AKALA

Anong nangyari sa ating pagsasamahan?
Akala ko ba wala ng iwanan
Akala ko wala ng bitawan
Akala ko abot na hanggang kahuli hulihan.
Hindi ko akalain na ikaw pa ang lilisan
Hindi ko akalain na ikaw pa ang puputol nitong ating ugnayan.
Sana naman naisip mo aking mararamdaman
Mararamdaman kung ika'y lilisan.
Saan ba ako nagkulang?
Lahat ginawa ko ika'y mapasaya lamang
Lahat isinakrisyo ko para sayo
Sayo na minamahal ko.
Pasensya kung ako'y may nagawang kasalanan
Kasalanan na nakasakit sa iyong damdamin
Ako'y humingi ng tawad.
Tawad pagkat ako'y nagbabaka sakali
Nagbabaka sakali na ika'y bumalik pa.
Mahal ang sakit
Ang sakit dahil hindi ko matanggap
Hindi ko matanggap na wala kana
Pero tandaan mo ko hindi ako susuko
Hindi ako susuko sayo
Kasi ikaw yung taong hindi dapat sukuan
Pagka't ika'y mahal ko nang lubusan
Kaya handa akong magpakatanga para sayo
Lahat ay gagawin ko bumalik ka lang.
Di ko alam direksyon nitong aking buhay
Di ko alam kung wala kana.
Mahal hihintayin kita
Hihintayin kita hanggang ika'y muling handa na
Hintayin kita kahit gaano katagal
Pagkat ikay minamahal.

  • Chapter list
  • Setting
    Background color
    Font
    Font size
    Frame width
    Spacing
  • Info
  • Comment
Comment