Chapter 2: Feeling Close

Hindi ko naman aakalain na tatawagin niya ako, pero sa hindi inaasahan. I am so dead.


"Hey! You! You're the girl who blocked my way, right?" Natigilan na lamang ako sa sigaw niya at nang lumapit siya sa'kin nagulat ako dahil ramdam ko na agad 'yung kaba sa dibdib ko. "Akala mo ba papalagpasin ko lang 'yung ginawa mo?" Pabalang nitong saad.


Teka nga—bakit parang sobrang big deal ng nangyari sakanya? Eh, hindi ba siya rin naman ang may kasalanan kung bakit ako bigla muntik mahagip ng kotse niya? At mas malala pa ata ang mangyayari kung hindi ko ililigtas yung aso na muntik na rin niyang masagasaan, hays.


"Ah—eh, h-hindi ko naman s-sinasadyang masigawan ka." Nanliliit ako na ewan dahil sa atensyon na nakukuha ko. Oo sikat siya pero anong nagustuhan ng mga 'to sa ugali ng lalaking 'to? Maliit na nga ako, lalo pa akong nanliliit pero hindi na tama 'to. "At tsaka ikaw kaya 'yung may kasalanan kung bakit din muntik na 'ko mahagip ng kotse mo!" Dagdag ko pa pero hindi ko sinasadyang mapasigaw this time, at sa mga oras na ito talagang pinag-uusapan na ako ng mga tao sa paligid ko kaya sobrang nakakahiya.


At oo ako lang—ako lang ang dinig ko na pinag-uusapan nila, akalain mo 'yon? Sikat na ako agad sa unang araw pa lang ng klase, ang galing talaga!


"Hala! Talaga bang sinigawan niya yung lalaking gwapo na 'yon?"


"Ang kapal naman ng mukha ng babaeng 'yan, hindi na nahiya."


Pft mga pabebeng babae na 'to, pwe! Biruin mo 'yon hindi man lang nila magawang pag bulungan 'tong masungit na lalaking 'to, kahit na narinig pa nila na sinabi ko yung muntik na niya ako mahagip ng kotse niya jusko! Jusko talaga!


"Wow! As in wow. Did you just talked back and shouted at me like you're brave enough to fight with me, huh?" W-wait kung makikipag-away ba ako sakanya, lalabanan niya talaga ako pabalik? Hala? Pero grabe! Hindi ko kinaya yung tingin niya sa mga mata ko, talagang nakipag eye contact siya sakin. A-and his English tho.  "Ano? Magsasalita ka ba o hindi? Tss. Are you deaf?" Eh?


Hindi pa rin ako kumikibo, dahil habang nagsasalita siya wala na akong ibang naririnig kundi matitigan lang siya. Habang tumatagal hindi ko na napansin na tinatawanan na pala ako ng mga taong nakapaligid sa'kin, nilingon ko sila ng may pag tataka sa aking mukha kaya muli ko ulit binalik ang tingin ko sa lalaking masungit na 'to—hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harap ko. Hala baka isipin niyang titig na titig ako sakanya kanina.


Hala! Baka magka issue pa ako dito sa eskuwelahan na 'to, I mean sikat na nga ako agad, eh. Nung umalis na yung mga tao narinig ko ulit sila na pinagbubulungan nila ako.


Hays ano na naman ba 'yon mga bruhita?


"Tignan mo siya oh, nakatayo pa rin siya diyan."


Anong gusto niyo, magperform ako sa harap niyo? Ano naman kung nakatayo pa rin ako dito?


"Haha oo nga, masyado atang nagwapuhan sa lalaking kausap niya kanina."


HMP! GWAPO!?—I mean g-gwapo siya pero masungit!


"Yeah, i know right, panget kasi siya kaya iniwanan lang siyang nakatanga diyan! Let's go girls!"


Hayst anong ginawa mo Cass, you're making yourself an idiot, yaan mo next time bumawi ka, nakakahiya 'yon. Sobrang nakakahiya talaga. Kung si Alexandra lang yung nasabihan niyang ganun baka siya pa yung hindi makapag salita, alam niyo namang palaban yung kambal ko, eh siyempre hindi 'yon magpapatalo.


Habang kinakausap ko yung sarili ko, naisipan ko munang pumunta sa locker ko, para mabawasan naman yung mga dala ko. Pano ba naman kasi unang araw pa lang ng klase ang dami kong dala dala, siguro si mama nag handa ng gamit ko, wala kasi akong pakialam kung may pasok na kinabukasan kasi hindi naman talaga ako natutuwa pumasok sa hindi ko kilala at 'di ko ginustong mag-aral sa eskuwelahan na 'to, hayst.


