Chapter 9.πŸ’–

VINA POV.

Lumipas ang mga araw at nag iiba na talaga ang nararamdaman ko tuwing kasama si Kevin.

Lalo na pag nag sasalita sya ng nakakakilig, dati naman kahit ano di ako natatablan ng kilig kilig nayan, naguguluhan nako..

" Huy! Huy Vina! Ayos kalang ba? Pansin ko na lagi ka nalang tulala, may problema kaba?." Takang tanong ni Ej. mabilis naman akong napa iling iling.

" Naku wala no, may iniisip lang naman ako."

" Ano yon?."

" Ah wala naman, sakin sakin nayon hehehe.." Kakamot kamot na sabi ko. napa kunot naman ang noo nya.

" We have a rules in these friendship remember? Bawal ang secret, sabihin pag may problema." Naka pamewang na sabi nya, napa buntong hininga naman ako.

" Kasi.. Ej, nagiging iba ang pakiramdam ko pag si Kevin ang kasama ko, ang weird nga eh." Sabi ko habang naka kapit sa baba ko.

" Anong ibig mong sabihin?."

" Ahhm.. bumibilis kasi ang tibok ng puso ko pag sya ang kasama ko, tyaka hindi ko alam pero sa simpleng salita nya lang kinikilig nako kahit sa simpleng ngiti nya lang. Ang weird, imposible naman na love to, kasi iba ang feeling ko nung kami pa ni Marco, ibang iba talaga." Sabi ko, bigla naman syang natigilan.

" V-vina.."

" Hmm?."

" Hindi kaya.. may sakit kana sa puso!?." Gulat na sabi nya, nagulat din ako, baka nga.. baka may sakit nako sa puso.

" Naku Ej, pano nayan? Ano ng gagawin natin kung ganon?."

" Calm down Vina, basta hayaan mo nalang, wag ka masyadong mag isip ng mag isip lalo na si Kevin, iwasan mo ang pag iisip sa kanya." Sabi nya, napa tango tango naman ako.

" Hmm.. Sige subukan ko."

" Subukan? Ibig sabihin lagi mong iniisip si Kevin?." Takang tanong nya

" Ahhm.. Yeah."

" Teka.. may ginawa bang kakaiba si Kevin? Like yung mga weirdong pinag sasabi, yung mga sweet words." Sabi nya, takang tumango naman ako.

Bat nya kaya natanong? Sa pag kakaalam ko kasi, lahat ng lalaki sweet, gaya nalang nilang dalawa ni Tenchi.

" Tss.. That Bastard, sinabihan kona sya."

" Huh? May sinasabi ka?."

" Wala.. Vina alis lang ako sandale." Sabay tayo nya, agad naman din akong napa tayo.

" Wait.. san ka naman pupunta?."

" May kakausapin lang ako."

" Sino? Pedeng sumama?."

" Hinde.." Sabi nya, napa simangot naman ako..

" K fine.." Sabi ko, at nag cross arm.

" Wag kana mag tampo, bibili nalang kita ng ice cream mamaya." Ngiting sabi nya, di ko nanaman napigilan di mapangiti.

" Talaga? Sige ah, tyaka bili mona rin ako ng chocolate please.." Ngiting sabi ko, bahagya naman syang natawa.

" Oo na, sige.. Oh pano una nako?."

" Hmm.. Ingat kita kit's nalang mamaya." Ngiting kaway ko, tumango naman sya.

Naka ngiti naman akong nag lakad lakad, maaga pa naman eh, mamaya nako papasok sa room, mag babasa lang naman ako don eh..

Pero curious parin ako kung saan punta non ni Ej, muka kasing may gagawin sya, curious lang naman ako kung ano yon.

Nasa likod lang ang dalawa kong kamay habang mag kakapit, sige pupuntahan kosya, ay wag nalang baka magalit pa sakin si Ej..

Sige nanga, wag nanga lang.. nag pabalik balik ako ng lakad dahil di ko alam kung pupunta bako o hinde, ganito talaga ako pag na cu-curious ako sa isang bagay, nahihirapan akong mag desisyon.

" Huy Vina! Good morning, teka.. bat pabalik balik ka? Di kaba nahihilo?." Takang tanong ni Darren. tumingin naman ako sa ginagawa ko at ngumiti at napa kamot nalang..

" Ahhm.. di kasi ako makapag decide kung tutuloy bako o hinde." Sabi ko..

" Huh? Saan naman?."

" Yun nanga eh, di korin alam.."

" Hyys.. tara sama ka nalang sakin."

" Saan?."

" Nood tayo ng laro nila Winston at Kevin, nag ba-basketball kasi sila ngayon.. ano sama ka?." Tanong nya, napa ngiti naman ako..

" Sige ba.." Ngiting sabi ko, sabay na kaming nag lakad.

" Ahhm.. Vina, tanong lang.. Crush mo paba si Kevin?." Tanong nya, napa isip naman ako at tumingin sa langit at ngumiti.

