Part 3"

DEAN Pov'

Sabado ng umaga ngayon dito sa baranggay namin, ang baranggay 143 haha angas ng baranggay namin noh. Pero puno ng kaguluhan yan hindi ng pag mamahalan haha joke.

Nandito lng ako sa bahay dahil wala pa namn akong trabaho, at kung tatanungin nyo ko kung kamusta ung pag take ko ng exam e masasabi kong okay namn, dahil halos lahat namn ng tanong doon ay nasagutan ko ng maayos. sabi rin sa'kin ng dean's doon na hintayin kona lng ang text or tawag nila sa'kin.

nasa kalagitnaan ako ng pag iisip sa mga bagay bagay ng biglang may tumawag sa selpon ko, kaya namn agad agad ko itong kinuha at sinagot

On selpon'
Unknown number'

ah hello, is this Dean Wong?'
sino kaya to? pano nya nalamn number ko?

'ah eh ako nga po, ano pong kailangan nyo? tanong ko dito ng may galang.

Isa ako sa head stuff ng Ateneo, at' gusto ko lang sabihin sa'yo na start from Monday ay pwede kanang makapasok dahil isa ka sa mga nakapasa para sa scholarship. di ako makapaniwala sa aking naririnig, totoo ba to? o panaginip lang hahah

'totoo po ba ito? tanong ko dito dahil di tlaga ako makapaniwala

oo sir totoong totoo ito, congrats sir isa' kanang student ng Ateneo. masiglang sabi nito sa'kin, thankyou lord ito na siguro ang simula ng unti unting pag babago ng buhay ko.

'nako thankyou po sir, salamat po ng sobra sobra. masiglang sabi ko dahil sa tuwa.

well your welcome sir, start's from' Monday maari kanang pumasok. sabi nito at agad ng nag paalam kaya namn ng maibaba nya ang tawag ay dali dali akong pumunta kung nasa saan si inay.


Patakbo akong pumupunta sa pinag titindahan ni nanay upang ibalita sa kanya ang magandang balitang natanggap ko ngayong umaga.

nako alam kong sobrang matutuwa si inay nito pag nalaman nyang isa ako sa natanggap na scholar ng Ateneo

Nay, may maganda po akong ibabalita sa inyo. excited na sabi ko sa kanya, at mukang nagulat kopa ata sya hehe

jusko kang bata ka, papatayin moba ako sa gulat ha! sabi nito at nahampas pako pero mahina lang namn hehe.

Aray ko namn inay, sorry na may maganda po akong ibabalita sainyo. tila mapupunit na ang aking muka sa lawak ng ngiti ko nangyon hehe.

eh ano nga ba kasi ang iyong sasabihin ha Dean. naguguluhang tanong ni inay sa akin

inay makakapag aral napo ulit ako!! kitang kita ko namn ang pag kagulat ni inay ng marinig ang aking sinabi.

ano nga ulit iyon anak? tila ba hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni nanay

sabi kopo simula sa lunes isa na po ulit akong studyante, nay natupad na ung pangarap mong makapag aral ulit ako. masiglang sabi ko rito, at sya namang pag patak ng luha ko. kaya naman agad agad akong niyakap ni nanay ng mahigpit.

jusko lord salamat, salamat at makakapag aral na ulit ang panganay ko. mangiyak ngiyak na sabi ni nanay habang naka tingin sa itaas

Ito na yon lord hinding hindi ko bibiguin si inay at itay, pag bubutihan ko ang pag aaral ng makapag tapos ako at ng maiahon ko sa kahirapan si inay at ang kapatid ko. sabi ko sa isipan ko habang yakap yakap parin si inay

inay ito na yon, dito na unti unting matutupad ang pangarap nyo ni itay para sa'kin. sabi ko kay inay, bigla namn syang napa luha ng marinig ang mga sinabi ko.

kung nabubuhay lang siguro ang itay mo ngayon sigurado akong tuwang tuwa sa iyo yon anak. haynako si nanay naiyak na nmn ng maalala si tatay.

haynako nay umiiyak kana namn sige ka pag ikaw nakita ni tatay na umiiyak baka dalawin ka non. sabi ko rito ng medjo pabiro, ayaw na ayaw kasi ni itay na umiiyak si nanay ng dahil sa kanya.

ano kaba natutuwa lang ako para sa iyo anak, tsaka alam mo namng pangarap namin ito ng itay mo para sa'yo hindi ba. hays wala na talaga akong masabi kundi sobrang swerte kong sila ang mga naging magulang ko.

alam ko naman po iyon nay, kaya sisikapin ko pong makapag tapos ng pag aaral para kay itay, at para narin po sainyo dalawa ni Peter. naka ngiti ko sabi dito, at niyakap ulit sya ng mahigpit.

o sige na nay mauna nako sa inyo, may pupuntahan na muna ako. sabi ko sa kanya ng matapos kaming mag yakapan.

saan naman ang punta mo nak? hindi ba't mamaya pa ang pasok mo. haynako talaga to si nanay oo alam na alam talaga kung anong oras pa ang pasok ko hahaha

e diba po sa lunes na ang pasok ko sa school, kaya ngayon pa lang po e ma mimili nako ng mga kakailanganin ko para sa pag pasok. sabi ko rito, ayoko na kasing ipag pabukas pa. para namn bukas e umaga hanggang hapon na lng ang pasok ko sa trabaho dahil ayokong ma late sa first day of school ko.

ah ganun ba anak, o sya sige mag iingat ka ha. pag papaalala sa'kin ni nanay. ng makapag paalam nako sa kanya ay agad agad narin akong nag ayos upang maka alis na.

Hays tay eto na yon, eto na ung pangarap nyo ni inay para sa aming mag kapatid. wag kang mag alala itay pag bubutihan ko sa pag aaral, sisikapin kong makapag tapos upang mabigyan ng magandang buhay si inay at ang kapatid ko. sabi ko sa isip habang nag lalakad patungo sa sakayan ng jeep.

Ilang years narin simula ng kinuha ni lord sa amin si itay, nag kasakit kasi siya non sa puso. Hindi namin agad siya napa gamot dahil nga kapos kami sa pera noon, pero kahit ganun pa man e sinikap kong mag trabaho upang maipa gamot sya kaso nga lang habang nag tatrabaho ako non biglang tumawag sa'kin si inay at sinabing wala na raw si itay, masakit pero kinailangan kong maging matatag para kay inay at Peter.






----------

kung na gustuhan nyo po ung story na to please pa click na lng po ng vote, Thankyou guys 😊

Comment