Chapter 30: I love you

HGD30: I LOVE YOU


"People's opinion really matters, but don't let yourself to be controlled by their nonsense opinion."-gelyenbalm.


--


"READY ka na?" Tanong ni Ram matapos nitong isara ang basket na may lamang iba't-ibang uri ng pagkain na niluto mismo ni Ram.


It was a sweet day for me, Ram asks me for a date, well it's a picnic date to be exact. I hate picnics but I don't like to losts this chance to be with him.


Yeah, I'm gonna admit it. I am inlove with him. I am obsessed with him.


"Oo." Sagot ko at ngumiti.


"Tara na?" Anyaya nito at saka kami naglakad palabas ng bahay.


Palihim akong napangiwi ng sakyan namin ang owner na sasakyan na hiniram pa ni Ram sa tito nya.


"Sakay ka na." Anunsyo nito


Nakangiti akong sumakay sa upuan na katabi ng upuan nya. I am happy that he finally announced that I am his girlfriend. Were legal and there's nothing wrong about it.


"Okay ka lang ba?" Tanong nito sakin.


"Okay lang. Bakit?" Tanong ko.


Umiling ito habang deretso ang tinggin sa daan.


Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Diego. Isang linggo na rin ang lumipas buhat ng magka-usap kami ni Diego


Diego:
Busy ka ba?


I sighed because I can't replied on his message, wala kasi akong load at hindi na din ako nagload pa.


"Pede pa-text Ram?" I asks


"Sinong ite-text mo?" He asks


"Just someone." I answered and he nod.


"Nasan yung phone mo?" Tanong ko.


"Nasa bulsa ko, kuhanin mo. " he said


Tinanggal ko ang seatbelt ko para mas mapalapit sakanya. I inserted my hand on his pocket and get his phone on his short.


"Nandito ba?" Tanong ko at kinapa ang phone nya sa bulsa.


"Nakita ko na." Sagot ko at saka iyon inilabas.


"Your legs were hot, babe." I winked at him.


Napamura ako ng biglaan syang magpreno. Wala akong seatbelt kaya tumama ang noo ko sa dashboard mabuti at hindi gaanong malakas ang impact.


"What the hell?" I hissed while holding my forehead.


"Shit. I'm s-sorry." He apologise.


I look at him and his face were flushed in red, kahit moreno sya ay hindi maikakaila ang pagpunta ng dugo nito sa mukha. I wanna laughed, ang cute pala mag blush ng mga moreno?


Blush ba o galit sya?


I look at him but he look away, I realise what I have done. It's not my fault anymore. I just did my part and compliment his hotness. I don't have a clue that he's having a boner. Gosh.


Umayos ako ng upo at nag seatbelt. Nagtipa ako ng mensahe kay Diego gamit ang cellphone ni Ram.


Me
>Sorry, di na ako nakapagtext. Wala akong load e. -Ace.


Diego S.
>oh? Okay. Busy ka nga siguro. Haha


Me
>bakit mo nasabi? :《


Diego S.
>wala naman. Sige, nangamusta lang. Bye na may customers pa ako.


I replied an answer "okay" and delete all the messages that we've text.


"Nandito na tayo." Anunsyo ni Ram.


Bumaba ako at saka luminga sa paligid. The green grass on the floor, the green tall trees were dancing on air, there's a few people around and they all doing a picnic.


He smiled at me and he held my hand. I am looking to him while we were running towards the place that he wanted to stop.


Huminto kami sa pagitan ng dalawang malaking mga puno. Inilatag nya ang blanket roon at naupo kami pareho roon.


"Di pa ako nakakapag-picnic sa buong buhay ko." Komento ko.


It's true that it's my first time. I haven't done this before. I haven't do this with my family before. I grew up without the attention of my parents. All I have is my brother and I still remember how I planned to ruin my brother's wedding last year.
I don't like the idea that he's marrying a woman. Kasi alam ko na sa oras na ikasal sya, mawawalan na ako ng tunay na kaibigan. He's my bestfriend. Hindi ako kailanman nakipagkompetensya sakanya kahit pa lagi sakanya nakapabor si Dad, he's an ideal son and an ideal boyfriend, and most of all, he's an ideal brother.


"Magugustuhan mo itong gawin, atleast ngayon, kasama mo ako." He commented and I smile.


"Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Ram


Umiling ako.


"Sure ka?" He ask and I nod as an answer.
Nahiga ito sa blanket at kanyang inunan ang kanyang kanang braso.


I watch him every his single move. I admire him so much.


"Pede magtanong?" Tanong ko sakanya. Tinignan nya ako.


"Ano iyon?" He ask


"Si Diego, galit ka ba sakanya?" Tanong ko.


