BB #3: It's all about Him

Maikli lang po itong chapter  na ito para maipakilala lang yung lalaki kasi diba hindi siya naipakilala sa chapter 2 so expect na maikli lang po ito.


I'm in my bed thinking of him this morning. Bago bumaba para magagahan naisip ko siya. Bakit ba?? Angal kayo??


So simulan na natin.


His name is Psyre Ethan Guzman, 17 years old and a Grade 12 student in our school. We live in a same subdivision at same way lang pero pagdating sa isang kanto magkakahiwalay na yung daan namin. Kilala ko rin yung mga magulang niya at medyo nakakausap ko naman dahil friends din ng magulang ko ang parents niya. Pero siya hindi ko nakakausap maliban nalang kung school works ang paguusapan at medyo nagkakailangan. Ay ako lang pala. Hehehe.


Ano pa bang maidadagdag ko sa autobiography niya???


Siya yung president ng Head Club sa school since Grade 10 dahil siya yung binoto namin, kahit na yung ibang mas mataas ang grade level ay ginagalang din siya. Top student at running for valedictorian ang peg ng lolo niyo isama pa natin yung looks niya kaya naman marami ang patay na patay sa kanya na pinangungunahan ko. Humss rin ang stramd niya tulad ko.


Nagkakilala kami noong Grade 7 ako at Grade 8 naman siya. Nasa clasaroom ako noon nasa dulo din  at nagtuturo ang teacher namin pero wala yung atensyon ko nasa labas dahil malapit na maguwiaan noon at nakatingin ako sa bintana.


Nakita ko siyang nakatayo habang may kinakausap at shet na malagkit ang gwapo ni kuya.


Nakita ko rin na napatingin siya sa gawi ko which is on 2nd floor ng building namin. Ang ganda ng mata niya, na mesmerize ako.


Ang kaso inalis niya agad baka masyado syang nagandahan sa akin at baka mahalata ko sya kaya ganon.


Ito talagang si Psyre kahit una palang may gusto na sa akin ayaw lang niyang pahalata. Okay lang naman sa akin kung ligawan niya ako, sasagutin ko naman agad siya eh. Ang kaso talagang ayaw niya akong ligawan. Ewan ko ba kung bakit.


Any way kahit na ayaw niya sa akin eh gagawa ako at gagawa ng paraan para mapansin niya ako at ligawan niya ako. Desperada na kung desperada pero ito ang susundin ko.


Mamatay na humarang!

Comment