Chapter 4

"To the Honeymoon!" Sigaw nito habag nakaturo sa field, kung saan nakatayo ang iba't ibang booths.


Hindi na siya nakaangal dahil kinaladkad na siya nito kung saan. Napaka-clingy ng babaeng ito at hindi siya sanay. Kahit na ang ex niyang si Diana ay hindi ganito ka-touchy.


Buong oras ay kinakaladkad lamang siya ni Valentine kung saan nito mapusuang pumunta. Siya naman ay nagpahila lamang, dahil lalo lamang siyang mahihirapan kapag pumiglas pa siya.


Nariyan at pumunta sila sa photo booth, cosplay cafe, mini arcade, cotton candy booth, at marami pang iba. Halos lahat ata ng booth sa feild ay napuntahan na nila. Masakit na ang kaniyang paa kakalakad-takbo at braso kaka-hila naman ni Valentine.


Kaya naman, pinilit niya itong magpahinga muna, kahit na wala ata itong balak na pagpahinga-hin siya. Naka upo sila ngayon sa bench habang si Valentine ay masayang kumakain ng cotton candy. Pinapadyak-padyak pa nito ang mga paa na parang bata.


Nakakunot niya lamang itong tiningnan. Ang daming ginastos ni Valentine, halos lahat ata ng booth na mapuntahan nila ay gumagastos ito.


"Dami mo naman atang pera, dami mong ginastos ah." Pagpupuna niya kay Valentine.


Nagtataka siyang tiningnan ni Valentine habang kinakain pa rin ang cotton candy. Itinigil muna nito saglit ang pagkain at iginilid ang ulo, habang nakatingin pa rin sa kanya.


"Anong ako? Baka ikaw." sabi nito.


"Bakit ako?"Nagtatakang tanong ni Saint.


"Eh pera mo kaya yung pinanggagastos ko." As a matter of factly nitong pag sabi. Lumaki ang mata ni Saint at di makapaniwalang tiningnan si Valentine, dahil sa sinabi nito.


"Ano?!" pasigaw na tanong ni Saint. Tumawa lamang si Valentine sa kanya.


"'Di mo napapansin kanina pa? Siyempre, as a husband it is your duty to spend money on your beloved wife. And because we are married, it is always give and take." Kinindatan pa siya nito at kumain na muli ng cotton candy.


Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng babae. All this time, pera niya ang kanina pa nito ipinanggagastos.


"Wala kang karapatan para gastusin ang pera ko." may diin niyang sabi.


"I'm your wife." as a matter of factly uli nitong sagot.


"It's a fucking fake marriage! Give me back my wallet. Wala akong pamasahe mamaya." galit na utos niya dito.


Hindi siya pinansin ni Valentine at patuloy pa ring ngumunguya ng cotton candy.


"Let's stop this bullshit Valentine! Give me back my Goddamn wallet and flash drive, now!" Hindi na niya napigilan at sumabog na siya. Inis na inis na siya kay Valentine dahil sa paggastos nito ng pera niya.


Hindi siya mayaman para gumasta ng gumasta. Pero ang nakakainis kasi niya ay ginagasta ang pera niya ng kung sinong taong 'di naman niya kilala.


Galit na galit na siya pero ang baliw na babae ay dinededma lamang siya. Pinansin lamang siya nito nang maubos na ang kinakain niyang cotton candy.


"Tara doon sa may dart game na balloons!" Pag turo nito doon sa booth na may tinitirang darts sa mga balloons.


Masaya itong nagmartsa papunta doon at iniwan na siya sa bench. Inis man ay sinundan niya ito dahil kailangan niyang bawiin ang gamit niya. Puputok na talaga siya sa galit.


Lumapit siya kay Valentine na nakatingin lang sa harap ng booth. Mag sasalita na sana siya nang bigla itong humarap sa kanya at iniiabot ang wallet at flashdrive niya.


Kinuha niya iyon at binuksan ang wallet. Nagulat siya nang hindi nabawasan ang laman ng wallet niya.


"Akala ko ba ay ginastos mo ang pera ko?" gulat niyang tanong kay Valentine.


Nakita n'yang nagsisimula na pala itong mag dart ng balloons.


"Sabi ko 'di ba, in marriage it is always give and take. I took your money to pay things, but I used mine to give it back." 'Di pa rin siya nito tinatapunan ng tingin at patuloy pa rin sa pag tira.


Walang masabi si Saint kay Valentine dahil doon. Na-guilty tuloy siya sa pag sigaw niya kay Valentine.


He was about to apologize for his behaviour nang biglang umirit at magtatalon sa tuwa si Valentine.


"Wooohhh!! I won! I won! I won!" Tumalon talon ito at umikot - ikot pa.


"Congratulations ma'am. You won our grand prize, a large size teddy bear!" Nagningning ang mga mata ni Valentine, habang sabik na inaabangan ang pag abot sa kanya ng lalaki ng malaking pulang teddy bear.


Hindi pa tuluyang naiaabot ng lalaki ang stuff toy sa kanya, ay bigla nitong hinablot sa kamay ng lalaki ang teddy bear.


Tumatalon-talon ito habang yakap ng mahigpit ang teddy bear. Masaya itong humarap sa kanya at ipinakita ang stuffed toy. That smile, parang may kumikiliti sa tiyan niya nang ngumiti ito sa kanya.


