11. | Dito



💙🌿💙



"Awts, may special treatment."




_ _ _




Ano bang rason nila na nandito sila?


Para manggulo? Sanay naman na siyang may bisita sila dito. Pero sure si Stell na hindi dahil sa kanya though.


Chos, ang arte? Drama mo gurl porket kabado ka bigla kela Keuna... ba talaga?


"Alam kong wala si Janelle ngayon pero bakit niyo naisipan dito?" napadiin ang kiskis ni Stell sa paghugas ng pinggan. Around lunch time na rin kasi nilang naisipan siyang puntahan. Nagkukulit sila Sophia at Ken sa may sala, at inaayang manood siya. Nahatak pa nila si Justin na mambulabog, ito lang ata yung mabait na nakaupo. Sa ngayon, joke.


"Bakit, bawal na?" Ang sarap pa ng upo ni Ken, nagsisilip pa 'to sa ginagawa ni Stell. Though, Justin looked his way for a different reason.


"Ay, wala pala si Jah rin?"


"Nakikita mo ba?" Pinanlakihan ng mata ni Stell, nagreact rin 'to siguro dahil sa narinig. So pinunta niya lang dito talaga si Janelle?


"Ayun, may ka-date!" Lantad pa nito sa'ka nagnguso sa direksyon ni Ken. "Usto mo yown, Keuna? Pinagpalit ka sa Engineering—"


"Yung Chael?— Sus, alam ko naman mga tipo niyan ni Janelle. Babalik rin yan sa'kin. Ken ata 'to." Sumandal pa si Ken sa sala nang pa-cool, napa-roll eyes lang rin sila Stell at Phia sa asta niya. Kung naririnig ata 'to ni Janelle ngayon, napalayas na 'to sa pamamahay nila.


"Baka nga agawan mo pa, eh. Archi-Engi tandem pa kayo." sabi ni Stell. May nasamid na siguro somewhere.


"Cute kaya yung Chael..." comment ni Phia.


"Edi dun ka." sabay pa sila Ken at Stell.


Natarayan ng babae ulit si Ken (lang?) sabay sagot. "Cute lang, 'di ko naman sinabi na sasama ako. Pero feeling ko bet niya yung isa pa dun."


"Si Carl? Yung Japs?"


"Lahat nga gusto niyan ni Sylvesta." banat ni Stell tas balik tingin kay Ken. "Ikaw lang hindi."


"Awts, gege." Nakaramdam naman si Ken na tingin sa kanya ni Justin, halata naman na bago pa 'to sa grupo kaya expect mo may mga 'di pa 'to alam sa group dynamics nila. Some inside jokes rin 'di pa siya makasakay. Kaso 'di alam ni Ken kung mabubulunan ba siya sa tanong nito. "May gusto ka pala kay Jah-rin?"


"Hindi naman sa ganun—"


"Magkakabata kasi kami-kami..." sagot ni Stell, nagtatango pa si Ken. Madalas naman 'tong composed pero sa ngayon ang flustered niya tingnan. "Close lang talaga kami para maging gantong kaswal."


"Ah, pero bakit ganun?" Nakakunot ang noo ni Justin. "Ang evident kasi sa kanila kung ga'no sila close; kayo, kaya akala ko..."


Napatakip na lang rin si Ken ng unan sa sarili niya. "Hala, bro... dati mo pa pala kami pinag-iisipan ng ganun..."


"H-hindi ko nga alam, sorry!" hiyang sabi ni Justin. Kaya rin talaga medyo cautious siya at distant sa totoo lang.


"Protektib lang talaga yan ever since." sabi ni Stell. Ken had that solemn look on his face, just listening to them but you can see how deeply he's thinking as well. "May naging stalker rin kasi si Jahjah dati kaya parang naging daan na rin namin para mapakita na 'di ganun kadali lapitan si Janelle."


Naalala lang rin kasi ni Stell yung galit niyan ni Ken nung isang beses na umuwi sila ng kapatid niya. May pasa pa 'to sa mukha, ta's si Janelle iyak nang iyak habang nakakapit sa kanya.


