June, 2013 (Reminiscing VIII)


Alam nyang mag aaral ako kaya ang dami nyang payo sakin. Nag iisip din sya ng mga imposible, tulad ng baka daw makahanap ako ng iba doon at makalimutan ko sya. Oo madaming lalaki dyan pero sa bilyong bilyon na lalaki sya lang yung pipiliin ko at wala na kong balak maghanap ng iba. Andyan na yung makakasama ko habang buhay papakawalan ko pa ba at ipagpapalit? No way!


Bago ako mag start ng klase kinabukasan, kinuha nya yung mga cellphone number ng tita ko at ng ate ko just in case na malate ako ng uwi dahil baka mag gala daw ako. Pag sinabi kong una't huli na yon at di ko na uulitin papanindigan ko yon.


Ayaw ko ng mag away kami. Natatakot na din akong magalit sya sakin. Ayoko ding baka yun na yung maging huli. Ayokong matapos yung relasyon namin dahil lang doon.


First day of class. Hindi ako nakikipag usap kahit kanino. Gusto ko kasi sundin mga sinabi nya sakin ayoko na syang suwayin. Gusto ko gawin yung mga sinabi nya kahit na hindi nya ko nakikita. Mahigpit pero okay na din yon. Nasanay naman na din akong hindi makipag usap sa kahit kanino maliban sa kanya.


Alam nya yung oras ng klase at uwi ko. Maliban ata sa break time namin. Kakasabi lang ng prof namin na isilent o ivibrate yung cellphone namin at sagutin lang yung tawag kapag importante. Tapos ayon sakto bigla syang tumawag. Nag excuse ako sa prof ko sabi ko na lang si papa saglit lang po. Buti na lang pinayagan akong sagutin. Sabi naman kasi pag importante doon lang sagutin, e importante sakin si Ian. Sabi ko nga lang si papa hahahaha.


Una at pangatlong araw maaga pa yung uwi namin hindi saktong 9:30pm. Kaya nakakauwi ako before mag 9:30pm. Nasa usapan namin ni Ian na uuwi ako ng sakto sa oras, kaya pag uwian nakikipag siksikan talaga ako sa jeep naghahabol ako sa oras. Naninigurado pa yon kung nasa bahay na ba talaga ako, magtetext o tatawag yan sa ate o sa tita ko.


Isang beses na late ako ng uwi mga 15mins late lang naman. Galit na galit na sya sakin naipaliwanag ko naman yung dapat kong ipaliwanag sa kanya na uwian ng estudyante yon madaming sumasakay sa jeep. Napagod na din kasi ako makipag siksikan at tumakbo sa sakayan ng jeep. Ang dami na nyang sinabi sakin non baka daw nagiging bitch na ko. Nasaktan ako nung sinabi nya yon. Grabe nya ko pag isipan hindi nya nakikita yung ginagawa o nangyayari sa akin araw araw lalo na yung paghihirap ko pag umuuwi.


Malungkot nga din ako sa school kasi wala akong naging kaibigan sa isang buwang mahigit na pagpasok ko doon. Hindi ko naman pinagsisihan yon. Sya lang talaga iniisip ko sa lahat ng gagawin ko alam ko kasi yung ayaw nya.


Hanggang sa late na talaga ako nakakauwi. As I said before una at pangatlong araw maaga yung nagiging uwian namin. School at bahay lang naman ginagawa ko noon. Bahala na kahit na magalit sya kung late ako nakakauwi, e madaming nasakay ng jeep di din naman ganon kalapit yung school na pinapasukan ko non. Napapaliwanag ko naman kaso nakakainit ng ulo tsaka masakit sa puso mga binibitawan nyang salita. Lagi nya kasi akong pinag iisipan na nanlalaki na ko na baka nagiging bitch na ko. For him information hindi ko inugali maging kaladkarin, basta nag aaral lang ako. Puro na sya maling hinala sakin kaya sinagot ko sya ng baka gawain nya!


Lagi na kaming nag aaway. Hirap na hirap na ko hanggang sa mag hiwalay na lang kami. Nakakalungkot pero pinipilit ko maging masaya isipin na wala akong Ian na nakilala dahil nahihirapan ako mag focus sa pag aaral ko.


