๐Ÿ–ค Please Read ๐Ÿ–ค


Hi Loveliesssss!!!


Just a little peek to my stories ๐Ÿ’‹๐Ÿ’‹๐Ÿ’‹ Was I Ever Really Loved By You?, Loving Airriz, and How Can I Unlove You?


๐Ÿ’˜PROLOGUE of
Was I Ever Really Loved By You?๐Ÿ’˜



""Bunny... Please Baby.. Can we...can we just...go back to how we used to be?" He asked in a not so sturdy voice. I can almost hear the crack in his tone.


Is he out of his mind? Go back to how we used to be? How? May time machine na ba itong naimbento para makabalik pa kami? Kasi kung wala naman, mas imposible pa sa imposible ang gusto nitong mangyari.


Hindi nito alam kung ilang beses kong naihiling na sana makabalik pa ako sa nakaraan.


Sa nakaraan kung saan pinili ko itong mahalin kahit wala namang kasiguraduhan.


Gusto kong bumalik doon para magmahal na lang ng iba nang sa gayon, ay hindi ko na naranasan ang masaktan at madurog ng dahil dito.


I unwrap his arms around me and made a poker face before looking unto him.


I saw his eyes glistened in the dark from something.


Was it from tears? Was he crying?


I bitterly smirk and mentally nag myself while still in tears.


Oh Kari, until now you're still so dumb, bakit ka naman niya iiyakan?


Hindi ko alam kung si Zereff ang klase ng lalaking iiiyak ng dahil lamang sa isang babae, kasi kung oo, di sana'y hindi nito ginawang saktan ako.


"No Zereff. We can't. Unless you have invented a time machine." I said, the sarcasm is evident in my voice.


"Bunny..." he said, trying to reach me, but I dismissed his hand. I don't want to be touch by him again. Ever. Because I know, of I would let him, I will be succumb by my wantoness.


"We can't go back Zereff. We can't. The moment we crossed the boarding line of friendship and became lovers, we know very well that there is no turning back. We both agreed to that. And you just blew all of it. All of it Zereff." I said. Nakita ko ang pagbagsak ng mga balikat nito at paglungkot ng mukha.


I can't almost bear the pain when he broke up with me. I can't because losing him means losing myself too.


But I almost forgot, I will never gonna lose the person in front of me because he was never mine from the start.


Zereff is not mine from the very begining. Nadala lamang ito ng pagmamahal at kapusukan ko.


Sino nga ba ang hindi madadala sa taong mahal na mahal ka at handang ibigay ang lahat lahat sa kanya para lang mahalin mo siya?


"Can I... can I ask you something?" Tanong ko dito na hindi na hinintay ang pagsang-ayon nito. Nakatingin ito ng matiim sakin at naghihintay ng sunod na sasabihin ko.


Natawa ako ng mapakla bago itinuloy ang salita.


"I already know the answer for this, but I am a bit of masochist so I still want to know..." Natuyo ang lalamunan ko at tila naduwag ako na ituloy ang tanong.


Pero hindi na ko aatras. Hindi na kahit kailan.


Nilunok ko ang kaduwagan ko at tinignan ito ng deretso sa mga mata.


"Was I ever really loved by you Z?"


๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”



๐Ÿ’˜PROLOGUE of Loving Airriz๐Ÿ’˜






Excited akong naglalakad at halos magkandirit ako papunta sa bahay ni Airriz, bitbit ang chocolate fudge cake na ginawa ko kagabi bilang regalo sa kaarawan nito. Sinigurado kong masarap ang pagkakagawa ko dahil paboritong paborito ni Airriz ang ganitong cake. I still can't believe na nagde date na kami ni Airriz though ilang weeks na ang nakakaraan ng i-offer ko dito ang puso ko at sabihing tutulungan itong makalimot sa ex nito. It's a one sided love for a long time but just last night, I made it to a mutual love. Alam ko at nadadama kong mahal na din ako nito noong may mangyari saming dalawa kagabi. Nadama ko sa mga yapos at halik nito sakin at nakompirma ko pa iyon ng mag- i love you ito sakin.


Ngunit bakit...


Bakit nang dumating ako sa bahay nito at makitang bahagyang nakabukas ang pintuan ay nabungaran kong yakap nito si Ellaine sa sofa at malambing na sinasamyo't hinahagkan ang ulunan ng babae?