Naging close rin talaga sila siguro nun, kaya rin todo dikit ni Janelle sa kanila lalo kay Ken. Nadala na rin. Sa ngayon ito yung pinagkakatiwalaan niyang lalaki. Kita niya rin talaga yung takot ng kapatid niya ever since. Even as a brother, he felt he failed to protect her, but at least, it eases them to have Ken close to them this way.


Natutuwa rin si Stell na kahit papano nag-cocome out na rin siya sa iba bukod sa kanila. So she lets her be, with proper guidance of course.


Sophia heard this story before, but this time, parang mas nalinawan na rin siya kela Ken. "Hmmm... gets, pero hindi naman na todo bakod niyo kay Janelle, 'no? Baka 'di na yan makasal."


"Malay mo?" Natawa na rin si Ken sa reaksyon ni Sophia, nagseryoso ulit siya. "Siya lang rin naman may choice dyan, eh."


Napagbuntong hininga si Stell, getting the misunderstanding as well, turning to Justin. "'Di ka rin naman masisisi... sensya na, ganun rin talaga kami magka-close kay Ken."


Nagtatango si Ken. "Kulang na nga lang rin ayain kong magtanan yan si Stell, eh."


Tinapik naman siya na umayos ni Sophia, sa akala niya kasi na naasar 'to. Lumalapit pala yung nanay ni Stell sa kanila.


"Ewan ko sa'yo, Ken." Nagpatuloy na lang rin si Stell sa pag-aayos sa kusina. Samantalang yung nanay niya, natuwa lang rin sa presensya ng tatlo sa bahay, naglatag 'to ng juice sa lamesa.


"Salamat, Tita. Buti pa kayo gusto kami dito." ngiting sambit ni Ken, sadyang welcome naman talaga yan sa tahanan ng Ajero.


May parinig? Nag-make face si Stell sa likuran nang 'di makita ng mama niya. She seems to look fond looking at Justin though, 'di rin kasi 'to usual na bisita. "Sabihan niyo lang rin ako, ha. Sayang wala rin si Janelle ngayon, pero sa Sabado expect ko kayo dito ha."


"Para kay Jah pa, Tita." sagot ni Phia, nagnakaw naman siya ng tingin kay Stell. Mukhang seryoso kasi talaga sa pag-iisip ng iluluto para sa birthday ni Janelle.


Without taking a glance at them, he asks. "Kelan pa kayo naging close n'yan ni Ken?"


"Selos ka?"


Walang preno talaga bibig, Ken?


"Madalas kasi pillin niyo si Janelle kesa isa't isa..." sabi ni Stell. Nag-antay lang rin siya ng isasagot ng babae, she just shrugs. "True naman, pero... katulad lang ng sabi mo, wala po si Janelle ngayon, eh."


Kaya rin talaga magkasama sila, pero kasi mas makikita mo ngang mas dikit sila ni Janelle o more on kay Janelle. Pero 'di mo halos makikita 'tong combo na 'to.


"So no choice kayo?" tawang sambit ni Justin, 'di naman magets ni Ken bakit ba naligoy-ligoy pa yung usapan.


"Na'ko, kung alam niyo lang gaano ako pakiusapan ni Phia para pumunta dito, kasi rin diba Balemtayms, boi— Aray-ray!"


Pinanlakihan lang 'to ng mata ni Sophia, looking at him with threat. Parang 'di kita binilhan ng skin sa ML ha?!


"Ako kaya nakiusap, iba kwento ni Ken aba." Hulog ng langit naman 'to si Justin, kabaliktaran lang rin kay Ken na nagkakamot ng ulo. "Ewan ko sa inyo, pag-isahan niyo pa ako."


"So para kay Janelle talaga? Sige, hindi nga sa'kin gets." Bakit may pagtampo? Joke. Kanina pa talaga nag-drift off sa usapan si Stell. Nakaramdam siguro 'to na may natingin sa kanya, nilingon sila nito nang seryoso. "Nagtatary pa'ko magluto dito, kung tulungan niyo kaya ako..."


"Kiss muna." Nguso ni Ken pero sa phone pa rin talaga ang tingin. Nasapak siya ni Phia, kanina pa 'to nakasira sa paglalaro nila, eh. "Alam mo, nung kahapon ka pa."


"Hindi naman kasi para sa'yo, inggit ka i-kiss ako ni Stell?" Nagtaas-taas pa 'to ng kilay sa gawi na mabato siya ng apron ni Stell. "Mangilabot ka nga, Ken."