"Hindi naman." He answered.


"But you're acting so cold whenever you're with him." I answered.


"Ganoon talaga, Ace. Kapag ang taong minsang sumira sa plano mo ay mahirap itong patawarin, napatawad ko sya ng buo, Ace. Pero hindi na maibabalik pa ang dati." Sagot nito.


Gaya nya ay nahiga rin ako. Pero hindi gaya nya ay hindi ko inunan ang aking braso.


"G-Gusto mo ba si Diego? I mean as a friend." He asks.


"Mabait si Diego. Masaya syang kasama." Sagot ko


"Kaya pala." He said


"Kaya pala? Ano?"


"Kaya pala sinabi mo na kung kaya mo lang mamili ng gugustuhin, sya ang gugustuhin mo at hindi ako." Anito at may bahid ng kalungkutan ang boses nito.


"Nasaktan mo kasi ako." Sagot ko.


Tumagilid ito ng higa kaya nakaharap sya saakin. Ang kanang braso nito ay nakatukod sapo-sapo ang ulo nito.


"Sorry." He said


I chuckled. "Manhid ka kasi." Natatawa kong wika.


"Hindi ako manhid." Sagot nya.
Hindi ako sumagot.


"Ano iyong nararamdaman mo nang unang tayong magkita sa bar. I mean, you know I am so aggressive." I said in a low tone.


I heard him chuckled.


"Iyong totoo?" He asks and I feel my heartbeat beat so fast. Oh my gosh, what kind of power Ram has to make my heart beat like this?.


"O-Oo, iyong totoo lang." Sagot ko kinakabahan.


He look at me and I couldn't look into his eyes.


"Ayoko sayo." He said


I felt the pain on my chest and later I feel numb at this very moment.


His words really something. Well, alam ko namang ayaw nya saakin dati, at ayoko din sakanya.


"Ganon pala. Eh bakit pumayag kang maging Personal Bodyguard kita?" Tanong ko.


Hindi sya sumagot.


"Dahil ba sa utang na loob mo kay Daddy? You're a licensed lawyer back then, you should focus on being an attorney." I said.


"Nag-aantay pa ako ng call para sa mga inapplayan kong trabaho. And I volunteer to watch over you." He said.


"How about now? May plano ka banh magtrabaho na?" Tanong ko sakanya.


I don't know what kind of answer that I would like to hear. Ayos lang saakin na mag-trabaho sya, sayang naman ang tinapos nya. Pero ibig sabihin ay hindi na sya bodyguard ko, hindi ko na sya makakasama ng matagal.
Nakakatawa, parang dati lang ay pilit ko syang inaalis sa buhay ko, I even tried to escape on him, I even jump on my unit just to escape. And now, I am afraid to lose him.


"Oo. Pero hindi pa sa ngayon." He said and smiled.


Dineretso ko ang tinggin sa ulap, maganda ang panahon ngayon at kay sarap palang pagmasdan ng mga ulap.


Naramdaman ko na inangat nya ang aking ulo at saka ipinatong iyon sa kanyang braso "There." He said.
His simple moves makes me blush and I couldn't help but to smile.


"Bakit ayaw mo saakin dati?" Tanong ko.


"You're so aggressive gaya nga ng sabi mo. Masyado ding matigas ang ulo mo at sinusuway mo ang parents mo. Naiinis ako sayo dahil babae ka at dapat ay inaalagaan mo ang iyong sarili hindi iyong pabaya ka ang naglalasing." He said.


"Pabaya naman talaga ako. Kaya nga pinababayaan lang din e." Pagak akong tumawa.


"No. You deserves a care. " he said.


Hindi ako nag-abalang tignan ang reaksyon nya, masyado akong naaliw sa paggalaw ng ulap sa langit.


"Ikaw nga ayaw mo din sakin, naalala ko tinatakasan mo pa ako." He chuckled.


"It's because you're so annoying. Lagi kang nakasunod." Sagot ko.


"That's my job, e." He said.


"Ano kaya kung hindi ka nag volunteer na mag-bantay sakin? Pano kung hindi kita naging bodyguard?
Magka-ka-kilala kaya tayo?"  I ask


"Kilala na kita noon pa, Ace. Ako ang hindi mo kilala." Simple nyang sagot.


"Talaga? Kelan pa?" Tanong ko.


