Chapter 31

"Less friends, less bullshit.
Keep your circle small."

—Ms. Unknown

____________________________________

Ashton POV

Ever since na nakasama ko si Harmonica naguguluhan na ako sa feelings ko. Napagulo na lang ako nang buhok sa sobrang inis ko, pinagmasdan ko si Harmonica na mahimbig na natutulog sa kama.

"Ashton?" Napalingon ako kay Cassidy, oras na kailangan ko nang umalis, pero may part sakin na ayaw kong umalis sa tabi ni Harmonica.

"Are you going?" Napaisip ako kung aalis ba ako pero sa huli sasama ako sa kanya pero saglit lang.

"I'm going. Hold on." Wika ko, padabog na umalis si Cassidy at pabagsak na isinarado ang pinto. Hinalikan ko sa noo si Harmonica at tumayo.

"Nakapagtataka talaga na nagustuhan ko siya." Bulong ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Cassidy, pero mahal? Ewan ko lang naguguluhan na ako.

"Nakapagtataka nga." Napalingon ako kay Harmonica na kamumulat lang at balak umupo. Agad ko naman siyang dinaluhan.

"Teka 'wag ka munang tumayo." Pilit na ngumiti siya at hinawakan ang tyan.

"Okay lang ako." Pakiramdam ko nainis ako sa sinabi niyang okay lang siya. Ang dami niyang tinamong sugat para lang iligtas ako.

Nung paalis na kami sa impyernong lugar na iyon tinamaan siya nang baril sa balikat at binti, nadaplisan pa nang bala sa mukha idagdag pa yung sugat niya sa tyan at braso.

"Sa dami mong sugat. Okay ka lang?" Tumawa siya nang mahina at tinapik ang braso niyang may sugat.

"Oo naman. Sanay na ako sa ganyan kaya wala na lang yan saakin, okay lang masaktan ako basta 'wag lang ikaw. Ibang usapan na iyon 'pag nasaktan ka." Aniya at ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, bago ito sa akin. Siguro hindi ako sanay na pinagtatanggol ako.

Naalala ko yung sinabi nang isang babaeng nagngangalan na War, naiyukom ko ang kamay ako ay napasuklay ng buhok.

"Sa susunod na gagawin mo pa 'yan. Yung isasakripisyo mo ang sarili mo sa akin, siguraduhin mong hindi ka mamatay. Dahil ililigtas din kita." Ani ko at lumabas, ayokong marinig o makita ang ekspresyon niya dahil hindi ko alam kung anong irereak ko sa mga sinabi ko. Pinuntahan ko si Cassidy at agad naman niya akong niyakap pagkalapit ko sakanya.

"I'm glad that you are okay." Tumango lang ako at naunang maglakad. May importante pa akong gagawin.

"Ashton!"

Harmonica POV

Naiinis ako gusto kong magwala pero kailangan kong kontrolin ang galit ko. Sinuntok ko nana buong lakas at sinipa ang punching bag sa sobrang galit ko.

"Fuck! Bakit nila sinabi!" Sigaw ko at sumuntok ulit. Nakita kong dumugo ang kamao ko pero pinabayaan ko lang.

Paulit ulit kong sinuntok ang punching bag, tagaktak na ang pawis na dumadaloy sa katawan ko.

"Pigilan niyo si Music pang limang punching bag na niya yan!" Sigaw nang kung sino tiningnan ko nang masama ang nagsabi nun at nagpatuloy.

"Huh, Bakit?"

"Shit naman pag nabutas niya pa yan next week pa tayo makakakuha nang panibagong punching bag!"

"What? Are you serious?"

"Oo at wag akong englishin dyan gawin mo na!"

Nakita kong papalapit si White kaya tinitigan ko siya nang masama. Napatitig ako sa kamao kong tumutulo na ang dugo.

"*Glare*"

"Alam mo bang may bumabalot na itim na aura sa buong pagkatao mo?" Kamot ulong sabi niya.

"*Glare*"

"Sabi ko nga hindi. Ahmm, Music pwede bang iba na lang suntukin mo? Wala na kasi tayong punching bag eh."

"So?"

"Ahmm ano. Tingnan mo isang sipa at suntok niyan wasak na." Tiningnan ko naman iyon tama nga naman siya. Kaya naman ginawa ko ang sinabi niya, at boom naglabasan ang mga buhangin na laman nang punching bag.

"Shit!" Wika ni Puti at napaluhod. Natatawa ako sa itsura niya parang isang mamahaling bagay ang nasira ko. Sinipa ko ang buhangin at nagkalat iyon.

"Galit ako lahat sa inyo." Wika ko at lumabas.

"Waaahh ang sahod ko mababawasan na"

"Sabi sayo eh pigilan mo na yan tuloy wala na tayong punching bag."

"Walang stock?"

"Wala na last na yung nasira ni Music."

"Huhuhu pautang ako Gyera."

"Bahala ka dyang Puti ka."

Nagpunta ako kay gentle para ipagamot ang sugat ko. Nakita niya kasi ako kanina at pumunta raw ako sa clinic niya, kapag ko hindi ko daw ginawa huhuntingin ako. Ayaw ko pa naman nang pang gulo kaya pumayag ako.

"Wassup Music musta ka?" Kibit balikat lang ang sagot ko.

"Tumutulo pa rin. Madaming ugat siguro ang natamaan, limang punching bag ba naman ang winasak mo." Natatawang sabi ni Gentle at ginamot ang sugat ko. Kanina pa nga hindi matigil ang pagdugo kahit nalagyan ko na nang first aid.

