang sinasabi ng Panginoong Jesucristo na nasa mga pintuan na nga.

Mateo 24:27

[27] Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

At ang Anak ng tao na isinugo ng Panginoong Jesucristo noong Enero 12, 2020 ay isa sa dalawang saksi na isinugo sa panahon natin ngayon na binigyan ng 1260 na araw upang ipahayag ang mga bagong panukala ng Panginoong Diyos dito sa mundo.

Kapag natapos na ang 1260 na araw o katumbas na tatlong taon at kalahati na pangangaral ng dalawang saksi ay aahon na sa kalaliman ang katuparan ng ikalawang hayop at babakahin ang dalawang saksi at sila ay pagtatagumpayan, at papatayin. Pagkatapos ng tatlong araw at kalahati ay muling mabubuhay ang dalawang saksi at aakyat sila sa langit.

Apocalipsis 11:3-4,7,11-12

[3] At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

[4] Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

[7] At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.

[11] At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.

[12] At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.

Simula naman ng pagsusugo sa dalawang saksi at pagpasok ng taong 2020 ay lumaganap na sa buong mundo ang unang salot na COVID-19.

Apocalipsis 16:1-2

[1] At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.

[2] At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan.

Sinundan naman ito ng pangalawang salot, ang salot sa dagat na ngayon ay patuloy pa din nagaganap sa iba't-ibang panig ng karagatan sa buong mundo.

Apocalipsis 16:3

[3] At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

Ang ikatlong salot ay nagsisimula na ring maranasan ng mga tao sa mundo, ito ang kahirapan sa pamumuhay.

Apocalipsis 16:4

[4] At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.

At sa panahon din na patuloy na nagaganap ang una, ikalawa at ikatlong salot ay matatapos na din ang 1260 na araw na pagsusugo sa dalawang saksi at sila ay papatayin at aakyat sa langit.

Apocalipsis 16:4-7

[4] At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.

[5] At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

[6] Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

[7] At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

Pag-akyat sa langit ng dalawang saksi ay magaganap naman ang ikaapat na salot, ito ang salot sa apoy. Masusunog ang mga tao sa matinding init.

Apocalipsis 16:8-9

[8] At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

[9] At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.

Ang katuparan ng ikaapat na salot ay ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig (WWIII) kung saan ang mga gagamiting kasangkapang pandigma ay sandatang nukleyar. Ito ang susunog sa mga tao at ang bilang ng mga tao na mamatay sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay aabot sa 2.7 bilyon at ang lalahok na mga sundalo sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay aabot sa 200 milyong sundalo.

Apocalipsis 9:13-19

[13] At humihip ang ikaanim na anghel, at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios,

[14] Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak, Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates.

[15] At kinalagan ang apat na anghel, na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.

[16] At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.

[17] At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo, at ang mga nakasakay dito, na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre: at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre.

[18] Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao, sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre, na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig.

[19] Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.

At habang dinaranas pa rin ng mga tao sa mundo ang una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na salot ay darating din ang ikalimang salot. Ito naman ang matinding paghihirap ng dating bayan ng Panginoong Diyos na dito nagmula ang katuparan ng hayop na pumatay sa dalawang saksi na isinugo ng Panginoong Jesucristo.

Apocalipsis 16:10-11

[10] At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

[11] At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

At sa ikaanim na salot ay matutuyo ang ilog Eufrates o tuluyan ng mawawalan ng ikabubuhay ang mga tao dahil sa naging sanhi ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

At sa panahong din ng ikaanim na salot ay naghahanda na ang namumuno sa dating bayan ng Panginoong Diyos upang makipagbaka sa Anak ng tao na magbabalik dito sa mundo mula sa langit.

Apocalipsis 16:12-16

[12] At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

[13] At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:

[14] Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

[15] (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

[16] At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

At sa ikapitong salot magaganap ang sinasabi ng mga tao dito sa Pilipinas na "The Big One". Ito ang pinakamalakas na lindol na magaganap sa kasaysayan ng mundo simula ng paglalang kay Adam. Mahahati ang bansang Pilipinas sa tatlong bahagi kapag naganap na ang ikapitong salot. Ang isa sa bahagi ng tatlong hati ng bansang Pilipinas ay pagtatayuan ng kampamento ng mga banal. Ito ang kaharian ng Anak ng tao, ang itinalagang ikalawang Cristo na maghahari dito sa mundo ng isang libong taon.

Apocalipsis 16:17-21

[17] At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

[18] At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

[19] At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.

[20] At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.

[21] At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.

Matutupad ang hula ni Propeta Isaias na mawawalan ng laman ang mundo dahil sa magaganap na pitong salot.

Isaias 24:1-6,19-20

Subalit, pagkatapos ng ikapitong salot ay bababa na mula sa langit ang Anak ng tao upang humatol at bakahin ang mga nalabing mga tao sa pitong salot.

Apocalipsis 19:11

[11] At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

Ang mga tao na babakahin o pasusukuin ng Anak ng tao ay ang mga tao na hindi kumikilala sa iisang tunay na Diyos, mali ang pagkilala sa Panginoong Jesucristo, at hindi kikilala sa itinalagang ikalawang Cristo na maghahari dito sa mundo ng isang libong taon.

Apocalipsis 9:20-21

[20] At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.

[21] At sila'y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay, kahit man sa kanilang panggagaway, kahit man sa kanilang pakikiapid, kahit man sa kanilang pagnanakaw.

Ang panahon ng pagbabalik ng Anak ng tao dito sa mundo mula sa langit ay upang maisakatuparan ang nilalaman ng aklat na may pitong tatak na kinuha niya sa kamay ng nakaupo sa luklukan, o sa ating Panginoong Jesucristo at ito na din ang panahon na natubos na Niya ang mga tao sa bawat bansa sa ating Panginoong Diyos.

Apocalipsis 5:7-10

[7] At siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan.

[8] At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.

[9] At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.

[10] At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.

Sa susunod na paglalahad ay ipauunawa sa atin kung paano isasagawa ang nilalaman ng aklat na may pitong tatak na kinuha ng Anak ng tao sa kanang kamay ng Panginoong Jesucristo.

Apocalipsis 5:7

Sa pagpapatuloy, ang mga naipahayag na mga talata sa unahan ay nagpapatunay na hindi pa babalik ang Panginoong Jesucristo dito sa mundo, kundi may Anak ng tao na isusugo ang Panginoong Diyos at ang Panginoong Jesucristo.

Ang pagdating ng Anak ng tao ay kagaya ng panahon ni Noe: mawawalan ng laman ang mundo o maraming mga tao ang mga mamatay sa galit ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng pitong salot.

Kaya sa mga relihiyon o sa mga tagapagturo ng Biblia na nagsasabi na ang hindi na lang daw nangyayari sa mga nakasulat sa BIblia ay ang paghuhukom o ang pagbabalik ng Panginoong Jesucristo, mali po ang ganiyang aral.

At sa mga tao na umaasa na babalik na ang Panginoong Jesucristo dahil sa mga nasasaksihan nila ngayon na mga pangyayari sa mundo, hindi pa po babalik ang Panginoong Jesucristo dahil hindi pa nabibilanggo ang diablo ng isang libong taon.

Malinaw na naipahayag sa atin na hindi pa magugunaw ang mundo, hindi pa babalik ang Panginoong Jesucristo, at may Anak ng tao na isusugo sa panahon natin ngayon na magiging katuparan ng mga panukala ng Panginoong Diyos na matagal ng nakasulat sa Biblia subalit ngayon ang katuparan.

Ecclesiastes 3:1

[1] Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:

Salamat po.

Comment