Saglit,... Saglit lang... Ayokong magisip ng masama. Kailangan kong linawin ang isipan ko. Baka kinokonsola lamang nito ang babae dahil nag-away na naman ito at ang nobyo nito na ipinalit nito kay Airriz, o baka naman may nangyari sa pamilya nito at si Airriz lang ang naunang natakbuhan nito, afterall naging magkaibigan na din ang mga ito di ba? Tama, baka iyon lang iyon.


Nilunok ko ang napakalaking bikig sa lalamunan ko na tila dumiretso sa puso ko at nagresulta na manikip iyon ng husto. Tila hindi na ko makahinga.


"H-Hey g-guys..."Naginginig ang boses na bumulalas ko ng salita.


Napalingon ang dalawa sakin. Si Airriz na bakas ang pagkagulat, pagkabahala at kalituhan sa mukha, si Ellaine na hindi ko mawari ang nakabakas na emosyon sa mata pero tila masayang masaya.


" Vi---" Hindi natapos ang salita na tumayo si Airriz habang si Ellaine naman ay kumapit sa braso ng lalaki. Tila nagdedeklarang pag-aari nito ang kinakapitan.


Hindi ko alam kung nanaginip ba ko ng gising, kasi kung oo malamang isa lang itong bangungot.


"Best..." Ani ni Ellain at mabilis na lumapit sakin at yumakap.


"Kami na ulit ni D.A.. Thank you talaga Best... Thank you... Alam ko na ang totoo... Alam ko na na pumayag ka na magpanggap na kayo para mapagselos ako. Kung hindi mo ginawa iyon hindi ko malalaman na mahal ko pa si Airriz... Thank you talaga best.... Lagi kang nandiyan para saming dalawa umpisa pa lang.. Maraming maraming salamat talaga..." Ani nitong bakas sa tono ang kaligayahan habang nakayakap. Napakahigpit ng yakap nito na tila ba sinasakal na ko.


For a moment, I thought I would faint. My knees wobble but I manage to stay firm despite of the fact that my whole being began shattering.


Did I heared it right?
Sila na? Sinabi ni Airriz na nagkunwari lamang kaming kami?


Oo, totoong nung una ay nagpanggap kami na magboyfriend kami para mapagselos si Ellaine, pero sa pagdaan ng mga araw, iba ang nangyari. Ito mismo ang nagsabing nahuhulog na ito sakin. Walang pagsidlan sa kaligayahan ang puso ko sa mga araw na tinuring ako nitong tunay na nobya na, lalo ng nagdaang gabi. Everything seem so perfect and on the right places. I thought I finally made it. I finally made him love me. But I was not. I never succeed. Lahat ng iyon ay dala lamang ng mapaghangad kong puso't isipan.


Akala ko ay totoong mahal na ko nito ng madinig dito ang mga salitang I love you. Malamang nadala lang ito sa sitwasyon at sa nangyari. Nang puntahan ito ni Ellaine ngayon ay naisip nitong mas mahal nito talaga si Ellaine kaysa sakin. Malamang nga kagabi habanh may nangyayari sa amin ang nasa isipan pa din nito ay si Ellaine at hindi ako. Dahil ako na walang ginawa kundi ang mahalin ito at suportahan sa mga desisyon nito sukdulang magpakatanga't martir pa ay hindi magiging sapat para dito.


P*TANG-INA na lang...
Ang sakit sakit naman...
Ah...


Namamait ang panlasang pinilit kong ngumiti at gumanti ng yakap. Napatingin ako kay Airriz na parang timang na nalilito sa mga nangyayari. At ito pa talaga ang dapat malito ha? Ang sarap lang nitong sapakin talaga.


"T-That's nothing Ellaine... That's nothing." Wika ko. Pinigil ko ng husto ang umiyak. Ngayon ko kailangan ang galing ko sa pag-arte. Diniinan ko ng husto ang pagsalikop ng kamay ko na halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko.


Malaki ang ngiting bumitaw ito sakin at bumalik sa tabi ni Airriz.


