4 KABANATA

Daphne's P.O.V

Mabilis na natapos ang breaktime kaya bumalik na kami ng room at hindi inaasahang tinawag ako ni inang earth kaya nagpaalam ako sa dalawa.

"Antonita, Alexandra" tawag ko. Sabay naman silang lumingon.

"Oh 'baket?" Alex.

"Mauna na kayo sa room. C.R lang ako." Paalam ko.

"Sige." Silang dalawa at sabay silang lumiko sa hallway. Lumiko din ako sa kabila dahil doon sa dulo ng hallway ang C.R

Nang narating ko ang C.r ay kaagad akong pumasok sa loob. Naiihi na talaga ako.
Pumasok ako sa isang cubicle, papalabas na sana ako ng marinig ko na parang may mga taong papasok sa loob.

"I hate that bitch!" Oh well. Boses palang kilala ko na. Arya Suki.

"What do you want to do to her then, Arya?." Kilala ko din ang mga ito. Membro sila ng Dance Club.

"Tsh. Let me eliminate that bitch." Agad na lumaki ang mata ko sa narinig. Ipa-papatay ako ni Arya?. Puta!

"Gosh! You will kill her?!"

"Lower your voice! Stupid!"

"Sorry"

"Good. No, not this time. I will teach her a lesson. Ako naman talaga dapat ang nasa top one ng ranking e, dumating lang siya at inagaw saaken ang lahat. Everything I have, she stole it all---even My Troy! So in this upcoming exam I will make sure she will fail!" Seryoso at pursigido ang boses ni Arya. Nag cross arm naman ako at sumanda sa pader ng cubicle. Akala ko pa naman kung ano na ang gagawin niya. Pinagbintangan pa akong magnanakaw. Ni wala nga akong kinuha sa kanya, hindi pa nga kami naging classmates kahit kailan e. Ni hindi ko nga rin na try humiram ng ballpen sa kaniya tapos kung magsalita siya kala niya kinuha ko ATM card niya. Tanga.

"How?"

"I will hack the system and steal the answer sheets but this time I will use zombie system and named into Daphne' so ibig sabihin pagsasabihan siyang nag cheat ng exam." Arya.

Aba! Tangina pala ito eh! Hacker din pala ang isang 'to. Dinamay pa ako sa kabaliwan niya! Pati zombie system dinamay! Malala na talaga itong si Arya Suki napaka desperada na to the point na mandadamay pa siya ng system. Hindi niya ba alam na delikado ang mga ginagawa niya?. Pero dahil putangina ang ugali niya, bahala siya sa buhay niya! Ang gagawin ko nalang ngayon ay unahan siya sa pag-hack ng system at saktong two-weeks from now naman ang exam.

Ramdam kong umalis na sila kaya ngiteng tagumpay akong lumabas ng cubicle at pasipol na dumiretso ng classroom.

"O'baket ang tagal mo? Ilang drum ba ang inihi mo?" Salubong saaken ni Alex at bahagya pang siniko si Antonia para mapalingon ito saaken. Nagkibit balikat ako at sumiksik sa gitna nilang dalawa dahil tatlong tao kada table kaya kaming tatlo ang nandito.

"Kasalanan ko bang marami lang talaga ang ihi ko?" Tanong ko at ngumise. Nilingon ako ng mapanuring mata ni Alex. "Baket parang may iba?" Tanong niya ng may pagdududa. Naku talaga itong babae-este lalake-este babae ay basta!

"Ha? Anong iba?" Kunyareng walang alam na sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na wala kang katarantaduhang ginawa mag-isa! Dapat magkasama tayo lagi sa pagiging tarantado! Hindi yung sinosolo mo!" Angil niya kaya natawa ako at tumango. "Oo, sabihin ko mamaya" nakangiseng sagot ko sa kaniya at nag apir kaming dalawa at naghintay na dumating ang teacher namin.

"May surprise quiz daw ngayon" Ang nagbabasa ng pocketbook na si Antonia ang nagsalita kaya nilingon ko siya.

"Surprise pala e bakit alam mo?" Tanong ko kaya binatukan ako.

"Tangina mo naman!" Singhal ko sa kaniya.

"Tangina mo rin! Alam mo namang may contact ako sa taas e" Nakangiseng sagot niya.

"Edi' ikaw na" Sagot ko kaya humalakhak siya at hindi na sumagot pa.

"GOOD MORNING CLASS!" Bigla ay sigaw ng teacher pagkapasok niya.

"Morning din po ma'am!" Sagot naming lahat.

"Get a one-fourth sheet of paper" bigla ay usal niya kaya nagsilabas kami ng Ballpen at papel.

Nagsimula na mag quiz si Ma'am kaya todo answer kaming lahat. 'Itong dalawa naman sa gilid ko ay walang ganang nag sagot sa mga papel nila. I doubt. Hindi naman ito nagsasagot e. Paniguradong pangalan lang naman ang sulat sa papel ng mga ito. Antonia and Alexandra hate schooling. Mas gusto pa nga atang magbulakbol pero ang problema ang mga ermats at erpats nila.
Napailing nalang ako at bumalik sa pag sagot ng papel ko.

Pagkatapos ng quiz ay pinasa namin ito sa kaniya.

"Paniguradong ikaw naman highest nito" usal ni Alex habang bagot na kinakagat ang dulo ng ballpen. I shrugged. "Kahit hindi na" sagot ko pa.

"Dalawa ang nakakuha ng perfect score!" Sigaw ng Teacher sa harapan.

"Paniguradong si Daphne yang isa!"

"True!"

"Mr. Ayala and Ms. Lopez" nakangiteng sabi niya pa kaya nagpalakpakan sila. Tumango lang at isang ngite lang ang sagot ko.

Ng bilingan ko ng tingin si Ayala ay nakatingin din pala ito saaken. Tipid akong ngumite sa kanya at tumango 'saying 'Congrats'

"Sana all, Pashare-It ng talino" Alex

"Ako kahit bluetooth nalang" Antonia.

"Sorry keypad kasi gamit ko" sagot ko sa kanila

Comment