Chapter 39

Simula ng gabing iyun ay naging maganda na ang turingan namin ni Xander. Mas okay pa sa alright. Minsan nakikita ko ng ngumingiti si Xander. Feeling ko nga unti-unti ng bumabalik ang dating Xander na nakilala ko. Ay ang saya nun!


Nakakinis lang talaga ang mokong na iyun!


Echusera lang talaga minsan!


Hindi daw concern?


E akala mo may sunog mabilis pa sa bombero ang isang iyun kapag may nangyaring hindi naman ganoon ka lala, nagiging madrama lang talaga.


Denial King Talaga!


Peru kahit na masaya parin ako hihihi


Nagtitiklop ako ng mga damit ni Miguel sa kwarto nito nang biglang pumasok si Xander. Napatingin ako sa kanya.


"Aalis na ako"


Tulad nalang niyan, nagpapaalam siya saken kapag aalis siya o matagal makakauwi. O diba ang sweet lang. Ay teka aalis siya? Diba sasama siya saken sa monthly check-up ni Miguel?


"Aalis ka? Akala ko ba sasama ka samen ni Miguel?"


"May kailangan lang ako kausapin magkita nalang tayo sa Hospital"


"Ah, okay" nginitian ko lang siya. Pa kiss naman diyan oh hihihi!


"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? May yaya naman si Miguel ah"


"Okay lang, nasanay na kasi akong personal na inaasikaso si Miguel"


"Gaya ng ginagawa mo saken noon..."


"H-Huh?"


"Nothing, magkita nalang tayo mamaya"


May sinabi siya?


Aisssh! Sayang di ko narinig.


"Okay" mapagpatuloy nga ang pagtitiklop.


Aalis na sana ito ng biglang humarap saken, nakakunot ang noo na naman ang noo. Halika nga dito alisin natin iyang kunot noo mo with a kiss.


"Mind if I kiss you?"


Natigilan ako. Ano iyun? Tama ba ang na-hearing ko o nawewendang na ang tenga ko? Iniisip ko lang iyun kanina ah...Hala!


"H-Huh?"


Tinuwid nito ang distansiya sa pagitan naming dalawa at hinalikan ako sa mga labi. Oh my ghad! Smack lang iyun peru...


Oh my Ghad!! Gracious Human Being!


Did he just kissed me? Napatingin ako kay Xander.


"I have to go" sabay alis.


Hinawakan ko ang labi ko. My gosh! Hinalikan nga ako ni Xander. Bumukas yata ang pinto ng langit. Echusera ka Olayannie, OA ka masyado. Aissh, basta hinalikan ako ni Xander..aww


"Uyy, nakita ko iyun mommy"


"Shshshs, quiet ka lang"


Lumapit si Xander saken at bigla akong hinalikan sa pisngi.


"O para saan iyun?"


"Like father like son eh"


"Echusera ka din anak. Manang-mana ka sa daddy mo"


"May ganun?"


"Halika ka nga dito pa-kiss" pinugpug ko ang mukha niya ng halik "Ang cute-cute mo talaga! Hmp.."


"Tama na mommy hihihi, ang kulit mo naman eh"


"Ay talaga, oh ito pa...magsawa ka"














Alexander's POV


"So you're saying that my mother didn't have an affair with another man?"


"I'm potent about that Mr. Vergara, noon paman ay may napansin na kaming kakaiba sa pagkamatay ng iyung ina"


"Then why did you stop investigating?"


"Dahil iyun ang gusto ng iyung ama. Ayaw nito ng gulo kaya mas minabuti niyang isarado ang kaso"


"Tell me more, ano pang natuklasan mo?"


"Doon sa yate, ang nakitang bangkay ay ang sa iyung ina lang, kung sumama nga ang iyung ina sa lalaki nito daladala ang pera bakit hindi makita ang bangkay ng kasama nito sa pinangyarihan ng insidente. Ang hinala namin ay pinatay talaga ang iyung ina. I've also search the man you've told me about na ka-affair ng iyung ina and I found out that he is Risen Madden, hindi siya si Arjo Sabanal Ang your mother is an Madden, right?"


"Yes"


"Nalaman kong step brother siya ng iyung ina. Anak ito sa labas ng ama ng iyung ina."


"May kapatid pa pala si mama, peru bakit hindi namin iyun alam?" napailing nalang ako.


"Dahil lumayas ito..at akala ng lahat patay na ito. I'm going straight to the point Mr. Vergara, kailangan nyong mag-ingat lalong-lalo na sa panahon ngayon. Noong isang araw nalaman kong si Risen Madden din ang naging dahilan kong bakit bumagsak ang kompanya ng mga Hernandez"


Nanlaki ang mga mata ko "What do you mean?"