Para kay Justin talaga yung apron, eh.


Tuluyan naman silang iniwan ng nanay nila Stell nang nagpaalam 'tong umakyat. Hinatak lang rin talaga ni Stell si Justin nang tulungan rin siya pang-meryenda.


"Kabagot na kaya maglibot-libot sa campus, kaya dito na lang namin naisipan." Ayun naman ang dahilan ni Ken habang kumagat sa Spanish bread, kakalatag lang rin kasi ng nalutong Pancit Canton nila Justin.


"Ayun ba talaga rason?" Mapangasar ang gilagid ni Justin nang nakitabi sa kanila, kaya talaga napanlakihan siya ng mata ni Phia. Parang kanina nagkasundo sila ha. "Ikaw kamo, Jah-tangkad— akala mo ba hindi ako nakakapansin?!"


"Hoy, gusto ko lang naman maki-kain, ba't may lantaran dyan." At least eto si Ken honest.


Inaayos lang rin ni Phia yung set-up sa panonood nila, buti nakiayon lang yung flow ng topic. "Oo nga, kuripot pa 'to si Keuna pagdating sa'kin, eh."


"Awts, may special treatment." ngisi ni Justin. Nakapasunod si Stell na umupo sa tabing pwesto ng babae. "Na'ko, miss mo ka'gad si Janelle."


"Sakto lang."


Kahit kelan talaga napakatipid nito magsalita ni Ken.


Nagpipili na sila ng mga palabas, sa expect ni Stell na rom-com ang choice of movies ngayon, napatingin na lang rin siya kay Sophia na ang seryoso pa, mostly nauutal sa choices nito.


"Valentine's na valentine's, horror?" takang tanong ni Stell.


"Nakakatakot kaya umibig." sabi ni Phia. Binaba niya yung remote nang walang pagtingin man lang sa kanila.


Tinabig siya ni Ken. "Na'ko Phia, natry mo na ba?"


"Pa'no ka naninigurado ha?"


"Sana ol sineseryoso." banat ni Ken, inaasar niya lang talaga ang babae nang may kasamang pinapahiwatig. Gumana naman sa pamumula niya, napatingin na lang rin tuloy si Stell dito.


"Anong sineseryoso? Manood na nga lang tayo..." sabi ni Sophia. Bigla iba pinili nito, sa gawi na parang nabunutan naman ng tinik si Stell sa lalamunan. Akala niya kasi need niya magtiis ngayon, chos.


In Sophia's defense, akala mo thesis, ghorL? Pero sa totoo lang alam niya kasi ayaw ni Stell ng nakakatakot, baka mabingi pa siya sa sobrang magugulatin nito. So siya na mag-aadjust. Since diba, nakakahiya naman sa sariling pamamahay nito, tatakutin pa?


Sige, push natin magpalusot, dai.




Habang nanonood sila, nagbubulong talaga ang dalawang katabi niya. Si Justin lang rin ata tahimik na nanonood sa may kabilang dulo. Nasa gitna pa kasi si Phia, ta's Ken. May ganap atang pustahan pero may pagkaprangka talaga 'to si Ken.


"Ayaw mo ilakad kita para mabilis?"


"Ay, magbabanat na nga lang, nakaw pa kay Stell." Nadala na rin ng paghahampas yung kaba ni Phia, kasi... mabubuko ata sila sa usapan nila, eh— sa sagot ni Stell, 'di nila alam kung matutuwa ba sila o hindi.


"Naalala mo pa yun, Phia?" sambit ni Stell. "Kinilig naman ako."


"Pa'no yung kilig?"


"Alam niyo, pwede naman kami iinform kung magte-thirdwheels kami dito ni Jah. Uwi na kami." Patayo na sana si Ken, kusang sumama rin sa kalokohan si Justin kaya napanlisikan lang sila ng tingin ng dalawa. Kung mapapansin lang rin talaga pamumula ng tenga nila, eh.


Pwede bang makapanood nang mapayapa?






Ilang oras na rin lumipas, at ilan sa kanila nakatulog na sa may sala. Particularly si Ken na parang starfish pang nakahilata, umalis lang talaga si Stell saglit para mag-banyo. Kaso pagkabalik, napansin niya na may isang kulang sa headcount.


