06

"Rechz?"

Na-bigla naman ako ng makita ko si Rechz na naka-upo sa waiting area dito sa labas ng school namin.

Talagang tinotoo niya na sasamahan niya 'ko, ah? Well, 'di ako nag-expect baka kasi nakalimutan din niya since busy siya sa kausap niyang babae kagabi sa bus.

"Hello." Ngumiti naman ito sa 'kin at tumayo sa kinau-upuan niya. Nagpatuloy ako sa pagla-lakad pa-punta sa kinatatayuan ni Rechz.

"Seryoso ka pala talaga na sasamahan mo 'ko?" Tanong ko sa kanya.

"Of course. Ikaw pa ba?" Ngayon ko masa-sabing pa-fall 'to.

Or?

Gusto ko lang talaga siya kaya nagiging assumera ako? Hindi ba dapat normal lang 'tong mga bagay na 'to? Pero bakit kasi parang iba na 'tong nararamdaman ko sa tuwing ginagawa sa 'kin 'to ni Rechz.

Sheeeet. Nakakabaliw.

"Nakapag-pasa ka na?" Tanong sa 'kin ni Rechz. Tumango naman ako.

Actually, si Dani dapat talaga ang magpa-pasa nito at sasamahan ko lang siya pero since nalaman niyang may pasok rin si Rechz. 'Yun, nagbago ng desisyon. Halatang halata, eh.

"Ikaw? Tapos na class mo?" Tanong ko kay Rechz. Nag-lakad na kami papunta sa foodcourt.

"Yup. Bakasyon na pala namin next week. Kayo?"

"Oo, bakasyon na rin yata pero baka mag-hanap kami ng company na mapapasukan namin ni Dani para sa OJT next sem." PaIiwanag ko naman kay Rechz.

"Ikaw? May nahanap ka ng company para sa papasukan mo sa OJT?"

"Ha? 'Di ko ba na-kwento sa'yo?" Napa-isip naman ako kung anong ibig sabihin ni Rechz.

"Ang alin?"

"D'yan ako nago-OJT. Sa F.T. Kaya nga next next week is baka madalang na lang ako d'yan. Konting time na lang kasi need ko para ma-complete ko yung subject na 'yan."

Whaaaat????? Graduating na siya????

Teka laaaang!

Ibig sabihin ba, 'di ko na makikita next sem? Shocks naman, oh.

"Ha? Graduating ka na? Teka, na-bigla naman ako. Akala ko same lang tayo."

"Sorry, 'di ko pala na-kwento. Yup, graduating na 'ko. Kaya nga makaka-hinga na 'ko ng maluwag dahil wala na 'kong iisiping acads. 'Di ba?" Siniko naman niya 'ko at tumango lang ako.

Hindi ba siya nalulungkot na hindi na kami magkikita next sem?

"E-eh, saan ka kapag ka-graduate mo? Hindi ka na bibisita dito?"

"Syempre pupunta din, 'no. Aasikasuhin ko pa naman clearance ko. Siguro that time, nag-OJT ka na. Next week kasi habang bakasyon kayo, kami naman busy sa mga subjects and lalo na yung capstone na need namin tapusin and ayusin para all goods na." Tumango na lang ako.

"Nakaka-bigla ka naman. Akala ko pa naman sabay sabay tayong magta-tapos ni Dani." Natawa naman ako ng bahagya, na may halong dissapointment.

Feeling ko durog na durog ako ngayon, huhu.

"Bakit, hindi na ba tayo magki-kita pagna-una ako maka-tapos?" Tumingin lang ako kay Rechz at napakamot na lang ako sa batok ko.

"Malay mo, 'di ba? Baka maka-hanap ka na ng 'the one' mo tapos maka-limutan mo na ako."

"Ikaw, makakalimutan ko? Malabo, 'no."

Malabo? Malabong ano? Totoo 'yang sinasabi mo? Hmp.

-

"Rechz, pare!" Napa-lingon naman kaming pareho ni Rechz sa tumawag sa kanya. Shit!

Si Chollo. Ano ba yan, sayang wala si Dani. Malas talaga ng babaeng 'yon.

"Oh, Chollo. 'Di ka naka-duty sa F.T?" Tumingin lang sa 'kin si Chollo at ngumiti lang din siya. Gano'n din naman ako sa kanya.

"Hindi Brad, eh. Kailangan ko kasing mag-habol sa exam. Kakatapos lang kasi ng game, 'di ba?" Tumingin naman sa 'kin si Chollo.