"Babe I told you Lavignia would be ecstatic to know this!" Ani nito kay Airriz na sumandig pa sa balikat ng lalaki. Si Airriz ay tila blangko na ang ekspresyon sa mukha at tila sumusunod na lamang sa agos ng nangyayari.


"Vi Let's talk-" tangkang lapit nito pero tumalikod ako at lumapit sa pinakamalapit na patungan na mahahawakan ko Nagkunwaring nilalapag ang dalang cake ngunit ang totoo ay kumukuha ng lakas para harapin ang sitwasyon.


"W-Wow guys! This is such a great news! I can't believe this Airriz! Nagkatotoo na ang wish mo! This is worth celebrating guys! Good thing I brought some cake. Pinaghirapan ko itong gawi-Hanapin, kasi alam ko paborito mo ito birthday boy. Wait kukuha lang ako ng mga platito-" Ani ko habang binuksan ang cake ngunit biglang tumunog ang CP ko.


"Oi Boo! Ah Yup nadaan ko na yung cake. Sige hintayin mo na lang ako diyan. Saglit lang ito 'no ka ba?! Kakagat lang ako sa cake ikaw naman masyado kang mainipin!" Ani ko ng masagot ang tawag at in-exaggerate ang tuwa sa boses at reaction sa mukha ko.


"Hello Vi! Hoy Lavignia! Ano bang pinagsasabi mo diyan---" Nagugulimihanan sa kabilang linya na wika ni Thalia pero mukhang nagets agad ang mga sinasabi ko kaya tumahimik na.


Tila ba isang hulog ng langit ang tawag na iyon para sakin.


"Okey see you soon." Ani ko pa tsaka ibinaba na ang linya.


"Sorry guys hindi ko na pala kayo masasamahan ng matagal. Magkikita nga pala kami nila Jacobo ngayon I almost forgot." ani kong napatapik pa sa noo at medyo pinalungkot ang boses para mas convincing.


"W-What? Pero sabi mo kagabi-" prostesta ni Airriz na tangkang lalapit sakin. Lakas makagago nito ipaaalala pa yata sakin ang pinakamalaki kong katangahan kahapon.


"That's okey Babe. Best and I could catch up some other time. Kawawa naman yun si Jacob kung paghihintayin niya Babe." Ani nito. Masakit ang bagang na pinilit kong ngumiti at tumayo na.


"Yeah that's right Airriz. Sige guys. See you sa School sa Monday!" Paalam ko sa mga ito at nagmamadali ng umalis.


Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko na halos alam kung nasaan ang tamang daan na para bang iyon ang unang beses kong pagpunta sa lugar na iyon.


Napabuga ako ng mabigat na hininga ng makita na ang tamang daan. Nagbabadya na ang mga luha sa mata ko pero kailangan kong pigilan iyon sa abot ng makakaya ko.
Sa bahay na lamang ako aatungal na iyak.
Hanggang sa tuluyan na kong makalayo sa lugar na iyon at pasakay na sana sa Jeep.


"Vi!!!! Vi!!!! Lavignia!!!" Napahinto ako sa paglakad at napakurap kurap. May bumangong pag-asa at pag-asam sa puso ko. Dahan dahan akong lumingon sa tumatawag sakin.


Tila literal na may humiwa sa puso ko at wala na iyon halos maramdaman kundi sakit. Mapait akong napangiti sa sarili ko habang tuluyang namalisbis sunod sunod ang mga luha ko.


Hanggang huli... Hanggang huli isa pa din akong napakalaking tanga sa pag-asam na ang lalaking minamahal ko ang may ari ng tinig na iyon.


Paanong inakala kong si Airriz iyon?
Paano kong naisip na hahabulin ako nito? Na iiwan nito ang babaeng pinakamamahal nito na si Ellaine at susundan ako para magpaliwanag sakin? Na sasabihin nitong mali ang aking mga nakita't nadinig?


Hanggang huli umasa pa din ako. Samatalang malinaw pa sa sikat ng araw na mas matimbang dito ang pag-ibig nito kay Ellaine kaysa kahit ano pa man sa mundo.


Mula umpisa pa lang naman, wala talaga itong pakialam sa nararamdaman ng ibang mga tao. Mula umpisa pa lang ay kay Ellaine lamang ito nakatingin... Mula umpisa pa lamang, ako lang talaga ang umaasa at nagmamahal. Mula umpisa pa lamang...


