The Mayhem Hills

CATHERINE POV


Message from Eli:


Babaitaaaaa! May rehearsal tayo mamaya after classes ahhh kaylangan para sa finals naten.


Nawaglit sa utak ko yung finals shet!! Hanggang ngayon kase hindi parin binabalik yung mga instruments ko.


Bumaba na ako para magbreakfast.
Nang biglang may narinig akong pamilyar na boses ng lalake. Aiden. Omaygahd sana mali itong iniisip ko.


"Sige po." Sabi ni Aiden sa daddy ko.


ANO NAMAN ANG GINAGAWA NG KUPAL NATO SA PAMAMAHAY KO TAENA.


"Daddy. . ." Tawag ko kay dad at parehk pa silang napatingin saken.


"O Cath, mabuti't bumaba ka na anak." Sabi niya at ngumisi na lang ako.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Aiden


"Ahhh yun nga pala anak, nagulat din ako ehh sa totoo lang pero ang sabi niya saken gusto ka daw niya makasabay papuntang school." Pageexplain pa ni daddy.


"Kaya ko naman nagdrive papuntang school." Sabi ko.


"Dala ko naman yung kotse ko kaya ako na lang magddrive para sayo." Sabi ni Aiden.


"O siya siya kumain na tayo ng almusal mga anak. Aiden sumabay ka na din samin." Sabi pa ni Dad.


JUSME TOTOO BA ANG MGA ITO? SA PAGKAKAALAM KO NAGMOMOVE ON AKO SA HAYOP NA TO EH.
Agad agad kong kinuha yung phone ko at chinat si Ethan.


Cath: omaygahd Ethan! Andito si Aiden sa bahay taena susunduin daw ako ni gago fckkkkk. Send helppppp


Ethan: legit? pake ko? HAHAHAHAHA


oo nga nohhh -.-


Ethan: sunduin din ba kita jan?


Ethan: Joke HAHAHAHAHA


Cath: nakakatawa yon?🙄


Pare pareho na kaming nakaupo dito sa dining table. Kumpleto ang lahat except sa kapatid kong kupal. Bale si mommy at daddy at si Aiden na nasa tabi ko lang.


Shempre binilisan ko ang kain ko para naman matapos na ang kalbaryo na to nohhh.


"Kamusta naman ang parents mo Aiden? Ano work nila?" Tanong ni Dad.


Napatingin ako sa kanila, para akong tanga na palingon lingon sa magkabila kong side.


"Pareho pong tungkol sa business ang work nila mama at papa." Sagot ni Kumag.


After ko kumain nang sobrang bilis ay tumayo na ko. Iniwanan ko sila na kumakain at dumerecho ako sa kwarto ko.


Di ko naman pwede sabihin to sa tropa ko kase magsisigawan lang sila sa sobrang kilig amppp. NAKAKAINISSSSS!


Ethan calling. . . .


Agad agad ko namang sinagot ang tawag niya.


"Uyy pre ano gagawin ko? Andun siya sa baba kasama yung parents ko! Paalisin ko na ba siya? Ano gagawin ko uy!"


"Uyy ano ba chill ka lang! Sabayan mo na si lover boy baliw nakakahiya naman sa kanya." Sagot niya. Ganda boses niya sa phone ahh wow.


"Nasa state ako ngayon ng moving on diba? Di ko alam ahhh pero naiinis talaga ako ngayon di ako natutuwa." I said back.


"Edi kapag mamaya kayong dalawa na lang sabihin mo sa kanya yan. Ganon dapat." Sabi niya.


"Cath! Bumaba ka na rito at naghihintay si Aiden anak." Sigaw ni mommy.


"Talk to you later byyeeee!" Binaba ko na yung phone ko.


I grabbed my stuffs pati yung earphones ko at bumaba na.


Naabutan ko si dad na hinihintay ako sa may hagdan kasama si Aiden na nakalagay ang pareho niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pants niya.


"Uhmm dad may rehearsal kami mamaya ng banda namin. Just pick me up after school." Sabi ko kay dad.


"Ako na lang magsusundo sayo. Tito, ako na lang po." Humarap pa siya kay dad.


"Nako nakakahiya naman sayo magjejeep na lang ako hehe." Sabi ko naman.


Ayaw ko nga na makasabay ko pa to pauwi duhh.


"Kayo bahala anak, basta okay lang saken kung ihahatid ka niya dito sa bahay. Mas better yun." Sabi ni Dad.


Ngumiti naman tong kupal na to🙄 tanggalan ko kaya to ng ngipin.


"Magjejeep na lang talaga ako." Sabi ko tapos umalis na ko sa eksena.


"Salamat po sa breakfast tito." Rinig kong sabi ni Aiden kay Dad.


May pa-tito pa siyang nalalaman amppp. Kamag anak lang ang peg? ULOL.


Andito na kami sa labas ng bahay at dito nakapark ang kotse niyang panget! Mas maganda pa yung akin duhhh.


Sumakay na kaming dalawa sa kotse. Hindi ako naaawkward actually, naiinis talaga ako.


"Baket ka pumunta sa bahay?" Basag ko sa putanginang katahimikan.


"Gusto ko bumawi sayo Cath. And i mean it." Sagot niya.


