Leaked!

A reminder to read the story description first. Thank you.


......................................................................


"Class Dismiss"


sa hudyat ng mga salitang 'yan ay natapos na ang unang araw ng quarter exam nina Celestina at unti-unting tumayo ang lahat para mag-ayos sa kanilang mga saliri.


"Oi bes, pahiram nga ng eyelash curler at salamin" ani ng isang kaklasi ni Celestina sa kanya, habang abala ang lahat sa pag aayos sa kani-kanilang mga make-up at uniporme.


Lumabas si Celestina sa classroom at naghintay sa kanyang mga kaibigan.


Nang nandiyan na sina Lou, Jess, at Ellias ay nauna na silang pumunta sa peace garden upang tumambay, at ilagay ang kanilang mga gamit.


"Oi guys, mauna muna ako, may meeting pa kasi kami ngayon sa office" wika ni lou.
(Si lou pala ay isang facilitator sa isang program sa kanilang paaralan, at halos araw-araw silang nag me-meeting. )


Umalis na si lou at ang tatlo ay abala sa kanilang mga ginagawa. Si Jess at Ellias ay nag-uusap habang itong si Celestina ay abalang-abala sa pakikipag chat sa kanyang boyfriend.


"Hi guys" ani ng isang babaeng papalapit sa table nila.


"Oi, hi Jey" agad namang tugon ni Jess sa kaibigan.


"Hi Sam" ang pabiro namang sabi ni Ellias


"Tumahimik ka nga Ellias! At baka may makarinig sa 'yo" agad namang sambat ni Jey kay Ellias ng may kasabay na tawa


Patuloy si Celestina sa pag cha-chat gamit ang cellphone, habang ang tatlong magkakaibigan ay abala sa pakikipag biruan sa isa't-isa at pakikipag chismissan.


Ilang saglit, ay biglang napatayo si Celestina na nakangisi at mahigpit na hawak ang kanyang cellphone sa dibdib. "Guys, sunduin niyo raw si Mavy my lavs sa labas ng gate dahil hindi siya papasukin ng guard"


"Pupunta pala siya dito? " tanong ni Ellias


"Yieee" ang matipid na sabi ni Jey


"Wow, so ginawa mo kaming escort ngayon?" ang mataray na tugon ni Jess


"Sige na guys, pagbigyan niyo na ako, ngayon lang 'to. At tsaka, bawal akong makalabas sa gate" ang nagmamakawaang pabor ni Celestina.


"O, sige na nga! Wala rin naman kaming ibang gagawin" sagot ni Jess at sabay-sabay silang tumayong magkakaibigan at pumunta sa labas ng gate.


......................................................................


Nagkita na sina Mav at si Celestina at nangingibabaw ang kasiyahan nila na makita ang isa't-isa.


Nanatili sila sa campus ng higit pitong oras at kasalukuyan alas siete na ng gabi


"Mauna muna ako babe ha, ingat ka sa pag uwi" ani Mav


"Sige babe, dito muna ako magpapasundo kay mama"


"Manong guard, paki bantay po sa bebe ko" pabulong na sabi ni mav sa guard na nasa gate.


Ilang minuto ang nakalipas at kinakabahan na si Celestina dahil hindi pa siya sinusundo. Nanghingi na siya ng tulong sa mga kaibigan niya at ilang minuto'y nakauwi rin naman siya.




......................................................................


Lubos na galit ang naging emosyon
ng ina ni Celestina na ilang oras ay binigyan ng sermon ang anak sa kanyang ginawa. At nang nagbukas ng cellphone ang ina, ay agad itong nakita ang nagba-bahang notifications niya sa facebook. Agad niya itong binuksan at nabigla sa kanyang nakita.


"ISANG SKANDALO! WALANG HIYA KANG ANAK!" matinding sigaw ng ina kay Celestina.


Kasalukuyang tulala at hindi na alam ang nangyayari, ay nakaupo lamang si Celestina ng tahimik, nang biglang pinakita ng ina ang larawang nakita nito.


"ANO TO?! KUNG ANO MAN ANG NASA ISIP MO MA, HINDI 'YAN TOTOO! " napaluha nalamang si Celestina sa nakita. Ang larawang nagpapakita sa dalawang Celestina at Mav na tila'y naghahalikan. Kasabay ng negatibong caption nito


Malalanding Lasalyano Nahuli sa Aksyon



kasabay pa ng maraming negatibong komento


Sinampal ng ina si Celestina ng malakas na nagdulot ng instant blush on sa pisngi ni Celestina. Wala nang magawa si Celestina kundi ang umiyak at mabilis na nagtungo sa kanyang kwarto.


......................................................................


Isang madilim na araw ang mayroon si Celestina. Hindi niya binigyang pansin ang kanyang ina at kahit mga kakalase sa umagang ito.


Lubos siyang ginugulo, at tinatanong ng mga kaklase at kaibigan niya, subaliy ni isa ay wala siyang sinagutan, at nanatili nalamang siyang tahimik.


Sa recess naman ay nag-isa lang siyang kumain, at hindi pinayagan ang nga kaibigan na samahan siya.


Last exam na at lubosang umiiyak si Celestina at hindi seryosong nasagutan ang exam.


Bigla siyang pinatawag ng prefect na si Ma'am Luz at sinabing magkakaroon sila ng conference mamaya pagkatapos ng exam sa office kasama ang kanyang ina.


......................................................................


Matapos ang conference ay iniwang luhaan si Celestina. Natuklasan nila na ang janitress pala ang may pakana sa lahat ng ito, at sinabi ni Celestina ang kanyang panig, at sa tulong ng kanyang kuya, ay iniimbestigahan ang kaso, at hindi na e su-suspend si Celestina , subalit ang deportment grade niya ay B+.


Dinepensahan si Celestina ng kanyang kuya at pinakita na kailangan talaga magkaisa ang isang pamilya sa ganitong sitwasyon.


Sa tulong rin ng kuya ni Celestina ay namulat ang kanilang ina, at nakita ang katotohanan. Sinampal niya ang janitress at pinaalis sa kanyang trabaho.


"Sa susunod, wag kang kumalat ng mga ganyang bagay ng 'di mo pa na ikompirma kung katotohanan ba talaga 'yan, di naman naghalikan ang dalawa, kundi ay malapit lang talaga sa isa't-isa na may binulong lang pala, iba lang siguro ang nakita mo sa angulo mo! HAYOP KA! TAWAG PANSIN! MAGPASALAMAT KA AT HINDI KA NAMIN IPAPAKULONG!" ang sigaw ng ina sa janitress kasabay pa ng iilang sampal


Naging suportado naman ang mga kaibigan ni Celestina at binigyan siya ng mga regalo at sulat, at inalok na gumala sila upang bumalik ang kasiyahan ng dalaga.


Napaiyak si Celestina sa naging ending ng lahat, everything worked out just fine.


Kapag may tiwala kalang at wag madaling mawalan ng pag-asa, ay maaayos rin ang lahat.


•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Comment