CHAPTER 1

Seniors

Solene POV


I woke up to the sound of my alarm clock, It's already 7:00 am so I got up and went straight to the bathroom of my room-my new room to be exact to do my morning ritual and get ready for school.

This is my first day as a college student that's why I am so excited. I'm also excited because this is my first day in the largest university in Manila. When I had finished tidying up I left the room and went downstairs to get a drink.

Only to see my mom, Lachelle Ivy Saito-Tolentino  in the living room who might be doing her job. I didn't see my mom's new husband, maybe he had already left for work.

''Good morning, love.''  pagbati sa akin ni mommy ng makita nya ko, nginitian ko sya ng tipid at lumapit ako para humalik sa pisngi nya.

''Morning mom'' balik pagbati ko, pagkatapos ay pumunta na ko sa kusina para makainom ng tubig.

''Gumawa ako ng favorite mong lemonade nilagay ko sa ref.'' sabi pa nito, sakto  babaunin ko na lang.

''Thanks mom, pasok na po ako'' lalabas na sana ako ng tanungin nya ko.

''You're not eating your breakfast?''

''Hindi na po, bibili na lang ako sa labas tsaka siguradong inaantay nako ni April sa school sabay po kase kaming kukuha ng schedule''

''Oh okay, just make sure that you'll eat before you go to your class, drive safely and tell April that I'd say hi.''

''I will mom, love you.''

''I love you too, love.''

Paglabas ko ng bahay ay pumunta nakong garahe para kunin ang sasakyan ni daddy, ito ang ginagamit ko simula nung nag karoon ako ng drivers license isa lang to sa sasakyan nya dati pero ito ang kinuha ko dahil ito ang huling kotseng ginamit niya bago sya mawala.

Pinasadahan ko ito ng tingin at napangiti na lang ng mapait, namimiss kona sya lagi naman simula ata ng mawala sya.

''Hay tama na ang pag iisip mahuhuli kana, siguradong naiinip na ang kaibigan mo.'' pag kakausap kopa sa sarili ko dahil baka umiyak pako at na-iimagine kona ang naiinip na mukha ng kaibigan ko.

Pinaandar kona ang sasakyan ko papunta sa school, halos kalahating oras lang ay nakarating na ako doon medyo natagalan nga lang bago ako makahanap ng pagpaparadahan ng sasakyan dahil andaming kotse halos puno na ang parking lot buti na lang e may nakita pako.

Naglalakad nako papasok ng University nang naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya naman tinignan koto, nag text si april.

Garrulous: Asan kana? andito ako sa harap ng main entrance ng Architecture Building.

Hindi nako nag reply at hinanap na lang sya, hindi naman nag tagal e nakita kona yung main entrance dahil sa malaking banner na nakasabit sa taas nito na may nakasulat na ARCHITECTURE BUILDING MAIN ENTRANCE. Nilagay siguro nila yon para hindi malito ang mga bagong estudyante dahil andaming entrance sa mga building.

''Salamat naman after how many years dumating na den sa wakas! bilis mo ah?'' malakas at exaggerate pang pagsabe ng kaibigan ko ng makita ako, ni walang pakielam kahit madaming taong dumadaan, napailing na lang ako at hinayaan na lang naman sya dahil hindi ko naman mapipigilan ang bunganga nyan.

She's April Anne Dela Fuente, simula ata ng pinanganak kame e magkaibigan na kame dahil magkaibigan din ang mga magulang namin, marami naman akong naging kaibigan pero sya talaga yung nag iisang matalik kong kaibigan. Isa sya sa dahilan kaya ako ngumingiti, sya din ang kasama ko hindi lang sa saya pati sa lungkot at pag hihirap ko sya yung laging nasa tabi ko.

FLASHBACK*****

Unang araw ng burol ni daddy ngayon at ito ako tulala't nakaupo lang sa isang tabi mugto ang mata dahil sa pag-iyak simula pa kagabi.

Nasa ganon pa den akong position ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko at niyakap ako patagilid.

''Solene, hindi kapa daw kumakain sabi ng mommy mo! tara na sasabayan na kita hindi pa din  ako kumakain!'' si April pala ang matalik kong kaibigan. Tinignan ko sya ng matagal dahil pakiramdam ko may tutulo nanamang luha sa mata ko.

''Bakit hindi kapa kumakain?'' nahihimigan ang lungkot ngunit may pag aalala na sa tono ko.

''Dahil mabait ako! alam kong hindi ka pa kumakain at gusto kitang sasabayan kaya hindi na muna ako sumabay kila mommy!'' lagi syang ganyan kala mo ang layo ng kausap laging naka sigaw kaya tinanguan ko siya bilang sagot.

Sa loob na kami kusina sila manang sonya ang andoon kaya sya na ang nag sandok ng pagkain namin, habang kumakain ay kinukwentuhan lang ako ni april na alam kong ginagawa nya dahil alam nyang pag hindi sya nag salita ay tutulala lang ako, alam din nyang makikinig ako sa mga kwento nya.

