🌈🦋🦋 Billie River Lucas Mariano

Chinito
Long haired,rose bud lips .


Billie River Lucas Mariano.


Sabi nang iba likas na talagang masungit ang binata pero walang nakakaalam kung bakit ganoon at sobrang sungit nito.


Tahimik lang din siya pero kapag nakakasama naman niya ang mga kaibigan ay lumalabas ang pagka kalog nang binata.


Mabait naman siya actually, sa mabait sa kaniya pero ganoon naman sadya diba.


Iniingatan lang din naman niya ang kaniyang sarili.


🌹


Nagising siya sa isang kalabog,bahagya niyang iminulat ang siningkinitang mata.


Nakakunot at napasakmal sa kaniyang mukha si Lucas nang mapagtanto kung ano ang kalabog at kung saan ito nagmula.


Walang iba kundi sa kaniyang roomate na sobrang lampa.


Pagkadating pa lamang nito kahapon ay ayaw na talaga niya dito. Dangan na lamang nga at wala siyang choice dahil wala nadin namang bakanteng room pa.


" Hindi kaba sanay kumilos nang hindi nakakabulabog nang iba?" Nakita niya ang pagkagulat sa base sa ekspresyon nito.


"So-sorry hindi ko sinasadya, nagising ka pala sorry-"


"Hindi na maibabalik nang sorry mo yung antok ko!"


Masungit niya pading sabi dito.


Tumayo siya at saka kinuha ang tuwalya.Mamaya pa ang klase niya at mamaya pa din sana ang gising niya kaso nabulabog siya ni Milo. Ang pasaway at mahina niyang ka room mate.


Pagkapasok niya nang banyo at akmang sasaraduhan ang pintuan nang mapansin niya ang isang bagay na tanging babae lamang ang gumagamit.


Kinuha niya iyon at saka muling lumabas nang banyo.


" Gumagamit ka nang napkin?" Prangka niyang sabi kay Milo.


Nakita niya ang pagpula nang pisngi nito.


" Sorry again-" saka kinuha ang hawak niyang napkin.


" Hayst! " napakamot nalamang siya sa ulo.


Natatawa siya sa isiping paano kaya iyon ginagamit ni Milo.?
Saan kaya niya iyon ginagamit gayong wala naman itong buwanang dalaw.


Pero hindi nawawala ang badtrip niya dahil isang gay ang kaniyang dorm mate. Malaki ang galit niya sa kagaya nito.


At maya maya ay isang ala-ala ang nagbalik at dumalaw sa kaniyang kaisipan habang nagshoshower siya.


'Papa! Sa tingin niyo ba talaga ay mahina ang pagiging bakla?' Galit ang tono nang pananalita nang daddy niya.


Naroon siya sa sulok at patagong pinakikinggan ang pinagtatalunan nang kaniyang Daddy at Lolo.


Labing apat na taon na siya at alam na niya ang tungkol sa pinagtatalunan nang kaniyang Daddy at Lolo.


Hindi lingid sa kaalaman nila na Bakla ang kaniyanh Daddy.


'Talaga bang nasisiraan ka nang bait?! Ano sa tingin mo ang iisipin nang mga tao kapag naglantad ka? Paano ang pamilyang binuo mo? Paano ang anak mo?! Magisip ka Laurel!'


Galit at tiim bagang na sabi nang kaniyang lolo.


' Papa alam mong sinunod kolang ang gusto mo! Pinakasalan ko si Lucia dahil alam kong magiging masaya ka duon. Binigyan kita nang apo. Siguro namay hindi na masama iyon dahil lalaki naman ang naibigay kong apo sa inyo.! May magtutuloy na nang lahi niyo!'


'Papa! Hayaan niyo na akong umalis at maging malaya! Gusto ko nang kumawala sa isang pagkakakulong na ang tanging naging kasalanan ko lamang naman ay ang pagsunod sa inyo at labis na takot dahil ayokong patayin niyo ang taong mahal ko!'


Tigagal si River sa narinig.


Tama ang sinasabi sa kaniya nang kaniyang kaklase na isa nga itong binabae.


Tama ang sabi nang mga ito na lalamya lamya ang kaniyang Daddy.