"Si Jah?"


"Hmmm... 'di ko rin po alam, eh." Nagtitingin lang rin si Phia sa phone niya, mukhang nag-uunat pa 'to. "Baka umuwi na rin."


"Sabagay, pero, teka... ikaw?" tanong ni Stell. Mag-aalas-otso na rin pala... Sophia looks unfazed though, shrugging. Nagsuot na lang rin siya ng medyas at nag-ayos ng bag niya. "Papasama na lang rin ako kay Ken, okay naman ako."


"Na'ko di mo ata kilala yan si Ken. Basta nakatulog yan dito sa may sala namin, kinabukasan na yan." Mukhang naghahanda si Stell sa pagtayo niya, nilahad niya naman ang kamay niya sa babae. "Ako na maghahatid sa'yo."


Pwede ba hanggang sa altar na?— Juice colored, pagpasensyahan na'ko ni Janelle pero sigi tamang timpi, need pa ng blessing pa mismo ni sister. Hinga.


Ayan, nakahiram si Sophia Osorio saglit ng POV, shutdown kay Otor. Pero nagtaka rin si Stell sa biglang alis ng isa... Kakatext lang rin sa kanya ni Janelle kanina lang. Naisip niya rin na pauwi na 'to... Kamusta na kaya yung babaeng yun?




_ _ _




Kung inakala niya na nung lunch lang simula yung asaran, hindi na maiwasan ni Janelle hindi makapansin sa obvious attempts ng group na i-pair up sila ni RJ buong araw.


Hinayaan niya lang rin naman talaga kasi, kinikeep in mind niya talaga... Janelle, yung date ngayon, Elle... Valentine's, of course evident ang asaran! Pero nga... tao lang rin siya. Marupok— inaamin niya, nanatili lang rin siya hanggang ngayong gabi dahil sa kagustuhang sulitin ang araw kasama sila RJ. Kahit na isa pa 'to sa nag-aalala na mapagabi siya masyado along with the others.


Even Chael can say, talagang maingat pa sila kasama si Janelle ngayon dahil sa bago sa magkakaibigan.


"Hanggang 9 PM lang! Hatid pa kita mismo sa pintuan niyo, Janelle!" pag-iinsist ni CJ, nagsalita na si RJ kanina pa talaga 'to nananahimik sa kanila. "Kami-kami bantay niyo."


"Ganyan lang yan kasi miski siya 'di pinapayagan magdamag." sabi ni Nicole, naluwagan naman siya kasi at least may karamay siya.


Maaga pa naman halos kaya patungo na sila sa next destination nila. Kanina pa talaga pero kaya napush si Janelle dahil enjoy pa siya kasama sila, eh. Halata 'to siguro sa bawat kababawan ng jokes niya, itong si RJ ay si Tawa. Parang lahat ata ng ilabas niya sa bibig niya, todo atensyon nito sa kanya. She never got someone who would laugh at her jokes like that, let alone be so immersed and interested in a conversation.




Even as night fell... naging chill lang rin ang gabi. Literal rin na ang lamig, napansin naman 'to ni Chael kaso ang problema nga lang... "Sorry, Jah. Wala na'kong jacket, eh."


"Hiramin mo na lang akin."


Wala nang angal ang nangyari dahil ipinatong na ni RJ yung jacket niya sa balikat niya.


"Thank you, kasalanan ko rin naman..." Expect niya rin naman kasi, maaga siya uuwi. She could only blush dahil rin na napawing lamig, saka, parang ito lang rin yung napagusapan nila kanina na pinakaingat-ingatan niyang jacket galing sa Mom niya ha.


Naninibago rin talaga si Janelle sa lugar, pero chill lang rin yung place na napuntahan nilang malapit. May karaoke lang rin talaga ang gusto nila CJ, kaya naman agaran sila nag-agawan sa may song book.


Though, the events turn into more so as her supposed joke was taken too seriously?


"Uy... joke lang yung bucket. Ganun kasi magjoke Kuya ko." Nagulat na lang rin siya kasi okay naman na fries kaharap nila, kaso may nakapasunod na mga baso at yelong nakaline-up. Para lang rin naman kasi sana sa iced tea niya, ih...


