chapter 8:

Gela's pov


Back to school ang show ngayon. Kung magtatanong kayo if anong nangyari sa party. Dahil maganda ako, magkwento ako sa inyo ganito yun..


Ang nakaraan.....
.


Nagsasayaw kami ngayon ni Ze sweet music kasi ang pinatugtog. Kaya nagkayayaan na magsayaw.


"Gela sana wag kang magalit may ipagtapat ako sayo" kinakabahan niyang wika. Nanahimik nalang ako sign na ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.


"I want to court you" mata sa mata niyang wika. Samantalang ako ay parang kandela dahil hindi ako makagalaw. Ano naman ang isasagot ko wala naman akong mahanap na salita para sabihin.


"Alam ko na mali to dahil kaibigan kita pero anong magagawa ko gela mahal kita at ayokong pigilan ang nararamdaman ko. Matagal ko na tong nararamdaman kaya panahon na para sabihin to." Mahabang paliwanag niya. Samantalang ako ay tahimik na nakikinig.


"Pero Ze di ko alam anong isasagot ko dahil kaibigan kita"


Kaibigan lang talaga ang pagtingin ko kay Ze parang kapatid narin silang dalawa ni aki. Hindi ko alam na hahantong kami sa ganito.


"Alam ko gela but please let me show you how much I love you. Gusto ko lang mararamdaman mo yun."


Tanging tango lang ang naisasagot ko. Pero paano ko sasabihin sa kanya na wala talaga akong gusto sa kanya  ayokong paasahin siya. Gagawa siya ng effort pero wala lang rin naman pala.


Back to reality


Kaya naiilang akong pumasok ngayon. Nahihiya akong harapin si Ze para kasing he didn't deserve a girl like me. Who can't love him back. Malapit na ako sa room nang


"Gela can we talk" drew


"About what drew?" Ako


"About me and aki." Tumango ako at umupo sa tabi niya sa bench.


"I know you don't want me for aki but please let me prove to you how much I love her. Noon paman mahal ko na siya pero may mga hadlang at ngayon gusto ko na silang ligawan kahit anong hadlang kahit ikaw!" drew


Wow ah. Ganito ba ang nagagawa ng love? Powerful naman masyado. Paano kaya malaman na inlove kana? Swerte ni Aki kong ganito lang naman si drew.


"! Anong mapapala niya sayo drew?? Your always flirting girls and it might hurt Aki. Ayokong masaktan ang bestfriend ko. Mahal ko siya masyado" tama ba ako na hahadlang sa kanila samantalang kaibigan lang niya ako. Maykarapatan ba ako?


"Mahal ko siya. I stop flirting cause of her." Nakakaawa naman ang mukha nitong taong to. Ganito ba talaga niya kamahal si aki


"Okay. Promise me dont ever hurt her."banta ko sa kanya


"I wont promise everything but only to love her"


Nganga  nanaman ako paglove ang pag uusapan. Ganoon ba? Sabagay may na ngangako pero hindi naman tutuparin.


"Nga pala gela know your feelings. Use your heart sometimes" iniwan nanaman ako na may questionmark sa utak..


Pumasok ako sa classroom at hinanap si aki. Kailangan ko siyang makausap. Nakita ko siya sa isang sulok na nag iisa. Nakakaguilty ako ang dahilan ko bakit ganyan siya. Nilapitan ko siya at niyakap.


"I miss you bestfriend" ako


"Sorry talaga. Gela nagmahal lang naman ako. Sorry" mangiyakngiyak niyang wika


"Shhhhh its okay. Di kasi kita naiintindihan dahil wala pa akong experience haha" at nagtawanan kami na parang wala lang


"Okay na sayo promise? ?" Siya


"Yeah wag kalang niyang saktan dahil patay siya"


"Hi aki, gela good morning" its Ze yumoko ako para di niya makitang naiilang akong kausapin siya


"Morning then Ze. "Aki


"Nga pala gela hindi ko sinabi yung kagabi para mailang ka ngayon" at umupo na siya sa kanyang assign sit


"Ano yun gela baka pwede naman magshare dyan" aki


"Ano kase.(sabay kamot sa aking batok) nagtapat si Ze sa akin" ako


"WHAT???" Sigaw ni aki na ngayon ay gulat na gulat. At pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin.


"Pero friend di mo pabaramdam na mahal ka niya noon paman??? Ako kasi ramdam ko na iba ang tingin niya sa akin at sayo. Yung sayo ay more than friend.  Sabagay di mo talaga mararamdaman dahil manhid ka haha" realtalk na yata to. Talagang manhid na ako?


Reses time.


