KABANATA 7

All this while I kept thinking where did I go wrong, all this while he wasn't mine to lose.

Days passed by fastly. We talked about the divorce and settled the issues, such as how property will be divided, child custody, child support, an alimony.

Wala namang naging problema. I agreed that our daughter will stay under Caspian . Pero malaya ko siyang bibisitahin at pwede rin siyang makitulog sa akin kapag gusto ko.

We were married in another country so we were able to have a divorce. And I regretted it a lot.

Since we agreed to the terms of the divorce, a court hearing won't be necessary.

At first, I couldn't think properly. Am I really ready to let go of my husband?

Pero iyon naman ang ikakasaya niya, hindi ba? And it was enough for me. Ayos lang na lunurin ko ang sarili ko para mailigtas siya.

When someone else's happiness is your happiness, that is love.

And today is August 19, my daughter's birthday.
I am currently cooking foods for her. Mamayang gabi ay pupunta ako sa ospital upang doon kami magdiwang. Hindi kasi pwedeng umalis siya ngayong araw.

I was humming happily as I prepared the foods. At least I have my daughter. She was the reason to keep me going.

Pagkatapos kong ihanda ang mga pagkain ay dumidilim na. I took a bath, wore a simple red ress and partnered it with white rubber shoes.

Dala- dala ko ang mga pagkain habang naglalakad ako papasok sa ospital. My smile was wide but it suddenly faded when I scanned the whole hospital.

I just didn't expect that it would be a mess.

Maraming nurses ang pabalik -balik sa room ng anak ko at ang iba ay nagpapanic na. Nang makita nila ako ay hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

Kumunot ang noo ko at sinubukang sumilip sa loob ng kwarto ng anak ko. Ngunit pinipigilan ako ng mga nurses na para bang may hindi dapat akong makita.

Agad dinaga ng kaba ang dibdib ko. At ayoko mang mag-isip ng masama ay hindi ko na maiwasan. Paulit-ulit akong nagtatanong sa mga nurses na naghihintay sa labas ngunit wala silang maisagot sa akin.

Palakad-lakad ako sa labas habang naghihintay. Nanginginig na ang aking mga kamay at hindi ako mapakali.

Nang bumukas ang pintuan ay halos takbuhin ko na ang daan patungo sa loob.

Nang umapak ako sa loob ay nagpantig ang aking tenga sa narinig.

" Time of death, 7:16 pm. "

Tumigil ang aking paghinga.

Tumigil ang pag-ikot ng aking mundo.

Nabitawan ko ang pagkaing dala ko at napahandusay sa sahig.

Nanghihina man ako ay sinubukan kong tumayo at nagtungo sa kama ng anak ko.

And there, I witnessed her cold body .

Hinawakan ko ang kamay niyang sobrang lamig na at paulit- ulit hinaplos ang kaniyang pisngi.

" N-no..my d-daughter.. Oh God. " I cried. Hindi ako makapaniwala.

Hindi ko namalayan na nandito na pala sa tabi ko ang kaniyang ama. Tulad ko, hindi rin siya makapaniwala sa nasaksihan.

Paulit-ulit kong niyugyog ang balikat ng anak ko ngunit nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata.

" Anak... anak ko.. parang-awa mo, gumising ka na. " I sobbed. " Huwag namang ganito , anak. Huwag mong iwan si mama. Gumising ka na diyan. " I tried to wake her up, hoping that she will, but she didn't.

Napahandusay na ako sa sahig at kung wala si Caspian para saluhin ako ay baka nawalan na ako ng malay. Wala na akong nagawa kundi yakapin siya at sumigaw.

" Caspian, yung anak ko..." sumbong ko. " Yung anak natin.. wala na. "

Halos magwala na ako sa loob ng ospital. Mabuti nalang at naroon si Caspian para piglan ako.

No. I won't ever accept that she's gone. Hinding hindi ako maniniwala. Parang kahapon lang, magkasama pa kami at ang lawak ng kaniyang ngiti. Sinabi niya sa aking gagaling siya! Marami pa siyang gustong gawin at puntahan. She even told me that she wanted to watch us getting married again. That was her wish.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari, basta ang natatandaan ko ay nahimatay ako habang yakap yakap ako ni Caspian.

Paggising ko ay bumungad sa akin ang maputing kisame at ang mukha ng lalakeng hindi ko inaasahang makita. Agad akong napabangon nang maalala kung ano ang nangyari.

Agad akong dinaluhan ni Caspian na may pag-aalala.

" How long have I been sleeping? Where's my daughter? " I asked.

He sighed. " You slept for 2 hou-"

" And you didn't bother to wake me up?" I raised my voice .

Nagmamadali akong lumabas at sinundan ako ni Caspian.

" Our daughter is in the morgue. Everything's been taken cared. For now, you should go home , take a rest and wait there. " He convinced me.

