I wish: Seokhao

limang taon na pala ang lumipas simula nang nagkahiwalay tayo.

napaka bilis ng mga pangyayari ngunit parang wala lang ito lahat sayo.

naiisip mo pa kaya ako? o hindi na dahil nakalagpas ka na sa nakaraan.

puwede pa ba nating ibalik ang mga matatamis ngunit masakit nating pagmamahalan?

nangungulila na ako sa mga mata mong kay ganda.

tuwing aking pagmamasdan ako'y natutulala at naiistatwang parang tanga.

bakit nga ba ganito ang epekto mo sa akin?

siguro'y dahil ika'y mahal ko pa rin.

ito nga ba ang dahilan? o ako'y nagbubulagbulagan.

maari ba nating ibalik ang ating pag-ibig?

"seokmin, kamus-" naputol ang sasabihin ko nang bigla mong ibaba ang tawag.

*beep* *beep*
tunog ng telepono matapos maputol ang tawag.

panibagong araw na naman at ito na naman ako umaasa, naghahangad na babalik ka pa.

mahal mo pa kaya ako? o hindi na.

"seokmin?" tawag ko sa kabilang linya ng telepono.

"myungho, tumigil ka na. magpakasaya ka na lang, please. tama na." sagot mo.

"i miss you."

"hao, tama na, please. hindi na kita mahal." rinig ko ang mahinang pag-iyak mo habang nagsasalita, kasabay nito ang biglang pagbaba mo sa telepono.

"mahal mo pa ako, alam ko." sabi ko sa aking sarili.

bakit mo nga ba ako iniwan? wala naman akong ginawang mali, bigla mo na lang akong iniwan ng walang dahilan at ito ako naghihintay pa rin ng mga paliwanag mo. alam kong may dahilan ka kaya pilit kong tinatanggap ito sa sarili ngunit hindi ko kayang hindi ka mahalin.

lumipas ang ilang araw at tinigilan muna kitang tawagan dahil baka sa kakatawag ko ay hindi mo na ito sagutin sa dahilang naiirita ka na.

napatigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang aking telepono.

"hello? who's this?" tanong ko sa kabilang linya dahil imposibleng tawagan ako ni seokmin.

"hello, kaano-ano niyo po si 'lee seokmin'?

" uhm, boyfriend po niya ako. bakit po may nangyari po ba?"

"natagpuan po siyang patay sa isang parke. ginawa pa po naming dalhin siya sa hospital ngunit nahuli na po kami."

"ano? baka mali kayo ng sinasabing tao. hindi si seokmin yan! BUHAY PA SIYA!" sigaw ko sa kabilang linya habang umiiyak.

"pasensya na po, pero ginawa namin ang lahat ng makakaya namin, pero huli na ang lahat. meron po siyang sakit sa puso at ang dahilan po ng pagkamatay niya ay ang biglang pagkaatake nito."

"may dala rin po siyang letter at ang nakalagay po dito ay " seo myungho" kaya kung gusto niyo
po ito kunin ay pumunta po kayo dito."

hindi na ako nakasagot at binaba na ang tawag, dali-dali akong nagbihis at nagsuot ng sapatos para puntahan ka. hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sayo. may sakit ka pala sa puso. kaya mo ko iniwan.

nang makarating na ako ay agad akong pumunta sa counter at nagtanong. may iniabot silang liham at tinuro kung nasaan ka naroroon.

hawak-hawak ang liham na para sa akin, pumunta ako patungo sayo.

nakita kitang walang buhay na nakahiga sa kama ng hospital. mukha ka lang mahimbing na natutulog. napaka ganda mo pa rin.

"seokmin, bakit ka 'di nagsabi na may sakit ka? sana, sana. inalagaan pa kita at 'di pinakawalan."
iyak ko.

"magpahinga ka na diyan ha? 'wag kang mag-alala sa akin, kaya ko 'to. mahal na mahal kita. hanggang sa susunod na buhay, mahal ko."

huling banggit ko at hinalikan ka sa iyong noo. tinakpan ka na ng puting tela at pinaalis na ako.

umalis akong mabigat ang nararamdaman gawa sa mga nangyari.

naalala ko bigla ang liham na para sa akin.

agad ko itong binasa pagka-uwi.

mahal ko,
kung binabasa mo ito, siguro wala na ako diyan.
pumunta na ako sa malayong lugar at doon ka inalala ng tuluyan. pasensya ka na kung iniwan kita ng wala manlang paliwanag ha.

natakot kasi ako na baka ikaw yung mangiwan sa akin kapag nalaman mong may sakit pala ako sa puso baka hindi mo na ako tanggapin at iwanan na ako.

alam mo plinano ko na ang kasal natin balak ko sanang sabihin sayo ang tungkol sa aking sakit at umaasa akong babalik ka nga sa akin pero baka hindi ko na rin magawa iyon eh hindi ko kasi alam kung kailan ako mawawala sa mundong ito.

kaya ginawa ko itong letter na 'to para sayo.

miss na miss na kita, everyday i think about you. i wondered kung namimiss mo rin ba ako o mahal mo pa rin kaya ako.

thank you for calling me everyday, kahit na ganon yung mga sagot ko sayo. kahit na lagi kitang tinataboy. natatakot kasi talaga ako sa mga mangyayari.

thank you for being there for me always, kahit na iniwan kita hindi ka pa rin tumitigil na mahalin ako.

mahal na mahal kita, magpakasaya ka ha? 'wag mo na ako isipin dahil okay na ako dito. sana makahanap ka ng magmamahal sayo na higit pa sa pagmamahal ko, thank you for everything, my hao. sa susunod muli. i love you."

matapos kong basahin muli ang liham na bigay mo. ilang taon na pala ang nakalipas. ito pa rin ako inaalala ka.

"hi seok! musta ka diyan? siguro masaya ka na diyan wala ka ng problema at puro saya na lang ang nangyayari sayo. ito nga pala si junhui. ikakasal na kami sa susunod na sabado."

"hi seokmin, i will take good care of minghao. i promise you that i will not hurt him and always love him like you do." sambit niya sa puntod mo.

"oh siya kailangan na namin umalis dahil baka hinahanap na kami ng anak namin, bukas ipapakilala ko naman sayo si seokmin, pinangalan ko siya sayo dahil lagi ko siyang naaalala sayo, bukas lilinisin din namin ang iyong puntod."

"bye seok, bukas ulit."
banggit ko kasabay ng paglapag ko ng bulaklak na para sayo.

umalis na kaming dalawa at tumungo na sa aming bahay.

thank you for everything, seok. you will always be my first love. i love you so much, until we meet again.

Comment