Chapter 8

•♡♡♡•

"Hoy! Tamlay mo?" Monday na naman at nasa sulok lang kami ng gusali kong saan nagantay na matapos ang ceremonya. "Saka namamaga pa mata mo? Alam mo tumigil kana sa shifting na iyan"

"Kong titigil ako bibigyan mo ba ako ng ibang trabaho?" Walang ka emosyon kong tanong pabalik sa kanya.

"Teka nga, kilala kita eh. Hindi ka basta bastang matamlay kong wala kang ginawa, Gin Jaden Baron Umamin ka saakin" tiningnan ko lang siya ng walang ka emosyon. Nagpapakita ako na hindi ako epektado sa wika niya.

"Wala akong nagawa, at kong meron man wala kang pake" Bumaling ako ng tingin sa Unahan na kong saan naka tayo ang babaeng nagpabaliw ng isip at puso ko, ginugulo niya ang tulog ko maging sa pagsubo ko ng pagkain, iniisip ko na mga labi niya iyon.

Kailan pa ako siraulo?

"Hoy Anak ni Thelma! May pake ako dahil kaibigan muko. Besprend muko at kapated na rin. Kaya kong ayaw mong tawagan ko ang tatlo para makapagsalita ka ay magsalita kana" seryuso niyang wika na ikinaseryuso ko rin ng tingin sa kanya.

"Gawin mo. Wala parin akong pake" Bigla niya akong naitulak kaya dahilan kaya nahulog ako sa inuupuan naming gusali.

Bad trip. May basag pang bote na naisaksak sa kamay ko. Wow dugo, Red...

Tangina naman e. Pati dugo ikaw parin naiisip ko.

"Nako Gin diko sinasadya" Natarantang wika niya habang dali daling bumaba. "Shit tara punta tayo clinic" Hila niya sana saakin pero hinatak ko siya pabalik.

"Takas tayo" Parang timang Itong na surprisa sa mga sinasabi ko.

"We? Dika nag bibiro niyan?" Hindi parin makapaniwalang wika niya. "Nako Gj kong ano mang drugs tinitira mo please lang tigilan mo na"

"Neck, seryuso ako, Takas tayo"

"Excuse me lang ha? Pero sabi mo gusto mo nang magtino? Ano bang nakain mo? At ano bang nangyare sayo?" Besprend ko nga talaga siya, Iminit ang magkabilaang gilid ng mata ko sa mabigat na nararamdam ko ngayon.

Nalilito ako e. Masyado pang maaga para makaramdam ng ganito pero ano pa bang magagawa ko? Nararamdaman ko na e. Mahirap na pigilan dahil masyadong malalim.

"Hoy! Para tong gago wag mukong Iyakan anak ni Thelma!" Naiinis na sinuntok ko ang dibdib niya. "Teka masakit Gj" Patuloy parin ako ng suntok.

Nakakainis ang matandang iyon! Nakakainis ang Ugali niya! Nakakainis ang pagmumukha niya! Nakakainis siya!

"Hindi ako sanay umiyak ka ng ganyan, Pareng chix kong ano man yan sige lang iyak mo lang" maslalo akong napaiyak sa Saad niya.

Ilang minuto rin akong nagdrama sa piling ng kapated ko. Yes, kapated ko siya isa siya sa anak ni papa na iniwan rin naman ng gago.

"Okay kana?" Tumango ako habang Pinunasan ang mga natutuyong luha ko ng tubig.

"Bwsiet ka anak ni Susan!" Agad na natawa ito sa bulyaw ko. Tuksuhan kasi namin ang mga pangalan ng ina namin. "Seryuso ako Neck! Takas tayo"

"Baket nga?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya pero bigla rin nagsisi ng bumaling ang paningin ko sa babaeng parang may hinahanap sa linya ng mga estudyante. "Sumbong kita kay mama! Pinagnanasaan mo si Miss bulaklak" Sinuntok ko siya kaagad sa diretsahang wika niya.

"Kilala na nga ni mama yan" Bulong ko habang inaalala ang araw na iyon.

