Chapter 25 - Toothbrush

"Aren't you full? huh?"

Napanguso nalang ako dahil kanina pa nagrerelamo tong si Ma'am e hindi naman siya kakain. Currently, I'm cooking carbonara.

Hinahalo ko lang yung sauce na ginagawa ko tapos si Ma'am naka upo chair habang nakahalukipkip. Ewan ko ba kung ano pinuputok ng butchi niya, nagugutom nga ko.

Paano ba naman kasi ang sabi niya hindi niya raw uubusin yung mga binili naming street foods kanina tapos ang ending tig-iisang stick lang nakain ko, tibay din ni Maam e.

"No, I'm actually starving," napanguso ako. Tinikman ko ang sauce at nang malasahang pwede na ito ay pinatay ko na ang stove. "Gusto niyo po kumain?" I asked Maam dahil magsasandok na ko.

"I just ate, kid. That was such a nonsense question."

Natigilan ako sa sinabi ni Maam. Anak ng. Nagtatanong lang e. I just shrugged at hindi na nagsalita, nonsense pala e. Unahin ko na munang pakainin mga alaga ko kesa makipagbardagulan kay Maam.

Kumuha ako ng isang bowl at nagsandok ng pasta tsaka ito nilagyan ng sauce. Inilapag ko muna ito sa lamesa, napatingin pa ko kay Maam dahil talaga namang ramdam na ramdam ko ang bawat titig niya. She's literally watching my every move, what the ef.

"No change of mind, Miss? wala namang masama kung kakain ka ulit."

"Even so," tumayo ito. "Eat your carbonara well, I'll save that for later." sambit nito bago naglakad paalis ng kusina.

Nung una ay hindi ko agad nakuha ang ibig sabihin ni Maam kaya saglit pa akong natigilan. Napailing nalang ako ng matauhan. Kumuha muna ako ng malamig na tubig sa ref at sinalin ito sa baso bago umupo at nagsimulang kumain.

Ngunit nang nasakalagitnaan ako ng pag nguya ay may bigla akong naalala.

Nakita namin si Maam kanina na nakadantay sa car ko diba, I wonder why. Nakalimutan ko kasi kanina. Tanongin ko nalang siya mamaya, sa tingin ko ay manunuod naman siya sa living mamaya tulad ng lagi niyang ginagawa.

Pagtapos kumain ay hinugasahan ko lang ang pinagkainan ko tsaka ako nag linis ng katawan. I was brushing my hair in front of the mirror. Bigla akong napatitig sa mukha ko kaya naging mabagal ang pagsuklay ko.

This face, from my forehead to my chin, and these features remind me of her, my mom specifically. I can't help but caress my right cheeks. I miss her. I miss my mom. Napakagat nalang ako sa ibang labi ng maramdaman kong pagiinit ang mga mata ko. Every time kasi na nakikita ko ang mukha ko salamin ay si Mom ang naalala ko,  were more likely look alike than to my dad.

Napahinga ako ng malalim para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Memories cant bring back but can be reminisce at iyon lang ang lagi kong ginagawa. Tinapos ko ang pagsusuklay at pabagsak na humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame. No thougths are running in my mind but there is one thing that I want to do right now. And that is to visit the grave of my real mom.

I grabbed my phone on the side table to check the time. It's already past nine but I don't care. I get up to wear my hoodie and black cap. I also grabbed my phone and wallet because I was planning to buy some ice cream at the convenience store before going to the cemetery.

Paglabas ko ng room ay tahimik na paligid ang sumalubong sakin. I look around dahil wala talaga akong tunog na naririnig. Lumakad pa ako papuntang living but I also saw nothing. Napakibit balikat nalng ako. Himala hindi ata nanuod si Maam ngayon. Busy siya ngayon ah.

Tahimik akong lumabas ng apartment. I enter my car and drive to the nearest convenience store just like what my plan is. Nang makarating ay agad akong pumunta sa ice cream section, I grabbed one cookies and cream tube and also tubig na rin. Binayaran ko iyon at umalis na.

Agad naman akong nakarating sa sementeryo dahil anong oras na rin at maluwag na ang daan. Nag park lang ako ng maayos tsaka kinuha ang paper bag na may lamang ice cream at tubig. Pagkababa ko palang ay malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin, humampas iyon sa mukha ko dahilan para haningin ang nakalugay kong buhok.

Naglakad na ako at hindi inalintana ang tahimik na paligid. Saglit akong natigilan ng maramdaman kong may nakatingin sa akin, bumagal ang lakad ko at umiling nalang. Anong magagawa ko e nasa sementeryo ba naman ako sa dis oras ng gabi. Guni guni ko lang 'yon.