Naalala ko pa nung nag away kami sinabihan nya ko nang ang galing ko ng sumagot siguro may nagtuturo sakin. Lahat naman ng sinabi ko galing lahat sakin. Sa totoo lang doon ko lang sya natutong sagot sagutin. Marunong naman pala akong lumaban at ipagtanggol sarili ko. Ang sakit kasi ng sinabi nya yung lalaki daw na makakapulot sakin mahilig sa tira. Pag naaalala ko yan wala lang sakin I just feel numb.


Then august nagka text ulit kami. Hindi naman ako nagpalit ng number non kasi umaasa pa din ako na baka magtext sya o tumawag pag naisipan nya. Pero kinalimutan ko na yung ganon alam ko namang wala na akong aasahan.


Nakilala ko si Frank nung patapos na yung july. May something sa amin pero fling lang wala naman akong balak sagutin yung tao. Lagi kaming magkasama, sabay nagrereview medyo kahit papano nakaka recover na ko sa pag aaral ko.


Tapos ayon nga nung nag august na yung hindi ko inaasahan dumating na. Nagtext si Ian at tumawag sakin namiss ko din sya makausap at makatext. Mga biruan namin dati di na effective sa kanya napipikon na sya baka nga tama sila sa sinasabi nila na magkakabalikan kayo pero di na gaya ng dati. Nag tatalo pa din kami, nakakapagod oo. Nakakasawa na kasi, hindi ba pwedeng maayos at mabalik ulit sa dati yung tayo? Yung masaya lang, nag mamahalan.


Hindi ko na matandaan last usap namin nung august. Sabi ko sa kanya sabihin nya lang na hindi nya na ko mahal titigilan ko na sya. Pero hindi nya sinabi! Ang huling sinabi nya mahal nya ko. Kaya nangako ako sa kanya na babalikan ko sya. Malakas loob ko kasi may pinang hahawakan ako. Sinabi nyang mahal nya pa ko so may pag asa pa maging kami.


3months din kaming hindi nag uusap. Hindi na nya kasi ako nirereplyan e.


Pinilit ko si mama na bumalik ako sa makati. Pumayag naman sya kaya nakabalik ako ng Dec. 05, 2013. Wala pa man din akong isang araw ata doon o may isang araw na may nabalitaan na ko. May girlfriend na si Ian, hindi ako naniwala kaya inistalk ko fb nya and boom. Nabasa ko yung I miss shai nya tsaka Sept. 30 naging sila nung babae ang masaklap pa buntis na yung babae. Ang sakit sakin akala ko kasi may babalikan pa ko, wala na pala. Yung pag asa ko, yung puso ko nadurog at yung mundo ko gumuho. Parang pasan ko yung mundo non sa sakit at bigat na nararamdaman ko. Bakit nagawa nya yon sakin akala ko ba mahal nya ko. Bakit hindi nya pa sinabi na hindi na nya ko mahal! Bakit hindi man lang sya nag goodbye sakin. Wala kaming closure, paano na ko?


Isang beses nakalaro ko sya sa dota2 hindi kami magkakampi. May nag chat sakin doon na kung sino bantay sa FS sinagot ko kung sino sila sabi ng destroyer ipagtanong ko kung sino daw sya ayon pinag tanong ko nga sabi nila si Ian yon nagulat sila bakit alam ko, bakit nakakalaro ko. Sabi ko hindi ko alam isa pa hindi naman kami magkakampi e. Talo sila Ian panalo kami non. After ng game pumunta si Ian sa shop pero nasa labas lang sya di sya pumasok. Andoon si mama nagkausap sila, biniro pa ko ni mama na makikipag balikan na si Ian sakin. Ano ba! Hindi nya alam nararamdaman ko, hindi nya alam na halos napino na yung puso ko sa pagkakawasak tapos magbibiro pa sya ng ganon. Matapos nila mag usap sa labas sinabi sakin ni mama na nanghingi ng sorry si Ian sa kanya, para saan? Hindi man lang nya sinabi yung dahilan. Hindi ko tinanong kasi di ko kaya.


Mga ilang araw nung kukunin ko yung pinalaba ko nakasalubong ko sila tita ethel and Ian pero kunwari wala akong nakita. Bumilis yung tibok ng puso ko. Yung dating magkakilala naging estranghero/a na lang sa isa't isa.