Tatlong araw na ang nakakalipas at hindi ko pa siya nakausap. Noong bernes ay ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin habang nagtuturo, Kahit pa na utos niya saakin ang maging PA niya ay tinapos na niya maging sa Oras ng shift ko. Sa tatlong araw na iyon ay hindi na siya muling bumili pa.

Baket ba niya ako iniiwasan na parang may sakit? Nakakadire ba ako? Ganon ba kanakakadire ang ginawa ko sa kanya-

Well shit.

Paano pala kong isa siyang Homophobic? Oh kaya ganon siya umiiwas saakin dahil may Karelasyon na ito?

Nakakasira ka ng relasyon Gj!!

"Punta tayo Elbimbo"

"May klase pa kasi tayo, ikaw noong bernes kapa balisa eh. Ano ba tlagang nangyare ha ateh Den den?" Sinapak ko siya ng Mahina sa tawag niya saakin.

Palayaw na kay panget.

"Sasabihin ko kapag nakarating tayo sa Elbimbo" Seryusong wika ko. Ang Elbimbo ay lugar naming Lima noon, doon kami tumatambay at gagawa ng mga pangsiraulong gawain pero lahat kami ngayon ay nag bago na.

Sumisindi pa naman ako pero hindi gaya ng dati. Naninigarilyo parin naman ako pero hindi gaya ng dati na dalawang kaha na ang mauubos ko sa isang araw. Uminom parin naman ako. Tibay tanduay.

Kaagad siyang sumang-ayon kaya kaagad na nagpakarga ako sa likoran niya. "Tangina mo Gj ang bigat mo na" kinutungan ko siya habang natatawa pa.

"Lakad ka lang, wag na daming salita" Hindi naman kami makikita ng mga guro at estudyante na nasa gitna ng oval dahil dulot ng mga puno ay nagbibigay Dilim ito kaya hindi nila kami makikita. Dumaan kami sa payatas kong saan ang mga basura tinatapon.

Dito kami dadaan para iwas Guidance. Init parin kasi ang guard saakin dahil sa ginawa kong pagtakbo noong huwebes.

Malapit lang ang pupuntahan namin kaya kaagad na nakarating kami. Wala paring pinagbago ganon parin ang lugar, malinis at kay lamig ng simoy ng hangin ang sarap tumira dito.

Kaya walang basura or dumi dahil walang tao ang tumitira rito.

"Ngayong nandito na tayo. Sige magkwento kana" Nakalimutan ko nandito kami at may kapalit. Kahit pa na besprend ko siya at kapated ay hindi pwede.

Malalagay sa pahamak si Miss rose.

Umiling ako habang humiga sa nagtataasang damo." Nakakinis ka! Hindi ka tumupad sa usapan!" Inis na binato niya ako ng bagong kakapunit lang na damo.

Sasariliin ko nalang ang nararamdaman ko para sa maling tao. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito pero sa maling tao pa, saklap.

"Baket ka nga kase nag drama kanina? Please? Alam mo namang makakapagkatiwalaan ako. about ba ito sa love²?" Hindi ako imimik. Nakinig lang ako sa buntong hininga niya. "Alam kong tungkol ito sa nararamdaman mo kay Miss bulaklak." Inis na sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa naman ito. "Nahuli kitang tiningnan siya kanina at masyadong halata ang pagiyak mo dahil sa kanya"

"Ano bang alam mo sa Pag-ibig Neck?" Serysong tanong ko sa kanya kaya napangiti siya habang may inaalala.

"Iyong unang tingin mo palang sa kanya alam mo na kaagad na may malaking parte na siya ng buhay mo, iyong ramdam mo palagi ang presensya niya. Iyong hinahanap hanap mo siya. Gagawin mo ang lahat para sa kanya, sa bagay na masama, bagay na Mabuti lahat makakaya mo kapag siya ang dahilan." Nakangisi pang wika niya. "Baket mo nga pala naitanong? Mahal mo na ba siya?" Nasamid ako bigla sa tanong niya.