Galit akong bumaling sa kaniya. " You expect me to just rest when I lost my daughter?" I burst out. Hindi ko na alintana kung pinagtitinginan kami ng mga tao roon.

He let out a small smile which made me more irritated. How dare him smile when he just lost a daughter?!

He fished his phone from his pocket and answered it.

" Alright. " Maya-maya ay ibinaba niya ang tawag at bumaling sa akin.

" Our daughter is at home. "

I got teary eyed when I heard what he said. I wasn't even there when she took her last breath and now that she arrived home, I wasn't there. I failed as a mother.

" Aiana, anak.." Mama immediately hugged me when we arrived home.

Hindi ko na naman mapigilan ang muling pag-iyak. Hindi ko na kaya. Hindi ko na alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay ko ngayong wala siya. She was the only reason to keep me going.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kabaong ng anak ko. Nang maaninag ko ang kaniyang mukha ay muli na namang naglandas ang aking mga luha.

Nasa tabi ko si Caspian at nakahawak sa akin dahil baka matumba na ako sa panghihina.

I caressed the glass that was covering her. It seems like she was only sleeping peacefully. A small smile was plastered on her face. She was wearing a beautiful white dress with a crown in her head. Yes, she always wanted to become a princess.

My daughter, are you happy? Probably yes. Tapos na ang paghihirap niya dahil sa sakit niya.

Pero ako, nagsisimula palang. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak nang umiyak.

My daughter..... I'm sorry for being a terrible mother. I failed you. I failed as a mother.

Biglang may nag-abot sa akin ng isang piraso ng papel. Bumaling ako sa asawa kong nakaupo sa aking tabi.

He urged me to read it, and so I did.

I took the paper from his hand and opened it. Napatakip ako sa aking bibig nang mabasa kung kaninong sulat iyon .

Dear mommy,

Hi mommy! I feel shy po to tell you this so I'm going to write a letter nalang po. Huwag po kayong tatawa po ah?

First of all po, thank you po for bringing me into this world po. Salamat po sa pagpapalaki niyo sa akin po at sa love niyo po. Ikaw ang the best mommy in this world po!

I'm sorry po kung nagiging pabigat ako sa inyo po dahil sa sakit ko. Don't worry po, kapag nakalabas na po ako sa ospital, ako naman po ang mag-aalaga sa inyong dalawa ni daddy.

Sana po magkabalikan na po kayo ni daddy:(.
Wish ko pong makita ulit po kayong magkasal . I love you  po mommy!

Your pretty daughter ,
Thraia ♡

Napahawak ako sa dibdib dahil sa sobrang sakit. Basang basa na ang papel dahil sa mga tumulong luha ko. Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong umiyak roon. Nang lumingon ako sa tabi ko ay wala na roon si Caspian.

Maya't maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng heels at boses ng isang babae. Bumaling ako sa aking likuran at nakita ko ang taong pinakaayaw kong makita.

The woman named Trisha was holding Caspian's arms with a smile on her face. She was even wearing a dress and her face was full of make up. She even shamelessly smiled at me.

Hindi ko nalamang siya binigyan ng pansin dahil ayokong gumawa ng eksena dito. Sana lang ay igalang niya ang anak ko. Hindi ito panahon para maglandian.

Naramdaman ko ang kaniyang presensiya.

" Condolence. " She tried to make her voice sad but it seems like she wasn't even sincere.

I just nodded at her without giving her a glance. I know Caspian was by her side too.

" Ugh . " Dinig ko ang maarteng pagdaing niya.

" What happened? " I heard Caspian's voice.

" Nasusuka ako, " she stated. " I think I'm pregnant. We should go see a doctor, " she groaned.

Kumuyom ang kamao ko sa narinig. Wala akong pakialam kung buntis ka!

Bumaling ako kay Caspian na nagdadalawang-isip kung ano ang gagawin.

" Caspian, our daughter needs you. " I looked at him with a hopeful face.

Trisha acted crying. " But what if I'm pregnant? Our child also needs you. Besides, your daughter is gone now. "

" Trisha!" Caspian shouted.

Napakapit ako ng mahigpit sa upuan. Gustong gusto ko nang kalmutin ang babaeng ito ngunit pinipigilan ko alang alang sa anak ko.

" We need you, Caspian. Kahit ngayon lang, samahan mo kami. " It was almost whisper.

Umaasa akong kahit ngayong araw lang ay piliin niya kaming mag-ina. Kahit ngayon lang.

Ngunit tulad ng dati niyang ginagawa, binigo niya kami ng anak ko.

" I'm sorry. But Trisha needs me ," he said.

Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.

" What about us? " I asked with a small tone.

He sighed . " I promise I'll come back. " He replied as they left.

And that's when I started to hate promises.

Because he never came back after that.

He didn't fulfill his promise.

He abandoned me and his daughter.

                                

Comment