CHAPTER 17: MEKAYA KA BA?

AUTHOR's NOTE:

SHOUTOUT TO MY 7 FOLLOWERS, NAPAKA-SOLID N'YO!🤙🤙

Thank you rin sa mga new readers ko at sa mga nag-co-comment sa story ko, I really appreciate your effort and time sa pagbabasa ng story na 'to. Enjoy reading pooo.💛




******************************

COLET's POV


2 AM na kami nakauwi galing sa bahay ni Jhoanna, tumila na rin ang ulan, at agad akong humiga sa aking kama.




Napatitig ako sa aking wrist na hawak ni Jhoanna kanina.






When can I hold your hand again?






Kailan ako magkakalakas-loob na mahawakan ang kamay mo, Jho?








Sobrang linaw pa rin sa isip ko ang nangyari no'ng nagulat siya.






As I closed my eyes, I saw the way we locked our stares, no blink, and I can still feel her warm breath that every inch of her face is a crystal clear in my eyes.






Until I fell asleep.














THURSDAY na ngayon at magdadalawang-araw ng hindi ako pinapansin ni Chie dahil sa hindi ko pagpunta sa birthday ng kaniyang pinsan. Umuwi  rin pala agad si Mikha no'ng time na 'yon at hinatid niya si Zeph sa kanila.



At pansin kong magdadalawang-araw na rin na hindi masyadong nag-uusap sina Mikha at Zeph matapos no'ng birthday party.




Since may dalawang building ang school namin, ang unang building na madadaanan ay para sa Kinder hanggang Elementary Department habang ang ikalawang building naman ay para sa Secondary to Senior High School Department.




Nasa may gate ako ngayon nang ikalawang building, bitbit ang isang kahon ng cake para suyuin na naman si Chie.







"NAKS NAMAAAN!" Bungad ng anim na kakarating lang din sa school. "Aba! May nililigawan na pala si Colet." Inosenteng pang-aasar sa akin ni Gwen at nagtinginan sina Sheena, Maloi, Stacey, and Aiah habang nasa likuran naman sina Jhoanna at ang unggoy ay este si Taneo pala.




"Goodmorning, Girls!" Bati ko sa kanila at inisa-isa silang bineso maliban kay Jhoanna na nakasimangot.




"Ikaw, Colet, ha! Hindi mo naman sinabi sa amin na LI-LI-GA-WAN mo na pala si Chie." Pang-aasar din ni Maloi na parang nagpaparinig.



"BOANG! Nakikipagbati lang, sasama ng mga utak ninyo. Pasok na kayo!" Pagtataboy ko sa kanila.

"YIIIIIIIIIIEEEEEEE!" Pahabol pa nilang pang-aasar maliban kay Mikha na parang ang lalim ng iniisip saka sila tuluyang pumasok.


"MAHIWAGANG SALAMIN KAILAN BA NIYA AAMININ, KANIYANG TUNAY NA PAGTINGIN YIE!" Maloi and Aiah singing in chorus habang paakyat patungo sa kanilang classroom kaya nagtinginan na lang kami ni Gwen saka napailing.





"Babe, what's wrong?" Anang Taneo nang biglang kinuha sa kaniya ni Jhoanna ang kaniyang bag.






Problema no'n?






Nang matanaw ko na sa malayo si Chie ay agad akong lumapit sa kaniya. "Goodmorning!" Wearing my smile. "For you." Sabay abot ko sa kaniya ng cake na dala ko. "I'm full." Cold niyang sabi saka nilagpasan ako. "Chie naman, sorry na nga kasi, babawi ako sa'yo."



She stopped and faced me. "Babawi ka?" She repeated and I nodded na hindi inaalis ang ngiti sa mukha ko. "Kung gano'n dapat magkatabi tayong matutulog mamaya." 



"W-what?" Napatigil ako. "Ayaw mo? Okay." Saka siya naglakad ulit ngunit pinigilan ko siya sa paghawak sa kaniyang braso.

"No, I mean..." Tumungo ako sa kaniyang harapan. "I want to do that, Chie, para makabawi sa'yo pero hindi ko alam kung papayagan ako kasi napag-usapan na namin with our bosses na doon kami sa'ming training room matutulog mamaya." Bigla siyang na dismaya sa aking pagpapaliwanag. "No worries, I will update you agad kung pinayagan ba ako o hindi, ayos lang ba?"



Hindi na siya sumagot bagkus ay niyakap niya ako saka inabot ang cake. "Thank you for this, Baby." Gumaan na ang aking pakiramdam nang banggitin niya ulit 'yon.













Natapos ang morning class namin at exactly 11:00 AM. 

"Ate Colet, sama ka sa lunch namin?" Tanong ni Sheena habang nagliligpit ako ng aking mga gamit. "Susunod na lang ako, Bunso, sasamahan ko muna 'tong dalawa si Zeph at Chie." Tumango-tango naman siya.



"I'll go with you." Pagsasalita ni Mikha referring to Sheena. "Yeheeey! Let's go, 'Te Mikhs."



Mikha tapped my shoulder saying mauuna na siya bago ito sumunod kay Sheena, at tumango naman ako.



Nagtapon ako ng tingin kay Zeph na abala pa rin sa pagliligpit ng kaniyang gamit.