Hindi kona naiisip ang bagay nayon, dahil sa isip ko friend na kami ni Kevin, siguro wala nakong crush sa kanya.

" Siguro wala na."

" Huh? Pano mo nasabi yan?."

" Dahil.. Friends na kami, hindi kona rin iniisip ang bagay nayan, bakit mo pala natanong?."

" Wala naman, gusto kolang malaman." Sabi nya, napa tango naman ako.

" Vina.. kun___." Bigla syang natigil, at napa tingin kami sa ingay na narinig namin.

" Teka.. Sila Kevin bayon?." Takang tanong ni Darren, agad kaming pumunta don at nilapitan sila.

" SINABIHAN NA KITA KEVIN!! LUMAYO KANA SA KANYA KUNG AYAW MONG AKO MISMO ANG ___."

" Ej?." Mahinahon at takang tanong ko, agad naman syang napa tigil at tumingin sakin.

Naka patong si Kevin kay Ej. naka higa naman si Ej, may mga pasa rin sila sa muka at may dugo, si Winston naman naka upo at marumi narin ang uniform at nag pupunas ng dugo.

" Bro.. ano bang nangyare?." Takang tanong ni Darren, at nilayo sya kay Ej..

Mabilis ko naman na nilapitan si Ej, inupo kosya at nag aalalang tiningnan kosya..

" Ej.. ano bang nangyare?." Takang tanong ko, inis naman syang napa iwas ng tingin.

" Please Ej.. sabihin mo sakin."

" Bakit kaba nandito Vina? Dapat pumunta kana sa room nyo." Sabi ni Ej, napa buntong hininga naman ako.

" Sabihin mona Ej." Seryosong sabi ko, Alam kong naramdaman nya yon, kaya napa tingin naman sya sakin, tiningnan kosya ng seryosong tingin.

" Sasabihin moba, o di na kita kakausapin ng one week?." Banta ko. Napa buntong hininga naman sya.

" Vina.. May di lang kami pag kakaintindihan ni Kevin." Sabi nya, ngumiti naman ako at pinisil ang pisngi nyang may pasa.

" Aray." Daing nya.. ginulo gulo ko naman ang buhok nya.

" Ej.. sa susunod, wag kana makikipag away ok? Bad yon.. sige ka pag nalaman ni Tenchi to magagalit yon sayo, Ej.. malaki na kayo, dapat di kayo nag aaway, Tara sa infirmary, gagamutin kona yang sugat mo." Ngiting sabi ko, napa ngiti naman sya at napa kamot sa ulo nya...

" Sige nanga, Tara." Tinulungan kosyang tumayo, bago paman kami maka alis, tiningnan ko sila Darren at Kevin..

" Darren.. ikaw nang bahala dyan kay Kevin, alis na kami." Ngiting paalam ko, tumango naman sya.

" Vina.." tawag ni Kevin, kaya nilingon kosya..

" Vina m___." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Kevin ng mag inarte si Ej.

" Aray! Vina.. Tara na. Ang sakit na talaga ng sugat ko.. kailangan kona magamot agad." Sabi ni Ej.

WINSTON POV.

" Oo napo, hyys.. sige guys una na kami." Pag kasabi ni Vina non, agad na silang tumalikod, pero tumingin ulit si Ej kay Kevin at ngumisi.

Napa tingin naman kaming dalawa ni Darren kay Kevin, napaka sama ng tingin nya kay Ej.. napa iling iling nalang ako.

Actually.. I really don't know what's going on in this two, while Kavin and I are playing I shocked when Ej walking and so bad aura and all his strength and punch Kevin in the face.. Geez what a scary boy.

" Tss.. I really hate that guy. I want to give him a medal, he's really good in acting, maybe that's his talent psh.." Inis na sabi ni Kevin. At sinipa ang bola at inis na nag lakad ng naka pamulsa.

Napa iling nalang kami ni Darren at sinundan sya.. hindi ko parin alam kung ano talagang pinag aawayan ng dalawa..

Ang mas nakakalito pa, may laging sinasabi si Ej na sya? Layuan mosya? Tigilan nanya sya? Basta may sya lagi, kaya nakakalito..

I want to ask Kevin About that, but.. I can't do it, he's really angry, he's like going to explode. and that's our second time we saw Kevin so angry like that.

" Winston.. ano bang nangyare?." Mahinang tanong ni Darren..

" I'll explain to you later, but not now." I said, he nodded and look at Kevin.

* * * * *

Ng matapos ang klase, halatang inis parin si Kevin, hindi nanya pina gamot ang sugat nya at nag hilamos nalang.

Para talaga syang tigre pag nagagalit, kaya kami ni Darren, behave lang kami pag ganyan na ang aura nya..

Naka sunod lang kami ni Darren habang nauuna si Kevin, naka pamulsa lang sya at inis parin, parang gusto nanyang manapak.