There are solar street lights naman but still hindi iyon sapat para mailawan ang buong paligid. Madilaw ang kulay ng mga ilaw kaya hindi malinaw ang daan. Umihip muling ang malamig na hangin dahilan para mapayakap na ako sa dala ko. Ano ba yan naka hoodie na ako't lahat lahat nilalamig pa rin.

Mas binilisan ko nalang ang paglalakad upang madaling makarating sa puntod ng mama ko. Hinawi ko ang lapida ni Mom na natatakpan na ng mga damo, hinipan ko pa ito dahil sa mga alikabok. Naupo ako sa damo at nilapag ang dala ko. Napahinga ako ng malalim at napatingala sa kalangitan. Madilim iyon at walang mga bituin kaya napanguso ako. Sarap sana mag stargazing.

I adverted my gaze to my mom's tombstone.

"I miss you, mom."

My jaw clenched and my eyes started to pool with tears.

"I-its been so long... " pahina nang pahina ang boses ko. Matagal na ang trahedyang iyon pero tuwing bibisita at makikita ko ang mukha ko sa salamin ay bumabalik ang sakit.

"Life's been so hard since you left." tears rolled down to my cheeks. "Wala na yung taga punas ng luha ko," napakagat ako sa labi nang maalala yung mga pagkakataon na tuwing nakikita akong umiiyak ni Mom ay agad siyang lalapit para punasan ang mga iyon tsaka siya magtatanong kung anong nangyari. "Miss ko na yung pag-aalaga mo sakin." muling bumuhos ang mga luha ko at hinayaan ko lang iyon.

She's the most caring person that I knew and no one could ever suppress her love and care for me. I sobbed and hug my legs. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod tsaka marahan hinaplos haplos ang lapida ni Mom.

'Marielle Celeste'

Even her name was next to mine. The wind blew and my eyes automatically closed. I just love how night can be this peaceful. Ngunit bigla akong napamulat ng mata ng may marinig akong kaluskos. What the hell. Nilingon ko iyon at nakitang tuyong dahon lang pala. Phew.

Umayos ako ng upo at hindi ito pinansin. I looked up at the blank sky. Sana hindi ko nalang pinilit ang isang bagay na hindi dapat nangyayari. "Sana ikaw nalang ulit, mom.. Sana ikaw nalang ulit mom ko." hirap na pagkakabigkas ko dahil alam ko namang hindi iyon mangyayari.

Pigil luha kong binuksan ang ice cream na binili ko. Ayoko nang umiyak kahit for once. Since that tragedy happened wala yatang oras na hindi ako naiyak tuwing malala ko yung mga nangyari. I've been tired for so long.

As I finished eating my ice cream I feel delighted again. Best comfort food indeed. Nanatili pa ko ng kalahating oras bago ko pagdesisyunang umuwi na dahil lumalalim na rin ang gabi. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Maam since hindi niya ako nakitangg lumabas but still I have to go to the apartment may pasok din bukas.

I wore my cap and walked to my car. After entering I start the engine and drive to our apartment. Hindi nagtagal ay nakarating din ako. I park my park well at pumasok sa loob. Pagbukas ko nang pinto ay dilim ang bumugad sakin. Nagkibit balikat nalang ako dahil baka tulog na si Maam.

Ngunit nang mapadaan ako malapit sa bukana ng kusina ay napansin kong parang may liwanag na nagmumula rito kaya naman pumunta ako rito para icheck. Sumilip ako sa pinto at napakunot ang noo nang makita si Maam na kumakain ata. Nakatalikod kasi ito sakin kaya hindi ko makita kung ano ba talaga ang ginagawa niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o babalik nalang sa kwarto. Napansin ko ring may nakasulpak na earpods sa magkabili niyang tenga kaya sa malamang ay hindi niya naramdaman ang pagdating ko. Napabuntong hininga nalang ako at napagdesisyunang pumunta na sa kwarto.

Tumalikod na ako at hahakbang na sana pero narinig ko itong nagsalita.

"Hey, kid?"

Nanigas ako sa aking kinatatayuan sa hindi malang dahilan. Ako ba yung tinawag niya? dahan dahang akong pumihit patalikod upang kumpirmahin kung ako nga ba ang tinutukoy ni Maam. Napakagat nalang ako sa itaas kong labi nang makita ko itong taimtim na nakatitig sakin.

"Good eve? m-masarap?"  bati ko at ngumiti ng alanganin.

