Chapter 2

Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi niya. Ikot ako ng ikot rito sa kama ko.


“Timothy! Ano ba yan?! Ikot ka ng ikot! May trabaho pa ‘ko bukas oh!” sigaw sakin ni ate mula sa baba neto’ng double deck.



Napabuntong hininga ako, “Sorry te..” sabi ko na lang.



Hindi na siya nagsalita. Naawa ako kay ate, dalawa lang kaming anak ni Mama at wala na si Papa. Pero, parang siya na ang magulang saming lahat.




Natatakot ako sa kalagayan ni Joy, ano bang sakit niya?



Aish! Lalo tuloy akong nagkaka interes sakaniya at nag aalala!



----



Author’s Point Of View


(Di ko type bigyan ng POV’s si Joy eh ehehehe, sori aken! labyu! Read ka na uli!)



Nauwi na si Joy sa kanilang bahay at nadatnang umiiyak ang kaniyang pamangkin na si Dale.



Nilapitan niya eto agad at tinanong, “Bakit ka umiiyak, dale?” sabi neto at inayos ang gulo gulo netong buhok.



“S–Si.. papa po!” sabi ng bata at umiyak na naman ng malakas.



Nangunot ang noo ni Joy, “Anong ginawa na naman ng papa mo?” si Joy.




Iyak pa rin ng iyak ang bata, “Nibugbog niya po si mama! huhuhuhuhu!” iyak ng iyak ang bata.



Napairap si Joy at napabuntong hininga, hinarap niya si Dale at pinunasan ang mga luhang nag uunahan. “Doon ka na muna sa kwarto ko, Dale. Sige na, pupuntahan ko ang Mama’t Papa mo ha?” sabi neto at hinaplos ang buhok ng bata.



Iyak pa rin ng iyak si Dale, “Tita ayoko po.. baka po.. bugbugin rin po kayo..” sabi ni Dale.



Ngumiti ng pilit si Joy, “Takot lang non sakin..” biro neto’t nag lakad na.




Pinuntahan ni Joy ang ate niyang si Riza. “Ate?? Ate???” tawag ni Joy ng makarating eto sa bahay nila.



“J–Joy..” sabi ng ate neto habang umiiyak.




Agad siyang nilapitan ni Joy, “Ate! Ate naman? Ano na naman pinag awayan niyo?! Ate! Hiawalayan mo na kasi yung hayop na yon!” sabi ni Joy at niyakap ang ate niya. “Pati ang mga bata ate! Natatakot na sa papa nilang demonyo! Hiwalayan mo na yan! Tutal wala ka rin naman napapala jan!” sabi ni Joy.



Umiiyak pa rin ang ate niya. “H–Hindi pupwde, Joy. Mawawalan ng A–Ama ang mga anak ‘ko, Joy. Ayoko non—” hindi pinatapos ni Joy ang ate niya.



“So! Gusto mong nabubugbog ka ate?! Ha! Mas gugustuhin mo pang buo pero puro latay ka kesa hindi kayo buo pero maayos ka! Ganon ba yon Ate?!” hindi napigilan ni Joy na magtaas ng boses sa kapatid.




Iyak ng iyak si Ate Riza niya. Napapailing si Joy at hindi alam ang gagawin.




--




Timothy’s POV’s



“Joy! Nagdala ako ng kanin para sating dalawa!” masayang sabi ko kay Joy ng magrecess na.



Mapakla siyang ngumiti, “Salamat!” sabi niya.



Nangunot ang noo ‘ko at naupo sa upuan at inilapag ang mga pagkaing dinala ‘ko.



Naupo rin siya sa harap ‘ko, “Okay ka lang ba, Joy?” tanong ko habang inaayos ang mga pagkain.




Ipinatong ni Joy ang kanyang dalawang siko sa lamesa at inisaklob sa kaniyang ulo.




“Hindi.. hindi ako okay,” sabi ni Joy.



Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit?



“H–Ha? Bakit Joy? Anong nangyari?” sabi ko.



Tinignan ako ni Joy, napalunok ako sa mga tingin niyang yon.


“Magiging selfish ba ‘ko kung sasabihin kong pwde bang wag mo ‘kong iiwan ngayon? kailangan ko ng kasama..” sabi niya at nagbaba ng tingin sa inilagay kong tupper ware sa harap niya.




Napalunok ako, alam kong may problema siya. At, kinakabahan ako na baka hindi na niya kaya..




“Hindi ka magiging selfish kung yun ang gusto mong sabihin sakin, payag ako. Hinding hindi kita iiwan,” sabi ko.




Ngumiti siya. “Salamat,” sabi niya at kumain na.



Hindi na ‘ko nagtanong kung ano bang problema niya dahil baka umiyak pa siya rito. Ayoko siyang umiyak.



— Black_Lover1625

Comment