Nilagay ko na yung iba kong gamit sa locker ko at nang isarado ko 'yung pinto ng locker ko, may sumalubong bigla sa mukha ko--isa siyang gwapong lalaki, hala sinabi ko ba talaga 'yon? Nanlaki na lang yung mata ko kasi nagulat ako sakanya dahil wala namang may gustong lumapit sa'kin, unless kung may kailangan.


"Hi, ako nga pala si Jamesdon Tez." Inabot niya sa'kin yung kamay niya habang nakangiti siya. "Uhm, nangangawit na yung kamay ko, aren't you going to shake hands with me?" Ay sheteng malagket oo nga pala inabot niya sa'kin yung kamay niya, hayst ano bang katangahan yang ginagawa mo cass.


Tsk! Sorry, can't take my eyes of him kasi, eh.


"Ay s-sorry." Saad ko sa mahinang tono ng boses at tsaka nakipag kamay sakanya—OMG! Tamad ata 'to! Ang lambot ng kamay niya, eh!Kumpara sa'kin magaspang yung kamay ko, hays.


"It's okay, so what's your name?" Talaga bang tinatanong niya yung pangalan ko?


"Ah... I'm Cassandra N-nacon." Hala pakipot pa ako, sasabihin ko rin naman pala.


"Okay, nice to meet you--pwedeng Cass nalang?" Sabay kindat sa'kin. "Masyado kasing mahaba kung Cassandra pa yung itatawag ko sayo." Wink, sabay smile.


May sakit ba 'to o sadyang habit niya lang 'yung pag kindat?


"O-okay." Saad ko ng nautal na lang bigla, kaya naman tumawa ito bigla, napansin ko na kanina pa pala ako nauutal, jusko ano ba 'to.


"Okay, see you around, Cass." Sabay kindat sa'kin at tsaka siya umalis. Uhm..? Sinabi niya ba talagang see you around?


Pero sana, sakanya na lang nangyari yung love at first sight ko. Sa first love ko kasi hindi nangyayari 'yung ganong mga bagay pft.


Nababaliw na naman ako, pero siguro naman pinagtitripan niya lang ako kasi wala namang nagkakagusto sa akin, eh. I mean meron na pala...


Hayst naalala ko na naman si Nathan, boyfriend ko nga pala, LDR kasi kami kaya minsan ko na lang siya naaalala. Pa'no ba naman kasi hindi na rin siya nag te-text at tumatawag sa'kin, ni wala ngang video call eh, tawag at text pa kaya. Pero hindi ko pa rin kinakalimutan na boyfriend ko siya syempre mahal na mahal ko 'yon—


At kasabay ng pagkausap ko sa sarili ko ang pag ring ng bell, nako kailangan ko na namang magmadali.


Oops—nagtataka ba kayo na sa panget kong 'to magkakaboyfriend?


{Author's short PoV.}
[Try niyo nga i-judge readers HAHAHA. Kasi kahit miski ako 'di ako makapaniwala ih HAHAHA.] (Okay ang corny kong author—TheLovelyCattho was here, 2k21. I'm editing this story rn and it's currently 3am. UwU enjoy reading!)


Naglakad na ako papunta sa room pero ito na naman yung mga estudyante dito pinag-uusapan na naman ako, hays ano bang meron? Makapasok na nga sa classroom, pero
pagkapasok ko ay nagulat din sila.


Tsk pati ba naman dito? Hays, sikat na naman kapangitan ko.


Pero pa'no muna 'yung gulat mga tsong? Pft.


"Bago ba siya?"


"Transferee ba siya?"


"Baka naliligaw siya ng classroom."


"Mukha namang ata mabait, eh."


Ha ha, mabait naman talaga ako, eh. Sadyang ubod lang kayo ng husga.


Pagkapasok ko, bigla na naman ako napahinto. Hays, hanggang dito ba naman magkikita kami? 'Yun nga bukod sa wala akong kaibigan at walang bakanteng upuan, wala akong choice kundi tumabi sakanya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Kaya naglakad na lamang ako papunta sa kung saan ang puwesto niya, sana hindi siya magalit.