Tapos mga ilang araw pa papunta akong palengke non kasama si ate issay ata. Nakasalubong ko si tito yung papa nya kasama si Ali at Enzo. Ang laki na ni enzo at si Ali nakakalakad na. Nagulat si papa nya na nasa makati na ulit ako sabi pa nya si Ian nasa canada parang ilang araw pa lang na nakakalipas nakasalubong ko pa sya. Alam ko namang nasa canada na sya dahil may nagsabi sakin, pero di ako naniwala. Sabi ko opo tito alam ko may nagsabi po sakin sabay ngiti, ngiting nasasaktan at ngiting puno ng lungkot. Nagpaalam na ko kay tito kahit gusto ko pa makipag usap nahihiya kasi ako na baka pumatak yung luha ko sa harapan nya. Nung nilingon ko sila si Ali nakatingin sakin habang naglalakad sila. Nagb'bye na ko kay ali. Kasi alam ko baka yon na din yung huli na makikita ko sya :(


Ang daya ni Ian. Bakit ganon? Alam ko naman sa sarili ko na madami akong naging pagkukulang pero sinubukan ko naman na bumawi. Huli na din yung pagbabago ko.


Ang dami naming pangako sa isa't isa. Sa totoo lang wala kaming nab'break na promises. Lalo na si Ian, lahat ng pinangako nya tinutupad nya. Tinupad nya sa ibang tao na.


Siguro mag tatatlong taon na anak nya next year. Masaya ako kasi masaya na sya. Masakit sakin oo. Pero ayoko ng guluhin yung kung anong meron na sya ngayon. Pero naiinggit ako, sana ako na lang :(


Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako, hanggang ngayon minamahal ko pa din sya, hanggang ngayon iniisip ko na magiging kami pa kahit alam kong hindi na. Hanggang ngayon iniimagine ko pa din yung mga bagay na imposibleng mangyari. Minsan nga humihiling na ko magkaroon ng time machine para mabago ko yung nangyari dati. Kaso sabi nga ni Alice ng wonderland, hindi mo mababago yung nakaraan. Yung nangyari nangyari na talaga.


Ang hirap hindi man lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para makausap sya edi sana may assurance na yung nararamdaman kong wala na talaga. Alam ko naman kasing wala na talaga. Oo ang tanga ko kasi may anak na yung tao, pero ito pa din ako asang asa na mabibigyan kasagutan mga katanungan ko at magkakaroon na ng closure. Sabi nga nila sakin hindi pa ba daw closure na pinagpalit na ko sa iba, isa pa may anak na sila. Wala bingi bingihan lang. Hindi naman nila alam nararamdaman ko.


Siguro kung inabutan ko sya ng barya nung niregaluhan nya ko ng tsinelas hindi sya lalakad palayo sakin. Kung nakita ko lang umusbong yung rosas na tinanim ko at hindi nasira malalaman ko pa sana kung mahal nya pa ko. Sabi nga nila kapag tumubo yung bulaklak na ibinigay sakin mahal ako nung tao tumubo naman pabulaklak na sana kaso sinira ng lola ko parang relasyon namin nasira. Naniniwala na nga ako sa mga pamahiin at kasabihan dati e.


Gaya din ng sabi ko una at huli. Hanggang ngayon wala pa ako nagiging boyfriend puro fling lang ang hirap na kasi makahanap ng higit kay Ian. Mas madami ng loko loko ngayon kaysa matino.


Masaya at nagpapasalamat ako na nakilala ko yung tao na yon. Kahit na minsan sinasabi ko na sana hindi ko na lang sya nakilala. Binabawi ko agad yung sinabi ko na yan kasi kung di ko sya nakilala hindi ako matututo hindi ko mararanasan maging masayang masaya. Ma enjoy yung mga bagay bagay na kasama sya.


Sa sobrang pilit ko kalimutan yung taong yon, yung utak ko napwersa naging makakalimutin na ko. Yung bang ginawa ko lang o sinabi ko lang 5mins ago burado na agad sa memory ko.


Mawawala si Ian sa isip ko pero hindi sa puso ko.


Hindi pa yan yung kabuuan ng kwento namin ni Ian pero halos masabi ko na lahat. Ayan yung nasa isip ko lahat kaya yan yung na itype ng mga daliri ko. So, paano hanggang dito na lang.

Comment