Sabay kaming tatlo na pumunta ng canteen. Inalis ko yung barrier na ilangan namin ni Ze. Wala akong schedule after Reses kaya pwedi akong tatambay sa garden ng school mamaya.


"Hanap na tayo ng mauupuan?" For sure gutom nanaman tong si aki kahit Reses palang


"Wala na ata tayong mauupuan??" ZE


Nakita ko si kane at ang barkada niya at at may  vacant sit pa naman kaya lumapit ako sa kanila.


"Can we join?" Tanong ko sa kanila


"Oi gela kaw pala. Upo kayo." James


Nauna ng umupo si aki sa tabi ni drew. At ako naman sanay uupo sa tabi ni james pero ayaw raw niya katabi ang babae gusto daw niya lalaki. Kaya umupo ako sa tabi ni kane. Pansin ko ang tahimik niya at ngayon naglalaro lang siya sa kanyang phone.


"Anong order mong snack gela ibibili kita" Ze


"Burger and softdrink na Ze thanks" tumayo sila lahat except kane. Ayaw daw mag order ni drew kong wala si aki. At si james naman mag order daw sa kanyang sarili.


"Ayaw mong mag snack?" Tanong ko sa kanya dahil wala na ata siyang balak bumili ng pagkain niya.


"Patulog nalang" pinatung niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Kaya hindi ako makagalaw. Pero para akong natutuwa sa kanyang ginawa. Tingin ko gusto  ng tatalon ang puso ko.


"Ahem" nandito na pala sila at lahat sila nakatingin sa akin or should I say  sa amin.


"Kane gising" niyugyug ko siya para magising.


"Tsk distorbo" kane


"Ito na gela kain na pagod ka ata sa unnecessary na ginagawa ng isa dyan" nagpaparinig ata tong si Ze kay kane. Ayoko pa naman ng gulo


"Saan kaba ngayon gela wala naman tayong schedule ngayon" tanong ni aki habang nilalantakan ang kanyang pagkain


"Ewan ko" habang kumakain ako ng burger ay inagaw ito ni kane at kampanting kinakain.


"Oi ano yun chan indirect kiss??" Drew


"Pagkain ko yun ah. Pwede ka naman bumili doon" pagmamaktol ko


"Sos pashare pati narin softdrink" ininum niya ang natira kong drinks. Nang init ata ang mukha ko nito.


"Hokage moves yan chan" james


"Mga olol maka alis na nga" nag walk out ang lolo. Haha


Pagkatapos namin nagsnack kanya kanya na kami dahil may ibat ibang gagawin. Ako pupunta ako sa garden. Gusto kong mapag isa.


"Saan ka ngayon gela samahan na kita" Ze


"Wag na Ze gusto ko munang mag isa ngayon sorry" paliwanag ko sa kanya


"Okay. Bye take care"


Pagpunta ko sa garden may napansin akong lalaki na nakahiga sa bermuda. Studyante rin ito sa tingin ko dahil naka uniform.  Nang malapit na ako nalaman kong si kane pala ito. Parang kulang ata ang tulog ng taong to dahil kanina pa ito inaantok. Dahan dahan ako umupo sa kanyang tabi para man lang hindi siya magising.


Paunan ha. Gising pala ang loko. Ginawa niyang unan ang aking legs. Para tuloy kaming magkasintahan. At ang puso ko nanaman at tumatalon sa tuwa. Hindi ko alam bakit. Tinitigan ko siya habang nakapikit. Ang pinkish niyang lips.  Matataas niyang pilik mata  at matangos niyang ilong. Bigla nalang siyang dumilat at nagkatitigan kami. Naramdaman ko nalang na hawak2x niya ang batok ko dahilan paka yumuko ako at abot niya naman ang mga labi ko. He kiss more passionately.  And I respond to all his kisses.  Sinabayan ko ang galaw ng kanyang labi. Our kiss become deeper until nawalan kami ng hangin.


"I love kissing you. I want to kiss you everyday." Habang akoy nanginit na ang mukha at nahihiya siya naman ay pumikit na ulit. Nagmukha tuloy akong tanga.


Ze's pov


Masakit ang makita siyang masaya sa iba pero wala akong magagawa. Sinundan ko siya kanina dahil gusto kong malaman kong saAn siya pupunta.


Pero ang makikita ko lang pala ay babasag sa aking pagkatao. They're kissing while I'm looking secretly. Gusto kong suntukin si chanlee pero wala akong karapatan. Nakita ko kong gaano titigan ni gela si chanlee yung titig na may pagmamahal.





Two update for a day. Huhu thanks. More readers sana. Sorry sa grammar and typos I promise mag edit ako pagtapos na tong story.

Comment