CHAPTER 7: REJECTED 101

COLET's POV


Our last subject dismissed at exactly 4:00 PM.  



"Bes, Mikhs, mauna na ako sa inyo ha? Andiyan na sundo ko eh." Pagpapaalam ni Zeph sa amin at tumango naman kami ni Mikha. "Sige, Bes, ingat ka."

"Chat mo ako kapag nakauwi ka na ha?" Pagpapaalala naman ni Mikha na siyang ikinangiti ni Zeph at tumango-tango ito. Aba, nagdadalaga na ang kabigan ko.



Nang mapansin ni Zeph na nakatingin ako sa kaniya ay nagmadaling na siyang umalis.






"LET'S GO NA?" Si Maloi na malayo pa lang, nagtatanong na nang pasigaw kaya napailing ako. Kasama niya ang dalawa sina Aiah at Gwen habang hinihintay namin silang tatlo sa may parking lot. Sa kabila ng tension kanina sa sagutan namin ni Jhoanna sa klase ay sumama pa rin ako kasi nga gusto kong bumawi sa grupo.



At isa pa, nakapagplano na rin kami kaninang umaga na sabay na kaming mag-dinner sa bahay nila Gwen kasi nakauwi na ang kaniyang mga magulang galing business trip at imbitado kaming lahat.



Agad namang kumapit si Sheena sa braso ni Gwen nang makalapit ito at hinalikan ni Gwen si Sheena sa pisngi. "Woy! PDA kayo!" Pagsaway ni Mikha sa kanila. "Sus, inggit ka lang eh, ang hina mo kasi kay Ate Aiah!" Akma na sanang lalapit si Mikha sa kaniya pero tumakbo ito kaya naghabulan silang dalawa. "HUMANDA KA SA'KIN, GWEN, 'PAG NAABUTAN KITA!" Pagbabanta ni Mikha sa kaniya na siyang ikinatawa namin habang pinapanood sila.



Ngunit, nahinto ang pagtawa ko nang magtama ang paningin namin ni Jhoanna, and guess what? She rolled her eyes on me.




Tsk, parang bata!




Bumyahe na kami papunta sa bahay nila Gwen gamit ang sasakyan ko, ang nasa passenger seat ko ay si Maloi, nasa likuran naman sina Mikha at Aiah. Nasa kabila naman gamit ang sasakyan ni Gwen ay sina Sheena, Stacey and Jhoanna.






*AT GWEN's HOUSE*


Tinutulungan namin sina yaya na ihanda ang mga plato at kulang sa mesa. Nag-aayos pa kasi ang mga magulang ni Gwen. Bababa na rin 'yon maya-maya.



Nasa sala naman ang ibang girls, sina Sheena, Gwen, Stacey, Jhoanna, Mikha. While, ako, Maloi, and Aiah insisted na tumulong. Ayaw naman talaga nila pero mapilit kami eh kaya wala na silang magawa. Patapos na rin naman na.




"AY PISKIT!" Gulat kong sambit nang papasok na sana ulit ako sa kusina at siyang paglabas ni Aiah. Tinawanan niya lang ako habang nakahawak naman ako sa dibdib ko. "Sige'g pangape, Col, mao na!" (Sa sobrang pagkakape, Col, 'yan na!) Aniya pa habang tumatawa pa rin patungong dining area at natawa na lang din ako sa nangyari.




But, I immediately stopped when I saw Jhoanna na tumutulong din sa paghahanda ng kanin. Hindi ko siya napansin kanina na pumasok.




Heto na naman.




My heart beats so fast, but I ignored it.




"Ako na diyan, Jho." Finally! Nasambit ko na ulit ang pangalan niya. But sadly, she ignored me at patuloy lang sa paglipat ng kanin sa malaking bowl as if wala siyang narinig. "Jho, ako na diyan." Aagawin ko na sana ang sandok sa kaniya pero iniwas niya agad 'yon. "Ako na, kaya ko." She coldly said without even looking at me hanggang sa natapos siya at nilagpasan ako.




If my heart beats so fast kanina, dahan-dahan itong humina at tanging nararamdaman ko na lang ngayon ay paninikip nito. REJECTED.






While in the middle of our dinner with Gwen's parents, isa-isa nila kaming kinamusta.



Sa loob ng dalawang buwan na hindi nila ako kasama, ang dami na palang nangyari sa kanila. Sa kabila ng mga trainings nila, sina Maloi, Aiah, and Mikha ay nagbakasyon ng isang linggo kasama ang kanilang mga pamilya sa kani-kanilang mga probinsya. Habang sina Gwen and Sheena naman ay nagliligawan na at legal na sila both sides. While, Jhoanna na pinamanahan na ng kaniyang mga magulang ng isa sa mga sikat na Condotel sa Davao known as 'Vivaldi Residences Davao' at kakabukas lang nito. Ito rin ang binansagang the tallest bulding in Davao and in Mindanao. Nalaman ko ring nagbakasyon din sila sa Maynila kasama ang family niya for 3 days lang daw. At, nililigawan pa rin siya ni Taneo.



"Pito lang ba kayo no'ng nag-summer vacation kayo sa Dahican Beach?" Dagdag na katanungan ng ina ni Gwen sa kanila. "Kasi wala si Colet no'n diba?"



