Anong mundo 'to?

Fidel's POV

"Binibining Klay, hintay!" sigaw ko ang bilis ng takbo niya.

"Huwag mo na akong sundan Fidel!" sigaw niya sa akin. Tila kakaiba ang galaw niya ngayong araw. Hindi gaya ng dati. Tila siya'y problemado at wala sa sarili. Ang nakakapagtaka pa ay nagpapaalam siya na uuwi sa mundo nila. Matagal na niyang sinasabi ang mundo na tila may ibang mundo talaga. Pati na rin ang nobela. Sinundan ko siya at nakita kong papunta siya sa tore ng simbahan. Ano naman kaya ang gagawin niya doon?

"Binibi---ano iyan? Teka wag Binibi---" sigaw ko nang dadaan siya sa hindi maipaliwanag na ilaw. Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan siya pero nag-iba ang paligid. Natulala ako sa nakikita ko. Nananaginip ba ako?

"Binibining Klay, nasaan tayo? Bakit...tila kakaiba ang lugar na ito?" tanong ko sa kaniya. Gulat naman siyang tumingin sa akin.

"Fidel? Bakit ka sumunod? Diba sabi ko sa'yo na uuwi na ako sa mundo namin? Pano ka makakabalik doon?" sabi niya. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong mga bagay na hindi ko mabatid kung ano. May gumagalaw sa daan at marami ang mga ito. Kakaiba!

"Binibining Klay, ano ang mga ito? Hindi kapanipaniwala!" tanong ko sa kanya.

"Sasakyan." sagot niya. Ganito pala ang sasakyan nila dito. Pati mga daanan ay may mga disensyo na. Hindi din lubak-lubak.

"Pano ka na makakabalik Fidel? Nawala na yung portal." nag-aalalang tanong niya. Ngumiti naman ako. Nag-aalala sa akin ang aking minamahal.

"Sasama ako sa iyo at gagawan natin ng paraan, binibini." sabi ko.

"Hayyss Fidel. Halika na nga." medyo iritadong sabi niya at hinila ako.

"Binibini, hindi ba tayo sasakay?" tanong ko sa kanya. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga taong dumadaan.

"Uhm maganda ba ang suot namin? Galing po kami sa play. Oo hehe." sabi ni Klay at patuloy na hinila ako.

"Teka binibining Klay!"

***

Nandito kami sa harap ng isang pintuan. Kanina pa ako manghang-mangha sa mga nakikita ko.

"So ganito, Fidel. Ibang-iba ang mundong pinanggalingan mo kaya umayos ka. Madami ka pang makikita pero tanungin mo lang sa akin ng pabulong. Baka mahalata nilang kakaiba ka. Hindi sila naniniwala na may ibang mundo. Okay. Nandito tayo sa bahay namin." sabi niya kaya tumango nalang ako. Bumuntong hininga naman siya bago kumatok.

*toktoktok*

Bumukas naman ang pinto.

"Klaayyy, anak!" naiiyak na sabi ng babae. Ito pala ang ina ni Klay na magiging ina ko din. Nagyakapan naman sila at nag-iyakan.

"Klay, anak. Akala ko kung napano ka na. Buti nalang at umuwi ka." iyak ng ina niya.

"Namiss kita ma, sobra." sabi ni Klay at niyakap ulit ang ina niya.

"Anak 6 na oras ka lang nawala pero ako din. Kinabahan ako ng sobra kakahanap sa'yo. Akala ko naglayas ka na." sabi ng ina niya.

"6 hours ma?" tanong ni Klay. Tumango naman ang ina niya. Halatang litong-lito si Klay. Pati ako nalito dahil ilang araw at buwan si Klay doon sa amin.

"Anak, sino naman itong binatang kasama mo?" tanong ng ina ni Klay at tumingin sa akin.

"Si Fidel po, boy friend ko." sabi ni Klay. Bo-boyfriend? Kasintahan?

"Sinasagot mo na ako Klay?" tanong ko na may malawak na ngiti.

