Chapter 8

CHAPTER 8: Stick To The Plan.





[Now Playing: Freal Luv - Far East Movement x Marshmello ft. Chanyeol ]




Narrator's Point of View


It's late at night pero nagbabantay parin ang apat na sina Vien, Khaiza, Ashiana at Leigh hindi nila alam na kanina pa nagmamasid ang apat na binata na sina Victon, Xion, Kenjie at Jio kasama nila ang iba pang mga tauhan. Hindi nila hahayaang may mapahamak kahit isa sa mga ito.

'Akala mo naman napakatapang tsk!' bulong ni Kenjie. Pinagmasdan lang nila ang apat na dalagita na animo'y may iniimbestigahan sa bawat lugar.

'Mga walang kupas din tong mga ito eh' napailing na sabi ni Victon sakanila.

Sa totoo lang nagaalala sila sa apat na babaeng pinagmamasdan nila banda sa kalayuan nakasuot ang mga ito ng kulay itim na leather jacket nakacombat boots na akala mo ay mga sundalo.

Sa mga taong nagtamo ng matinding pagsubok sa paaralang ito. May hindi pa sila nalalaman na matagal ng itinatagong sikreto ng kanilang paaralan. Hindi pa handa ang principal para sabihin ito sakanila ni kahit isa walang nakakaalam sa mga nangyayaring gulo maliban lang sa kanilang Madam Principal.


"Nakita mo ba yung mukha?" tanong ni Victon.

"Hindi. Nakatakip yung bibig niya ng itim na mask." -Kenjie.


"Bukas na bukas kailangan itong malaman ni Madam Principal." - Xion.

"Huwag mo munang sabihin pre tayo nang bahala kung sino may pakana nito." - Jio.

"Mas mabuting huwag mo muna nating sabihin baka mapahamak pa si Madam Principal." - Victon.

"Yeah." tipid na sagot ni Kenjie sa mga kaibigan bumaba na sila sa kanya-kanya nilang classroom magkaklase si Kenjie at Victon ay engineering student habang si Xion ay kumukuha ng kursong theater arts sa kolehiyo samantalang si Jio naman ay civil engineering ang kinukuha nito sa kanyang sekondarya.


Kung sa isang tingin sila ay pawang mga ordinaryong estudyante lang ito pero sa likod nito sila ay parang mala guwardiya sibil ng sa kanilang eskwelahan. Si Madam Principal ay ang namumuno sakanilang paaralan ang Far Eastern Academy.



Si Madam Principal ang unica hija na anak ng isang mayamang negosyante sa South Korea kilala ang kanyang magulang sa mabilis na pagpapalago sa negosyo kaya ganun nalang ang pagbibigay galang ang apat na binata.



***


Nakaupo ang tatlong dalaga sa kwarto ni Leigh. Doon sila nakatambay ngayon, wala si Vien nasa isang okasyon kasama ang kanyang Kuya Bricks kailangan niya iyon para isang pagpupulong kasama ang kanyang pamilya.

"Ano kaya kung tawagan natin si Vien." - Leigh.

"You should call her. Palli!" - Khaiza.

(On the phone)...

[Vien, hello.]

"Yes, what?"

[Anong ginagawa mo?]

"Nasa house ako sinabay ako ni Kuya pero bukas makakauwi narin ako doon muna ko sa condo mag stay for a while."

[Mabuti naman. Nagaalala kami sayo maayos naman na dito, nagbabantay parin sila. Pero mas kakayanin namin ngayong wala ka sa ngayon]

"Good, basta kapag may kailangan lang kayo anything okay? Just ask me."

[Sige, Vien.]

"Ok. I'll hang up tawag nako ni kuya bye."

-End call -

Mukhang maayos naman na ang lagay ni Vien kaya natahimik si Leigh kailangan kasi kahit pagtapak nila sa labas ng school ay kaya nilang protektahan ang kanilang sarili lumabas na ang tatlo sa kwarto at nagbantay na sa labas at pumunta sa kanilang destinasyon.

Nakita nila ang apat na lalaki na sa isang sulok doon sa may garden. Ang tambayan nila binati ng apat na lalaki sina Leigh, Khaiza at Ashiana at tumango lang ang tatlong dalaga.



"Girls, anong ginagawa niyo? Bakit nandito pa kayo?" tanong ni Victon.

"Nagbabantay kami, bakit?" masungit na sabi ni Ashiana.

"Okay." sagot ni Viccton.

