Chapter 21:

"I'm sorry Avi, kasalanan ko talaga kanina" Ani Dion na mukhang guilty sa nangyari kanina sa Club


"Okay lang Dion, hindi mo kasalanan"


Nainis lang ako dun sa mayabang na babaeng yun, girlfriend ba yun ni Sarfan? talagang kinalimutan niya na ba ako? Nilukob naman ng sobrang selos ang puso ko nung hinila niya yung maldita na yun! Hindi man lang niya ako pinagtanggol, ang sakit lang isipin. Inaasahan ko na ito, dapat maging masaya ako para kay Sarfan dahil makakalimutan niya na ako pero bakit ako nasasaktan, bakit gusto kong saktan ang babaeng yun. Hindi ko na talaga alam naguguluhan na ako sa sarili ko. Kaya ko pa bang magpanggap na hindi ko siya mahal?  Kaya ko pa bang iwasan siya?


"Dion kilala mo ba yung babaeng yun?"    parang may namamagitan sa kanilang dalawa, hindi naman umimik si Dion, parang ayaw niyang pag-usapan hindi ko nalang siya tinanong ulit.


Hinatid kasi ako ni Dion pauwi, sa bukana lang ng subdivision ako nagpababa at lalakarin ko nalang ang apartment ko.


" Sige Dion, salamat sa paghatid"


Bumaba naman siya ng kotse niya at lumapit sakin


"Sasamhan na kitang maglakad baka may manyari pa sayo dito" Aniya


"Sige na nga, atsaka kahit hindi mo naman ako samahan secure naman ang subdivision nato"


"Kahit na hindi parin natin alam, nga pala Avi napapansin ko sa tuwing hinahatid kita lagi ka nalang nagpapaba sa bukana ng subdivision" sumulyap siya sakin


"Weird ba?" Tanong ko napasipol naman ako ng ngiti


"Medyo" nagkibit balikat siya


"Mas gusto kong maglakad lakad, feeling ko kasi napaka romantic pag ganun"   tumawa naman si Dion


"Ngayon ko lang alam, miss romantic"


Napahinto kami sa pagtawa ng may naglakad sa harap namin. Medyo dim ang ilaw dito pero kilalangng-kilala ko ang postura ni Sarfan


Humarap ako kay Dion "Sige Dion hanggang dito nalang ako salamat sa paghatid"


"Make sure uuwi ka ng safe, goodnight Avi" tumalikod na siya at naglakad pabalik sa pinag-iwanan niya ng sasakyan.


Humarap naman ako sa taong nakatayo sa harap ko


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya


"Hanggang dito ba naman kasama mo parin ang lalaking yun!" napalakas na ang tono ng boses niya, nagliliyab sa galit ang mata niya, at ang nag-uumigting niyang panga.


"Pwede ba wag kang sumigaw jan at ano naman kung kasama ko si Dion, wala ka ng pakealam dun!" 


  Akala niya siguro kontrolado niya ako, eh siya kasama naman niya yung babaeng yun! Nagalit ba ako sa kaniya!


"Hindi ba sinabi ko sayo na wag ka ng magpapakita sakin, bakit nagpakita ka parin!" Sigaw niya sakin


Wala na ba akong karapatan magtrabaho? ano gusto niya magtatago ako para sa kaniya upang hindi niya lang ako makita.


"Kahit saan magkikita at magkikita parin tayo  Sarfan, wag mong isipin na hindi ko sinusuod ang sinasabi mo, umiiwas na nga ako sayo eh"


Napaka-assuming talaga niya! hindi niya ba naisip na nasa isang syudad lang kami. Magkikita parin kami kahit saan.


"Wag ka ng makikipagkita sa lalaking yun"  Aniya na may matalim na tingin


"Bakit ko naman gagawin yun? we're strangers remember? so back off Sarfan makikipagkita ako sa kung sino gustuhin kong makita wala ka ng pakealam dun " hahakbang na sana ako ng magsalita pa siya


"Nagseselos ako Avi"  napatingin naman ako sa kaniya, bakas sa mukha niya ang lungkot, galit halo-halong emosyon. Nagsisimula naman ang puso ko sa pagtibok


"Sarfan"


"Avi hanggang kailan mo itatago ang nararamdaman mo sakin, obvious naman na gusto mo ako, ano bang pumipigil sayo bakit mo pinahihirapan ang sarili mo, Ano bang kulang sakin? sabihin mo gagawin ko" Aniya na may ilang butil na tumulong luha sa mata niya. Umiiyak  ba siya?


"Sarfan sinabi ko na sayo diba na kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin, kalimutan mo na ako"


Napapikit nalang ako habang sinasabi ang mga yun. Hindi ko na talaga mapigilan ang mga luhang namumuo sa mata ko at tuluyan na nga itong bumagsak.


"How can I do that Avi? tell me kung paano ko gagawin yun, you captivated my soul, the whole me is wanting you, pumasok ka sa buhay ko ng walang dahilan and now aalis ka rin ng walang dahilan, how could you do that to me" Aniya


"Gusto mong malaman ang dahilan, sige sasabihin ko sayo, Mayaman ka mahirap lang ako!, magkaiba ang mundong kinagagalawan natin! at ikakasal ka sa iba, see how complicated we are? we can't be together  Sarfan"    sabi ko at naglakad na ako pero nakailang hakbang pa lang ako na ng nagsalita na naman siya


"If that's what you want, gagawin ko, kakalimutan kita, pero wag kang magsisi sa huli, tama ka nga magkaiba ang mundo natin, bakit ko ba naisip na gustuhin ka, dapat yung babaeng mayaman ang para sakin. wala pala akong karapatan magmahal ng mahirap na tulad mo!" At nilampasan niya lang ako at naglakad na sa apartment niya.


