Chapter 8

"Nag-aalala ako sayo dahil gusto kita, Mikey." Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko, o nag i-ilusyon lang ako. Hindi nga ako makapag salita dahil parang wala rin makalabas sa bibig ko. Natuyo na lahat ng laway ko sa bibig pati na rin sa lalamunan.

"Mikey, okay ka lang ba? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo. Favorite mo pa naman yan." Tanong ni Pio sa akin. Nilutuan kasi ako ni Celine ng Nilagang Baka para daw makahigop ako ng sabaw. "Isang linggo ka na tuliro. Iniisip mo pa rin ba si Wren?" Tanong nito sa akin.

Umiling naman ako at sumubo. "Hindi, pero naiisip ko si Cassie." Nagulat ata sila sa sinabi ko. "Huh? Bakit, hindi pa rin ba kayo okay?" Tanong naman ni Celine sa akin. Pag katapos kasi sabihin ni Cassie sa akin yun, isang linggo na rin siyang hindi nakikipag-usap sa akin.

Hindi niya ako minemessage o kinukulit. Hindi rin siya bumibisita sa condo. Pero naiintindihan ko naman na busy na rin siya, malapit na kasi yung UAAP ulit kaya puspusan na training nila.

"Hindi ko alam eh. Parang iniiwasan niya ata ako." Nalulungkot lang ako kasi naging close na talaga kaming dalawa. Halos hindi nga kami mapag hiwalay nitong mga nakaraang buwan kaya naninibago talaga ako. "Hindi ka iniiwasan nun no."

"May nasabi ba siya sayo?" Tanong ko kay Pio. "Lagi niya akong mine-message. Kinakamusta ka. Teka nga, ano ba nangyari? After niyo mag-usap parang di na kayo okay." Hindi rin kasi ako naka react ng tama sa sinabi nito sa akin kaya siguro iniiwasan niya ako.

"Mikey, wala ka bang sasabihin?" Tanong nito sa akin. I've finally snapped out of it at tumingin dito. "Cassie, hindi ko alam kung tama ba rinig ko. May gusto ka sa akin? Seryoso ka ba?" Parang hindi kasi talaga ako makapaniwala.

"Seryoso ako sayo. Gusto kita." Pag diin naman nito sa akin. "Wait lang, Cassie ah. Para kasi sa akin kaibigan lang talaga tingin ko sayo." Halata ko naman sa mukha nito na parang na dismaya siya sa sinabi ko. "Hindi ko naman sinasabing kailangan parehas tayo ng nararamdaman ah."

"Oo, oo. I know. Pero gusto ko lang ipaalam sayo na gusto kita bilang kaibigan." Hindi ito kumibo at lumayo ng onti sa kinatatayuan ko. "Cassie–" May sasabihin pa nga lang sana ako nang bigla siyang nag salita. "Kailangan ko na umalis, Mikes. May training pa kami." Bago pa lang ako mag paalam ay tumalikod na ito sa akin.

"OMG! Sabi na eh! She likes you! Hindi mag e-effort yun ng ganun kung hindi ka niya gusto." Sambit ni Celine at tili na nga nang tili sa kwento ko. "True the fire! Hindi yun mag papaka aligaga sayo kung di ka niya bet, teh!" Dagdag naman ni Pio.

"So, anong balak mo, Mikey? Diba dati naman nag ka crush ka sa kanya. Malay mo kayo talaga." Pang-aasar ni Pio sa akin. "Tsaka na lang siguro, let's see where this takes us. Pero sa ngayon, mas importante yung friendship naming dalawa. Nalulungkot nga ako kasi hindi niya ako kinakausap. Sana pag pasok ko bukas mamansin." Napa buntong hininga na lang ako.

Friday na nga ngayon at after class dumeretso na nga ako sa q-pav para makita kung andun ba si Cassie. Nag bake kasi ako kagabi ng brownies at gusto ko nga i-abot sa kanya 'to. Dinamihan ko na nga rin yung ginawa ko para ma share niya sa buong team.

Pag dating ko nga doon nakita kong nag uumpisa na sila kaya I patiently waited for their training to end. Bumaba na nga ako para batiin sila pero sa gilid muna ako dahil maraming nag papa picture. Nakakatuwa talagang makita na maraming sumusuporta sa WVT ng UST.

Nung natapos na nga napansin ako ni Reg sa gilid at tumakbo papunta sa akin para yumakap. "Mikey! Namiss kita! Okay ka na ba? Sobrang nag alala kami sayo." Sabi nito at hinawakan pa nga ang mag kabilaang pisngi ko para tignan kung may mga pasa pa rin ba. Thankfully naman nag heal na ito.

