24

PENELOPE



    MAY DALAWANG MALAKING tarpaulin sa labas ng village nila Tita Hazel, litrato nila yun ni Tito Wayne.

Pagpasok pa lang namin ng gate ay bumungad na sa amin ang napakaraming tao.

"Kuya.." Sinalubong kami ni Crizel–Wyana na namamaga ang mga mata. "Kuya sila–"

"Where's Mom and Dad?" Tanong ni Wyatt. "Bakit maraming tao? Welcome party ba ito para sa amin? Where's that fvcking Wyandel, he pranking me that Mom and Dad is gone. Shit his prank, it's not funny."

"Kuya.." Tumulo ang mga luha ni Wyana. "W-Wala na sila.."

"Stop this prank!" Inis na sabi ni Wyatt. "Tangina! Wag nyong gawing prank ang pagkamatay!"

"WE'RE NOT PRANKING!" Umiiyak na sigaw ni Wyana. "They are gone!"

"No.." Umiling iling si Wyatt at naglakad papasok ng bahay.

Agad ko naman siyang sinundan, yung mga bata naman ay naiwan kay Wyana

"Alisin nyo ang mga kabaong na yan sa harap!" Galit na sabi ni Wyatt at sinipa ang bulaklak sa gilid. "Fvck this shit!"

"Stop it Wyatt!" Nilapitan siya ni Kuya Wyandro pero tinulak niya lang ito.

"You shut up Kuya!" Galit siyang dinuro ni Wyatt. "Where's Mom and Dad!?"

Pinaghahagis nito ang mga gamit na nasa malapit niya at sinira ang mga bulaklak.

"Respect them Wyatt!" Kinwelyuhan siya ni Kuya Wyandro. "W-Wala na sila, tangina! Sa tingin mo gagawin namin biro 'to huh!?"

"BAKIT AKO MANINIWALA SA INYO HUH!? KASAMA KO PA SILA NUNG ISANG LINGGO!" Galit na sigaw ni Wyatt. "H-Hihintayin pa nila si Parsia eh–hihintayin niya pa kami.." Unti unti itong napaluhod. "Kuya, for the last time, tell me it's just a joke.."

"Sorry Wyatt..."

"No." Tumayo si Wyatt at lumapit sa dalawang kabaong. "Mom wake up, Dad, I'm back."

"Wyatt..." Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

"Is this my Karma?" Tumingin ito sakin. "Ito ba ang ganti sakin ng Panginoon? Ito ba ang bayad ko sa panggagago ko sayo? D-Deserve ko'to right?"

"Hindi, walang sino man ang may deserve na mawalan ng magulang."

"P-Pwede naman ako na lang eh, tanggap ko kung ako na lang ang parusahan. B-bakit naman mga Magulang ko pa? B-bakit naman sila pa?.." Ngumiti ito sakin. "I want to be alone Penelope, take care our children."

Dire diretso itong umakyat sa hagdan.

"Kuya loves them so much, hindi lang halata." Lumitaw sa gilid ko si Wyandel na mugto din ang mga mata. "Tatlong taon si Kuya Wyandro ng mabuo si Kuya Wyatt, sakitin si Kuya Wyatt kaya ilang taong buhay niya ay nasa Hospital siya. Ten years old ng makalabas siya sa Hospital pero tahimik lang siya sa isang gilid at hindi malapit sa aming lahat, kami nag-a-adjust sa kanya, hanggang sa unti unti na siyang mapalapit samin."

"He love us so much, especially our parents, everytime he's here he always with our parents especially Mom, He can't live without Mom and Dad." Dagdag pa nito. "I don't know too if we can move on, We lost our treasure, We lost our home, We lost our expensive gift from God, We lost our life, We lost our parents."

"Wyandel.." Nilapitan ko siya at niyakap. "I know what you're feeling, nawalan din ako ng mga magulang at sobrang sakit non. Basta lagi nyong tandaan na nandito lang ako para sa inyo."

"Thank you Penelope.." Humiwalay ito sa yakap at bumalik sa kinauupuan niya.

Sinulyapan ko muna ulit sila Tita bago lapitan ang dalawang Anak ko na umiiyak.

"Mame, hindi man lang nila narinig yung pagtawag ko sa kanila ng Lolo at Lola." Sabi ni Parsia. "Mame, ang sakit ng puso ko po. Bakit ganon? Hindi ko pa sila close pero nasasaktan ako dahil wala na sila."

"Dahil kadugo mo din sila." Paliwanag ko. "Kapag nawalan ka ng taong mahalaga sayo ay masasaktan ka ng sobra."

"Mom, my heart is hurt too." Paxton hugged my waist. "My magic ba para bumalik na sila. I love them po, I don't want to lose them."

"I'm sorry Paxton..."

Maya maya pa ay nakatulog na ang dalawa, dinala sila ni Kuya Wyandro sa kwarto. Nagpaiwan ako dahil ayoko silang iwan.

Bakit ang bilis naman? Sabi nila babalik sila? Ang sakit na makita silang nakahiga sa higaan na panghabangbuhay. They are one of the best parent in the world at napatunayan ko yun dahil sa pag aruga nila sakin.

They treat me like their true daughter, nasaktan nga nila ako pero ipinaramdam naman nila sakin ang pagmamahal ng isang magulang.

"Magpahinga kana." Sabi ni Wyana at umupo sa tabi ko.

"Sasamahan ko lang kayo."

"Penelope.." Umiiyak itong yumakap sa bewang ko. "Ayokong tanggapin, sana panaginip lang 'to, hindi ko kaya Penelope. " Napatulo din ang mga luha ko. "Ang saya pa namin eh, pinagluto pa kami ni Mommy. Sana hindi na ako tumanggi sa coffee date namin ni Daddy, kung alam ko lang na last na usap na namin yun..." Suminghap ito. "A-Ayoko na ring mabuhay Penelope.."

"Wag mong sabihin yan Wyana, nandiyan pa ang mga Kuya mo." Sabi ko. "Nandiyan pa ang dalawa mong pamangkin, nandito pa ako."

Nakayakap lang ito sakin hanggang sa makatulog siya, pinabayaan ko lang siya at hindi na ginising.

Lord, hindi naman nila 'to deserve, walang may deserve na mawalan ng magulang. Alam ko pong may dahilan ka pero sana malampasan 'to nila Wyatt...

Comment