"Parang kulang ata kayo? Nasaan na yung isa niyo pang kasama?" tanong ni Kio.

"Ah si Vien nasa kwarto niya eh. Nagpapahinga." - Leigh.

"Tsk! Ang sabihin niya lang takot siya kaya hindi siya sumama sainyo." - Kenjie.

"Kenjie!" - Xion.

"Bakit totoo naman ah." - Kenjie.

"O, baka naman namimiss mo lang hahaha!" - Victon.

"Hindi ah tsk!" - Kenjie.

"Enough, guys!" -Khaiza.

"Kayo talaga!" -Leigh.

Mamaya lang may narinig silang putok ng baril naalarma sila kaya naman naghanda sila kaagad. Mukhang it's death time! pumunta sila kung saan nila narinig ang putok ng baril na iyon.

"Kuhanin niyo na yan." seryosong sabi ni Vien.

"Vien? Akala ko ba?" hindi na naipagpatuloy ni Leigh ang kanyang sasabihin kaya naman sinugod nila agad ang mga natamaan ni Vien.

Nakaitim nga ito na mask tama nga si Kenjie sa pagpapahayag ng detalye tungkol sa mga nakapasok na asungot sakanilang paaralan.

Nasa loob sila ng opisina ni Madam Principal at yung mga asungot ay nasa pulisya na pagkalabas nila ng opisina ay hindi na mapigilang itanong ni Leigh ang gusto niyang sabihin kay Vien.

"Hindi ko na kayang ipagpabukas pa kaya ito at tsaka kanina ko pa sila nakikita at mukhang target na naman nila itong school natin kaya inunahan ko na sila." sabi ni Vien sakanila.

Iniwan ni Vien ang mga kasamahan niya at bumalik sa office ni Madam Principal nagusap na sila tungkol sa mga asungot na iyon pangalawang beses na nangyari iyon kaya hindi na nila papalampasin pa.

"Buti naman nandito kana." nakangising sabi ni Kenjie. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang kanyang ginagawa inaayos niya ang mga papeles na ibibigay sa council bukas.

"Yung mga kasamahan mo kanina parang kawawa." Kenjie.

"Anong kawawa? Tsk! Kaya nila sarili nila no!" saad nito.

"Basta!" sagot pa nito kay Vien.

"Sino kayang takot satin?" sarkastikong tanong ni vien.

"Putek! Narinig mo?" sabi pa niya.

"Malamang." ang hina naman siguro ng pandinig ko para hindi marinig iyon.

"Aish!" umalis na si Kenjie sa loob ng opisina at umismid siya pagkalabas ni Kenjie.

'Ano ka ngayon, Kenjie. Hahaha!' bulong ni Vien natawa na lang siya sa sarili.

***

Vien's Point of View

Mas mabuting umuwi agad ako ng panandalian dahil hindi ko na kayang magtiis pa sa pamamahay na yon wala ring nangyari sa okasyon na iyon.

Nakita ko na ang lahat ng pamilya namin tahimik lang ako sa isang tabi wala rin akong kausap si Kuya naman busy sa pakikipagusap sa mga tito namin at sa mga pinsan ko na puro lalaki siguro mangilan lang ang babae samin pero kahit ni isa ay wala nakong kinausap sakanila mas minabuti kong manahamik pero nagbatian naman kami tapos nun nagkanya-kanya ulit kami.

Napakaepal talaga ng lalaking iyon akala ba niya hindi ko narinig ang sinabi niya sa mga kaibigan ko. Nakakainis talaga siya ang sarap niyang sapakin talaga! Pinigilan ko lang inis at galit ko kasi ayokong lumala ang tensiyon sa grupo namin at sa nangyari kanina.

Binuksan ko na ang kwarto ko at nagpalit ng pantulog nang matapos ay nagpahangin muna ako sa terrace ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng hangin na nanggagaling sa may labas ng buong siyudad. Ang gaan sa pakiramdam nakakarelax. Isinirado ko na ang bintana at humiga na sa kama.

Patuloy parin ang plano bukas hindi kami susuko ng grupo ko hangga't hindi ko napapatay ang may pakana lahat ng ito kailangan ko ng paghandaan ang posibleng mangyari. Alam kong nagmamasid lang sila sa paligid at anumang oras ay pwede nilang patayin ang may-ari ng paaralang ito at kailangan kong protektahan ang may-ari ng paaralang ito handa akong lumaban at bigyan ang hustisya ang sinumang pumatay sa mga taong malalapit sakin.

Comment