"Okay na ako. Wala yun no! Galos lang naman." Kumunot naman noo nito at hinatak nga ako papunta kanila ate Det na sinalubong rin ako ng mahigpit na yakap at puro kamusta. "Buti okay ka na, bakla! Namiss ka namin kasama." Sabi niyo sa akin.

Binati naman ako nila Xyza pati na rin nila Angge pero si Cassie biglang nawala. Mukhang iniiwasan talaga yata ako kanina kasi andito lang siya eh. "Para ba sa amin yan?" Tanong ni Xyza sa akin sa hawak-hawak kong container. "Ah oo, nag bake kasi ako kagabi tapos naisip ko kayong dalhan."

Inabot ko nga ito dito at binuksan agad. "Wow! Thank you, Mikey! Ang bango! Hindi na namin to tatanggihan ha." Tumungo naman ako at nginitian ito at sunod-sunod na nga silang kumuha doon sa container. Nawala kasi si Cassie eh, baka maubusan pa. Dibale na, gagawan ko na lang siya ng sarili niya.

Nauna na nga akong lumabas at nagulat ako kasi nakatayo si Cassie sa may pinto. "Hi." Pag bati nito sa akin na nakangiti. "Andiyan ka pala. May brownies doon, Cass. Kaso mukhang wala ka na aabutan." Natawa naman ito at lumapit sa akin.

"Dapat nag papahinga ka, Mikey. Pinagod mo pa sarili mo." Pag-aalala nito. "Ano ka ba! Wala yun no! Basta para sayo naman." Lumaki parehas ng mata ko dahil na realize kong mali yung pag kakasabi ko dito. I mean, mali yung pag construct ko ng words. Ay basta yun! Bahala na!

"Ang sweet ah. Sige ka baka mas lalo lang ako ma fall sayo niyan." Pang-aasar naman nito sa akin. "Alam mo, aalis na ako. Bahala ka na nga diyan!" Nag lakad na nga ako papalayo dito pero hinawakan nito bigla yung braso ko kaya natigil akong sa pag lalakad.

"Eto naman, sinungitan agad ako. Sama ka sakin?" Nag taka ako kung saan tinutukoy nito. Napaisip ako kung sasama ba ako dahil marami-rami nga akong kailangan tapusin pero since Saturday bukas pwede naman siguro. "Sige na nga." Pag payag ko naman hinatak ako nito papunta sa sasakyan para umalis.

Pag ka baba nga namin napa uwang na nga lang yung bibig ko dahil sobrang ganda ng view. Kitang-kita mo halos yung buong syudad. Lumapit na nga ito sa tabi ko at may dalang mga camping chair pati picnic basket. "Uy ano yan?" Inayos niya muna yung dalawang camping chair at pinaupo ako.

"Lahat ng favorite mo andiyan." Napangiti naman ako sa sinabi nito at tinignan na nga yung loob ng basket. Napatili ako at niyakap si Cassie. "Yay! Thank you!" Ngumisi naman ito sa akin at sabi niya ngumiti nga raw ako para sa picture. Sinunod ko naman ito.

Kumain na nga kami pero walang kumikiko masyado sa aming dalawa. Nag lakas loob na nga akong tanungin ito kung bakit bigla na lang siyang hindi nag paramdam sa akin. "Nga pala, nakaka tampo ka ah. Bigla mo na lang akong hind kinausap." Sabi ko rito.

"Sorry, Mikes. At that time kasi I just wanted to give you space. Sorry kung na apektuhan ka rin sa sinabi ko nun." Umiling naman ako sa sinabi nito. "It's okay. Hindi naman ako na apektuhan in a negative way. Namiss rin talaga kita kasi nasanay akong kasama ka palagi." Nakita ko naman na ngumiti ito sa sinabi ko.

"May gusto sana akong itanong sayo." Tinignan ko naman ito. "Ano yun?" Hindi muna ito nag sasalita kaya sobrang curious ko talaga kung ano ba itatanong nito sa akin. "I just wanted to ask kung meron ba akong pag-asa sayo." Nagulat naman ako at nasamid pa nga sa iniinom ko. Dali-dali niyang tinapik yung likuran ko habang natatawa.

"Salbahe ka ah! Tinawanan mo pa. I could have died!" Pag saad ko dito. "Sorry, baby. Di ka naman mamamatay andito ako oh! Ito talaga si OA." Wait nga, grabe naman sa pa baby. Parang hindi ako ready doon ah.

"Hoy! Anong baby ka diyan? Sakalin kita." Sabi ko na mas lalo naman kinatawa nito. "Oh, edi sagutin mo muna tanong ko sayo, may pag-asa ba?" Pag tanong nito ulit sa akin. Naisip ko na rin naman yan.