I know Kevin, pag ang dalawa nyang kamay ay nasa bulsa, sobrang naka kuyom yon, at pag nilabas nyang naka kuyom ang kamao nya siguradong walang paligoy ligoy na sasapakin nya ang taong yon.. kahit na kami kaya nyang sapakin.

" HI GUYS!!." Bigla naman kaming natigilan tatlo papasok sa cafeteria ng may sumigaw sa likoran namin.

Naka ngiti si Vina habang papalapit, at si Ej na naka bulsa ang isang kamay at nasa batok at isa pa.. at naka simangot.

" Sabay na tayo may lunch?." Ngiting sabi ni Vina, napa tingin naman kami ni Darren kay Kevin na naka tingin na pala kay Vina..

" Sure.. Tara na." Ngiting sabi ni Kevin, at kinapitan si Vina sa pulsohan.

Pero bago paman nya tuluyan mahila si Vina, kinapitan naman ni Ej ang pulsohan ni Kevin.. nag titigan sila.

" Kaya nyang mag lakad mag Isa." Si Ej

" Get your hand off me." Inis na sabi ni Kevin, naku naman.. mag aaway nanaman ba yung dalawa?

" Get your hand off first on Vina." Sabi ni Ej, nag titigan sila ng masama kaya pabalik balik ang tingin ni Vina.

" You ba___." Bago paman matapos si Kevin agad nakong sumingit at kinapitan si Kevin..

" Stop na Kevin. Tara na." Pero di nyalang ako pinansin at nakipag titigan parin kay Ej..

Napa buntong hininga naman si Vina, kung naguguluhan ako, mas naguguluhan naman si Vina..

" Pede bang. itigil nyona to!?." Diin na sabi ni Vina, at inis na kinalas nya ang pag kakakapit ni kavin..

" Sabihin nyo nga, ano bang problema nyong dalawa? Hindi naman kayo ganyan dati ah?." Taas kilay na tanong ni Vina, hyys ngayon pa talaga sya nag sungit eh bad trip ngayon si kevin.

" Wala naman kaming magiging problema Vina kung di sya nangingialam." Paliwanag ni Kevin..

" Psh.. Bat ako hindi mangingialam kung alam kong may binabalak ka?."

" Sigurado kaba talaga sa sinasabi mo?." Inis na sabi ni Kevin, napa ngiti naman si Ej..

" Bakit male bako?." Nang aasar na sabi nya, dadambahan na sana ng suntok ni Kevin si Ej, at kami ay aawat na.

Ng biglang pingutin ni Vina and dalawa habang naka pikit. Bumuntong hininga sya at inis na tiningnan ang dalawa.

" Kevin." Tawag ni Vina..

" B-bakit?." Tanong ni Kevin. At naka kapit sa tenga nya na kapit ni Vina.

" Ibili moko ng Pineapple juice, ikaw Ej, ikaw ang oorder ng food. yan ang parusa nyo dahil makukulit kayo." Sabi ni Vina sabay bitaw.. naka simangot naman na tumingin ang dalawa kay Vina..

" Bakit hindi nalang sya ang pabilin mo? Tutal bibili naman sya ng pineapple juice mo?." Reklamo ni Ej

" O__." Bigla natigil si Kavin..

" May reklamo kayo?." Mataray na tanong ni Vina, napa iling naman ang dalawa at agad ng tumakbo..

Napa palakpak nalang kami ni Darren habang iiling iling, bahagya naman natawa samin si Vina..

" Galing ah. ganon ganon lang yon? Pipingutin molang ang dalawa para matigil? Tas ako kailangan kopang maka tanggap ng apat na sapak sa dalawa pero di ko parin sila mapigilan, Astig lang?." Natatawang Sabi ko.

" Hahaha.. Ganon talaga, si Ej talagang takot sakin yon, pero hindi ako maka paniwala na nakikipag away nasya at ang malala, kaibigan pa natin ang kaaway, Isa payang si Kevin.. puma patol pa napaka isip bata talaga." Iiling iling na sabi ni Vina.

" Teka.. isip Bata? Hindi kaba natatakot kay Kevin?." Takang tanong ko. napa tawa naman sya..

" Ako? Bat naman ako matatakot? Isa pa kaibigan kosya, kayo kaibigan ko, at alam kong mabait kayo, pero pag isa man sa inyo ang nanakit sakin o sa mahal ko, hindi ko kayo mapapatawad at matitikman nyo ang galit ko na kahit kailan di nyo gugustohin makita." Sabi nya..

Bigla naman akong kinilabutan at nag taasan ang balahibo ko sa sobrang seryoso nya.. minsan lang kasi sya mag seryoso ng ganyan.

" Ano kaba Winston, wag kang matakot, sinasabi kolang naman no.." Natatawang sabi nya at nag hanap na kami ng pwesto.

Nakakatakot pala ang babaeng ito, lagi syang binu bully pero di sya luma laban at hinahayaan nalang.

Yung sinasabi nyang galit nya, ayoko yon makita, mas gusto ko ang Vina na kaharap ko ngayon.

Comment