"Ikaw yung laging nasa F.T, ah? Close pala kayo?" Tanong sa 'min ni Chollo.

"Oo naman. Ako lagi nagse-serve sa kanila ng order nila." Sagot naman ni Rechz kaya tumango na lang ako.

"Eh, nasaan yung babaeng lagi mong kasama?"

Naku! Kung naririnig lang ni Dani, 'to. Para na 'yung may kiti-kiti sa pwet sa sobrang kilig. Imagine, napapansin rin pala siya ni Chollo.

"Mamaya pa 'yon papasok." Sagot ko naman.

"D'yan ba sa kabilang building kayo nag-aaral?" Tanong niya sa 'kin. Tinignan ko naman si Rechz na busy sa pagkain niya.

"Ah, oo." Sagot ko naman.

"I see. Gusto niyong sumama bukas?"

"Saan?" Tanong naman ni Rechz.

"Bar. Celebration kasi ng championship namin sa laro. Bukas pa ice-celebrate. Eh, busy lahat pagka-tapos ng game, eh. Bukas lang lahat avail." Tumango lang ako. Tinignan ko naman si Rechz na naka-tingin sa 'kin. So? Anong sasabihin ko?

"Ano, g ba kayo?" Tanong ulit ni Chollo. Napa-kamot na lang ako sa ulo.

"Exam kasi namin bukas, eh. Baka 'di rin kayanin." Ngumuso naman si Chollo.

"Aw, sayang naman. Madami pa namang sasama, daming bitbit na outsider nung mga tropa ko, eh. Ikaw, Rechz?" Naka-tingin lang kami pareho ni Chollo sa kanya.

Mukhang ayaw din niya, dahil ba 'to sa 'kin? Huy, ano ba. Ako lang, 'to!!

"Sige, g."

Ha? G?

"Pwede ba 'kong mag-sama?" Sunod na tinanong naman ni Rechz.

"Oo naman, brad. Text na lang kita, ha? Bukas, gabi pa naman, 'yon." Tumayo na si Chollo at um-apir na kay Rechz.

"Una na 'ko. Bye." Nag-babye lang siya sa 'kin at ngumiti lang ako.

After no'n? Wala na, natahimik na naman.

"Party goer ka pala?" Tanong ko kay Rechz para hindi awkward.

"Slight. Pag-trip lang." Sagot naman nito.

'Di na ko magsa-salita. Aba naman, ubos na topic ko, 'no! Na-ubusan na.

"Sino pala si Primo? Friend mo?" Na-tigil naman ako sa kinakain ko ng marinig ko ang tanong na 'yon ni Rechz.

"Primo? Ah, oo. Friend ko. Classmates kami nubg first year. Ikaw, kilala mo?" Umiling naman si Rechz.

"Hindi. Gulat nga 'ko kilala niya si Vivian, eh."

"Ako rin, eh." Na-sabi ko na lang.

"Buti hindi naman kayo gano'ng ka-close? Para kasing iba yung dating niya sa 'kin." Nag-taka naman ako sa sinabi niya. Nagseselos ba siya?

Ay, joke lang. Ako nga lang pala ang may gusto sa kanya. FRIEND nga lang pala tingin niya sa 'kin. Hmp

"Ha? Okay naman si Primo, ah? Mabait tska matalino din."

"Ako rin naman, ah? 95 nga average ko ngayong last sem, eh. Oh, 'di ba?" Na-tawa naman ako sa pagmamalaking 'yon ni Rechz. Sana nga selos na lang ang pinapakita niya. Hayssss

"Nagseselos ka ba?" Pabiro ko naman sinabi sa kanya.

"W-what? Anong selos?" Nawala naman yung ngiti ko. Wow, ha? Parang diring-diri?

"Baka kasi one day, biglang si Primo na ipalit mo sa 'kin as your boy space friend." Talagang nilinaw pa sa 'kin na BOY FRIEND lang, ha?

"Ano ka ba? Kapag pinalitan kita, wala na 'kong free coffee everyday." Pabiro ko naman ulit sa kanya.

"Good." Sagot na lang niya.

Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon?

Bakit parang ang sakit naman na wala man lang kaming chance kahit 1% man lang.

Talagang pinamu-mukha sa 'king kaibigan lang talaga ako eh, 'no?? Hanep ka talaga, Rechz.