"Noong nag start akong mag college, kilala na kita, nakikita na din kita. Naging magkaibigan nga kami ng kuya mo. At natatandaan ko na ipinakilala ako sayo ng kuya mo. Hindi mo na natatandaan?" He asks


Umiling ako. "Hindi. Talaga ba? Pinakilala ka sakin ni kuya?" Tanong ko


"Oo. Natatandaan ko, high school ka pa noon, may dala ka ngang pulang kumpon ng rosas noon. Pero nakakunot iyong noo mo tapos ay naiinis ka dahil madumi iyong sapatos mo." He said


Wow? Ang tindi talaga ng memory nya. Siguro iyon ang araw nang nanligaw saakin ang kaibigan ni Crein, pero hindi ko matandaan kung bakit nadumihan ang sapatos ko na syang ikinagalit ko noon


"Noon pa man alam ko na, na hindi maganda ang ugali mo." He chuckled.


I rolled my eyes. "Whatever." Naiinis kong wika.


Ayoko lang ng nakakarinig ng negative words sakanya tungkol saakin, pakiramdam ko ay nagkakaroon ng analization at descrimination na hindi ako bagay sakanya dahil pangit ang ugali ko at sya naman ay mabait at huwarang scholar ng daddy ko.


"Naiinis ka?" He asks.


Umirap ako at saka naupo. Naupo rin si Ram at saka ako tinitigan.


"Wag mo nga akong titigan!" Singhal ko ng maramdaman ko na nakatitig sya saakin. Nang tignan ko sya ay nakapalumbaba pa itong nakatinggin saakin.


"Wag ka na mainis, iyan nga yata ang nagustuhan ko sayo." He said.


Lihim akong napangiti. "Nagugutom na ako." Sabi ko nalang.


Inabutan nya ako ng chicken sandwich na ginawa nya.


"Ideal girlfriend ba si Ellie?" Bigla kong tanong.


"Bakit mo naitanong? Kung i-kukumpara mo lang ang iyong sarili ay wag mo ng gawin, mas higit ka sakanya." He said


Para akong nabilaukan sa sinabi nya.
Umakto akong nasamid at nanghingi ng tubig sakanya.


"Kung ano-ano sinasabi mo." Sabi ko matapos uminom.


"It's true." He said.


Ngumiti naman ako at saka inubos ang sandwich na hawak ko.


"Gusto mo bang mag-bike?" Tanong nya sakin.


"Talaga? Magba-bike tayo? " masaya kong tanong sakanya.


I haven't tried doing that. Pero nakakapanood ako sa internet at parang ang saya-saya nitong gawin.


"Tara." He offered his hand and I gladly accept it.


Masaya kong tinanggap ang kamay nya at saka sabay kaming naglakad papunta sa rentahan ng bike.


"Marunong ka ba?" Tanong nya.


Umiling ako. "Hindi e" sagot ko.


Nag-rent si Ram ng isang bike. "Turuan kita?" Tanong nya.


"Hindi ko yata kaya." Nahihiya kong wika


Pagbike lang hindi ko magawa, pakiramdam ko ang dami kong hindi alam gawin, pakiramdam ko hindi ako bagay sakanya.


"Kaya mo yan, tara turuan kita." Anito


Tumango ako, he guided me and All I could do is to shout whenever I feel like I am falling.


"Wag mo akong bibitawan, Ram. " sabi ko sakanya.


"Hindi ako bibitaw." He said.


Napangiti ako sakanya. Hindi yata pumapasok sa utak ko ang lahat ng sinasabi nya, may sinasabi syang kumalma daw ako at i-balance ko ang sarili ko, pero hindi ko naman magawa kasi natatakot ako na matumba at mahulog sa lupa. Ayokong lumagapak, alam kong masakit iyon kahit hindi ko pa iyon nararanasan..


"Tama na, pagod na ako. Hindi naman ako natuto." Sabi ko sakanya.


Inalalayan akong bumaba ni Ram sa bisekleta.


"Sumakay ka nalang, ako ang magda-drive." He said and I nod


Naupo ako sa likurang upuan. Kaagad akong yumakap sakanya nang nagsimula na syang pumedal.


I watch the view from here, I can see some beautiful daisies and this place was so peaceful and pretty.


Thirty minutes kaming nag-ikot-ikot hanggang sa mapagod si Ram. Bumaba kami pareho sa bike at saka kami naupo sa bench na naroon sa tabi ng mga daisies.


I pick one daisy and put it on my right ear.


"Maganda ba?" Tanong ko.
"Oo, maganda ka." He said and I blush.


"Thankyou for this day, Ram. I feel so important and it feels so good." I said


"You're welcome, my happiness is your happiness." He said


I don't know what push me to kiss him but I did kiss him. He was shock at first but he did respond. Minute later we both laughed.


"I love you, Ace. I really do." He said


And those words were enough for me to fall so deep . And that words makes my pretty and worthy.


"I love you too, Ram. Stay with me. Let's stay like this forever." I said and smiled


I am inlove with him and I am happy that he loves me too.


💛

Comment