"Come here, I can't clearly see you from there." sa halip ay sabi nito. Madilim nga pala sa pwesto ko pero paano niya nalamang nandito ako? labo rin ni Maam. Lumakad ako papasok ng kusina at sumandal sa sink sa tapat lang din ni maam. "Where have you been?"

"Uh from there?" turo ko sa pwesto ko kanina. Tumalim ang titig nito kaya napaiwas ako nang tingin at napakamot sa sentido. Okay?

"I want an answer, kid. Don't test me."

"Galing nga po ako ron, sa kwarto, kalalabas ko lang. I felt thirsty so I decided to went here." I lied. Nakakainis . I can just tell her the truth but I didnt. Pinanatili kong nakaiwas ang tingin matapos kong sabihin iyon. 

Naramdaman kong binaba nito ang hawak niyang tinidor tsaka umayos ng upo at humalukipkip. "Ahuh, with that outfit?"

Nang marinig iyon ay agad akong napakapa ng sarili. Nanlumo ako ng mahawakan ko ang cap at hoodie na suot ko. Shet, oo nga pala. Bakit ba hindi agad natanggal tong mga to kanina? binaba ko agad ang suot kong cap. Im not really good at lying thats for sure.

"Ah eh, yeah, malamig po kasi," palusot ko pa.

"Just state the truth," she sternly said.

Napahawak ako sa likod ng tenga ko. Huli na ako sa akto kailanganp a bang ipilit. "M-may binisita lang po." pag-amin ko.

"Who?"

"Someone.. someone who's really important to me." mabagal kong pagbigkas. Baka kasi isipin ni Maam naglakwatsa ako.

Nakita ko naman kung paano nag igting ang panga ni Maam at dumilim ang pagkakatitig nito. Her hands also formed into fist and I dont really know what is happening, may sinabi ba akong mali? nagsabi naman ako ng totoo ah?

"Is that someone that important to you to even visit it this late at night? d'you know what time is it?" kalmado nitong pagkakasabi pero ramdam ko ang diin.

"Yes, na miss ko siya, so why not?" I answered back confidently.

Natigilan ito tila hindi maproseso ang sinabi ko tsaka nag-iwas ng tingin. Unti-unti ring nawalan ng emosyon ang mukha niya. Bumibigat din ang paghinga niya dahil hanggang dito ay naririnig ko ang pagbuga niya ng hangin.

"Why... is it.. is it because it's your boyfriend?"

Naknampucha.

I scoffed because of what Miss just said. Boyfriend daw. Napailing pa ako at ilang segundong natahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Really? 'yan ang iniisip ni Maam?

I heard her hissed at tumayo na habang hawak ang bowl ng pinagkainan niya kaya napaayos ako ng tayo. I watched her walk to the sink. Napa-usog naman ako dahil nahaharangan ko ang sink.

At dahil nga ilang centimeters nalang ang layo namin naririnig ko siyang parang may binubulong bulong. Anak ng.

I looked at her sideways and I can sense that she was pissed also her eyebrows are so close to making one line.

"I visited my mom.." I trailed off. Nakita ko kung paano siya natigilan tsaka nagpatuloy sa paghuhugas na kunwaring walang narinig. "And I don't think I even want a boyfriend." I said as I was looking in front. Mahina lang ang pagkakasabi ko non ngunit kahit malapit siya ay pakiramdam ko hindi niya masyadong naintindihan iyon.

"Is that so?"

I turn my gaze at her. Tapos na siyang maghugas at nagpupunas na siya ng kamay ngayon.

"Yeah? I'm obviously single right now, Miss, no need to worry." sagot ko na sinamahan pa ng pag ngisi.

"My concern is where the hell did you go not your damn status." sinamaan ako nito ng tingin sabay irap.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko kaya wala sa sariling napa-iwas ng tingin. Nakakahiya.

"I-I just t-thought-"

"Whatever." Naglakad ito papalapit pa sakin at sumadal din sa sink tsaka humalukipkip na nakaharap sakin. "I have my rule number 1 now."

"Huh?"

"Rule here in the apartment, do you remember?"

Napa-isip ako saglit at tumango nang maalala yung first day namin dito ni Maam. Ang sabi niya basta huwag lang daw ako pumasok sa personal space niya. Bakit parang madadagdagan pa ata.

"The first rule is you're going to have a curfew at nine. Not being able to go home before nine only means you'll be sleeping outside." she said with finality.

"Ma'am?! B-bakit ako lang???" nakakawala ng angas. First rule pa lang 'yan paano na kaya kapag may dinagdag pa siya.

