Serenity Francess Hangville

Proclaimer:


Any part of this story is pure fictional. Any names, place, events, and business are purely coincidental. The author of this story is little bit crazy so any resemblance of my stories to others work is not intended.


@reighleys_queen
--
Serenity 1.0
Serenity Francess Hangville


"Ano ba naman yan ang kupad-kupad gumalaw." Naasar na ako sa professor na to. Ts. Kung alam lang ng lokong to kung sino ang nasa harap nya baka nabaril o napugutan ko na to ng ulo.


Pabagsak kong inilagay ang mga gamit nya sa Faculty room. Nakaka-stress.


"Ms. Hangville! How dare you to put my things like that?!"


I look at him with my oh-so-innocent face. Kapag hindi to tumigil masasapak ko na to.


"Prof alis na ako" Walang galang kong sagot. Napa-smirk na lang ako ng mapansin kong nagpipigil na si prof kalbong upakan ako. Huh! Subukan lang nya.


"MS. HANGVILLE!!"


--
Pasalampak akong umupo sa upuan ko. Mygad. Kung di lang ako nagpapanggap baka lahat ng nang-aasar at pinagkakatuwaan ako dito pinagbabaril ko na eh. Anak naman ng!


Putcha kasi si Kuya Seven, kung di lang nakiusap. Ts.


"Oh, hello Ms. Hangville." Sarcastic na bati ng malditang si Cherry. Ts. Bagay sakanya pangalan nya, hindi na masarap pulang-pula pa. Drawing book ba mukha nito?


"Oh Tomato! What can I do for you?" Nang-aasar kong bati sakanya. This is really suck. Barilin ko na lang kaya to?


"What the fuck?! It's Cherry not Tomato you bitch!" With matching taray-taray mode. Kala naman nya ikinaganda nya yon.


"Ah. Oo nga, Mansanas." walang gana kong sagot.


"OMO. Sinasagot na nya si Queen Bee"


"Oo nga. Tsk. Kawawa nanaman sya sa mga fans ni Queen"


"Right. Ang arte-arte kasi ehhh"


Kamusta ka naman? Poker face akong nilayasan sya kaso..


*pak*


"Mabagal." At tuluyan na akong tumalikod. Haklitin daw ba ako at sasampalin sana? Buti na lang mabilis akong gumalaw. I smirk! You don't know who I am little bitch. Your just nothing.


--
I am Serenity Francess Hangville. 24 years of age, graduate na ako last 4 years ago kaso may kailangan pa akong tapusin at hanapin kaya pumapasok pa ako. I'm in the 4th year taking up, BS Culinary Arts. Simpleng babae lang naman ako. Simpleng mayaman, simpleng maganda, simpleng masungit at simpleng mapanakit. *grin*


My family is known as one of the most richest family all over the world. Hindi ako nagmamayabang, simple lang kami.


(Pa-humble sya. -_-)


So as I was saying, hindi nanaman dapat ako pumapasok sa school na pinapasukan ko ngayon. May tao lang akong dapat hanapin at para mahanap ko sya kelangan kong magpanggap bilang isang estudyante.


In underground business I am known as the "Queen". Sila ang nagtitulo sakin nyan. They respect me and serve me kahit wala akong sinasabi sakanila. My identity in underworld is secret. Ayoko kasing may gumugulo sa buhay ko.


For my 24 years of existance hindi na ako nilubayan ng gulo. Mula nung nasa tiyan pa ako ng mommy ko, hindi na nawalan ng baril at bomba ang buhay ko. Hindi ako nagsisisi kasi ito ang kapalaran ko. Kapalaran kong maging isang reyna. Kapalaran kong pamunuan ang aming Mafia. Oo, mafia na ang nagtatag ay ang lolo ko. Si Sandro Hangville nakilala bilang "Great". At sya din ang humubog sa Serenity'ng kaharap nyo ngayon.


Ang babaeng nabalot ng kadiliman ang mundo.


Babaeng namulat sa karahasan.


Babaeng nawalan ng magulang dahil sa kapangyarihan.


At babaeng iyong katatakutan.


I am a HANGVILLE and a Hangville will send you to your grieve if you block our way.


--
Okay! Kakatakot pala si Serenity kapag seryoso. Hahaha! Madalang naman sya magiging ganyan. Sana suportahan nyo ang istorya kong ito. 😊


Follow. Share. Comment

Comment