"Honestly speaking it may take time. I want to take things slow." Kitang-kita ko nga yung ngiti nito. "So okay nga lang sayo na liligawan kita?" Tumungo lang ako dito.

⋆⭒˚.⋆𝜗𝜚

"Pio, sure na hindi kayo iinom ah. Mamaya kaladkarin ko nanaman kayo pauwi. Please lang!" Pag mamakaawa ko sa kanila. Saturday night kasi ngayon at na invite kaming umattend sa party ng kaklase namin na si Elyse. "Oo naman. Pinky swear." Sabi pa nga nito bago kami pumasok ng club.

Pag kalipas ng tatlong oras hindi ko na nga ma control si Pio at Celine sa sobrang kalasingan nito. Hindi ko alam kung papaano nanaman kami makakauwi niyan at this time there are no familiar faces kaya for sure walang tutulong sa akin unlike before. Dahil mostly ng mga kaklase namin bangag na rin. Lord, help!

Nakaupo na nga lang ako sa VIP lounge at nag decide bumaba para hagilapin yung dalawa sa gitna ng dance floor. Kailangan na namin umuwi dahil umaga na at baka wala na rin tumanggap na Grab pag nag book ako. Normally kasi mga ganitong oras wala talaga. Hindi ko alam kung sa akin lang ba ganun.

Nasa gitna na nga ako at hindi ko makita yung dalawa kung nasaan. Kanina naman nandito lang yun, saan kaya napunta? Papahirapan pa ako mag hanap ang galing talaga. Hindi daw pala iinom ha. Wala talaga akong tiwala kay Pio at Celine pag dating sa alak nanlalambot sila parehas.

Nag step out nga muna ako sa club para makahanap ng signal. Titignan ko kung matatawagan ko ba isa sa kanila dahil bitbit naman nila parehas yung phone nila. Nung nasa labas nga ako napansin ko rin na marami-rami nang lasing. Meron sumusuka sa kabila, at meron naman mga umiiyak sa isang gilid. Typical. Napailing na lang ako at natawa. Eto nanaman tayo.

Maya't-maya nga meron lumapit sa akin na lalaki at nagulat ako dahil bigla akong hinawakan nito sa bewang. Nasinagan ko yung itsura nito mukhang foreigner at puro tattoo ang mag kabilaang braso. Sakto lang rin naman yung height, parehas lang kami maliit. Lol kayang-kaya maupakan.

"What do you think you're doing?" Tanong ko dito nang nakataas yung kilay ko. Inalis ko rin ang kamay nito at nag lakad papalayo pero patuloy akong sinundan. "Hey, I'm just looking for a good time." Inirapan ko nga ito at hindi kumikibo. Jusko! Nasaan na ba kasi yung dalawang yun?

"You can come with me if you want. I have a hotel room just nearby." Sasagutin ko na nga sana ito nang biglang may pumwesto sa gitna naming dalawa ng lalaki. "She's my girlfriend. So I think you should go look for somebody else." Anong ginagawa ni Cassie dito?

"Oh. My bad. I'm sorry!" Pag hingi ng pasensya nito sa akin. Buti nga. "Anong ginagawa mo dito, Mikey?" Tanong nito agad sa akin. Hindi naman ako na inform na kailangan ko pala sabihin sa kanya kung saan ako pupunta.

"Diba dapat itanong ko rin yan sayo?" Sabi ko rito at umirap. Wala rin naman kasi siyang binabanggit na may alis siya ngayon ah. "Kanina pa ako nag me-message sayo. Hindi mo siguro tinitignan." Chineck ko nga agad ito kung talaga bang nag iwan siya sa akin ng message. Nakita ko nga na sunod-sunod pala ito mag mula umaga pa lang.

"Nag sabi ako, hindi mo lang talaga pinapansin messages ko. Ganyan ka naman eh." Pag mamaktol nito at nakasimangot. "Sorry. Sobrang na busy lang kasi ako. Madami akong backlogs na tinapos kanina." Pag explain ko dito. I felt bad na hindi man lang ako sumagot.

Naka do not disturb rin kasi ako mag mula umaga pa lang. Thankfully naman nagawa ko na lahat kaya malakas loob ko sumama sa party ni Elyse kahit naman na hindi ako pala labas at umiinom masyado.

"Okay lang, Mikes. I understand." Ngumiti ito sa akin. "Nakita ko sila Celine at Pio sa dance floor kaya I figured na baka andito ka rin. Akala ko nga lasing ka na rin. Pero I know you don't drink much." Hindi ko kasi talaga gusto lasa ng alak masyado. Depende kung may halo at mas matimbang yung juice kesa alcohol lol.

