Chapter 9

CHAPTER 9: I'M NBSB NO MORE!


KISEOP's Dorm


Pagpasok na pagpasok ko sa dorm ay biglang may nagtapon ng bola sa akin. Buti at nasalo ko, kundi ang mukha ko ang natamaan.


Mir: Nice one, bro!


Ahh, si Mir pala ang nagtapon sa akin. Tinapon ko pabalik sa kanya ang bola at saktong nasalo nya ito.


Kibum: AHA! Bakit ang ganda ata ng mood natin ngayon ah?


Xander: Asus! Oi ikaw Kibum, alam mo naman na ang sagot, syempre may nakadate yan ngayon.


Mir: Musta ang date niyo? I bet kayo na!


Napasmile ako bigla. Umupo ako sa tabi ni Mir at kinuha ang bola sa kanya. Habang pinaglalaruan ko ang bola ay sinagot ko ang tanong ni Mir.


Kiseop: Tama ka. Kami na nga, pero-


Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi biglang bumukas ang pintuan ng cr at lumabas don si Eli. Magkaconnect kasi ang cr namin sa dorm nina Eli at Xander may connecting door kasi sa cr.. at pagbukas mo ng door ay ang mismong dorm nina Xander at Eli ang makikita mo. Ang ganda nga kasi kung gusto kong bumisita kina Eli ay sa connecting dorm nalang ako ng cr papasok. Minsan pa nga eh don ako natutulog sa kanila- imagine silang dalawa lang sa kwarto nila? Ang daya nga eh!


Eli: Pare dumating ka na pala.


Mir: Ssshh! Sige na Kiseop, ipagpatuloy mo na ang kwento mo!


Kwento? Hindi naman ako story teller eh =.=


Kiseop: San na ba tayo?


Kibum: Ulyanin!


Mir: Sshhh! Don na tayo sa "kami na nga pero-"


Nag-nod ako. Tama! Ang galing naman ni Mir.


Kiseop: Well, kami na nga pero di nya pa alam.


.


.


.


=.=


Xander: Ano pa bang aasahan namin? Sanay na kami jan sa pagkakaroon mo agad ng girlfriend pero di naman alam nung gf mo. Tsk3


Mir: Hayy. Sige matutulog na ako.


Eli: Teka! Bat ka pupunta sa dorm namin?


Mir: Doon ako matutulog sa inyo.


Eli: Sige matutulog na kami. Ikaw Xander? San ka matutulog?


Xander: Dito muna ako kina Kiseop. May assignmnet pa kaming gagawin sa Trigo eh.


Nag-nod lang si Eli at sumunod na kay Mir. Psh. May gagawin daw kaming assignmnet ni Xander? KASINUNGALINGAN. Ako lang din ang gagawa ng assignment tapos mangongopya lang sya. Pero okey lang. Magaling kasi sya sa AP kaya pag may quiz at assignment -- nangongopya rin ako sa kanya. Sensya na, bobo talaga ako pagdating sa AP.


--


Tapos ko na ang assignment sa TRIGO at kasalukuyan itong kinokopya ni Xander nang biglang nagtanong si Kibum sa akin-


Kibum: Bro, ano balak mo? Sa tingin mo ba aabot kayo ni Suzy ng three days?


Natigilan ako. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Aabot kaya ang relasyon namin ng 3 days? Sana.


ANO ba tong pinagsasabi ko? Anong sana? Hayy! Bigla kong naisip si Haeri. Sana kami na ulit.


Magulo ba masyado utak ko? TCH. Hindi naman ah?


Kiseop: Hindi ko alam. May balita ka ba kay Haeri?


Kibum: Hmm. Meron. Makakasama na natin sya sa MAPEH natin.


Kiseop: Hah? Bakit?


Bigla akong na-excite. It means may isang subject ako na makakasama ko si HAERI? Nice!


Kibum: Di ko rin alam eh. Kanina ko lang din nalaman nung may ibibgay ako kay Maam D sa faculty room. Andon kasi sya at sinabi niya kay Sir Romel na gusto nyang lumipat ng MAPEH class nya., pumayag naman agad itong si Sir. Medyo galit pa nga itong si Haeri nung pinapakiusapan nya si Sir.


Kiseop: Bakit naman sya galit?


Kibum: Aba, ewan ko! Sige matutulog na ako.


Humiga na rin ako sa kama ko at nag-isip.. Bakit kaya nya gustong malipat sa MAPEH class namin? Atsaka bakit sya galit? Hindi kaya.. gusto nya ulit kami magkabalikan? SANA nga. Hayy.


teka


bukas nga pala.. hindi ko pa rin nakakalimutan.


na sasamahan ko si Suzy kahit saan man sya magpunta. I need to take care of her. Ewan ko talaga pero parang nagkaroon ako ng obligation sa kanya- na kailangan lagi akong nasa tabi nya kasi baka atakihin na naman sya ng asthma nya. Mahirap na -- sobrang kulit nung babaeng yun, walang pinagkaiba sa ate ko. Atsaka boyfriend nya ako, dapat lang na kasama nya ako lagi.