Sinaktan mo na nga 'ko, tapos pinaasa pa.

Sabagay.

Ako lang naman ang nage-expect sa 'ming dalawa.

Malamang.

Ako lang naman ang may ibang feelings sa 'ming dalawa, eh.

Titigil ko na ba bago lumala? Tangina naman kasi.

Paano ko mai-titigil kung nagkakaroon ako ng pag-asa dahil sa mga pinapakita sa 'kin ni Rechz.

Yung paghintay-hintay niya sa 'kin sa terminal ng jeep at bus. Yung pag-sama niya sa 'kin everytime mag-isa ako.

Yun ba yung friend lang, ha? Rechz?

Ah!!! Teka nga!

Bakit ko ba iniisip 'to? Bakit ko ba pino-problema, 'to?

Pucha. Ang hirap pala kapag na-hulog ka na.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isipin.

"Huy! Ayos ka lang? Kanina mo nilalaro 'yang pagkain mo." In-ayos ko naman yung upo ko at napa buntong hininga na lang ako.

"Ayos lang naman. May na-isip lang." Sagot ko kay Rechz.

"Ano oras exam niyo mamaya?" Tanong naman ni Rechz sa 'kin.

"Ah, 2 pm pa naman. Bakit mo na-tanong?"

"Aga pa, oh. Mag-11 pm pa lang. Saan balak mo?" Napa-isip naman ako. Oo nga, saan nga ba? Sa F.T?

Baka naman sawa na si Rechz do'n.

"Gusto mo pumasok ulit sa school namin?" Napa-tigil naman ako sa tanong na 'yon ni Rechz.

"Sige. Ano, tara na?"

"Ubusin mo muna 'yang pagkain mo!" Napa-tingin naman ako sa plato ko. Shit! Dami pa palang na-tira.

Pucha, busog na busog na 'ko.

"Busog na kasi ako. Gusto mo sayo na lang?" Offer ko naman kay Rechz since nakita ko namang tapos na siya kumain.

"Nope. Ubusin mo 'yan! 'Di tayo aalis hangga't 'di yan ubos." Bwiset. Para naman akong bata neto.

"Ano ako, bata? Trip mo rin talaga eh, 'no?"

"Oo, baby ka pa. Baby ko. Yieeee" What the- Rechz!!!!! Bakit ang paasa mo?????

"B-baby?"

"Huy, joke lang." Napa-taas naman kilay ko at tumawa.

"Ang funny mo. Funny-walain." Dagdag pa ni Rechz.

Oo, 'te! Funny-walain talaga 'ko, dahil konti na lang mapapaniwala mo na 'ko na friend lang talaga tingin mo sa 'kin. Sakit, ha.

"Mga banat mo kasi, paasa." Bulong ko naman.

"Ha?"

"Wala, sabi ko tara na kasi hindi ko na talaga kayang ubusin 'yan."

"Ay, ay! Hindi. Ubusin mo 'yan, Amadelle."

"Rechzzzz"

-

"Nagpa-pasok pala eh, kahit walang event sa school ni'yo?" Tanong ko kay Rechz.

"Close ko lang kasi yung guard."

"Amadelle?" Lumingon naman ako agad sa tumawag sa 'kin.

May nakaka-kilala sa 'kin dito? Oh, shoot. Si Primo lang pala. Pero ano ginagawa niya dito?

"Primo?"

"Bakit nandito ka, ha?" Taning niya sa 'kin. Tumingin naman siya kay Rechz.

"Ah, I see." Sagot din niya.

"Ikaw? Paano ka naka-pasok dito?"

"Ano ka ba? Professor dito yung ate ko." Nanlaki naman mata ko sa narinig ko. Hanep, big time.

"Talaga? Galing naman."

"Ehem." Agad naman kaming napa-lingon kay Rechz. Shockz, 'di ko pa nga pala napa-kilala si Primo kay Rechz.

"Ay, Rechz si Primo. Yung kasama ko sa F.T last time."

"Yup, I know. Yung nangi-invade ng privacy?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Rechz. Teka, seryoso ba, 'to?

"Excuse me, bro?"

"Joke lang. Oo, kilala ko siya." Sagot sa 'kin ni Rechz.

"Sige na, Primo. May pupuntahan pa kasi kami. See you around na lang."

"Yah, sure. Bye." Ngumiti lang si Primo sa 'kin at umalis na rin.