What's wrong with them? Mukhang may problema ang dalawa.












*AT CANTEEN*


Pagkapasok namin sa canteen, Chie suddenly intertwined our fingers kaya napalingon ako sa kaniya at ngumiti lang siya.




Sorry, Chie, I can't love you the way I love Jhoanna.






"COLET!" Tawag sa'kin ni Gwen kaya lumingon ako sa kabilang mesa na kanilang inuupuan.




Napansin kong Jhoanna took a quick look sa magkahawak na kamay namin ni Chie saka agad siyang tumayo at tumungo sa counter na walang emotion.






ANO BANG PROBLEMA NG MGA TAO NGAYON, LORD?






Napabuntong-hininga ako habang papalapit kami sa mesa no'ng anim. "What's up, Girls!" I greeted them nang makalapit kami sa kanila.


"Dito na kayo sa mesa namin." Pagyaya ni Aiah sa dalawa ngunit hindi pa rin nagtitinginan sina Mikha at Zeph. May problema nga ang dalawa.


 "No, Ate Aiah, we're fine naman sa kabilang mesa." Zeph said and smiled. "Hihiramin ko muna si Colet saglit ha." Pagpapaalam ni Chie na siyang dahilan para magtinginan sina Maloi, Sheena, and Stacey na para bang hindi sila sang-ayon.


"Naku! Sa'yong sa'yo na si Colet, Chie!" Pagsasalita ni Gwen na ikinangiti naman ni Chie, ngunit napaiktad  siya bigla nang kurutin siya sa gilid ni Sheena. "ARAY ARAY! Bebe, what's wrong?" She pouted to Sheena na siyang ikinatawa namin.






Dinilatan ako ni Maloi, ngunit hindi ko siya maintindihan. Naonsa ni siya! (Anyare sa kaniya!)






Nang biglang dumaan si Jhoanna mula sa likuran namin at doon ko pa naintindihan ang ibig niyang sabihin.












Nasa Training Room kaming walo ngayon dahil hinahanda namin ang aming mahihigaan para mamayang gabi, kakausapin ko pa si Chie mamaya na hindi talaga ako pinayagan ng manager namin na sa ibang classroom ako matutulog.



Buti na lang din, our afternoon teachers declared na wala munang dicussions ngayon at ibinigay ang kanilang oras para sa Variety Show na gaganapin bukas.






"Hey, Mikhs, dito!" Tawag ko sa kaniya dahilan para lumapit siya sa akin at inilapag ang kaniyang bag. "Hey." Walang gana niyang sambit.


"Sus! 'Yang ganiyang mukha talaga, spill the coffee nga." Habang nilalabas namin isa-isa ang aming mga gamit.


"It's your BESPREN." Pagsisimula niya kaya napahinto ako at napatingin sa kaniya.


"Si Zeph? Ah! Bantog diay ha! (Kaya pala ha!)" Sambit ko at tumango naman siya. "What's with her, then?"


"You still remember di'ba?"


"Actually, hindi." Binatukan niya ako. "AGAY! (ARAY!) Joke lang naman!" Saka ngumisi ako kasi masyado siyang seryoso. Pinapatawa ko lang.


"I'm not done pa, Col, listen to me first." She sighed kaya umupo ako nang maayos para makaharap siya.


"Ang tagal naman!" Pagrereklamo ko at akma na sana niya akong babatukan ulit ngunit umiwas ako. "Mikhs naman! Tropa tayo, ano ka ba!" At ngumisi na naman ako.


"So, eto na nga. You still remember di'ba na Chie invited us sa birthday ng pinsan niya. Maaga kaming umuwi no'n ni Zeph kasi na-bo-bored kami at malakas din ang ulan no'ng time na 'yon." She stopped and sighed again.


"Oh? Tapos?"


"Nang makarating kami sa kanila, she suddenly confessed her feelings for me."


"What!? Seryoso ka?"


"Do I look like joking ba?"


"Hindi pero... Sa bagay, halata naman."


"What do you mean?"


"Nahahalata kong she likes you."


"What!? And you didn't even bothered na sabihan ako! Hindi ko nga napansin eh."


"Why would I? It's not my place din naman sabihin 'yon no." Napabuntong-hininga siya ulit after I said that. "Ano ba sinabi mo sa kaniya?"


"I said..." She stopped at tumingin kung saan kaya nilingon ko kung saan siya nakatingin. It's AIAH. "I said, I like someone else at kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, then I said sorry to her."


Tumango-tango ako. "Ahh, you like Aiah kaya you rejected Zeph."

Pero agad niya akong hinampas sa braso. "Your  voice, Col! Baka may makarinig." Saway niya sa akin but I just chuckled.


"That's fine, Mikhs, just give her time and space." Bagsak ang kaniyang mga braso after I said that. "Matagal ko na ring alam 'yang feelings mo kay Aiah." I added na siyang agad na nagpaangat ng kaniyang tingin sa'kin.


"Weh? I didn't share naman sa'yo ah!"


"Kahit hindi ka pa mag-share ay nakikita ko. MIKHAIAH 'to no!" Sabay turo ko sa aking sarili. "MEKAYA KA BA?" At pagbibiro ko naman sa kaniya na siyang ikinatawa niya.











TO BE CONTINUED...

Comment