Chapter 2:The Accident

Abbygail POV


Bakit ganoon ang trato sa akin ni ate? Diba niya ako mahal?Pero kahit anong gawin ni ate, mahal na mahal ko siya kahit ipagtabuyan pa niya ako sa harap ng madaming tao I will always love her and I will do anything for her.


Habang nagbabasa ako ng book ni Jonaxx sa kwarto ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.


*Unknown No. Calling*


"Oum Hello?"


"Sino po sila?"tanong ko.


"Ako po si Dr.Mendoza kelangan niyo pong pumunta ngayon dito sa ****** hospital"at pinatay kuna ang tawag.


No,please. Halos umiiyak akong nagtungo sa sala.


"Oh Abby saan ka pupunta?"tanong ni yaya.


"Yaya asaan po si Kuya Edward?"


"Nasa garahe iha,bakit"


"Pakisabi po kila Mom and Dad kapag dumating sila na pumunta sila sa ****** hospital"


"Huh,bakit anong nangyari?"nagtatakang tanong ni yaya.


"I'll explain to you later,bye"at agad akong nagtungo sa garahe upang tawagin si Kuya Edward na driver ko upang magpahatid sa hospital.


"Kuya Edward tara sa ***** hospital,now"agad kung tugon kay Kuya Edward.


"Okay Ma'am"at agad akong pinag-drive ni Kuya sa hospital at wala pang 30 minutes ay nakarating na kami dahil walang traffic.


Pagkarating namin sa hospital ay pinaalis ko na rin si Kuya Edward at agad akong nagtungo sa ICU at nadatnan ko doon si Ate Nicole ang bestfriend ni ate at may ilang sugat din ito.


"A-abbygail ang a-ate mo"mangiyak-iyak na tugon ni ate Nicole at itinuro si ate na maraming sugat at nakabandage ang kaliwang paa,marami ring nakakabit na kung ano-ano sa katawan ni ate may dextrose, naka-heart monitor din,naka-oxygen at iba pa.


Agad akong lumapit kay ate at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Nakabalot din ng tela ang ulo ni ate.


"Ate please lumaban ka,wag mo akong iiwan ate"umiiyak kong tugon.


Bigla namang pumasok ang doktor at agad na lumapit kay ate Nicole.


"Kamusta ka Nicole wala bang masakit sayo bukod sa mga sugat mo?"tanong ng doktor.


"Ayos lang po ako Dr.Mendoza,pero yung kaibigan ko po bakit mas malala ang natamo niya kaysa sa akin?"


"Nicole malaki ang naging impact ng truck sa jeep na sinasakyan niyo kaya ito tumagilid kaso si Rose tumilapon sabi ng isang saksi sa pangyayari."paliwag ng doktor.


"Doc. Yun po ba ang nangyari kay ate?"at bigla namang napalingon ang doktor sa akin.


"Oo iha,kaano-ano ka ng pasyente?"


"Kapatid po"tipid kong sagot.


"Ng tumilapon siya ay tumama ang ulo niya sa semento at nabali ang kaliwa niyang paa, nagkaroon din ng maraming galos ang katawan niya,may bumaon din sa kaliwa niyang paa na matulis na metal mula sa nasagasaang jeep at kaylangan namin itong tanggalin kapag nagising na ang pasyente."


"Doc please nakiki-usap po ako,gawin niyo po lahat para gumaling ang ate ko"pakiusap ko sa doktor habang umiiyak.


"Kaylangan kong kausapin ang mga magulang mo"


"Sige po doc sasabihin ko kila mom and dad"at lumabas na ang doktor.


Please ate lumaban ka I know you can.


******************************
One week na since nahospital si ate pero hindi parin siya nagigising,daig niya pa ang na comatose.


"Mom,dad magC-cr lang po ako"paalam ko kila mama at papa.


"Sige anak"


At agad akong nagpunta ng cr at pumasok sa isang cubicle doon. Naghilamos din ako at inayos ang buhok ko at ng pabalik na ako sa kwarto kung saan nandoon si ate ay narinig ko ang usapan nila mom,dad and Dr.Mendoza.


"Doc saan kami kukuha ng 40,000?"si Mom yun ah.


"Ma'am kelangan po niyo yun para maalis na namin ang nakabaon sa kaliwang paa ng anak niyo"


"Doc hindi ba pwedeng 20,000 lang muna? Sakto lang naman po kasi ang kinikita ng maliit naming kompaniya."tanong naman ni dad.


"Hindi po pwede yun sir tsaka isa pa one week na po kayo dito"


"Sige doc gagawa po kami ng paraan para magkaroon ng 40,000"


"Sige ma'am, sir mauna na po ako,Rose bukas na ang operation ng paa mo so be prepared"


Wait,gising na si ate?


Agad kong binuksan ang pinto at tama ang hinala ko,gising na ang ate ko.


Lumapit agad ako kay ate at niyakap si ng mahigpit. Oh I miss her so much at hinigpitan pa ang yakap ko.


"Stay away from me"bigla naman akong nalungkot ng marinig ko ang galit na boses ni ate.


"A-ate g-gusto lang naman kitang y-yakapin"naiiyak kong tugon. Bakit ganito nasasaktan na naman ako.


"Pwes ako ayaw kitang yakapin"malimig na tugon nito.


"Anak hanggang ngayon ba naman ayaw mo parin sa kapatid mo?"tanong ni mom kay ate.


"Simula ng ipanganak niyo yang bwisit na yan lagi na lang akong napapahamak. Nung isilang mo siya muntik na akong mahulog noon sa escalator, muntik din akong maipit sa elevetor noon"


"Anak hindi kasalanan ng kapatid mo ang mga nangyayari sayo noon"


"But dad I dont like her"


"You should Rose because she's your sister"


"A-ate"naiiyak kung tugon at agad na lumabas ng kwarto dito sa hospital.


Nagpunta akong bahay at doon ako umiyak ng umiyak sa kwarto, naalala ko naman ang usapan nila mom and dad kasama si Dr.Mendoza.


"Doc saan kami kukuha ng 40,000?"


"Doc hindi ba pwedeng 20,000 lang muna?"


"Sige doc gagawa po kami ng paraan para magkaroon ng 40,000"


Tama,lahat gagawin  ko para kay ate.

Comment