Agad ko naman hinampas sa braso si Rechz. Lokong 'to! Akala ko gagawa pa ng gulo.

"Ouch! Bakit?"

"Akala ko aawayin mo si Primo, eh."

"What? Duh, ayokong awayin 'yon baka lapagan ako ng chismis, eh. Talo ako do'n." Natawa naman ako sa sinabing 'yon ni Rechz.

-

Dinala muna ako sa canteen ni Rechz. Bibili lang daw siya ng tubig at magba-banyo na rin. Buti na lang nakilala ko 'tong si Rechz, kaya nakakapasok na 'ko dito sa loob.

Dati kasi, nada-daanan ko lang palagi 'to. Tinitignan ko lang kasi ang ganda, ang laki ng field. Pang-ibang bansa itsura. Super lawak pa.

Na-isipan ko naman picture-an ang view dito sa may canteen nila. Ang ganda din ng langit today, ang aliwalas.

"Excuse me, Miss? That's my seat." Napa-tayo naman ako sa kinau-upuan ko at lumingon sa likod ko kungsaan nang-galing ang boses na 'yon.

Shet. Vivian.

"U-uh, sorry. Hindi ko naman alam."

"Outsider ka?" Mahinahon namang tanong niya.

"Dito ka na lang sa harap ko. Sorry, favorite ko kasi ang view dito."

Ang bait pala kausap nito? All I thought is masungit at maldita. Shocks.

"Paano ka naka-pasok dito?"

"Kasama ko si Rec-" Hoy, gaga! Muntik ko pa masabi ang pangalan ni Rechz.

"Ah, I mean. May friend kasi akong taga-dito." Tumango naman si Vivian.

"I see. Nasaan siya?" 'Wag ka munang dadating Rechz, please.

"Nag-banyo lang." Sagot ko naman.

"Let's go, De-" Natigilan naman si Rechz ng makita niya si Vivian. 'Yan na naman, 'yang mga titig na 'yan. 'Yan yung gusto kong makita sa mata mong bwiset ka, kapag naka-tingin ka sa 'kin.

"Rechz?" Sabi ni Vivian na halatang gulat rin.

Bigla naman akong hinila ni Rechz paalis do'n. Hawak niya lang ang kamay ko. Nagpumiglas na 'ko dahil sa higpit ng pagkaka-hawak niya sa 'kin.

Tangina naman. Gulong gulo na 'ko!

Bakit ba ang cold niya kay Vivian? Ano ba si Vivian sa kanya?

"Teka nga!" Reklamo ko sa kanya. Humarap naman sa 'kin si Rechz.

"Bakit ba iniiwasan mo 'yon? Si Vivian 'yon, 'di ba?" Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya.

"Paano mo nalaman?"

"N-nakita ko sa profile mo sa IG. Tska nung sinamahan kita pumunta sana sa registrar office." Paliwanag ko sa kanya.

"Ano? Bakit mo siya iniiwasan, Rechz? Ano mo ba siya?"

"Nothing. She's just my friend." Natawa naman ako sa sagot ng mokong na 'to. Friend? Friend mo ulo mo. Hmp

"Friend? Pero may iwasang nagaganap?" Nakita ko naman na parang naiinis na si Rechz at napakamot na ito sa ulo niya.

"Wag ka ng madaming tanong, Delle. Tara na."

No, Rechz. Gusto ko ng maliwanagan.

Naguguluhan na 'ko.

Akmang hahawakan ulit ako ni Rechz sa braso pero iniwas ko agad ito.

"Rechz, sabihin mo sa 'kin kung sino si Vivian sa 'yo? Bakit mo siya iniiwasan? Baka tama si Primo, na ex mo talaga si Vivian, 'no?"

"And why would I tell you who the fuck Vivian is? Ikaw, sino ka ba? 'Di ba kaibigan lang naman tayo? Bakit kailangan ko pang sabihin lahat?"

And that time. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na yelo.

Natauhan ako bigla.

So, all this time? Wala talaga siyang naramdaman sa 'kin? Kahit konti?

Lahat ng pinakita niya sa 'kin ay dahil sa kaibigan lang kami?

Shit. Bakit ang sakit ng katotohanan?

Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?

Hindi ko mai-buka ang bibig ko.

"S-sorry." 'Yun na lang ang nasabi ko at 'di ko kayang ipakita kay Rechz na nasasaktan ako.

Tumakbo agad ako palabas ng campus. Shit. Ano ba 'to!!!!

Comment