Chapter 2

Napatingala ako sa medyo madilim nang kalangitan. Maggagabi na rin pala pero hindi parin ako nakakauwi, 'di man ako nakapagpaalam kay Mama kung saan ako pupunta. Nasaan na ba ako? Teka... Mall na to ah. Ang daming tao. Sa dami nang tao isang grupo lang ang nakita ko isanh masyang pamilya. Nagtatawanan habang kumakain sa isang fast food chain. Bigla akong nakaramdam ng inggit at lungkot nang maalala kong limang taon pa lamang ako nang huling naging masaya kami ganyan at kumain ng sabay. Naglakad muli ako, napadpad naman ako sa isang arcade house may mga grupo naman ng estudyante na masasayang nagkukulitan at naglalaro. Naalala ko na naman si Holland. Siya lang ang naging lalaking kaibigan ko, bestfriend kumbaga. Sa di ko inaasahang pangyayari nahulog na pala ako sakanya. Nang di ko namamalayan.


*Flashback*


"Hollaaaaaaaaand! Ang kyut kyut nung teddy bear color buluw" turo ko sa laruan ng isang bata


"Hahahahahaha!!!!" tawa niya.


"Bakit ka na tawa diyan? Siguro nalaman mo nang ang panget mo noh? Hahaha!" Inis na sabi ko na may pangaasar na sabi ko.


"Hindi! Hahaha! Ang sabi mo kasi buluw hahahaha!" Sabi niya. Ha? Tama naman ah? Ano bang mali?


"Tama naman ah, yun yung favorite color ko." depensa ko.


"Alam mo kasi Ave... Blue yun hindi buluw. Malaki ang pagkakaiba nun." Ang sarap talaga sa pakiramdam pag binabanggit niya yung pangalan ko.


"Ganun din yun! Ang hirap kaya sabihin bu...bu..buluw!!!!" Sinubukan kong bigkasin pero di ko talaga kaya.


"Hahahaha! Halika nga gutom lang yan."  Nagningning ang mata ko. *_* dahil alam kong manlilibre na naman siya ng paborito kong pagkain.


After 3 years


" Ave. Aalis ako, kailangan kong umalis. Kailangan ako ni Mama ngayon."


"Pero, kailangan din kita. Ikaw lang ang nagtatanggol saakin pag may nangaapi o may nangaaway saakin. Paano na ako?"


"Ano ka ba?! Malaki na tayo, saka wag kang dumepende sa isang tao kasi mahina ka na nga mas pinahihina mo pa ang sarili mo."


"Hollaaaaand! Wag mo akong iwan. Please." Pagmamakaawa ko.


"Can't you please stop? Everyday and every seconds I pity you. But now please let me go." Umalis siya at iniwan ako. Dito nagsimula lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay ko.


*End of  Flashback*

Comment