"Uh, pwede bang makiupo?" Tinignan niya lang ako pero umiwas agad siya ng tingin, yung tipong parang hindi niya ako nakita at parang kala mo hindi niya ako naririnig. Kaya naman nung umupo na ako sa tabi niya bigla siyang nag salita, nagulat ako bigla sa sinabi niya.


Tignan mo 'tong masungit na 'to, kanina lang nung nag tatanong ako kung pwede ba makiupo pero tanging pag-iwas lang ng tingin ang ginawa niya at no'ng umupo na ako tsaka lang siya nag salita.


Jusko! Jusko talaga! Papansin na abnormal!


"Pinayagan na ba kitang umupo sa tabi ko?!" Nakakatakot pala yung tingin niya na pataray at hindi lang 'yon, tumitingin na naman yung mga estudyante dito sa'min.


Kaya bigla naman akong napatayo agad para hindi na siya magalit at sumigaw huhu nakakahiya. Pero nung pumasok na yung teacher namin sa ESP bigla niya 'kong kinausap ulit ng hindi tumitingin sa'kin.


"Umupo ka na nga!"


"S-salamat." Hindi na niya ako pinansin pagka sabi ko ng salamat, at alam kong galit na galit pa rin siya sa'kin, hays, iba talaga kapag may saltik na tao.


"Okay, class, marami rami tayong transferees ngayon kaya lahat ng transferees pumunta dito sa harapan at magpakilala kayo isa isa." Nagulat ako bigla sa sinabi ng guro namin. May trauma na ako sa pagsasalita sa harapan, eh, dahil palagi akong nauutal.


Ito na inisa isa na kami para magpakilala sa harapan. Lord, wish me luck huhu.


"Ako nga po pala si James Nara."


"Ako nga po pala ang cute na si Hannah Maharlika."


Mukhang may lahi yung iba naming mga kaklase ah, ewan ko lang kung may magiging kaclose ako dito. Sana may ganyan din akong lakas ng loob magpakilala. Cute din naman ako sabi ng nanay ko.


"Ako nga po pala ang poging si Nathan Mendez."


"Hi! I'm Hana Hayes."


Hala ako na pala yung next na magpapakilala sa harapan sana hindi ako magkanda utal utal huhu nakakakaba naman, goodluck self.


"Uh—ako nga po pala si Cassandra Na—"


Hala nakatingin pala siya sa'kin, nakakatunaw din pala yung mga tinginan niya 'no? Nakakahiya, sana hindi ako mapahiya at mautal dito.


"Ako nga po pala si Cassandra Nacon."


Yes, ligtas ako!


Nung pabalik na ako sa upuan ko may biglang pumatid sa'kin at tsaka inirapan ako nung babae at ito na nga ba yung sinasabi ko, eh. Hindi nga ako napahiya sa harapan, napahiya naman ako sa pagpatid sa'kin, hindi ko siya kilala pero mukhang may galit ata sakin 'to at mukhang maldita rin katulad ng kambal ko. Pero ano bang nagawa kong masama?


Lahat sila nag tawanan pati 'tong may saltik sa utak, feeling close, at masungit na lalaking 'to, hindi ko malaman kung bakit galit pa rin sa'kin 'to eh o masaya lang talaga siya sa pang bu-bully niya sa'kin?


"Hahaha, tatanga tanga kasi."


"Kaya nga."


"Tingin tingin din sa dinadaanan pag may time hahaha."


Hala naiiyak ako. Tutulo na ata 'yung mga luha ko, hindi ko kasi inaasahan na magkakaganito pala ako sa unang araw ng klase. Kaya pala una pa lang malakas na 'yung kutob ko, buti pa yung kambal ko hindi inaapi maldita kasi siya eh, kaya kayang kaya niyang labanan kung sino man 'yung bumangga sakanya.


Pabalik na ako sa upuan ko pero yung luha ko na nagingilid na at handa ng tumulo, pero pinigilan ko dahil ayokong maging mahina sa paningin nila.


"Ano? Masakit ba? Haha." Aba, kala mo kung sino makapagsalita. "Panget na nga tanga pa samahan mo pa ng pagka nerdy!" Bulong niya ng mahina pero narinig ko tsk. At tsaka may pagka nerdy daw ako? Pano niya nalaman eh hindi naman niya ako kilala pa? Akala ko ba may galit siya sa'kin? Mas gusto ko na lang na hindi niya ako kausapin.


Tss ako nga sa isipan ko lang sinasabi 'yung "papansin na abnormal" siya, tapos siya makatanga sa'kin akala mo close na kami agad, eh!