"Ay! 8 po kami, Mommy, isinama po namin ang future boyfriend ni Jhoanna na si Taneo." Inosenteng sagot ni Gwen sa kaniyang ina. "Oh! Really? Parang hindi pa namin siya nakikilala." Dagdag pa ng kaniyang ina. "Soon, Mommy. Yes, Bebe?" Agad na lingon ni Gwen sa kaniyang katabi na si Sheena na hinawakan ang kaniyang braso. "T-tubig, Bebe." Halatang pagkukunwari ni Sheena para makuha ang attention ni Gwen saka sumunod naman ito.




Napayuko ako sa aking plato dahil parang nawalan na ako ng ganang kumain. May plano pala talaga siyang sagutin ang unggoy na 'yon.




"How about you, Colet?" Napapitlag ako dahilan nang muntikan kong mabitawan ang kutsara sa pagtawag sa'kin ng Daddy ni Gwen. At rinig kong pinipigilang matawa nina Maloi at Aiah na pinapagitnaan ako.


Kaya palihim kong ibinaba ang aking mga kamay saka kinurot ko ang kanilang tagiliran na siyang ikinahinto nila. Akala n'yo ha!


"How's your life while staying in Maynila?" Daddy ni Gwen asked and I smiled at him. "A-ayos naman po, Tito, masyadong abala lang talaga kasi si Lolo nasa ibang bansa for business trip, sumunod siya kina Mommy and Daddy kaya ako na muna ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan dito sa Pilipinas. Buti nga naiintindihan ng management namin. Tsaka, siniguro ko muna na tapusin talaga ang problema doon para naman maituon ko ang sarili sa school namin." Pagpapaliwanag ko at tumango-tango lang sila habang ang mga girls naman ay nakangiting nakikinig sa akin maliban kay Jhoanna na nakatuon sa kaniyang kinakain.




Kung hindi n'yo pa alam, ako ang nag-iisang APO nang nagmamay-ari ng school na pinapasukan namin Philippine Blooms Academy Davao (PBAD). Maliban sa pagiging BINI member and sa pag-aaral ko, ako rin ang nag-aasikaso kung may problema o kailangan sa school regarding sa mga documents, approval ng mga letters, at lalo na kapag may lists o files na ng mga sira sa school para agad na maipaayos. Ang prinicipal ngayon ng school ay ang pinakapinagkakatiwalaan na apo ng kaibigan ni Lolo.



Kaya 2 months ago, alam kong napapansin na ng mga girls ang pagiging irritable ko at madaling magalit. Madalas na rin akong wala sa mood no'n at halos madalang na lang lumabas ng kwarto dahil sa sobrang pagod at stress, ang hirap kasi na through email o online lang ako nakatatanggap ng update mula sa Maynila kaya I'd decided na manatili muna sa Maynila para maayos ko rin personally ang problema. Itinuon ko buong oras ko roon para eksaktong 2 months din ay makauwi ako and fortunately naman, after 1 month and 2 weeks ay naayos ko lahat.



And also, let us say na sinadya ko ring magpakalayo muna dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko that time. I was pushing Jhoanna away kasi mas lalo lang lumalala ang feelings ko para sa kaniya sa tuwing magkalapit kami. Hindi ko gustong kalimutan o mag-move on sa nararamdaman ko lalo na no'ng nalaman kong pumayag na siyang magpaligaw kay Taneo kasi ang hirap.




Ang daya talaga no? Kung saan mabilis tayong mahulog sa isang tao, gano'n naman kahirap makalimot.




I was hurt. I was fucking hurt.




Ang hirap magtago ng nararamdaman kasi patago ka ring masasaktan. Ang hirap magpanggap kasi mas lalo lang bumibigat sa pakiramdam.




Kaya ang mga sagot ko doon sa tanong ni Sir Gas ay batay lang din sa nararanasan ko ngayon. Nakapagdesisyon na ako to love her from afar if it means keeping our friendship safe.




'Di baleng malunod ako sa nararamdaman ko para sa kaniya, maisalba ko lang ang aming pagkakaibigan.






Pagkatapos namin kumain ay tumambay muna kami sa garden nina Gwen, kahit na hindi kami nagpapansinan ni Jhoanna, masaya ako na hindi naging sagabal iyon para hindi kami magtipon, just like old times.



"Taneo is here!" Si Gwen na natanaw ang sasakyan ni Taneo sa labas ng kanilang bahay. Susunduin na yata si Jhoanna.




Palaging panira ng moment. Bwisit.




Piskit na araw 'to! May susunod pa ba pang PAIN? Para naman aware ako!




I glanced to Jhoanna, kahit hindi naman na siya nagtatapon ng tingin sa akin ay walang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mukha nang matanaw niyang bumaba si Taneo sa kaniyang sasakyan. Isn't she happy?




"Bye, Jho!" Pagpapaalam ng mga girls sa kaniya. "Ingat ka ha, chat mo kami kapag nakauwi ka na." Maloi reminded her while I am just crossing my arms watching them.



"Ang bagal kasi, naunahan tuloy." Si Mikha teasing me now na nakatingin na pala sa akin. "Tss, bahala siya, ang suplada niya!" Saka ako padabog na pumasok sa loob ng bahay nina Gwen para kunin na rin ang gamit ko.







TO BE CONTINUED...

Comment