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong nito sa akin. Pumayag nga ako at sabi ko rin na tulungan niya akong iuwi ng buhay yung dalawa. Nahanap na nga namin sina Pio at Celine na nakasubsob sa gilid ng hagdanan palabas ng club at tulog na. Napailing na nga lang ako at dahan-dahan namin silang inakay papunta sa parking.

Nang makarating na kami sa condo hiniga ko na yung dalawa sa kanya-kanya nilang kama para makapag pahinga na ng maayos. Tinanggal ko muna yung sapatos nila at winipes yung mukha habang si Cassie naman naka upo lang sa may sofa.

Natapos na rin akong i-settle yung dalawa kaya lumapit na ako kay Cassie at umupo sa tabi nito. Nakakunot nga yung noo nito habang may ka-text. "Mukhang seryoso tayo ah." Natawa naman ito at binaba yung phone niya. "Naiwan ko kasi yung susi ko sa dorm eh si Reg nasa labas pa rin."

"Wala bang iba na nasa dorm niyo?" Tanong ko rito. "Wala nga eh. Yung iba may sariling gala, tapos yung iba naman umuwi muna sa kanila dahil weekend. Bukas pa balik." Napaisip naman ako na pwede naman siya matulog dito, yun nga lang, masyadong maliit yung sofa di komportable.

"Dito ka na kaya matulog?" Parang nagulat pa nga yata siya sa suggestion ko. "Sure ka ba?" Tumungo naman ako at tumayo papuntang kwarto para ayusin yung kama. Sumunod naman si Cassie at naka sandal lang siya sa may door frame. "Sa sofa na lang ako, Mikey."

"Dito ka na sa tabi ko." Lumapit nga ito at kinuha yung comforter sa akin at pinag patuloy yung pag ayos dito. "Sigurado ka ba? Baka di ka komportable." Sambit nito. "Mas di ako komportable na patulugin ka sa sofa o sahig. Malaki naman yung kama eh."

"Baka ginagawa mo lang dahilan yan para tabihan kita ah." Inirapan ko naman ito. "Tigilan mo nga ako, Cassie. Baka ikaw diyan kunyare walang susi sa dorm pero meron talaga para makasama mo pa ako ng matagal." Pang-aasar ko naman dito. Akala mo ikaw lang ah.

"May susi man o wala, gusto kitang kasama palagi." Bwiset 'to. Palibhasa alam mo kung paano ako kunin. "Tse! Bahala ka na nga diyan. Maliligo lang ako." Iniwan ko nga lang ito sa kwarto at pumasok ako ng cr.

Pag katapos ko nga maligo bumalik na ako sa kwarto at nakita kong nag p-phone lang si Cassie. "Maliligo ka ba?" Tanong ko rito. Pag tingin naman nito sa akin nanlaki parehas ng mata niya at dali-dali itong tinakpan. "Mag bihis ka nga!" Late ko nga na realize na naka pang taas pala ako pero walang shorts!

Nasanay kasi akong matulog na hindi talaga naka pang baba bukod sa mabilis akong mainitan mas gusto ko talagang naka malaking shirt lang at nawala nga sa isip ko na dito pala si Cassie matutulog sa tabi ko.

Kumuha naman agad ako sa cabinet at sa kakamadali ko nga nadulas pa ako. Tinulungan naman ako nito makatayo at natawa na lang kaming dalawa sa nangyari sa akin. Pag katapos nga nun naligo na rin siya at pinahiram ko ng damit. Hindi ko na nga kinaya yung init kaya binuksan ko rin ang aircon.

"Sobrang lamig naman." Sabi nito pag pasok ng kwarto ngumisi lang ako sa kanya at tinapik yung katabing spot ko sa kama. "Tulog na tayo." Ramdam ko na nga yung mata kong unti-unti nang bumabagsak dahil sa antok dahil maaga nga rin akong nagising kanina. Tumabi naman ito agad sa akin at humiga na rin.

Pag tingin ko nga dito nakapikit na siya agad at humihilik na. Ang bilis pala nito makatulog? Akala ko pagod na ako, pero mukhang mas pa si Cassie kesa sa akin. Hindi na lang ako umimik at dahan-dahang tumayo para patayin yung ilaw.

Pumwesto na nga ako sa kama at kinumutan na rin siya. "Goodnight, Cassie." Sabi ko rito bago ko ipikit ang mga mata ko.

⋆。˚ ☁︎ ˚。⋆。˚˚。⋆

Author's Note

Hi guys! Sorry ang tagal ng bagong Chapter. Sobrang busy na rin talaga lately plus writer's block. I'll try to update as soon as I can. In the mean time, I hope na enjoy niyo muna 'to kahit medyo korny. Hehe.

P.S if meron mga maling spelling or kung ano man check ko na lang ulit bukas dahil naduduling na ako sa antok. Goodnight! :)

Comment