Isang subject na lang, mag l-lunch na hihi hindi nila alam na matakaw din ako pero limitado at kontrolado ko yung pagkain ko ng marami kasi kapag nasa public places kami kumakain, konti lang kinakain ko para hindi tumaba hehe.


Dumating na pala 'yung guro namin sa Science. Mukha namang mabait siya.


"Good morning, class!" Hala ang lakas pala ng boses niya? Hindi ko inakala yun ah. Nagsitayuan na kami para batiin na siya.


"Good morning, ma'am." Walang buhay na saad nila.


"Okay, sit down, before we start the class—" Saad ng aming guro subalit ito ay naputol marahil may biglang tumawag sakanya kaya natawa silang lahat pero sana habang hindi pa natutuloy 'yung sasabihin niya sana wag niya na kami ipakilala pa ng isa isa sa harapan.


"I'm sorry, class, but I have to go. It's an emergency kaya class dismissed!"


Nagsihiyawan naman sila kaya ang ingay dito sa classroom. Matik na lunch na agad kasi 'yon naman 'yung next subject namin, eh.


Pero hindi ko pa rin alam kung saan yung canteen, principal office, library etc  mahirap kapag walang kumakaibigan sayo promise—pero nagulat ako kasi may biglang nagsalita sa gilid ko. 'Yung totoo? Ayos lang ba pag-iisip ng taong 'to? Ang gulo niya! Tsk!


"Lunch na, hindi ka pa ba kakain?" Abnormal ba 'tong lalaking to? Yayayain ako kahit galit siya sa'kin at mas lalong nakakapagtaka dahil inaaya niya 'ko kahit hindi naman kami close. "Ayaw mo? Edi wag!" Nag f-feeling close na naman ba siya?


"T-teka, wait lang!"


"Asa ka pa na yayayain kita! I was only kidding, stupid! tsaka sino ka ba, ha? I will never eat with someone like you..." Aba!— "Nerd." Pahabol pa nito bago umalis.


Tss, edi wag takte! Gugustuhin ko bang sumama sakanya?—Hays sinabi ko nga pala na "teka, wait lang" kanina, kaya naman napahilamos ako gamit 'yung palad ko sa mukha ko.


Wah! Ayoko na dito sa eskuwelahan na 'to, gusto ko nang mag transfer agad. Makapunta na nga lang kung saan pwedeng pumunta—at sinuswerte nga naman dahil sa library pa ako napadpad oh, magbabasa na lang ako.


Hmm, gusto ko yung popfiction kasi marami rin akong idolo na hinahangaan, eh. Naghanap ako ng magagandang libro pero hindi ko tipo lahat nang nandito at halos lahat tapos ko na rin basahin.


Lumabas na ako ng library kaya naman pumunta na lamang muna ako sa locker ko marahil may kukunin rin naman ako at buti na lang malapit na 'yung oras para sa susunod na subject.


Buti na lang talaga walang masyadong tao dito, pero ang pinagtataka ko kung okay lang ba si Alexandra kasi diba mag kakambal kami kaya baka binubully rin siya pero oo nga pala... Mas maganda, sexy at sikat siya keysa sakin, malaki talaga ang pinagkaiba namin at dadating pa sa punto na hindi halatang magkamukha kami.


Nang makapunta na ako sa locker ko at nakuha ko na rin yung mga gamit na kukunin ko, bigla na nagring 'yung bell kaya nagmadali na agad ako maglakad papunta sa classroom--pero may biglang tumawag sa pangalan ko.


"Alexandra! Hintayin mo 'ko!"


Ay mali pala ako, kambal ko nga pala 'yon pero nalilito pa rin ako dahil magkatunong kasi yung pangalan namin. Nung pagka lingon ko sakanya bigla siyang tumawa ng pagkalakas lakas, pero may itsura din siya ha? Siya ba 'yung isa sa miyembro din ng mga gwapo na tinitingala ng mga pabebeng babae sa eskuwelahan na 'to?


"Ay sorry akala ko si..." Magsasalita na sana ako pero, "Hindi pala ikaw 'yung maganda, hahaha! Akala ko si Alexandra kapag nakatalikod, 'yon pala pag harap ang panget! Hahaha!" Hala, kala mo talaga kung sino! Feeling close rin ang isang 'to ah? Halos pare-parehas ata silang magtotropa na may pagkasaltik ang pag-iisip, maka-alis na nga dito!