PERO


Si HAERI pa rin talaga ang laman ng puso ko.. kahit anong mangyari. Sa tingin ko, nakikita ko lang ang ate ko kay Suzy, tama!


---


SUZY's POV


Suzy: Im pretty sure nga.  FRIENDS lang talaga kami.


Yura: Eh anong meaning nyang necklace na binigay nya sa yo? Aber?


Suzy: Wala lang ito. Sign of FRIENDSHIP lang, okey?


Jiyoung: Asus. Firendship - friendship. Im sure kayo na 'no, di mo lang alam.


Suzy: Malabo nga mangyari yun. Hayy. Tara na nga at malelate na tayo, wala pa naman na tayo nakabreakfast.


Jihae: Oo nga. Hayy! Excited na talaga ako. MAPEH na mamaya! At magkakasama pa tayo. Akala ko talaga Filipino lang ang schedule na magkakasama tayo sa iisang klase.


Suzy: Oo nga! Yay! Gusto ko na rin maglaro ng basketball!


Yura: Hoy! hoy! Ano bang akala mo babae? Na pagkatapos kang atakihin ng asthma sa date nyo ni Kiseop eh papayagan ka naming maglaro ng mga activities na nakakapagod? No! No! No!


Suzy: Ha? Hindi naman ako magpapakapagod eh! Promise! Atsaka dadalhin ko naman na ang inhaler ko.


Yura: Kahit na. Mag-chess ka na lang o di kaya Scramble.


Suzy: Eh boring yun! >.<


Yura: Hindi yun boring! Gusto mo tayo pa nga dalawa maglaro ng scramble.


Jihae: O sige na. Bumaba na tayo, gutom na rin ako.


Huhu, kainis naman oh! Sana hindi ko na lang sinabi na may asthma ako. Kainis!


Nang nasa gate na kami ng dorm ay bigla kong nakita sina Kiseop, Xander, Kibum, Mir at Eli.. mukhang may inaantay.


Jiyoung: OMG! Look at me Suzy, okey lang ba hitsura ko? Wala bang dumi sa mukha ko?


Suzy: Wala naman.


Hayy, itong si Jiyoung talaga. Nakita lang si Xander eh natataranta na.


Iniexpect ko na hindi ako papansinin ni Kiseop pero-


Kiseop: Tara na!


Suzy: Huh?


Kiseop: Nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo kahapon na na- tayo na.


Suzy: What do you mean tayo na?


Kiseop: Na girlfriend na kita.


Napalakas ata pagkasabi nya nun. Ang daming estudyanteng nakarinig eh.


Suzy: Wha-


Kiseop: Punta na tayo sa canteen. Gutom na rin ako eh.


With that, hinawakan nya ang kamay ko at sabay na pumunta ng canteen. Ni hindi man lang ako makapag-react. Ang bilis bilis ng mga pangyayari. Boyfriend ko sya?


SO it means, hindi na ako NBSB ? WAA!


--


SO nasa canteen kami ngayon at --


lahat kami ay nasa iisang mahabang table lang. Ganito ang arrangement namin oh.


KISEOP   KIBUM    ELI         XANDER .................................................................  MIR


SUZY   YURA     JIHAE   JIYOUNG


ahm, baka nagtataka kayo kung bakit ang layo-layo ni Mir. Ganito kasi yun.. ahm, nagtampo kasi sya kasi sya lang daw ang walang partner kaya ayun.. nagsosolo sa pinakadulo.


WAA! Hindi ko pa rin talaga ma-digest. Kami na? Bakit? Paano?


Kiseop: Ano next schedule mo?


Suzy: English.


Kiseop: Okey, ihahatid kita sa English Department.


Suzy: Ha? Baka malate ka?


Kiseop: NEvermind. Ayaw ko rin naman ng AP eh. So, after ng English what's your next suject?


Suzy: MAPEH.


Kiseop: Mapeh? What time?


Suzy: 10:00 upto 11:30.


Kiseop: Nice. Hintayin mo ako sa English Depatment at sabay na tayong pumunta sa Mapeh Depatment. Magkaschedule tayo ngayon ng MAPEH. Actually sila Kibum din eh.


Suzy: Err, ganun ba? Sila Jiyoung din eh.


Kibum: Tama ba ang narinig ko? Magkakaschedule tayo sa Mapeh period? NICE! The more the merrier, haha!


Yura: TAMA~


Kiseop: Nga pala, Suzy- dala mo ba ang inhaler mo?


Suzy: Oo.


Nagnod lang sya.


Kiseop: Tara, ihahatid na kita sa English Department.   Sige, mauuna na kami ni Suzy.. kita-kita nalang tayo mamaya sa Mapeh.


Nagwave sila sa amin ng goodbye at pinagpatuloy ulit nila ang kuwentuhan habang kumakain.


>.<


Ganito pala kapag mayboyfriend? Feeling mo safe na safe ka? Eh kais kita mo naman itong si Kiseop-- hinahatid pa ako sa next class ko. and take note ha? Sya pa ang nagdadala ng bag ko. How sweet of him.

Comment