They were not insistent rin naman if she doesn't plan to drink at all. The guy smiles back at them though, Chael skipped the drinks para bantay sa kanila. "Sulitin na natin, saka light drinking lang rin naman 'to..."


Mostly naman sa bahay lang rin si Janelle ng kaibigan nakiki-inom, o sa kanila lang rin mismo, kaya... first time niya rin talaga uminom sa labas kasama mga kakilala. Papatulan niya lang talaga yung light. Pagkatikim niya sa San Mig Apple, wala rin naman 'tong epekto.


Sanay lang rin talaga siya sa Soju, so obvious na mas kaya niya yung mas heavy content alcohol.


So to say, kaya niya naman icontrol alcohol intake niya. But they can't say the same dito sa isang kasama nila. Nakakatawa kasi kahit may amats na, parang dito pa siya nakakarinig kay RJ ng pagtatanong kung okay lang ba sila.


Like hello, ikaw ata need itanong yan between us?


Pero, nakakaalala nga talaga na parang kamatis palagi yung mukha ni Janelle kapag nakakarami na. Yung fries talaga sila napaparami, though dala rin ng enjoyment, nakadalawa rin sila na bucket.


They're exchanging na ng mga kakantahin, with Nicole holding the song book, she taps the girls. "Bakit Di Totohanin... kantahin mo rin yun, Janelle. Tas Torete, hanapin mo nga."


Tumungga naman si Janelle sabay recite. "26601 o 5526 try n'yo."


'Wag niyo ko tanungin bakit memorize ko yan.


Si RJ naman katabi niya, ito yung nagtatake down ng mga lalagay na numbers. "Ano ulit Janella?" tapik nito sa kanya. Napasilip lang rin siya sa may phone nito, at 'di niya napigilang tumawa.


"Ba't mo tinext yung karaoke number sa Tita mo?"


"Ay, talaga? Notes dapat, eh." Tinitigan pa talaga nito yung phone screen niya, namula naman 'to lalo sa pagtawa. "Kaya pala ayaw mag-enter kanina pa..."


"Pag-pasensyahan mo na yan si RJ ha. Nalulutang talaga yan." sabi pa ni Chael. Tumango pa si CJ. "Kahit ata wala pang alak, eh. Lutang talaga pagkatao n'yan."


Napakamot na lang rin ng ulo si RJ, inulit niya na lang rin tuloy. Janelle kept her eye on him.


"Calculator yan, Seph..."


"Janelle, turn mo na..." Ipinasa ni Nicole sa kanya yung mic, kaya natuon na sa harap yung atensyon ni Janelle. Nag-flash naman sa screen yung 'Mahal Ka Sa Akin'.









Few more drinks in, napasandal na lang rin ang katabi niya sa lamesa. RJ has his side face down, looking her way. Nasabihan naman nila ang isa't isa sa drinking mannerisms nila bago mapunta sa gantong punto. Kaso hindi niya pa rin kinakaya yung kacutean ng behavior nito ngayon.


As his friends explained it, "superbaby na ewan" ito kapag lasing... and they were right.


"Ang galing mo talaga kumanta, Janella." sabi ni RJ, nagpapalakpak pa 'to nang mahina. Litol clappy hands kumbaga...


Lalong mas halata na ang epekto ng salita niya sa babae. "Mangha ka naman?"


"Uu, kaproud kaya may kakilala kang talented!" he's slurring over his words but it's as coherent to her ears. "Ayan ka na naman, eh..."


Tinitigan niya naman 'to, alam niya naman Honest na talaga 'to kapag sober, kaso tinatalo ata si Honesto kapag nakainom. He's too good to be even true.


Too good that it felt overwhelming for Janelle, too.


Siguro ito nga yung sinasabi nilang natamaan, o literal may tama na sa kanya yung epekto ng alak. Bukod sa parang dinadala siya ng sarili ilapit ang sarili sa katabi, nadadala lang rin siya sa usapan nila. Pero nag-iiyak na si Janelle pagkaubos ng ininom niya.