Ganyan ba silang mga sikat sa school na 'to? Mga feeling close? O mema pag tripan lang?


Pumunta na lang ako sa classroom nang matahimik na yung buhay ko para naka-upo na lang ako pero makakatabi ko pa nga pala 'yung masungit na lalaking 'yon. Ano nga palang pangalan niya? Simula kasi nung nagkita kami sa highway hindi ko pa nalalaman 'yung pangalan niya.


Nung pagpasok ko sa classroom ang gulo nila tapos ang ingay parang mga isip bata na naglalaro lang sa langsangan. Dumiretso na lang agad ako sa upuan ko, hayst relax ka lang cass hindi yan nangangain. Nung papalapit na ako sa upuan ko natigilan silang lahat at tinignan lang ako papunta sa tabi ng masungit na 'to, narinig ko na naman silang nag bubulungan.


"Diyan talaga siya uupo?"


Kung hindi dito saan ako pwede umupo, ha? Parang gusto ko silang bwisitin lalo, baka mamaya sa hita mismo ni Mr.Sungit ako umupo tignan natin na maloka bigla ang mga bruhita na 'to! Hmp.


"Oo nga, kala mo talaga kung sino, eh."


Jusko hindi ko alam kung nakakaintindi ba 'tong mga babaeng 'to sa kalagayan ko ngayon, talagang iisa pang bulong oh.


"Tss, feeling maganda lang 'yan."


Hayst maka-upo na nga lang nang hindi na ako nakatayo baka mamaya patirin pa ulit nila ako, eh. Nang makaupo na ako napatingin ako sa katabi ko, nakita ko siya na nakatingin lang sa'kin pero bigla niyang iniwas agad 'yung tingin niya sa'kin... bakit? Anong meron? Hindi naman ako nag lunch kaya bakit niya ako tinignan? Kaya kampante ako na wala akong dumi sa mukha.


Ah, baka namiss niya kapangitan ko, pero buti nga hindi ko alam kung nasaan ang canteen kasi baka pati sa canteen pag tripan niya pa ako. Ayoko maranasan 'yung pangbubully na babatuhin ng pagkain, baka makipag batuhan din ako pag napuno na 'ko.


Ang dami ring tanong sa utak ko eh 'no, malay mo hindi naman pala sa'kin nakatingin. Hays habang malalim ang iniisip ko dumating na rin ang aming guro sa Math.


"Good morning, Class." Matamlay na saad ng guro namin, bakit kaya?


"Good morning, ma'am!"


"Okay class, bago tayo mag simula," Please wag introduce yourself, please wag. "Gusto ko lang sabihin sainyo na sana wag kayong masyadong maingay at magulo dahil may sakit ako ngayon." Ah kaya pala matamlay si ma'am ngayon.


"Okay lang yan ma'am! Mababait naman po kami, eh!"


"Oo nga naman, ma'am!"


"Maaasahan mo po kami diyan!"


Kala mo talaga mababait eh 'no, pero mga plastik naman ang mga batang 'to, tss.


"Ma'am yung mga trasferees po ba hindi na mag—"


Hala! Kailangan kong sumigaw para hindi matuloy 'yung sasabihin niya. Jusko kakapalan ko na lang muna 'yung mukha ko. Para sa'kin din naman 'to, eh!


"Ah, ma'am! Oo nga po pala kaming mga transferees hindi pa po namin kayo kilala, pwede po ba kayong magpakilala saamin?" Sabi ko nang pasigaw na malakas habang pilit yung ngiti ko. Ano ba 'tong pinaggagagawa ko.


Bigla silang napatingin sa'kin na parang nagtataka kung bakit ko 'yon sinabi, sana hindi niyo 'ko kausapin after class, sabay cross finger.


"Oh—right, class, I'm Ms.Conde your teacher in Math."


Habang nag tuturo si ma'am nakatulala lang ako kasi iniisip ko yung nangyari kanina at kung anong magiging reaction nila sa ginawa ko kanina, habang iniisip ko 'yon ang tanging narinig ko na lang na huling sinabi ni ma'am--


"Okay, class dismiss! Magsi-uwian na kayo. Goodbye and God bless."


Nung lumabas na si ma'am, bigla na silang sumigaw lahat habang ako naman walang kaalam alam sa mundong ito. Makatayo na nga gusto ko na rin makauwi at mag pahinga kaya naman dali dali na akong lumabas—pero maiiwasan nga ba na hindi may makasalubong?—



--
Sino kaya 'yon?


-❣

Comment