55

MESSAGES

chef pogi
09+ 9:05 P.M

Jerick:

oi ross
matulog ka na
mabinat ka diyan sige ka

Rhoswen:

later dad

Jerick:

sige
musta pakiramdam mo?

Rhoswen:

hindi na ganoon kasakit ulo ko
pero mataas pa din lagnat ko

Jerick:

sige, inom ka gamot mamaya
paalala mo mga 10

Rhoswen:

okay!

Jerick:

ross
gusto ko lang sabihin na
masaya ako na nai-inlove ka na ngayon
pero tandaan mo ha, masiyado pa kayong mga bata
kahit saan mang anggulo tingnan, possibly maging first heartbreak mo din 'yan
at ikaw ayaw pa naman kitang makitang nasasaktan
kahit i-deny mo pa sa'kin rhoswen ridge, alam na alam ko ang bituka mo. alam ko kapag nasasaktan ka
kaya magsabi ka lang kay papa lagi ha?

Rhoswen:

pa
ikaw ba may lagnat sa'tin ngayon

Jerick:

ay bwesit

Rhoswen:

Hahaha
no seriously thank you dad
:( I'm really starting to fall so hard kay cherié
I'm super attached to her

Jerick:

alam ko
kitang kita ko kapag nakatingin ka sakaniya
ganiyan din ako kay archiella noon
pero 'wag mong kakalimutang magtira para sa sarili mo ha?
kasi baka kapag wala na kayo, hindi naman sa sinasabi kong maghihiwalay kayo kaagad pero kasi tanggapin na lang natin na may mangyayari din sa relasyon niyong dalawa (kung meron man)
na baka walang wala ka na

Rhoswen:

hindi ko pa naiisip 'yan
maybe I was too busy being happy
na I forgot that maybe cherié will be gone any time in the future
iiyak ako
☹️

Jerick:

tanggap ko na 'yang cherry mo
pero tandaan mo ha
limitasyon lang palagi

Rhoswen:

hehe
you're the best dad

Jerick:

malamang
ako lang naman tatay ko

Rhoswen:

not until makahanap si mom doon ng americano
😙

Jerick:

sana umapoy pa 'yang lagnat mo rhoswen ridge

Rhoswen:

love you dad
🫡

TWITTER

ross 🍒 🔒 @rhosridge

ini-imagine ko pa lang na wala si cherié sa tabi ko, parang mahihimatay na ako

ross 🍒 🔒 @rhosridge

nasa isip ko pa lang, sobrang sakit na. sana 'wag namang nangyari. she's my first crush, possible first love. ayaw kong siya maging first heartbreak ko. ☹️

Comment