"Kapag rin kasi kailangan ko ng kausap o kasama, biruin mo... stressed tayo sa thesis kasama mo pa ako magpuyat." Sa pagsabi ni RJ nun, nagtatango na lang rin si Janelle, thinking to herself na nakakaluwag nga ng loob. "Masaya lang, eh... Saka feeling ko mas nakaclose pa kita lalo."


"Close naman talaga..." He hides himself with his hands, letting out a deep sigh. "Mukhang marami kang nalaman sa'kin ngayon ha, Janella." may bahid ng hiya pa ang pagsabi nito ni RJ, she found it adorable how he even looks sleepy.


"Okay lang, yun nga gusto ko, eh."


"Gusto mo?"


Tumango si Janelle. "Oo, yung mas makilala ka pa."


"Huh? Grabe, ano ba meron sa akin?" Mukhang takang-taka pa ang lalaki pagsambit nito, pero ang lalim rin ng mata sa mata nila.


She could only slip off a word. "Malay."


Kaso mapilit si RJ, parang batang nangungulit sa nanay ng kendi. "Ano nga?"


"Ano nga ba?"


At sa balikan nila ng kalutangan, nagtawanan na lang rin sila sabay sa pagtuloy na pagngiti sa isa't isa. Pero halata naman ang onting bahid ng pagsenyas sa mga salita nila, may pahiwatig na nais makawala. Kaso 'wag muna ngayon... basta meron.


"May nakakatawa ba?" tanong ni Janelle. Nakangiti pa rin kasi si RJ sa kanya, nagkibit balikat 'to nang umupo nang maayos. "Wala lang... Masaya."


As that word rings, she could only look at her reflection on her cup. A slight pang of bitterness and longing along her words. She lets out a soft chuckle. "Haha... sana nga maulit pa 'to, eh."


"For sure, nakakaenjoy, eh."


Bukod kasi na kanina pa talaga sila nasa sariling mundo ni RJ na nag-eexchange ng gratitude sa isa't isa, parang ang sakit na ewan yung panibagong connection mo sa isang tao.


Kumbaga yung guilt and selfishness na gusto mo pa ng maraming araw kasama pa sila.


Sana nga...


And like the alcohol, her tears and words slip through her throat. With his eyes seeping through her across his.


"Sana nakilala kita nang mas maaga..." Biglaan lang rin talaga ang sabi nito ni RJ, even timing sa pagtapos ng tawa niya. But it took her aback, even his pauses to glance at her with his glazed eyes. "Kapag kasi sa mga times na kailangan ko ng karamay sa problema, nandyan ka..."


Meron na talagang luha sa mata ni Janelle sa puntong 'to, like pareho kasi sila ng iniisip? Kasi yung past weeks talaga nakakadala yung gaan nito...


But the next sentences hit her hard.


"Di ko rin magegets kapag inayawan kang kaibiganin ng iba. You're too good for a friend."


"Kayo nga lang rin nang-aya ngayon kaya masaya ako, eh..." Tuloy lang rin tuloy yung luha ni Janelle, 'di niya rin alam. "Kung dati ko pa kayo nakakasama, siguro napasaya mo rin ako nun."


There's just something about them that makes her soft. They all seem genuine, and it's been a while that she got along with some other company that lets her open up so naturally. And in a short span of time, diba?


Natouch lang rin talaga siya masyado na inaya siya sa inuman, okay...


Kaso, shems... need nito ng kasama pauwi. CJ looks over her worried. Though si RJ kanina pa advanced mag-isip, so handle na niya yun.


"Sure ka, J? Baka Calculator app na naman yan ha—" Naputol naman ang pagsasalita ni Chael nang pigilan siya ng daliri ni RJ sa labi niya. Maalat-alat.


Nakapangliit naman ang mata ni RJ habang nakatingin sa phone niya, sumagot naman kaagad ang kausap niya. Chael quickly recognized the name na minessage ni RJ. Then as he observed him by his shoulder, he felt assured his friend did things right.


And the last moments of today faded dimly into the night.












🍓🌭🍢🍗🌽 🍅



So far, natutuwa ako sa nagiging flow nito, sana kinilig rin kayo sa ibang parts!


Bonus: Para cute at mas dama natin yung Balemtayms :3



_ _ _




Feel free to leave some comments! Vote my story if you liked it! And lastly, 'wag mo ikunot ang 'yong noo~ hehe




pula

Comment