''Dito na lang ako matutulog!tatabihan kita magpapaalam ako kila dad siguradong papayagan ako non! malay mo gumawa sila ng kapatid ko edi maganda! may kapatid nako!'' masayang pagsabi pa nito, at nangyari nga ang sinabi nya dahil saamin sya nag palipas ng ilang araw.


END OF FLASHBACK*****

''I'm sorry, natagalan ako sa paghahanap ng mapaparkingan...halos puno na.''

''Eh san ka ba naman kasi nag park?'' pagtatanong nya, tinaasan pako ng kilay na kinaikot ng mata ko. Hindi ba pwedeng pumasok na lang at wag ng magtanong.

''Dun sa unang parking lot na nakita ko. Hindi ko alam na may paradahan sa malapit, oh ano tara na?.'' tumango lang sya.

Pagpasok ay ginala ko ang paningin ko, maganda at malaki hindi na kataka taka dahil sikat din na paaralan. Andami ding nagkalat na estudyante I mentally rolled ng eyes sa iniisip ko syempre madami talagang estudyante eskwelahan kaya to, karamihan naka uniform na pero marami ding mga naka civilian lang katulad namin dahil wala pa kaming uniform masusuot lang namin yon after 1 week.

''Grabe ang ganda!...lahat na ata ng nasa school na to maganda!, excited nakong masuot yung uniform maganda naman na tayo pero ang lakas maka ganda sis!. '' manghang pagbibiro ni april.

''Tara na, kuhain na natin yung susi at sched.'' tawag ko dahil medyo lumalayo sya.

Nang makuha na namin ang schedule at susi ng mga locker ay dumeretso na kami ng lakad kung nasaan ang mga locker namin nang kuhanin nya sakin ang schedule ko at tinignan kung meron ba kameng subject na magkaklase kame.

''O halos lahat ng subject  magkasama tayo! ayos to tabi tayo lagi ahh! baka kung kanino ka tumabi tapos hindi naman friendly at sungitan kapa!, aawayin ko yon!.'' at kinindatan pako.

''Patingin.'' kinuha ko sa kanya to at nakita kong nasa parehas kame sa unang klase at dalawang magkasunod na klase bago mag uwian.

Iginala ko ang mata ko kung saan may mga numero ng locker at nakita ko na ang numero ko 308.

''Ayun na yung akin.'' pagnguso kung saan.

''305 ako! magkalapit lang yung atin!.''

Nang mailagay na namin ang mga gamit namin ay napagpasyahan namin pareho na hanapin na ang room kung saan ang unang klase, sa paghahanap namin ay may mga nadadaanan kaming mga lalaki't babae na sinusundan pa kami ng tingin.

''Ano ba yan, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?'' Naka ngisi nitong pagtatanong sakin. Nang makita namin kung saan ang room ay hindi naman kame makapasok dahil andaming nag kukumpulan sa harap ng silid.

''Excuse.''

''Excuse us po!.''

''Excuse.''

''Mga ate't kuya padaan!''

Nang wala pa ding tumatabi ay napakunot na ang noo ko, ano bang pinagkukumpulan ng mga to. Mukhang si April ay nainis na sa paulit ulit naming pakikiraan kaya...

''Punyeta ano ba yan? chismis? pabulong?, padaan naman!'', may halong inis na ani nya kaya naman napansin na kame at tumabi na ang ilan na nakaharang sa pinto.

''Thank you!'' nakangiti ng pasalamat nya nang makadaan kami.

''Kahit kailan ka talaga'' naiiling nanaman na ani ko sa kanya.

''Bakit? maayos tayong nakiraan pero hindi tayo pinansin man lang! hindi naman ako na inform na gusto nilang isigaw ko pa, aba masyado akong hot alam mo yan!''

''Hotheaded'' pabulong kong sagot

''Binubulong mo jan? tara na dito na tayo sa bandang gitna'' pag upo nya sa gitnang row sa bandang gilid dahil may nakaupo na sa likod at harap, tinignan ko ang relo ko at nakitang may 20 minutes pa bago magsimula ang klase kaya naman nag kwentuhan muna kame nang biglang may lumapit saming babae at nginitian kame na sinuklian din namin ng ngiti.

''uhm...hello miss is there anyone sitting here?'' pagtukoy nya sa katabi kong upuan.

''That seat is still available.'' simpleng sagot ko.

''Thank you, by the way I'm Zoe Ysenia Hernandez but you guys can call me Zoe. '' pagpapakilala nya pinakatitigan ko muna ang mukha nya ng makitang mukha namang syang mabait ay nginitian ko sya ng tipid at nagpakilala na din.

*****

Exact 10:30 am nang dumating ang guro namin kaya nagsi-upo na ang mga kaklase namin.

''Good Morning class, I will be one of your professors in this semester. My name Is Professor Diane Aragon.'' pagbati at pagpapakilala ng guro saamin.

''Good Morning Professor Diane Aragon.'' pagbati din namin.

''Ngayong araw ay unang araw nyo bilang college, dahil unang araw ito ng pasukan ay hindi rin ako mag di-discuss na sa tingin ko naman ay gagawin din ng ibang guro, dahil ayaw naman namin na kay aga-aga e maistress kayo at mag uwi pa ng mga Assignments. Kaya naman ang gagawin lang natin ngayon ay magpakilala ang bawat isa para naman malaman nyo ang mga pangalan ng makakasama nyo sa semester na ito.'' mahabang paliwanag ng guro namin. Kaya inumpisahan na nang mga kaklase namin ang pagpapakilala.

