Part 30

LESLIE'S POV

Ilang linggo na ganito ang siste namin pamilya. Itinatabi na namin si Gia sa pagtulog para mas mabantayan namin mabuti. Si Gio naman ay minsan ay tinatabihan ko sa pagtulog. Nalulungkot ako para kay Gio, naawa siya sa kambal niya, nabanggit daw sa kaniya ni Gia na miss na raw nila maglaro ng buhangin sa beach.

Apat na iba't-ibang gamot ang iniinom ni Gia kada araw, bawat inom niya ay ang pag-iyak niya, at bawat pag-iyak ng anak ko ay ang pagpunit ng puso ko. Araw-araw kaming sinusubok ng panahon, pero hindi kami susuko. Sa ganitong problema, mas napalapit kami sa Diyos. Gabi-gabi, nagkakaroon kami ng mini prayer meeting nila mommy. Si Gio pa ang taga remind namin kapag sasapit ang alas siyete ng gabi.

Minsan pa ay nagpupunta sila Aiki rito para sumali sa pagdadasal namin, siyempre ang gugulo na naman nila. Halos mamaos na sila mommy maging ang parents ni Bada sa kakatawa sa mga sagutan namin magttropa. Napapadalas din ang pagbisita ng parents ni Bada rito, minsan pa ay nagdadala ng kung ano-anong pagkain. Close na sila ni mommy pagdating sa kusina, idamay pa si ate.

"Babe, ngayon ang check-up ni Gia" banggit ni Bada na nasa tabi ko.
"Oo nga, eh. Sana kahit papaano ay maganda ang resulta ngayon"
Nginitian lang ako ni Bada at hinalikan ang noo ko.
"Mimi, are we going to tito Doc?"
Tanong ng anghel na nasa paanan namin ni Bada, naglalaro sila ni Gio.
"Yes, anak..."
"Can I sama, mommy?" pagpapacute ni Gio.
"Hindi pwede, baby eh. Bibili nalang namin kayo ng toys, hmm? What do you want?" Bada.
"I don't want toys, mommy bada. I just want Gia to be okay" Ngumiti naman si Gio kay Gia.
Malungkot akong napangiti sa sinabi ni Gio.

Sana nga, anak.

Nagprepare na kami ni Gia para sa pag-alis namin.
"Wow, so pretty baby."
"really, mommy? but I don't want to wear my sunglasses na because tita Aiki said my nose will be pango" Si Aiki talaga panay kalokohan eh.
"you need to wear it, love. don't listen to your tita Aiki, you're super pretty with your sunglasses, anak."

"Tita Nurse!" Sigaw ni Gia kay Nurse Claire na siyang nag aasikaso palagi sa kaniya kada punta namin dito sa Hospital.
"hi, gia! let's play?" tanong ni Claire kay Gia.
"Just stay here, baby, okay?"
"Yes, mimi. Say Hi to tito Doc for me!"
Iniwanan namin sila Gia habang naglalaro sila ni Nurse Claire. Nakaupo lang kami ni Bada sa office ni Doc. Sy, hinihintay siya na dumating. Kapit ni Bada ang kamay ko at pinaglalaruan ito.

Staring at Bada, I never thought that it had been years since Bada and I started as if we're just playing, but now, we are facing something serious. She never once thought of giving up. I love this woman so much. She's indeed my serenity.

"I can say that Gia's condition can be worse as she gets older. We need to control her food. May isa pa tayong kelangan bantayan. Ang puso ni Gia. Her heart is weak, it can be dangerous every seizure niya. Nahihirapan ang puso niya na magpump ng air kaya her blood affects. kapag hindi natin ito naagapan, it could lead to her death."

Napatingin naman sa akin si Bada. "Doc, isn't there any surgery or medicine that can cure her?"
"There are 2 possible operation. Open surgery pero dahil sa murang edad ni Gia ay baka hindi kayanin ng katawan niya dahil sa lagay niya ngayon. There's 30% na mag success ang operation ang 70% na mag fail at mahihirapan na tayong maisalba siya"

Hindi ko alam ang gagawin. Bakit parang padagdag lang nang padagdag ang problema na hinaharap namin?

"Dok, ano po ang pwede naming gawin? Halos lahat naman ng payo niyo, ay ginagawa namin pero bakit walang pagbabago sa anak ko?"

"Bibigyan ko kayo ng reseta ng gamot para sa puso niya"
"Doc. gamot na naman? Apat na bote na ang iniinom ni Gia. Halos mahirapan na siya i-take ang gamot bakit kelangan pa na dagdagan?" Nagmamakaawang sabi ni Bada.

"Don't worry, it's just a low dosage and her system can handle it."

Puro pasakit nalang ang binibigay sa amin. Hindi ba pwedeng maging normal nalang ang lahat?
Ang gusto lang naman ng mga anak ko ay maglaro sa ilalim ng araw, mangarap kasama kami at ng kakambal niya.

"Anak, let's go na" Binuhat na ni Bada si Gia.
"Bye, tita nurse!" Maligayang bati ni Gia kay Claire.
"Thank you, po. Bye, Gia! I don't want to see you here next time!!"
"you're so mean talaga!!" naasar na si gia.

Palagi kasing ganon ang sinasabi ni Nurse Claire sa kaniya, ang akala pa ni Gia ay ayaw siya kalaro ni Claire pero ipinaliwanag namin sa kaniya na kaya ayaw siya pabalikin sa Hospital ay dahil gusto ni Claire na gumaling na siya.

