Part 2



Nasa condo ni Maki si Bea.  Bonding bonding lang sila kasama si Cel, hanggang di pa nag start ang klase nila.  One week na si Bea sa Flipinas since dumating sya galing  ng New York.

Nagsasalita si Cel pero ang nasa isip ni Bea ay si Louisse.

'Kumusta na kaya sya? Baka busy.' nasa isip ni Bea.

Cel :  Parang tinatamad pa ako pumasok!  Bitin naman ang bakasyon natin!

Maki :  Ako, gusto ko na pumasok para mas malaki ang allowance ko!

Cel :  Ikaw, Bei, bakit sa Ateneo ka nag enroll!  DI ba usapan na natin na sa La Salle tayong tatlo?

Maki :  Pabago bago ng isip!

Cel :  Bea!

Kinalabit naman ni Maki si Bea.

Bea :  Huh?

Cel :  Layo naman ng isip mo!  Lumilipad!

Maki :  Ano ba nangyari sa New York pag alis namin?

Bea :  Wala naman.   Puro gala lang.

Cel :  Nakabili ka na ng mga gamit sa school?

Maki :  Wala pa ako.  Ikaw, Bei?

Bea :  Wala pa din.

Cel :  Tara!  Punta tayo NB.  Next week na start ng class natin!

Nagtayuan na silang tatlo at lumabas ng condo.


Nasa National Bookstore na silang tatlo.

Kumpleto na ang mga kinuha ni Bea.  Naghahanap na lang sya ng Mitch Albom na novel.  Yong hindi pa nya nabili.

May dumaan sa harapan nya na familiar. 

Bea :  Louisse?

Napalingon naman ito.

Louisse :  Oy, Bea!

Bea :  How are you?

Louisse :  Okey naman.  Ikaw?

Bea :  Okey din.  May kasama ka?

Louisse :  Ako lang.

Bea :  Samahan na kita.

Louisse :  Di ka naman tumawag.

Bea :  I am sorry.

Tumawa naman si Louisse.

Louisse :  Ano ka ba.  Joke lang!  Busy ka yata.

Bea :  Hindi naman.  Tapos ka na?

Louisse :  Oo.  Complete na to.

Bea :  Tara!  Magbayad na tayo.

Palingon lingon si Bea habang nakapila sila Louisse sa counter.

'Nasaan na kaya ang dalawang yon' bulong ni Bea sa sarili.

Pagkatapos nila magbayad ay lumabas na sila sa NB.

Bea :  Nagugutom ka ba?

Louisse :  Medyo.

Bea :  Then, let's eat!

Hinila na ni Bea si Louisse papunta sa restarant.

Puro seafoods ang inorder nila.

Natatakam ang mukha ni Louisse nag dumating na ang mga order nila.

Pinagbalatan naman ng shrimp ni Bea si Louisse.

Magana silang kumain.

Louisse :  Akala ko ba pasta ang faves mo.  Bakit magana ka kumain ng seafoods?

Bea :  Masarap, e!  Favorite ko na rin 'to!

Louisse :  Sabi ko naman sa yo na masarap!

Na text na ni Bea ang dalawa na nauna na sya.

Nakita ni Bea na dahan dahan lang kumain ni Louisse.  Napaka hinhin nito.

Parang dalagang FIlipina ang dating.

Bea :  Bakit mag isa ka lang?

Louisse :  Wala kasi sila Jia at ate Ella.  Di sila pwede.

Bea :  Sana, tinawagan mo ako.

Napangiti si Louisse sa sinabi ni Bea.

Louisse :  Nakakahiya sa yo.  Baka maka istorbo pa ako.

Bea :  You will never be.  Friend na tayo di ba?

Tumango lang si Louisse.

Bea :  Dumating na mga parents mo?

Louisse :  Hindi pa.  Mga next week pa.  Si mama at Jaja lang.  May aasikasuhin pa si papa don.

Bea :  Ah.

Louisse : Ang parents mo, nakabalik na?

Bea :  Oo.  One of this days.  E invite kita sa bahay.

Louisse :  Nakakahiya naman.

Bea :  Ayan ka na naman!  Friends na nga tayo di ba?  Mabait ang family ko sa mga friends ko.

Louisse :  O, di sige!  Kelan ba?

Bea :  I'll text you at susunduin kita.

Napangiti lang si Louisse.


Pagkatapos nila kumain ay naglakad lakad muna sila sa mall.

Hinawakan ni Louisse ang kamay ni Bea at hinila ito papasok sa baskins & robins.

Bumili sila ng ice cream.

Umupo na sila at kinain ang ice cream.

Louisse ;  Hmn.  Sarap!

Nakangiti lang na nakatingin si Bea aky Louisse.

Louisse :  Bakit?

Bea :  Para kang bata.

Louisse :  Bata pa naman talaga ako!

Bea :  Okey. Hahahahaha! Alam mo?  Di ko alam saan ka nagtatago at hindi kita nakita agad.  Sa erplano pa tayo nagkita, e. nasa isang village lang pala tayo.

Louisse :  Homebody nga ako!

Bea :  Okey.

Nang maubos na ang ice cream ay lumabas na sila.

Bea ;  Hatid na kita sa inyo!

Louisse :  Wag na.  Pasundo na lang ako kay Manong.

Bea :  Wag na nga!  Lika na!

Hinila na ni Bea si Louisse papunta sa parking.

Pinagbuksan naman ni Bea si Louisse ng pinto.  Sumakay na si Louisse.

Tahimik lang sila na naglalakbay.  Nakatingin sa pinto nya si Louisse.

Minsan, napapasulyap si Bea kay Louisse.

Bea :  Turo mo lang sa akin papunta sa inyo.  We're here na sa village.

Louisse :  Diretso ka lang.

Bea :  Then?

Louisse :   Liko ka sa kanan.  First corner na ang bahay namin.

Bea :  Okey.

Pinahinto na ni Bea ang kotse nya.  Napatinign si Bea sa bahay nila Louisse.  Malaki ito.  Bumaba na si Bea at pinagbuksan si Louisse.

Louisse :  Thank you.

Bea :  Your welcome!  Alis na ako.  bye!

Louisse :  Bye.

Pumasok na si Louisse sa bahay nila at umalis na rin si Bea.



Comment