*****

Natapos ang mga klase namin na puro pagpapakilala lang ang ginawa namin, syempre first day of school ayaw din daw nila na ma stress ang mga studyante kung magtuturo na agad sila at mag iiwan ng takdang aralin.

Break time na at sinabihan ako kanina ni april na magkita na lang kami sa entrance ng building dahil sa school na to ay isa lang ang cafeteria at ngayon naman ay nauna ako kaya ako naman ang nag-aantay sa kanila.

''Solene tara na'' pagyaya ni April na kasama si Zoe dahil nasa pareho silang klase bago ang break time.

Pagpasok namin ng cafeteria ay madaming ng tao kaya dumeretso na kame sa counter kung saan namin gustong umorder ng pagkain, habang nakapila ay may bigla na lang bumangga saamin kaya naman napaatras ako at kung hindi naman nahawakan ni April si Zoe ay siguradong palakda na ang pwet nito sa sahig.

''Dahan dahan.'' kunot noong ani ko pagkatapos pulutin ang wallet kong nahulog nang mabangga ako nito.

''Oh my bad, first year?'', tanong nito na tipid kong tinanguan lang dahil saakin ito nakatingin. Mukhang mataray, may mga kasama pa itong dalawang babae na tinawanan lang kame ni hindi man lang pinagbawalan ang kaibigan nila halata namang sinadya kame nitong banggain dahil anlakilaki ng daan.

''Hindi kaba mag sosorry?'' naasar na tanong ni April

''Why would I?'' mataray na tanong neto na tinaasan pa kame ng kilay

''Aba itong ba--'' hindi natapos ang sasabihin ni april ng biglang magsalita ang isa sa kasama ng nambangga saamin.

''Kung ako sa inyo next time hindi ako haharang harang sa daan para hindi ako mabangga'' pagsabat nito na ikinataas ng kilay ko ang sinabi, kami pa pala ang nakaharang? doon ko lang din napansin na madami na pala kaming naagaw na atensyon dahil marami ng nakatingin sa amin.

''We're not even blocking the way.'' pagsali na ni Zoe

''Then--'' hindi na den natapos ang pag sasalita ng nangbangga samin nang biglang mag salita galing sa likod nila.

''Stop it Mhonica.'' maotoridad na pagpapatigil ng babae habang nakatingin sa babaeng bumangga saamin.

''Sorry Haez, sila kase mga nakaharang sa daan'' pagdadahilan pa nito.

''Bruhang to sinungaling!, trip nyo lang talaga kaming banggain mag dadahilan kapa!? panget mo mag sinungaling. Hindi ka magaling!.'' pagsabat ni April na nagawa pa silang taasan ng kilay at paikutan ng mata.

''Shut up, bitch'' inis na sagot naman nito na inikutan lang nanaman mata ng kaibigan ko.

''When will you stop? taon taon na lang may inaaway kayo hindi na kayo nahiya seniors pa naman kayo.'' tanong ulit ng babae kay Mhonica na hindi naman nito nasagot kaya pinaalis na lang ito.

''Wait, wala man lang bang sorry?'' tanong ni April.

''She's right before you go, you should apologize first'' sagot ng isa sa tatlong lalaki na mukhang kasama ng babaeng umawat sa pagsasalita ni Mhinica. Ngayon ko lang napansin na hanggang ngayon pala ay nanonood pa rin.

''Tss, I'm sorry'' sagot ni Mhonica, pinaikutan pa kami ng mata bago umalis kasama ng mga alipores nya ni hindi man lang inantay ang sagot namin.

''Umay yung mga ganyang mukha! paki paltan!'' pahabol pa ni April sa mga to.

''Thank you sa pagtulong''

''Thanks for that''

''Salamat nako kung hindi kayo dumating malamang masabunutan ko yong mga yon! taray mukha namang clown!.''

Sabay sabay na sabi naming tatlo kaya naman natawa sila, nakatingin ako sa babae habang tumatawa sya halatang mayaman din pati pagtawa ang elegante.

''Don't mention it, by the way I'm Ammarie Haez Monte Silva just call me Haez. We're 4th Year in Business Management, seniors.''

''Hi Tristan Jace Almeda''

''Hello ladies, I'm Cloud Jensen Villasorda''

''Lexir Lae Monte Silva''

Pagpapakilala nila pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay yung lalaking kaparehas ng mata si Ate Haez yung huling nagpa kilala dahil ng tumingin ako sa kanya ay saakin na ito nakatingin habang sinasabi nya ang pangalan nya.

*****

Sana nagustuhan nyo kung ano man ang nabasa nyo just comment if meron kayong opinion.

At kung curious kayo kung ano yung ibig sabihin ng pangalan ni April sa Contact ni Solene na garrulous ito yon

garrulous

excessively talkative, loquacious, pointlessly or annoyingly talkative.

Goodnight.

Please do vote and comment.

Comment