Sinabihan ako ni Gentle na kayanin ko daw lahat nang pagdadaanan ko ngayon kasi maganda daw ang kinahihinatnan nito, pakatapos akong gamitin nagpaalam at nagpasalamat naman ako sa kanya.

Sunod naman ay pumunta ako kay Boss Jose tawag niya ako at kanina pa ako nariridi sa katatawag nang Agent name ko, kanina pa.

"Agent Music please proceed to the main office. ASAP."

"Agent Music please proceed to the main office. ASAP."

"Agent Music please proceed to the main office. ASAP."

"Agent Music please proceed to the main office. ASAP."

"Agent Music please proceed to the main office. ASAP."

Pagkadating ko agad akong sinalubong ng yakap ni Jose.

"Boss hindi na ako makahinga, tsaka pwedeng dalawang beses mo lang ako tawagin sa intercom?"

"Ayos ka na ba? Kamusta sugat mo? Magaling na ba? Bakit mo binutas yung punching bag natin? Alam mo bang mahal yun. Yung kamao mo hindi na ba dumudugo? Music ay—"

"Hep Hep Hep. Stop. Sa lahat nang tanong mo. Ayos na ako, okay na ako. Nakarecover na ako. Yung pagbutas ko sa punching bag, iyon lang ang nilabasan ko nang galit ko. Ayos na rin ang kamao ko pero dumudugo pa rin."

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi niya at umupo.

"Pinakaba mo ako. Akala ko ay susugudin na ako nang magulang mo dito 'pag hindi ka pa ayos."

"Saan nga pala sila mama? Wala akong balita sa kanila eh." Tanong ko. Nitong nakaraang araw kasi tinatawagan ko sila pero walang sumasagot, si Jen na kay lolo ata yun. Hindi din naman ako makapunta kasi busy ako.

"May ginagawa silang importante hindi mo na kailangan malaman iyon." Wika niya, kinunutan ko ito at nag cross arm.

"Yung totoo?" Alam ko kasing may iba pang dahilan iyon. Lahat naman importante eh, bakit hindi niya masabi?

"Wala akong kawala nito kahit hindi ko pa sabihin. Nasa malayong lugar ang magulang mo at may ginagawang isang malaking project. Pili lang ang mga binigyan ko nang misyon na ito." Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Madaya. Bakit ako hindi nasali?" Umiling lang siya.

"Hindi pwede. Sobrang delikado nito. Isa pa pala, pag-iisipan ko kung ititigil ko na ang binigay kong misyon sayo." Seryosong aniya. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya, actually inaantay ko nga eh. Hindi naman na sa ayaw ko, alam na kasi niya ang pagkatao ko. Ayaw kong madamay siya sa trabahong meron ako.

"Sa itsura mo parang alam mo na." Tinitigan ko lang siya nang malamig.

"Iyan din siguro ang dahilan ng pagsira mo sa punching natin. Alam mo Music hindi namin sinabi nang deretso sa kanya, siya mismo ang nakaalam. Sinagot lang namin ang lahat ng tanong niya para maliwanagan siya." Napaiwas ako nang tingin dahil doon.

"Nakakainis lang kasi nalaman agad." Pabulong kong sabi.

"Hindi nating masyadong kilala ang mga Kazuto, lalo na si Ashton. Maybe simula nung magpakita ka na sakanya ay nagkaroon na siya nang kutob at inalam iyon. Ngayon alam niya na." Bumuntong hininga ako sa sinabi niya.

"Tatanggapin ko ang parusa na ibibigay niyo sa saakin dahil sa palpak na misyon ko. Sana lang ay patuloy pa ding bantayan si Ashton." Wika ko at lumabas ng pinto.

So papunta ako ngayon sa bahay namin at dadalawin ko sila Jen, pero may biglang tumawag saakin. Akala ko kung sino si Ashton lang pala, wait Ashton?

"Hmm?"

"Ate its me Jen!" Nakakaririnig ako sa background na parang nagkakagulo.

Agad akong pumunta sa motor ko at minaneho, hindi ko binaba ang tawag. Nagkakutob agad ako na may nagyayaring hindi maganda.

"Anong nagyayari dyan?" Wika ko habang nagmamaneho.

"Ate may mga men in Black na dumating dito buti nalang nandito si Kuya Ashton." Nagulat ako sa sinabi ni Jen, anong ginagawa ni Ashton sa bahay?

*****
Nakarating na ako at halos hindi ko na makilala ang bahay sa sobrang gulo, maraming mga sasakyan ang nasa labas. Naghalungkat ako sa motor kung may mga small bomb akong dala, nang meron ako ay nilagyan ko iyon ng timer at idinikit sa mga sasakyang nakaparada.

Nang matapos ay kinuha ako ang baril ko at dahan dahang naglakad papasok, pagpasok ko ay sobrang gulo at halos ng gamit ay sira na. Nilibot ko ang first floor namin pero walang tao kaya umakyat na ako, nagulat ako ng may tumutok sa akin ng espada. Espada? Katana pala.

Hindi ako nagulat sa halip ay nagseryoso ako, mukhang mapapalaban ako. Ngumisi ako sa harap niya idiniin niya ang katana sa leeg ko na dahilan ng pag dugo nito.

"Let the game begin." Nakangising wika ko kaya naman napaatras ang lalaking may hawak na katana.

Comment