"Baliw sinong siya?"

"Ang Reyna ng mga Rosas" Ilang minuto kong hindi sinagut ang tanong niya. Maya maya ay tumunog ang cellophone ko sa suot na Jean's.

Galing iyon kay Didi. Kong pwde ko ba raw siyang palitan sa shift niya at siya na din papalit sa shift ko.

Ayaw ko na naman pumasok, at wala naman akong gagawin kaya sino ako para tumanggi. Nag reply kaagad ako ng okay Sabay tayo.

"Mauna na ako, ikaw?"

"At saan ka na naman pupunta?"

"Convenience store"

"Teka ano gagawin mo roon? Mamaya pa shift mo ah? At papasok pa tayo, nako naman Gj may quiz pa tayo kay Miss bulaklak. Absent na nga tayo sa unang subject."

"Ikaw nalang pumasok, mas kaylangan ko ang trabaho, sige na mauna na ako"

"Teka Gj! Seryuso kaba talaga?" Tumango ako saka daritsong naglakad pabalik sa Skwelahan para makahanap ng masasakyan. Public naman ito kaya meron.

Nang makarating ako sa store ay kaagad nagpasalamat si Didi saakin. Need pa raw niya mamili ng mga stuck ng food dahil wala na siyang makain sa apartment niya.

Masaya ako sa balitang wala akong trabaho mamaya. Makakatulog ako ng maaga.

"Hi ateh ganda, bago kapo?" Isang batang may cute na aso.

"Hindi, nagpalit lang kami ng Shift ngayon" habang inisa isang iniscan ang mga binili niya.

"Ano pala pangalan niyo ateh?"

"Baket naman?"

"Para ma add kita sa Facebook" natatawang pahayag niya. Ang bata bata pa anlandi na.

"Ako si Ateh Gj, ikaw ba?"

"Arold po, nice meeting you Ateh ganda. Salamat" kaagad din siyang umalis dala ang aso at mga binili niya.

Wala namang ganap. Boring lang, matapos ang oras ay inanatay ko lang si didi. Maya maya pa ay dumating rin naman. "Nako salamat talaga Ha?"

"Ayus lang, ako nga dapat magpasalamat dahil makakatulog ako ngayon ng maaga" natawa ito.

"Nakita ko sa cctv na kapag sayo na ang Shift andaming mga Chopapi, sana ngayon meron ulit para malandi ko"

"Igata uy" natatawang saad ko na ikinatawa rin naman niya.

"Haha oo na sige na mag ayos kana ako na bahala rito" sumaludo ako sakanya habang nagpunta sa rest room para kunin ang back bag ko.

"Aalis na ako Didi, mag iingat ka" Ngumiti lang siya habang nagsaludo kaya dumiretso na ako sa bahay kaagad akong sinalubong ni mama at pinaalalahanan na may shift ako.

Sasabihin ko na sana na tapos na dahil... pero biglang napatigil dahil sandamakmak na salita ang lalabas sa bibig niya kapag nalaman niyang tumakas na naman ako kaya nagdahilan nalang ako.

"Naubusan po ng mga stuck, bukas pa po meron ma" Tila na kombinsi ko naman siya kaya kaagad akong nagpunta sa kwarto para matulog.

Nagising ako ng may kumatok sa pinto, katok ito ng katok, si mama naman nakaka istorbo. Hindi na ako nag abalang magsuot ng short at kaagad na binuksan ang pinto.

"Baket ma-" Tila nanigas ako ng tumambad sa akin ang magandang mukha niya habang iniiksamin ang buong katawan ko.

Shit! Wala akong short! Nataranta akong naghanap ng pantakip sa underwear ko, Tangina bat siya nandito.

"Nice legs" rinig kong Saad niya habang nakatayo parin sa pintuan. Tila biglang uminit ang pisnge ko, nakakhiya

"Baket po pala kayo nandito?"

"For your mom. We have something to talk about" kay mama pala akala ko saakin. "And us." Napatingin ako sa kanyang magandang mukha. "We have also something to talk about Miss baron"

Comment