Who's The Killer?

Dala ko ang aking camera at isinuot ang aking ID as an official journalist. Pasado alas tres na ng hapon ng dumating ako sa lugar na iyon.


"Ma'am mag-isa lang ho kayo?" tanong sa akin ng guard sa entrance ng Bundok Mak'apo.


"Ah, oho." sagot ko naman sa kanya.


"Hindi ka ba natatakot sa mga kwento tungkol sa sunod-sunod na patayan dito?" tanong niya saken na parang amused na mag-isa lang akong papasok sa misteryosong bundok na iyon.


"Safe na naman po sa loob ngayon, hindi po ba?" matapang kong sagot sa tanong niyang iyon.


Nabigla si manong guard. "Ang tapang mo naman,iha." aniya.


"O Sige, mag-ingat ka." dagdag pa niya sabay bigay saken ng ngiting aso.


Nagkibit-balikat na lang ako sa tinuran ni manong guard at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bundok.


                                                                             * * * * * * * * * *


Sa loob ng Mt. Mak'apo...


Click. *flash


All I did was took pictures. May ginawang trail ang mga nangagalaga sa bundok na ito para hindi mawala kung sino man ang gustong maglibot o mamasyal. It was truly an amazing sight. Pero...


...hindi ito masyadong tinatao. Although dati naman e sikat itong pasyalan.


People began to become scared of this place ng mangyari ang sunod-sunod na patayan dito mismo sa loob ng area.


Sobrang tahimik. Ang naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon. Naglakad lang ako ng naglakad. Kuha ng pictures dito kuha doon. I haven't noticed na 6 pm na pala. Nagsisimula ng dumilim. Uuwi na ako.


(Click the video located at the right side of the screen for the background music. ----->)


"Gabi na miss ah?"


I have frozen on my tracks. I suddenly heard someone talk behind me. His deep voice echoed inside the forest. Nakakapanghilakbot ang tinig niyang iyon.


COULD IT BE?


Unti-unti akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon..


He's dressed like someone na namumundok para maghanap ng pagkain at pumutol ng puno para mabuhay. He's covered with mud and dirt all over his body. Kulay putik ang damit niyang nahuhulaan kong originally ay kulay puti. Naka-itim siya na pants at may suot siyang bota. Looks normal? hmmn. Let's see...


Kaunti lang ang liwanag na nagmumula sa kinaroroonan niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero alam kong it was also covered with mud. He looks FIERCE.Nakangisi siya sa akin na dahilan ng paunti-unti kong pag-atras palayo sa kanya. At hindi lang iyon ang dahilan...


May hawak siyang ITAK. at mayroong PULANG LIKIDONG UMAAGOS DOON.


" Baka gusto mo ng kasama?" Nakangisi pa rin siya. Patuloy pa din ako sa pag-atras papalayo sa kanya pero lumalapit siya sa akin.


.


.


.


.


Lumapit...


.


.


.


.


At lumapit...


.


.


.


.


"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Sumigaw ako ng sobrang lakas at tumakbo ng mabilis. Mabilis na mabilis...


.


.


.


.


ang naririnig ko na lamang ay ang mabilis na tibok ng puso ko. Nararamdaman kong naninigas na ang katawan ko sa lamig...


.


.


.


.


.


"Syet!" nasambit ko bigla ng napagtanto kong wala na ako sa trail. Nasa gitna na ako ng kagubatan. Naloko na!


Tumigil ako sa pagtakbo. Hindi ko na makita ang lalaking humahabol sa akin. Tiningnan ko lang ang paligid ko.


"HAHAHAHAHA!"


*gasp


Narinig ko na lamang ang nakakatakot na halakhak ng taong nakatago sa likod ng mga puno malapit sa akin.


"Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko.


Biglang lumabas ang lalaking iyon mula sa likod ng isang malaking puno.


"Aba.. ang tapang mo naman miss." sabi niya sa akin.


"Hindi ka ba natatakot?...dagdag pa niya...baka mabiktima ka din ng pumapatay pero baka mag-eenjoy muna siya sa babaeng katulad mo." Ngumisi siya sabay tingin sakin mula paa hanggang ulo.


Tumakbo ulit ako ng mabilis na mabilis.


MAN'S POV


ANAK NG.............! Nasaan na naman yung babaeng yun?


Tumakbo ulit ako para habulin siya dahil nawala na siya sa paningin ko.


Hindi ka makakatakas sakin!


Talaga? galing sa boses sa aking likuran.


Ahhhhhg!


Naramdaman ko ang sobrang sakit.


Umaagos ang dugo...... mula sa akin dahil sa................


ITAK NA NAKASAKSAK SA LIKOD KO.


Lumingon ako sa likuran ko...


HINDI BA PWEDENG BABAE ANG KILLER? nakangiting wika ng babaeng iyon.

Comment