Prologue


Kabilugan ng buwan, lalabas ang mga halimaw.

--------

Dear Self,

Samu't-saring sipa, tadyak at sabunot nanaman ang natamo ko galing sa mga bullies kong kaklase.

Uwean no'n nang abangan nila ako sa eskinita, at doon ipinatikim nila sa akin kung gaano ka-miserable ang buhay ko sa paaralan.

Bakit kaya gano'n? Wala naman akong ginagawa sa kanila pero tila abot langit ang galit nila sa akin.

Nakakapagod rin palang maging biktima ng pambubully. Gustuhin ko man silang isumbong... pero anong magagawa ko?

Matindi ang kapit nila sa school. Hindi rin ako papanigan. Sino ba ako para paniwalaan at kampihan?

Isa lang akong hamak na estudyanteng walang maipagmamalaki. Kaya siguro ganito nalang kung tratuhin ako ng mga kaklase ko.

SSEVAAN
RZZAIAK
KTRAAA

Kaya humanda kayong lahat sa aking pagbabalik. Dahil sisiguraduhin kong hindi niyo kailanman makakalimutan ang aking paniningil.




KABILUGAN NG BUWAN LALABAS ANG MGA...... HALIMAW!

Comment