Pagdating namin sa bahay ay hinayaan na namin na maglaro ang kambal.
Si Bada ay tahimik lang pagdating namin dito. Siguro ay iniisip niya ang sinabi sa amin ng doctor.

"Ling, pwede ba tayo mag-usap?" tawag sa akin no Ate.
pagdating namin ng kwarto niya ay kinuha niya ang laptop at binuksan niya 'to.
"anong meron, ate?"
"hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sa'yo 'to, pero mas kakainin ako ng konsensiya ko kung hindi ko sasabihin"
naguguluhan ako sa sinasabi ni ate.

BADA'S POV

"babe, sige na naman oh. para naman sa buhay ni Gia 'to eh" hanggang ngayon ay pinipilit pa rin ako ni Leslie sa sinabi ni Viela. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Viela eh. malay ko ba kung anong plano niya, hindi pa ganon kabuo ang tiwala ko sa kaniya 'no.

"babe, alam mong illegal 'yan. ayaw ko na pati ikaw ay malagay sa kapahamakan. kaya hindi ako pumapayag"
"babe, nakita ko yung isang bata na may dravet syndrome sa ibang bansa, pinakita sa akin ni ate na dahil sa gamot na 'yon ay gumaling siya"

"babe, ikaw na mismo nagsabi na sa ibang bansa 'yon. legal sa ibang bansa, pero dito sa pinas, hindi."
"bada naman!"
"no, leslie. babe, please naman, gagawin natin ang lahat ng paraan pero hindi yung sa ganitong bagay"

hindi ko alam kung anong tinatak ni viela sa isip ng asawa ko at naisipan niya na gawin 'yon. maaring tama nga siya, pero ayokong ilagay sila sa kapahamakan.

iniwanan ako ni leslie dito sa kwarto, hindi ko alam kung saan pumunta. paglabas ko ng kwarto ay inabutan ko si viela na nakikipaglaro sa kambal.

nakatingin lang 'to sa'kin na parang may pag-aalinlangan. sandali akong umalis sa bahay at binilin muna ang kambal kila mommy. gusto ko lang muna huminga, masiyado akong nasstress. pumunta ako sa playground dito lang sa loob ng subdivision.

pinanood ko lang ang mga bata na naglalaro sa seesaw habang nakaupo sa bench. ang saya nilang magpapamilya, kami kaya? kelan kami makakaranas nang ganito? yung walang problemang iniisip? napatingin ako sa asul na langit.

bakit kami pa ang napili mong pahirapan?

may panahon talaga na mapapatanong ka nalang sa Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to eh. masama ba kaming tao para maranasan 'to? bakit ang anak ko pa? bakit si Gia pa?

pagbalik ko ng bahay ay sa malayo pa lang ay nakita ko silang nagkakagulo.
"BADA!" sigaw ng daddy ko habang buhat si Gia na inaatake na naman.
"I'm sorry, hindi ko sila nabantayan nang maayos..." naiiyak na sabi ni daddy.
"bada, dalhin na natin siya sa hospital" sigaw ni mommy.
"nasaan si leslie, mi?"
"hindi ko alam, anak? akala ko nga magkasama kayo? jusko, ang apo ko" natataranta na si mommy.

dinala ko na si gia sa kotse habang si daddy ay nagddrive. hinugot ko ang phone ko sabay dinial ang number ni Leslie.

ilang beses 'tong nagring at sa wakas ay sinagot niya na 'to.
"babe, where are you? papunta kami sa hospital, babe. si gia inaatake na naman" nag-aalalang tanong ko kay leslie.
don't tell me sinunod niya talaga si viela?!?

"p-pauwi na ka- ako, p-pupunta na ako sa hospital"
"babe, please..."
"bada..." after non ay ilang busina ang narinig ko.
"leslie!"
"babe!!" ilang busina ang naring ko sa kabilang linya at namatay na ang tawag.

LESLIE'S POV

"leslie, sigurado ka ba sa gagawin mo? delikado 'to"
"ate, tawagan mo na yung nakausap mo, please. kelangan natin 'to. sige na ate, please." nagmamakaawa na ako kay ate para lang samahan niya ako sa lugar kung saan makakakuha na kami ng pwedeng ipang gamot kay Gia.

pinag isipan ko ng mabuti bago gawin 'to. I will do everything to save my daughter, kahit ikamatay ko pa.

"ate, sigurado ka ba?! marijuana? ate, tatlong taon lang ang anak ko!" sigaw ko kay ate.
"ling, I did my own research! nakita mo naman 'diba? gumaling yung bata! hindi imposible na mangyari rin kay gia 'yon!"
"ate..." nag isip ako nang mabuti. hindi ako pwede kumilos nang padalos-dalos.

"tell me where I can get that marijuana" nakapikit na sabi ko habang nakatalikod kay ate. wala na akong magagawa pa, kung ito lang ang tanging paraan para gumaling ang anak ko, ay gagawin ko.

I'm sorry, Bada...

umakyat kami ng Benguet para kitain ang pinagbilhan ni ate ng sinasabi niya. maingat kaming nagmamasid sa paligid baka may makakita sa amin.

habang pababa ng benguet ay biglang tumawag si Bada.
"babe, where are you? papunta kami sa hospital, si gia inaatake na naman" mas lalong bumilis ang pagtakbo ko ng sasakyan pagkasabi non ni Bada.
"p-pauwi na ka- ako, p-pupunta na ako sa hospital" hindi pwedeng malaman ni Bada na magkasama kami ni ate.
"babe, please..." 

hindi ko na nagawang patayin ang tawag. nakarinig na lamang ako ng malalakas na busina galing sa isang truck.

"LING!"
"Bada..."



















Comment