Nanlambot naman ang mga tuhod ko sa sinabi niya, napaupo nalang ako sa kalsada at napahagulgul sa iyak


"Ito naman ang gusto mo Avi diba, kaya wag kang umiyak, wag kang umiyak!" namamalibis na ang mga luha ko
Bakit ang sakit, sakit, kaya ko pa bang pigilan toh! mahal na mahal ko siya. Bakit ba magkaiba ang sinasabi ng puso ko at isip ko


Papasok ako sa school ngayon may meeting daw for incoming Prom Night, mugto na ang mata ko sa kakaiyak kagabi, sana hindi ako matatambakan ng tanong kay Jeranie kapag napansin niyang mugto ang mata ko.


Palabas na ako at bigla ko naman nakasulubong ang mayabang na babaeng yun. Tumaas naman ang kilay niya nang nakita niya ako


"Oww, you again, hindi ko aakalain na dito ka rin pala nakatira, buti na aafford mo ang rent dito" May pangungutya ang mata niya


"Nandito ka ba para maliitin ako, at insultuhin!" Tinugunan ko rin siya ng matalim na tingin, Akala niya siguro aatrasan ko siya. In her dreams


Tumawa naman siya "Not for you, kaya umalis ka sa dindaanan ko"


May baritonong boses na kilalang kilala ko ang tumawag sa kaniya.


"Galina!"


"Hi Sarfan"


"Pumasok na tayo sa loob, marami pa tayong gagawin" Ani Sarfan na para bang wala ako sa paligid niya. Kaluluwa na ba ako? Bakit hindi man lang niya ako tinapuan ng tingin. Bigla naman kumurot sa sakit ang puso ko.


Ito na ba yung sinasabi niya na kakalimutan ako, mas masakit pa pala sa inaasahan ko. At ano yung marami pa nilang gagawin, hindi Avi wag mong isipin yun, bakit niya kasama ang babaeng yun, bakit napakadali niya akong kalimutan ako.


"Avi late kana sa meeting, katatapos lang, namamaga mata mo ah, may nangyari ba? Ani Jeranie


" walang nangyari Jeranie, nanuod lang ako ng K-drama kagabi at napuyat kaya late ako nagising" pilit naman akong ngumiti, nagsisinungaling na naman ako sa kaibigan ko


Naghihinala naman siyang tumingin sakin "Grabe naman yung K-drama na yun dala na dala ka eh"


"Oo nga eh, ang galing ng mga actress ng drama na yun, grabe! Hangang hanga ako" nangingilid na ang mga luha ko sa mata na para bang gusto kong umiyak at ilabas ang sakit na nararamdaman ko


"Hangang hanga din ako sayo Avi, ang galing mong umacting eh, halika nga" niyakap ako ni Jeranie at tuluyan na akong napahagulgul sa iyak


"Jeran hindi ko na kaya, ang sakit sakit na" nanginginig na ang boses ko


"Sabi ko naman sayo diba, wag mong pigilan ang nararamdaman mo, masyado mo kasing iniisip ang mangyayari eh, ayan tuloy nasasaktan ka ngayon, diba sinabihan na kita na just go with a flow, kung gusto ka naman pala niya Bakit mo siya tinutulak papalayo"  Aniya habang sinasapo ang likod ko


"Avi, minsan wag natin pairalin ang isip natin, dahil hindi sa lahat ng oras tama ito, kung anong sinasabi ng puso mo, sundin mo, sometimes we need to risks everything for our happiness"


"Paano ko gagawin yun, eh nawala na siya sakin, nagsisimula na siyang kalimutan ako Jeran" napahikbi na ako sa pagsasalita


"Ede sabihin mo sa kaniya ang tunay na nararamdaman mo, baka hinihintay lang ni Sarfan na sabihin mo yun"  dagdag pa niya


Siguro tama nga si Jeranie, kailangan ko ng sabihin kay Sarfan ang tunay kong nararamdaman sa kaniya, pero paano? eh para na akong bula sa kaniya.


"Ice cream tayo, treat ko para naman makalimutan mo ang lahat ng dinadamdam mo"


Tumango na ako bilang sagot sa kaniya at hinila naman ako palabas ng school.


"Kalimutan mo muna ang lahat ng problema mo ngayong araw Avi" Aniya


Kumakain na kami ng ice cream dito sa favorite Ice Cream Shop namin ni Jeranie.


"Nga pala ano ang pinag-usapan sa   meeting kanina?" Tanong ko


"Sa August 29, daw yung Prom Night natin and outfit Ball gown" Aniya


Ano daw BALL GOWN?! saan naman ako kukuha nun, ang mahal kong magrerent pa ako. 


"Hindi na ako sasali" bagsak naman ang balikat ko imbes na excited ako parang nawalan ako ng ganang umattend


"Hoy once in a lifetime lang yun gaga!" binatukan ba naman ako


"Hay wala naman akong masusuot eh"  napairap nalang ako sa kawalan


"May paraan jan, magtiwala ka sakin"  kumindat pa ang loka loka


"Aishh Ewan ko talaga sayo!" Umirap naman ako sa kawalan 


"And ito pa, may dalawang Army Students galing sa Philippine Military Academy na iimbitahan sa Prom night bilang papalit kay Admiral Baron Gonzabo" Aniya


"Talaga"


"Oo at excited na ako makita kung sino ang dalawang yun" inirapan ko siya Jeranie is always Jeranie, boys hunter na ang itatawag ko sa kaniya.












   "I wish I could get what I want"




Comment