Ah... Wala na talagang mas tatanga pa sakin. Wala na...


"Lavignia..." Nasasaktang tinig na ani ni Jacob ng makalapit na sakin.


"J-Jacob... G-Ganoon ba talaga ko kahirap mahalin?" Nanginginig ang tinig na ani ko habang impit na lumuluha. Hindi ko alam kung bakit dito ko naibulalas ang katanungang iyon.


Napamaang ito at napailing. Hinablot ako nito at niyakap ng mahigpit.
"Hindi Vi... Hindi. Alam mo yan. Cause if you were, then why.... I do?" bulong nitong sagot. Lalong bumalong ang mga luha sa mga mata ko.


Bakit sa tuwina na kailangan ko ng masasandalan ay ito lagi ang nakikita ko. Bakit kailangan ito ang makakita ng kamiserablehan ko?


Napaka-grabe naman ng tadhana... Bakit kailangan nitong patibukin ang puso mo sa taong hindi ka naman gusto?


Kung sana'y ang taong nagmamahal na lang sayo ang tinibok din ng puso mo edi sana hindi ako lumuluhang parang gaga ngayon dito?


Kung sana ay kaya ko lamang suklian ang pagmamahal nito sakin nang gaya ng pagmamahal ko kay Airriz, edi sana mas madali ang buhay. Sana'y hindi ganito kadurog ang puso ngayon.


Kung sana lang talaga...


Nakakatawang isipin, na sa edad kong ito, pinagdadaanan ko na ang mga ganito. May tama ba talagang edad sa para sa pag-ibig?


Ah... hindi ko na alam.


All I know is, Loving Airriz is the most easiest and painfulest deed I ever done in my life.


At ngayon, GISING NA KO.


๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”



๐Ÿ’˜PROLOGUE of
How Can I Unlove You?๐Ÿ’˜






Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni Marcus sa pasilyo ng building. Bumitaw ako dito pagkadating sa floor ng unit namin ng mapansin kong natanggal pala ang sintas ng sapatos ko. Lumingon si Marcus ng yumukod ako para ayusin iyon.


"Sige lang mahal ko, lumakad ka lang." Aniko dito.


Humakbang nga ito ng mga ilan pero huminto din at hinintay na matapos ako sa pag aayos.


Sana... Sana singdali ng pagtali ng sintas ng sapatos ang pag-ayos sa gulo ng buhay ko..
Kung sana kaya ko lang siyang itali sakin habang buhay...pero hindi ko pa maaaring magawa iyon sa ngayon dahil sa dami ng mga problema ko. Tumitimo din sa isip ko ang paguusap namin ng Mama ni Marcus kanina nang manggaling ito sa unit ng nobyo ko.


"Please Lav, convince him na umuwi na ng Korea. Higit kailanman ngayon siya kailangan ng Papa niya doon. Siya lang ang may kakayahang magpatuloy at magpatakbo ng kompanya ng kanyang Papa doon. Kumbinsihin mo siyang patawarin na ang Papa niya dahil di na magtatagal ang buhay ni Nam Dok..."


" T-Tita kasi..."


"Madaming panahon para sa inyo Lav. Kung kayo naman talaga ang para sa isa't-isa, pasasaan ba't magkakatuluyan din kayo sa takdang panahon. Alam kong may pinagdadaanan ka din ngayon at gulong gulo ang isip mo, hindi mo din alam kung anong dapat mong gawin...
Pero hanggang hindi ka nakikipaghiwalay sa kanya, hindi niya magagawang umalis ngayon dito. Alam mo kung gaano katigas ang ulo ni Marcus. Kailangan niyang mawalan ng dahilan para manatili dito. Nakikiusap ako, unawain mo din ang sitwasyon ko...
Umaasa ako sayo Lavertha...
Para din sa kanya iyon.."


Di ko na napigilan ang luhang kanina pa nagbabadyang umagos sa mata ko.


Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, gulong-gulo ang isip ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Sobra-sobrang ito sa kayang kong dalhin. Kakamatay lang ng Tatay ko, kakagising lang ng Nanay ko sa pagka-Comatose. Unti-unti ng nauubos ang ipon ng mga magulang ko sa bangko, wala na kaming panggastos. Tapos ito pa? Isipin ko pa lang na bibitawan ko siya, na masasaktan ko siya sa sasabihin ko nadudurog na agad ang puso ko.