Ang teddy bear ay kulay pula at may hawak na puso na may nakalagay na 'I love you'


"Hubby look! I won! I won! Hihi" Tila bata siyang tiningnan ni Valentine, humihingal ito dahil sa kakatalon.


May sasabihin sana ito sa kanya nang biglang may babaeng tumawag sa pangalan ni Valetine mula sa 'di kalayuan. Humahangos itong lumapit sa pwesto nila.


"Valentine! Kanina pa kita hinahanap. Sobrang crowded na nu'ng booth, kailangan ka namin. 'Di na kaya ng staff i-accommodate yung mga tao. Naiistress na si pres dahil kanina ka pa wala, ikaw lang makaka-handle no'n." Nagmamadali ang tono nito at halatang pagod na kakahanap kay Valentine.


Nataranta din si Valentine kaya naman iniabot niya ang teddy bear kay Saint.


"Hubby, ikaw muna ang bahala sa anak natin okay? May emergency lang."


'anak?' takang tanong ni Saint sa sarili. Nang tiningnan niya ang teddy bear ay doon lamang niya napagtanto na ang tinutukoy nitong anak ay ang laruan.


Binaling naman nito ang atensiyon sa teddy bear at mariin itong tinitigan.


"Anak, iiwan ko muna kayo ng daddy ha? May aasikasuhin lang si mommy na importante. 'Wag ka nang malungkot anak, babalik agad si mommy okay. For the mean time, kay daddy ka muna. Huwag kang makulit ha? Babye anak." Niyakap nito muli ang laruan at hinalikan.


Pinipigilan niyang matawa kay Valentine dahil sa kabaliwan nito. Mas lalo niyang pinigilan ang tawa nang siya naman ang tiningnan ng seryoso ni Valentine. Para talagang baliw ang babaeng ito.


"Hubby, ikaw na ang bahala sa anak natin. Huwag kang mag alala, babalikan ko kayo ng anak natin. Kailangan ko lang itong gawin para sa kinabukasan ninyo." Sobrang seryoso ng mukha ni Valentine na tila nasa tele-novela sila.


Habang ang mukha ni Saint ay pulang pula na sa pagpipigil ng tawa. Mukha kasing engot si Valentine sa pag kausap nito sa teddy bear at sa kanya.


Madrama itong tumingin sa kanya at pinahiran ang imahinaryong luha sa pisngi nito. Nilabas nito ang isang panyo mula sa bulsa at iwinagayway sa kanya, pagtapos ay pinahid uli sa luha kuno nito.


"Paalam mahal ko, magbabalik ako. Magtatrabaho lamang ako para sa mga anak natin. Alagaan mo ang sarili mo asawa ko." patalikod itong naglalakad palayo at tila ina-abot siya nito pero patuloy parin sa pag atras.


Sumigaw uli ito nang may isang metrong layo na sila sa isa't isa.


"Huwag kang mangbababae habang wala ako! Mahal k-- 'Valentine bilisan mo na!' TEKA ETO NA!"Gigil itong nilingon ang taong kanina pang tumatawag sa kaniya.


"Bye hubby!" at nagtatakbo na nga ito palayo sa kanya.


Pinakawalan na niya ang kanina pang pinipigilang tawa. Mukha kasi silang nasa isang telenovela dahil sa pag acting ni Valentine. Mukha itong engot dahil may papahid-pahid luha pa itong nalalaman.


Nakatayo lamang siya sa field at tinatanaw ang unt-unting paglaho ng pigura ng baliw na misis kuno niya. Napapa iling-iling na lamang siya sa sarili habang inaalala ang mga pangyayari, ngunit may mumunting ngiti sa labi nito.


Napatingin siya sa 'anak' kuno nila ni Valentine.


"Uwi na tayo anak, wala na ang mommy mo." Nahawa na ata siya kay Valentine dahil pati siya ay kinakausap ang malaking teddy bear na ito. Tinawag niya pa itong anak at si Valentine na mommy.


Nakangiti siyang napapa iling habang naglakad na siya paalis ng field. Kabig niya sa kanang braso ang malaking teddy bear at umuwi na. Wala na naman siyang klase dahil hindi na niya ito na-attendan dahil sa honeymoon kuno nila ni Valentine, kaya umuwi na lang siya.


Napapatingin sa kanya ang mga tao hanggang sa makasakay siya sa jeep pauwi. Akala siguro ay may pagbibigyan siya ng teddybear. SA laki din nito ay nahihirapang pumasok at lumabas ang tao sa jeep. Pero wala siyang pakialam, ang tanging nasa isip niya lang ay ang mga kabaliwan ni Valentine.


Nang makadating siya sa bahay ay itinapon na niya nag sarili sa higaan. He was so exhausted today, ang daming nakakagulong bagay ang nangyari sa kanya simula umaga.


This Valentine was sure weird as hell, and that other Valentine is much weirder than his day. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya nang may ngiti sa labi. Habang yakap yakap ng mahigpit ang pulang teddy bear.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------<3


Wag muna kayo mag demand ng BS, 16 lang ako guys. I'm still innozentzxxzxzx chour. Anyways nakakapagod irepost tong storya na to. Tapos panibagong hanap na naman ng followers at readers. Heeeellppp!! Pag itong accpunt na 'to ay di ko uli mabuksan, susunugin ko na yung wattpad HQ ikennat ayusin niyo trabaho niyoooooo!!!


Gleivia<3

Comment