"Sino ba ang mahilig lumabas ng gabi sating dalawa? hindi ba ikaw?"

My lips went slightly open. Natulala pa ko nang magsalita siya ng tagalog. Ang cute non! She sounds adorable. Napailing nalang ako para bumalik sa reyalidad.

"Ma'am, kahit konting awa naman oh, hindi naman po lagi ngayon lang." I pout.

"Alright, I'll let you anytime you want unless you'll let me know first where you are going so that I would know where to find you in case of an emergency."

Tumango ako. Pwede na. Para ko naman siyang nanay niyan pero sige kung saan masaya si Maam. Siya ang mas nakatatanda kaya mas alam niya ang mga pwedeng mangyari.

"That's fine to me, so masarap po ba yung luto ko?" pag-iiba ko ng usapan at tinaas baba ang kilay sakaniya.

"Not bad." sagot niya na akala mong nalugi pa sa kinain.

"Grabeng feedback naman 'yan, Ma'am, oo o hindi lang dapat sagot,"

"Yeah. I like the sauce." parang napilitan pa. Anak ng. Napansin ko pa na parang ang hilig sa sauce ni Maam kanina yung sa sawsawan ngayon yung sauce ng carbonara.

"Inaantok kana ba, Ma'am?" tanong ko habang iniikot ang paningin sa buong mukha niya. She looked fresh tonight. Mas lalong nadedepina ang details ng mukha niya dahil napansin kong wala siyang suot na make up. All we're natural.

"Kind of. Why ask?"

"Ang iksi kasi ng sagot mo parang tamad na tamad. Tulog na tayo?"

Saglit pa itong nakipagtitigan sakin at hindi naman ako nagpatalo dahil nakipagtitigan din ako. Ako rin ang unang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko makayanan ang bigat ng titig niya.

"Let's brush our teeth first." nauna itong maglakad habang ako naman ay nakangiti lang ako sa likod niya habang sinusundan siya. Gumaganyan na si Ma'am.

I stayed at her back until we reached the bathroom. Iniwan niyang bukas ang pinto kaya nanatili ako sa labas. Tumayo lang ako ron hinihintay siyang matapos.

I played with my hands and as seconds passed I heard her talk.

"Ariel?" pasigaw niyang sabi. "Come inside, damn it, what's taking you so long?"

Kaya wala sa sarili akong napapasok ng bathroom. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang magkasalubong ang kilay habang may hawak na dalawang toothbrush.

"Sorry, akala ko po kasi maauna ka." I smiled awkwardly ngunit hindi niya iyong pinansin at iniabot lang sakin ang toothbrush ko. Eh? How did she know?

Wala na kong oras para makapagtanong pa dahil muli niya na namang iniabot sakin ang toothpaste. Dali dali akong naglagay dahil nakita ko siyang hinihintay ako. Matapos kong maglagay ay nagsimula na siyang mag toothbrush kaya nag simula na rin ako.

I looked at the mirror in front of us. Despite of having toothbrush in my mouth my lips formed into a wide smile. We looked cute together.

She wearing silk emerald color pajamas while me is still wearing the hoodie. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nagtotoothbrush kaya hindi ko mapigilang mapahagikgik.

"Whatsh da matte?" sabi niya habang nasa bibig pa rin ang toothbrush.

"You cute, ma'am." I giggled while the toothbrush is still in my mouth.

I wanted to take a picture but I was busy adoring this beautiful lady beside me. We finished brushing our teeth kaya naman lumakad na kami papunta sa kwarto namin. We stopped as we reached the door of our rooms.

Humarap ako sakaniya at ganun din naman ang ginawa niya.

"Ma'am, last question for this night. Anong ginagawa mo kanina ron sa harap ng kotse ko?"

"Waiting," umikot ang mata nito. Sana last irap mo na rin 'yan Maam.

"Bakit?"

"I assumed that was the last?"

Napakamot ako sa batok. "Pinaka last na, Maam."

"I was waiting for you, Ariel." she confessed while looking straight into my eyes. I was left speechless and my heart doubled a beat because why would a goddess professor wait for me after class? My thoughts got interrupted when I heard her talk again.

"Okay, that's enough. Go to sleep, it's getting late already, have a good sleep, kid. Goodnight." minsan pa nito akong tinignan sa mata bago naunang pumasok sa loob ng kwarto niya.

'Goodnight' tanging nasabi ko sa utak ko dahil ayaw bumuka ng bibig ko. What is the reason really?



A\N: Hi, gays. HAHAHAHA

Comment