Makakaya ko bang pati siya'y mawala sakin? Hindi ko na alam ang gagawin ko...


Alam kong masasaktan ko siya ng husto. Pero kailangan kong magdesisyon para sa aming dalawa.


Masyadong magulo ang sitwasyon namin ngayon, kailangan kong gawin ito para sa amin.


"Erth ko, tagal mo naman ayusin yan? Nanlabo na naman ba ang mata mo? Yan kasi hilig magbasa kahit madilim eh ..." Nadinig ko ang hakbang nito palapit sakin. "Akina nga ako ng magbubuhol..."


Napatayo akong bigla ng madinig ang sinabi nito. Masiyado akong nalubog sa pagiisip hindi ko napansin na kanina ko pa pala pinauulit-ulit ang pag-ayos sa sintas.


Nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya nang makita ang luha sa mata ko.


Kaya mo yan Lave,.. Oo masakit, pero para sa amin naman itong gagawin ko..


Hindi ko alam kung paano magsisimula. Linunok ko ang bikig sa lalamunan ko.


Bahala na...


"Marcus... " umpisa ko.


"Bakit Erth ko? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo?.. " lalapit na sana ito sa akin ng imuwestra ko ang kamay na nagsasabing huminto ito. Kumunot ang noo nito.


Oh God, tama po ba to?


"M-Maghiwalay na tayo Marcus..." There, i've finally said it.


Nagpakawala ito ng ngiti.
"H-Ha? Hihahatid na kita sa unit niyo. Konting hakbang na lang naman oh."
Inakala nito na ang sinabi ko ay maghiwalay na kami sa pasilyo na iyon. Ngunit nang makita nito ang kakaibang kaseryosohan sa mukha ko ay biglang tumiim ang tingin ng singkit na mga mata nito sakin.


Bumubuntong hininga itong hinawi pataas ang buhok.


"H-Hey...Y-You can't be serious, right?" Nakita ko ang sakit sa mga mata nito.


"I am Marcus." This time nilagyan ko ng conviction ang salita ko. Mas tinapangan ko ang boses . "I can't be in relationship right now. Ngayon ako mas kailangan ng mga kapatid ko Marcus. H-Hindi pag-ibig ang dapat kong i-prioritize ngayon. H-Hindi ko kayang pagsabayin lahat. Pati ikaw, may mga kailangan ka ding ayusin sa buhay mo Marcus. Ayusin mo na ang sitwasyon mo sa Papa mo. He need you now. Wag mong sayangin ang pagkakataong makasama sa huling pagkakataon ang Papa mo. You should be together, atleast for the last time, for the sake of your Mom... Now is the right time to do that."


Dumaam ang ilang segundong katahimikan. Dinig na dinig ko sa tenga ko ang kabog ng dibdib ko.
Nakita ko ang malalim nitong paghugot ng hininga at ang unti-unting pamumuo ng luha sa singkit nitong mga mata. Tumingala ito para pigilin ang paglaglag nun.


"Erth,. I know pagod ka, madaming nangyare at masakit pa sa dibdib mo ang mga nangyari kela tito at tita... I completely understand you. B-But please, wag ito. You know that I can't let you go. Maaayos naman natin lahat ito kahit di tayo maghiwalay. I promised you, I will settle the things between me and my Father. We don't have to break up... Believe me we can manage. We will get through with this. " Nangungumbinsing sabi nito.


Parang binibiyak ang puso ko sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya.


Lord, ang sakit naman po nito...


"Marcus please, para sa atin din ito. Hindi ko pwedeng unahin ang sarili ko ngayon. If you can't accept it, then it's your problem. Pero para sa akin wala na tayo. You know you could always find someone better than-" Naputol ang sasabihin ko ng madinig ang marahas na paghinga nito at pagbigkas ng mahinang mura.


"Fvck Ert! Dont you dare to say that! Wala akong pake kung may hihigit pa sayo! Wala akong pake sa kanila dahil ikaw, IKAW lang ang gusto ko! Ikaw ang Mahal ko...
Alam mong walang kahit sino sa kanila ang kayang maging Mundo ko. Not even close to that. Ikaw, ikaw ang Mundo ko. Kailangan kita sa buhay ko Erth..."