"Pumayag ba ko na bumawi ka? Ayaw ko kase okay?" Sabi ko at humarap ako sa kanya.


"I dont need your permission. Gusto ko talaga bumawi please, hayaan mo na lang ako." Sabi niya.


Sumandal na lang ako sa upuan kesa naman sa masuntok ko siya sa muka dahil sa inis.


"May magagawa ka ba kung ayaw ko na sayo. Tss." Then i looked at the window beside.


"Meron. Alam kong hindi ka pa nakakamove on saken." KAPAL NG MUKA MO!


NAKAKADIRIIIIIIIII!


"Sa ugali mong yan sinong matinong babae pa ang papatol sayo." Bulong ko.


"Sakit mo naman magsalita." Sabi niya.


Sorry ahhh deretso kase ako sumagot ehh duhh. Pranka na kung pranka atleast di ako fake nohh.


"Pero okay lang, tatanggapin ko lahat." Dagdag pa niya.


Sa pagtingin ko sa bintana, pansin kong iba ang daan na ito sa papuntang school.


"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.


"Basta. Just trust me on this please. Wag ka muna magalit saken." Sinabi niya nang mahinahon.


Should i trust him again? Parang hindi ko talaga kaya.


Binuksan niya yung radio at bigla namang nagplay yung pinakakinaiisan kong kanta. Say you won't let go by James Arthur.


"Favorite song natin yan ah." Sabi pa niya.


"Ikaw lang." Sagot ko.


"Anu ba. . . . Napakabitter mo talaga noh?" Tawa tawa pa siya.


"Nakakainis ka kaseeeee!" Nagsstart na kaming magkulitan. Awwww.


And then we just laughed all the way.


~ ~ ~ ~


"Baket mo ako dinala dito." Sabi ko sa kanya.


Baket niya ako dinala dito? Sa lugar kung san nagsimula ang lahat. Ang mayhem hills.


"Fresh air." Maiksi niyang sagot.


Ito ang lugar na kaming dalawa lang ang nakakaalam. Sobrang gandang tambayan to tuwing gabi, masarap magstar gazing. Andito kami sa gilid ng highway at walang mga kotse na dumadaan kase nga paakyat na ito ng bundok.


"Sabihin mo na kung ano gusto mong sabihin." Sabi pa niya.


So dinala niya ako dito para pagurin sa pagsasalita ganon?🙄 he is wasting my fucking time.


"Wala akong dapat na sabihin sayo." I dont have to explain myself. Sabi ko sa kanya hindi niya deserve ng explanations.


"Cath please. I wanna make things clear between you and me. Look, sorry sa lahat. I swear to God, pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko na nakasakit sayo."


Ayan nanaman yung mga luha ko, tutulo nanaman sila nang kusa. Sumandal ako sa kotse, sobra nanaman ang mga nararamdaman ko now at the same time.


"Baket Aiden? Baket kaylangan mo pa bumalik?" Tanong ko sa kanya.


Kitang kita ko sa mga mata niya ang totoo. Nagsisisi nga siya.


"Wala akong intensyon na lokohin ka. . ."


"Oo gusto kita! Pero ayoko na pls." Pagputol ko sa sasabihin niya.


"Hindi mo alam ang lahat ng pinagdaanan ko nung nawala ka saken." Dagdag ko.


"Iuwi mo na ko Aiden. May classes pa tayo."


I admit naman na sumasaya ako sa kanya to the highest level pero kase parang hindi naman tama na bumalik pa ko sa kanya. Ano yon? Past repeats itself lang ang peg? No way.


"Kaya kitang patawarin. . ." Sabi ko na kanya namang ikinatuwa.


"Pero hindi tayo babalik sa dating gawi." Pagtatapos ko.


"Ano ba ang mga ayaw mo saken at nagkakaganyan ka ah? Dati sobrang bilis mo akong patawarin even on big things." Sabi niya na para bang nagagalit siya.


"Yan pa talaga ang tinanong mo saken? Marami akong ayaw sayo pero eto lang ang sasabihin ko sayo, duwag ka." I replied at nagiba ang reaksyon ng muka niya.


"Kayang kaya kita ipaglaban eh." I lowered the tone of my voice.


"Naalala mo pa ba dati, tumatakas ako sa parents ko para lang makasama ka. Pinapatago ko lang sayo yung phone ko everytime na nasa galaan tayong dalawa kase natatakot ako na baka tumatawag na pala saken si mommy and daddy." Natatawa ako na naiiyak sa mga sinasabi ko. Cringe af.


"See? Kaya kong sumugal para sayo. Pero ikaw? Anong kaya mong gawin para saken? Duwag ka Aiden. Tapos malalaman ko na lang na may girlfriend ka na pala ganon?"


"Catherine nagkamali ako sa mga naging desisyon ko noon. Kaya please, hayaan mo na lang ako na itama ang lahat. Ipaglalaban na kita ngayon, patuloy kitang mamahalin, susuyuin kita ng totoo." Sabi niya na sobramg nagpapagaan sa loob ko.


"Hindi ko alam Aiden." Yun lang ang nasabi ko.


Then i went inside the car.


To be continued. . .

Comment