"Boyfriend? Aba Klay, ikaw ha? Hmm? May boyfriend ka na pala?" panunukso ng ina niya.

"Hindi hindi ma, boy friend as in kaibigang lalaki." sabi ni Klay. Medyo nadismaya naman ako.

"Ay hindi hindi, huwag ka nang magdeny Klay. Ako naman si Narcisa o Narsing, ang nanay ni Klay. Nice to meet you iho." sabi niya at inilaan ang kamay niya. Tinignan ko lang ito dahil hindi ko alam ang ibig sabihin nito. Nagulat ako ng kinuha ni Klay ang kamay ko at inilapat sa kamay ng ina niya. Itinaas baba naman ni tiya, oo tiya nalang, ang kamay namin. Ngumiti nalang ako kahit hindi ko alam iyon.

"Hala pasok na kayo at maupo. Ipagtitimpla ko kayo ng kape." sabi ni tiya at nauna nang pumasok.

"Hayss pinagkamalan tuloy."

"Doon din naman tayo tutungo kaya bakit hindi nalang natin totohanin?" tanong ko sa kanya at kumindat. Namula naman siya at ngumiti lang ako.

"Halika ka na nga pasok na tayo." sabi niya kaya pumasok na kami. Inilibot ko naman ang mata ko sa loob ng bahay. Ang daming kagamitan na kakaiba. Lahat kakaiba. Pinaupo ako ni Klay sa isang makulay at malambot na kutson.

"Klay, ano pala iyong kanina?" tanong ko kay Klay.

"Ahh handshake. Kapag may nagpapakilala at inilaan ang kamay, kunin mo at gawin yung gaya kanina o ikaw, kapag nagpakilala ka ganun din, ilaan mo ang kamay mo. Sign as respect yun. Ganun dito." pagpapaliwanag niya.

"Oh ito, magmeryenda muna kayo." sabi ni tiya. May kape at tinapay sa maliit na lamesa. Umupo si tiya sa upuan na kinakaharap namin.

"So Fidel, paano mo nakilala itong anak ko?" tanong ni tiya.

"Siya ay akin pong nakilala dahil sa amigo ko. Noong una ay hindi kami masyadong magkasundo ngunit pagkaraa'y nahulog ako sa kanya dahil naiiba siya sa ibang mga kababaihan. Napakahabang kwento po." kwento ko.

"Ang lalim ng tagalog mo iho para kang makata." sabi ni tiya. Biglang hinawakan ni Klay ang kamay ko at pinisil.

"Ahh writer po kasi siya ma." sabi ni Klay. Oo nga pala muntik ko nang makalimutan na iba pala sila dito.

"Opo tiya isa po akong writer. May lahi din akong espanyol. Doon ako nag-aral at lumaki kaya ngayon ay aking pinag-aaralan ang wika ng Las---"

"ng Pilipinas" pagpuputol ni Klay sa sinasabi ko. Ngumiti nalang ako kay tiya.

"Oh taga saan ka pala dito sa Pinas?" tanong ni tiya. Tumingin ako kay Klay.

"San Diego po" sagot ko.

"Sa Laguna, ma." sabi ni Klay.

*Kriinngg kriinngg*

"Oh siya, sige dito muna kayo at sasagutin ko lang ang tawag." pagpapaalam ni tiya. Tinignan ko ang malaking itim na parihabang gamit sa may gilid.

"Ano iyon Klay?" tanong ko.

"TV yan. Gusto mo tignan?" tanong niya kaya tumango ako. May pinindot si Klay at umilaw ang TV na sabi niya. Tila may mga tao sa loob. May mga nagsasalita. Yung babae, kamukha ko.

"Hala Fidel kamukha mo" sabi ni Klay. May ibang babaeng nagsalita at napatitig ako. Biglang sumakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.

"Ahh!" daing ko.

"Fidel anong nangyayari?" tanong ni Klay.

"Ang sakit ng ulo ko." sagot ko. Medyo nahihilo ako. Hindi ko na kaya.

"FIDEL!"






Comment