Napahagulgol na ko sa lahat ng mga sinabi nito.


"I-I can't love you now Marcus . You deserve someone better than me. Better than this girl that too devastated and depressed about self's matters... I-I'm sorry..." Tumalikod ako para umalis na nakakailang hakbang pa lamang ako ng maramdaman ko kaagad ang mga bisig nito sa likod ko.


"P-Please Erth ko... Wag mong gawin satin to... Hindi ko kaya..."
Nadama ko ang pagtulo ng luha ni Marcus sa pisngi ko. Lalo lang pinabigat nun ang nararamdaman ko. Humarap ako dito at hinawakan ang dalawang pisngi nito. Pinahid ko ang luha sa mga mata naming dalawa.


"I-I'm sorry Marcus... Patawarin mo ko... Stop crying please, ang laki-laki mong tao ang iyakin mo talaga...
Marcus, listen... di ba sabi naman nila, kung tayo talaga ang para sa isat-isa, tayo pa din hanggang huli? Gagawa at gagawa ng way ang tadhana kung tayo talaga ang destiny... Malay mo, baka tayo pa din sa huli di ba? I love you, you know that very well, b-but it is not for us right now." Umiiling lang ito at hinahalikan ang isang kamay kong nasa pisngi pa din nito.


"I can't. What if we wasn't for each other? Ayokong magmahal ng iba. Hindi ko kaya. At ayokong dumating ang araw na pagsisihan ito. Kaya ayoko. Hindi ako papayag Erth."
Sabi nito na lalong hinigpitan ang yakap sakin.


"Marcus, hindi naman natin masasabi ang mangyayare hindi ba? Kung mangyaring magmahal ka ng iba, masasaktan ako oo, pero atleast diba nagawa mo, magiging masaya ka. Walang hindi magmamahal sayo, you're almost perfect. Imperfectly perfect...
We have to do this. And you know that. We have to focus on our priorities to grow up. We have to established ourselves first before anything else.. So that if someday we would see each other, wala ng nakaharang...
We could be together again if we still feel the same towards to each other. Who knows, right? So please... Do this for us..." Nahilam pang lalo sa luha ang mukha ko matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Panay na din ang paghikbi ko.


"I-I C-Can't Erth... How could you say that? Kaya mo bang hindi na ko mahalin ha? Kung kaya mo, puwes ako hindi. How can i unlove you when every bit of me shouted your name? Kaya ayoko. I won't let you go. I Love You, you know that..." Hikbing sabi nito.


Napayakap na ko ng mahigpit dito sa mga sinasabi nito.


"O-Oo alam ko, alam na alam ko kung gaano mo ko kamahal. Sa mga pagtitig mo sakin, sa mga yakap mo, sa mga halik mo, sa pagiging possesive mo? At mahal din kita. Mahal na mahal. H-Hindi ko din alam kung makakaya kong bitiwan ka pero kailangan ko tong gawin Marcus... Please understand me... Just this time, unawain mo kong muli." Lumuluhang sabi ko.


"I-Is this is what you really want?
Di ko na ba mababago ang desisyon mo Erth? " tanong nito. Nakita ko ang pag-asam nito sa mga mata na mabago ang sagot ko.


Namilisbis pang lalo ang luha ko sa tanong nito..


"Hindi ito ang gusto ko. Alam mo naman yun eh. P-Pero kailangan. Kaya O-oo... I'm setting you free.. Sorry.. Sorry dahil nasasaktan kita ng ganito. Believe me, ayokong gawin to Marcus... " I trace his face with my fingers, memorizing his features. I kiss his temple, eyes, nose and cheeks. We look to each other and pasionately and achingly kissed each other. Savouring the moments. We hug for almost forever, Remembering this scene, his scents and everything...


Oh God, it's killing me... i love this man so much...


Nang kumawala ito sakin, pinagtapat nito ang mga kamay namin at pinaghugpong iyon.


"A-And I concede..." Anito na dinampian ako ng halik sa noo tsaka tumalikod.


And there he goes..
The man who have my heart...
The only man that i could only truly love...
My everything...
My Marcus Rain Shin...


๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”

Comment