May kaunting luha ang pumatak sa kaniyang mga pisngi na mula sa mga mata.


Naawa siya para sa sinapit nito pero nagagalit siya sa pagiging duwag nito.


Anong ibig sabihin nito? Binuhay lamang sila at pinanagutan nito ang kaniyang ina dahil sa iyon ang gusto nang kaniyang lolo?


Wala bang pagibig ang namagitan sa mga magulang niya kahit ni minsan?


Ang sama nang loob niya sa ama.


Madali para sa kaniya ang pagtanggap nang pagiging binabae nito.


Pero ang pag talikod sa kanila nanv kaniyang mama ay walang kapatawaran.


Maaring nalagay ito sa alanganin pero bakit pati sila nang kaniyang mama ay nadamay sa lahat nang iyon.?


Alam ni River kung gaano kamahal nang kaniyang ina ang kaniyang papa.
At nasisigurado niyang malulungkot ito nang lubusqn kapqg iniwan sila nito.


Patakbo siyang pumunta nang kwarto at duon nagiiyak.


Bakit kasi naging BAKLA, pa ang kaniyang ama?


Napaka-hina nito.


Nagagalit siya dito nang sobra sobra.


-.-


'And what do you think your'e doing? Kelan kapa natutong makipagaway?'


Galit na sermon nang daddy ni River Billie sa kaniya.


Tiningnan lamang niya ito nang masama.


Medyo mahapdi pa ang kaniyang labi. Duguan at pasa din ang kaniyang gwapong mukha.


'Kapag lumaki kang ganyan River! Walang patutunguhan ang buhay mo. Pangarap mobang sa kulungan manatili'


Patuloy pading sabi nang daddy niya.


' Eh ikaw? Hanggang kelan ka magtatago at magpapanggap samin?'


Nakita niyang natigilan ang daddy at mommy niya.


' A-anong ibig mong sabihin' medyo utal na sabi nang daddy niya na kakikitaan nang takot.


'DAD! Stop acting na hindi mo kami lalayasan ni mommy? Stop acting na nandito ka padin kasi ang totoo iiwanan molang din kami ni mommy cuase you are a jerk,cowars fagot!'


Nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang nasabi.


'How dare saying that bulsh*t word to me!binuhay at minahal ko kayo River alam yan nang mommy mo!' Galit at mataas na ang boses nito.


'No dad! Kami ni mommy ay naging option molang para maka survive ang taong mahal mo!' At pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ito.


Tinawag siya nang mommy niya pero hindi na niya pa pinansin ang sinabi nito.


Nagkulong siya sa kwarto at hindi lumabas.


Lahat nang ala ala nang daddy niya ay sinira niya.


Naiinis siya dahil mismong daddy niya ang magiging dahilan para masayang ang inaakala niyang magandang pamilya.


And thats the reason, why he hated gays most.


Ilang buwan pagkatapos nang graduation niya nang highschool ay lumipad pa tungong canada ang daddy niya at hindi na muli pang nagpakita sa kaniya .


Mas lalo lang nadagdagan ang galit niya dito at ipinangakong hinding hindi magtitiwala sa mga kagay nito.


At yun ang dahilan kung bakit labis labis ang galit niya sa mga gays.


_-_


Nang matapos si River sa Pagshoshower ay nagbihis na lamang siya.


Nakita niya ang text nang isa sa mga kasamahan niya sa varsity nang school nila.


Last year na nila sa Don Ramon at ang gusto nang mga kasamahan niya ay mas mapadami pa ang magti training sa basketball.


Siya ang captain at paguusapan nila ang magaganap na recruitement day para bukas sa Freshman day.


Palabas na siya nang kwarto nang may makitang kumikinang sa sahig nang silid nila.


Isa iyong kwintas na mayroong palawit na halfmoon.


Alam niya kung sino ang nagmamayari nuon


At ang sunod na ginawa niya ay iniitsa iyon sa basurahan.


'Napak-burarang tao'


Iritado kasi siya sa mga pakalat kalat na bagay kaya naman bilang bigay aral hindi niya iyon itinabi at itinapon na lamang.


At saka siya lumabas nang room nila.







Comment