"Napakagaling ng lalaking ito, malinis magtrabaho. Gumamit ito ng ibang pangalan at naging Vice President ng Hernandez Publishing. Ito mismo ang nagsuhestiyon na pagpanggapin ang asawa mo bilang maid sa bahay nyo"


"P-Paano mo nalaman iyun?" walang nakakaalam ng tunay na nangyari sa pagitan namin ni Olayannie.


"I wouldnt be a PI for nothing" he chuckled "Don't worry atin-atin lang naman ito so chill ka lang. As I was saying si Risen mismo ang nagsabi sa President ng MPC na kapatid ni Olayannie na isa kang terrorista, alam ko lame masyado peru kong desperado ka kakagatin mo talaga. And besides it's big scoop kung totoo ngang may illegal operations ang isa sa pinakamayaman sa mundo. Milyon-milyon din iyun"


"Sinasabi mong connected lang ang lahat"


"Tama. The man perfectly organized a plan"


"Bakit niya gagawin ang mga ito?"


"Pera at paghihiganti"


Kumunot lang ang noo ko "Wala naman kaming kasalanan sa lalaking iyun?" That guy should root in hell! "Baliw na siya!"


"Tompak!"


Napatingin ulit ako sa kanya "You mean?"


"Inborn na sa kanya ang pagiging baliw, I mean, simula pagkabata may sakit na talaga ito sa pag-iisip lumalala lang yata." naging seryoso ito "Your ex-fiance, Anne, isa din siya sa pinaghihinilaan kong suspek. Alam mo kung bakit?"


"Si Anne? Bakit?"


"Akalain mong may anak pala ang Risen na iyun."


"Anak siya ni Risen Madden?"


"Tompak, kaya ang masasabi ko sayo Xander, ingatan mo ang mag-ina mo dahil sa pagkakaalam ko ay hindi pa tapos ang laro nyong dalawa. Kaya mag-ingat ka, pati sa Anne na iyun, lalong-lalo na sa mag-ina mo at baka sila ang gawing target para mapabagsak ka"


My fist tightened. Sino ba iyang Risen Madden na iyan! Kapag nagkita tayo sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.


"Daddy!!"


Napatingin ako sa paligid at nakita si Miguel papunta sa pwesto namin. Anong ginagawa nila dito? Sinubukan kong ngumiti "Anong ginagawa nyo dito?"


"Napadaan lang kami daddy nagutom ako bigla eh, diba mommy?"


"Ah..eh, oo, nagutom na naman ang bubwit na iyan kaya huminto kami dito, malapit lang pala ito sa Ospital eh" biglang nitong napansin ang kausap ko "Dexter?"


"Hi Olayannie?"


"Woah! Dexter ikaw nga? Musta?"


"Magkakilala kayo?" putol ko sa kanila


"Yeah, best friend ko noong high school itong madaldal na ito eh" sagot naman ni Dexter "Lalo kang gumaganda ah"


"Hindi naman masyado"


Aissh! Kung makapag-usap naman ang dalawang ito parang sila lang ang tao!


"Anak mo?"


"Anak namin" ako iyung sumagot.


"Ah, oo, ang cute noh"


"Sa tingin mo saan nagmana?"


"Syempre---"


"Syempre saken, kanino pa ba? Hindi ba obvious?"


Tumingin saken si Olayannie, tumingin lang ako sa ibang direksyon. Sige ipagpatuloy mo iyan!


"Magkakilala pala kayo ni Xander?"


"Yeah, business, alam mo na"


"Bigatin ka na ngayon ah! Apir nga--" bago paman ito makapag-apir ay hinawakan ko na ang kamay niya.


"Um-order ka na para kay Miguel at ng makaalis na tayo. Tapos naman na kaming mag-usap nitong si Dexter"


Mukhang ngayon lang din nito naalala ang dahilan kong bakit sila nandito "OO nga noh!" bumaling ito kay Miguel "Halika ka baby pili ka na"


"Yehey!"


Nang makaalis na sila Olayannie ay may makahulugang ngiting pinukol saken si Dexter "What?!"


"Nagseselos ka no?"


"Hindi ah! Anyways, iyun lang ba ang impormasyong maibibigay mo?"


"Sa ngayon oo" he leaned on his seat "Suhestiyon ko lang, hanapin mo ang diary ng mama mo, kung meron nga, baka doon mapadali ang kaso nato"


"Susubukan ko, ano pa?"


"Cherished your family dahil hindi mo alam kung kailan sila mawawala sayo"

Comment